CHAPTER 23

Nakaupo si Dyllan sa kama habang inaantay ang paggising ni Kelly. Nakayakap ang isang braso nito sa baywang niya. Nakatitig lang siya dito habang mahimbing itong natutulog.

Marahan niyang hinaplos ang buhok nito, napapangiti siya habang nakatitig dito. Kakaiba ang nararamdaman niya ngayon, masayang-masaya siya. Kahit na kailan hindi pa niya naramdaman ang ganitong kasayang pakiramdam.

Biglang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at marahang umungol na mukhang nagising na. Unti-unti nga itong dumilat, hindi kumikilos na parang naalimpungatan o pinapahinga ang sarili sa malilim na pagtulog.

Mga ilang minuto nakadilat lang si Kelly, hanggang sa unti-unting nag-angat ng ulo ng maramdaman ang isang masuyong paghaplos sa buhok niya.

Pag-angat ni Kelly ng mukha para tignan ang taong humaplos sa ulo niya nakangiting mukha ni Dyllan ang nasilayan niya.

"Kuya bestfriend!" Napabalikwas siya bigla sa gulat at agad na inayos ang mukha, tumalikod siya dito. Parang bigla siyang nakaramdam ng ilang dito.

"Hey Kelly! What did you call me?" Dyllan asked

"Kuya besffriend" She mumbled

"Hay Kelly, hindi magandang endearment yon para sa boyfriend." She quickly turned to face him.

"boyfriend" Medyo nanglalaking matang wika niya.

"Yeah, don't you remember what happened last night? sinagot mo kaya ako kagabi." Nakangising saad nito.

"Ha! Nangliligaw ka ba?" Bahagyang tumikwas ang perpektong kilay nito.

"Aah! oo nga pala ako ang nag I love you too sa'yo kagabi."

"Shut up!" Natawa ng malakas si Dyllan at muling tumalikod si Kelly.

Bigla na lang siyang niyakap ni Dyllan mula sa likod niya dahilan para mapapikit siya at pakiramdam niya nanigas ang buo niyang katawan. Pinatong pa ni Dyllan ang baba sa balikat niya.

"Biro lang." Bulong ni Dyllan. Hinawakan pa nito ang kamay niya habang nakayakap.

"Pero tayo na diba? You told me, you love me. Hindi naman siguro dahil lasing ka lang o pinag tripan mo lang na naman ako." nakagat ni Kelly ang ibabang labi niya at tumikhim.

"I... I meant it." She said, almost whispered. Napangiti si Dyllan ng husto at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"I love you Kelly" Dinikit nito ang labi sa gilid ng ulo niya. Napapikit si Kelly sa sobrang kilig pero may naglalaro sa utak niyang kapilyahan na naman.

"I love you too Dyllan.... But it doesn't mean that we are officially together." Mabilis na bumitaw sa pag kakayakap si Dyllan sa kanya at mabilis siyang hinarap.

"What!?"

"Ano 'yon? ganun ganun na lang. swerte mo!" Biglang parang nanglumo si Dyllan sa sinabi niya, pero ngumiti pa rin. Kasi kahit papaano alam niyang may pag-asa na siya kay Kelly.

"I will court you."

"No, no, no! You don't have to." Lalong naguluhan si Dyllan, at doon parang binagsakan na talaga siya ng mabigat na bagay.

"You mean, wala talaga tayong pag-asa. Kelly naman." Hinawakan nito ang kamay ni Kelly.

"Kelly naman, give me a chance please! wag naman busted agad. Ang labo naman eh. Sabi mo mahal mo ako."Para namang gustong lumukso ng puso ni Kelly sa nakikitang reaksyon ni Dyllan.

"I really do Dyllan, Kaya nga hindi mo na kailangan pang manligaw." Binigyan siya ng titig ni Dyllan na punong-puno ng tanong.

"Do you still remember noong mga bata pa tayo, noong nasa island tayo. Diba, ginawa ako ni dad ng malaking sand castle, pero sinira mo kaya maghapon akong umiyak."

"Hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Doon lang talaga bumagsak ang bola."Depensa ni Dyllan.

"And you have promised me, na gagawan mo ako ng castle, pero hindi mo naman ginawa." Ngumiti si Kelly ng nakakalokong ngiti.

"And now, I want you to make me a sand castle. A huge one. Kapag nagawa mo 'yon. Tayong dalawa na, agad agad."

"Talaga!?" Tumago-tango si Kelly.

"Okay, 'yon lang pala eh! Kayang-kaya ko 'yon."Kompyansang sabi nito.

"Okay, sabi mo eh!"

"By the way, si ninong pala, ang daming tawag kagabi hindi ko nasagot. Lagot ako nito Kelly." Kitang-kita ni Kelly ang pag alala sa mukha nito.

"Akala ko ba kapag takot kay dad, hindi ko dapat sagutin."

"Sinabi ko bang takot ako. Ako pa!" Pinalo pa nito ang dibdib. Natawa naman si Kelly sa ginawa nito.

***

Pagkatapos mag almusal ng grupo sinimulan ni Dyllan ang pag gawa ng sand castle. Siguro mga dalawang oras na siyang gumagawa dito. Tirik na rin ang araw. Ang hapdi na ng likod niya dahil sa init ng araw. Pero ayos lang 'yon sa kanya ang importante magawa niya ito dahil isang maganda ang kapalit nito kapag natapos at napagtagumapayan niya.

Nilingon niya ang grupo na prente ang pagkakahiga sa beach chair na magkakahilera.

"DUDE! KAYA PA!?" Sigaw ni Zack. Pinalo lang ni Dyllan ang dibdib niya bilang sagot sa tanong nito at muling hinarap ang ginagawa.

Pero biglang parang nag-init ang ulo niya ng biglang may tumamang bola sa sandcastle at nasira ito.

"Hey! Look what you've done!" Singhal niya sa isang lalaking nakatama ng bola.

"Sorry bro! Hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin nito at kinuha ang bola.

"This is important! How do I fix it now? Damn!" Talagang mainit na ang ulo niya dahil kanina pa siya dito pero kalahati pa lang ang nagagawa niya.

"Enough Dyllan." Natigilan siya ng biglang magsalita si Kelly at yumakap mula sa likod niya.

"That's enough!" Pinilig niya ang ulo niya para tignan ito.

"Pero hindi pa tapos, nasira pa." Nasa boses nito ang inis pero malumanay itong nagsalita.

"It's okay, nag-effort ka naman."

"Hindi pwede Kelly, gusto talaga kitang maging girlfriend. Seryoso ako, mahal na mahal kita. And I will do everything."

"Mahal din kita Dyllan. Mahal na mahal, okay na. I'm your girlfriend now." Natigilan si Dyllan sa narinig. Agad nitong inalis ang kamay ni Kelly na nakayakap sa baywang niya at hinarap ito.

"What did you say?" Tanong niya na parang sinisiguradong hindi siya nabibingi lang.

"Oo na, tayo na." Agad na hinawakan ni Dyllan ang mukha ni Kelly.

"Totoo!? Totoong totoong totoo." Nakangiting tumango si Kelly.

"Wala ng bawian Kelly ah." Natawa si Kelly sa sinabi nito.

"Wala ng bawian, you and me are officially together." Sabi nito at tinuro pa si Dyllan at ang sarili niya.

Agad siyang niyakap ni Dyllan at binuhat sabay ikot sakanya nito. Natawa lang ng malakas si Kelly, muli siyang binaba nito at hinawakan ang mukha niya.

"I love you Kelly, I promise that I will be a good and the best boyfriend."

"Dapat lang, once na may ginawa kang kalokohan. I will never forgive you."

"Hinding-hindi ako gagawa ng kalokohan. Takot ko lang! I love you Kelly."

"I love you too!" Bumababa ang mukha nito at marahan siyang hinalikan sa tungki ng kanyang ilong.

"Wait! Let's take a picture." Hawak nito ang cellphone ni Dyllan.

"Ikaw kumuha! Isama mo ang sand castle." Binigay niya kay Dyllan ang cellphone. Inakbayan siya nito at pinagdikit nila ang mga pisngi nila.

"May I see." Tinignan ito ni Kelly.

"This is perfect, u-upload ko 'to ah." Ngumiti lang si Dyllan at hinalikan ang ulo niya.

"#perfect couple, #We're officially together." anito habang nag-t-type tsaka in-upload ang picture nila.

"Yan okay na."

"Tara na!" Inakbayan siya ni Dyllan at nagpunta sila sa grupo.

"So, kayo na?" Mahra asked. Tumango lang ang dalawa at nagtinginan. Binati naman sila ng lahat.

***

Samantalang sa bahay nila Kelly halos mag wala na ang daddy nito. Tinawagan nito si Dyllan at sa wakas ngayon at sinagot na ang tawag niya.

"Hello ninong."

"Dyllan! Where's Kelly? Saang resort kayo nandoon at pupuntahan ko kayo." Palakad-lakad ito sa living room. Nandoon din ang mommy at daddy ni Dyllan.

"Dyllan baby wag mong sasabihin kong asan kayo ah!" Sigaw ni Cassie. Agad itong tinignan ni James ng masama.

"Loud speaker mo James." Sabi ni Cassie na hindi man lang nag patinag sa titig ni James.

"Sige na para marinig namin." Ginawa naman ni James ang utos ni Cassie.

"Ninong uuwi naman po kami bukas." Sagot ni Dyllan sa kabilang linya.

"Where's Kelly, bigay mo ang phone, kakausapin ko." Utos nito.

"Yes dad!" Masiglang sabi ni Kelly sa kabilang linya.

"Kelly, anong kalokohan na naman ba ang ginawa mo? Saang resort yan? susunduin kita."

"Nothing to worry dad. Bukas po ang uwi namin. And my boyfriend is taking care of me."

"BOYFRIEND! WHO!?" Talagang lumakas na ang boses nito. Napatayo naman si Chelsy at Cassie sa narinig.

"Dyllan and I are officially together now." Kelly announced, everyone was shocked by Kelly's statement.

"Kelly! Anong sinasabi mo?"

"Dad low-bat na. Bukas po uuwi na kami. Bye dad!" Magsasalita pa sana si James ng mamatay na ang phone.

"Aaah! Oh my god! Oh my god! Sabi ko na nga ba. Nagkakagusutuhan talaga sila eh." Halos mag titili si Cassie.

"Cassie, saang resort sila nandoon?" Tiim bagang na tanong ni James. Nagkibit balikat lang si Cassie.

"Cassie hindi ako nakikipag-lokohan ah! Babae ang anak ko, kapag may ginawang kalokohan ang anak mo sinasabi ko sayo mag susulian tayo ng kandila." Talagang seryoso at nagtatagis ang ngipin ni James sa inis.

"O.A! Ayaw mo n'on, kung sakali man, edi mag kakaapo na tayo." Cassie said and chuckled.

"SHUT UP!" Bulyaw ni James dito, tinawanan lang siya ni Cassie ng malakas.

"Ang praning mo kasi, walang gagawin si Dyllan kay Kelly. Kilala ko ang anak ko James. Utang na loob wag kang praning." Marahas na napabuga ng hangin si James at napaupo na lang sa sofa.

***

Masayang nag k-kwentuhan ang grupo habang nakaupo sa beach chair. Madilim na ang paligid, pero sa pwesto nila ay maliwanag dahil may poste na malapit sa kanila.

"Tara swimming tayo." Pag-aaya ni Rebecca. Nakaupo naman si Dyllan at Kelly sa iisang beach chair.

Gusto mo bang mag-swimming?" Tanong ni Dyllan kay Kelly.

"Tara" Tumayo si Kelly at Dyllan. Hinubad ni Kelly ang suot niyang cover-up.

"Kelly isuot mo nga yan." Sita sa kanya ni Dyllan at kinuha ang cover-up sa kamay niya at muli itong sinuot sakanya.

"Dyllan naman eh! gabi na naman eh." Nakanguso nitong sabi.

"Kahit na! Asan ba kasi ang binili ko sa'yong swimwear?"

"Hindi swimwear 'yon. Ang conservative mo naman eh. Sila nga oh! tignan mo." Tinutukoy nito ang tatlong babae na sexy swimwear ang mga suot.

Binili naman kasi siya ni Dyllan ng pang-swimming daw niya, isang pangbabaeng board short at isang sando. Dahil ayaw ni Kelly 'yon, bumili siya ng two piece.

"Sila 'yon, bata ka pa." Napa-tss na lang si Kelly. Pero napangiti siya ng tumalikod ito ng kausapin ito Von. Agad na hinubad ni Kelly ang cover-up niya at binato sa ulo ni Dyllan. Sumabit ito sa ulo ni Dyllan. Agad na lumayo si Kelly na tumatawa.

Kunot noong inalis ni Dyllan ang sumabit sa ulo niya at nilingon si Kelly.

"Kelly bumalik ka dito! Isuot mo 'to!" Sigaw ni Dyllan.

"Ayoko! ang lolo mo talaga eh." Tumakbo na si Kelly papuntang dagat na naka-two piece lang.

"Pambihira! KELLYY!" Malakas niyang tawag at tumakbo para puntahan ito. Natawa na lang ang grupo sa dalawa.

Nasa tubig na si Kelly at nasa dalampasigan naman si Dyllan.

"Kelly bumalik ka nga dito!"

"Ayoko! Bahala ka d'yan, LOLO! Ahaha!" Napakamot si Dyllan dahil tumawa pa ito ng pag-kalakas-lakas.

"Ayaw mo ah!" Patakbong lumapit sakanya si Dyllan. Tumakbo naman si Kelly palayo na tawa ng tawa. Pero inabutan ito ni Dyllan at hinawakan ito baywang.

"Huli ka! Sinong lolo ah!" Tawa ng tawa si Kelly habang yakap siya ni Dyllan mula sa likuran.

"Lolo ka naman talaga eh! Ang conservative mo." Pinihit siya ni Dyllan paharap at hinapit ang bewang niya. Nakahawak naman siya sa balikat nito.

"Masyado kang maganda at sexy eh, kaya ayaw kong na-e-expose ka. Masyado kang agaw pansin."

"Tsk. Paano yan? Balak ko pa naman mag-cover sa seduction mag-"

"Don't you dare! I swear magagalit ako sa'yo." Putol nito sakanya.

"Tss. Parehas na parehas kayo ni dad no?"Hinila lalo siya nito palapit sa katawan nito.

"We're just protecting you." Hinaplos nito ang pisngi ni Kelly, mas niyakap naman ni Kelly ang mga braso niya paikot sa batok nito.

"Nalulunod ako Dyllan." She said

"Huh?"

"Nalulunod ako sa titig mo." Napangiti si Dyllan sa sinabi nito. Nilapit pa nito ng husto ang mukha sa mukha ni Kelly.

"Gusto kitang halikan Kelly." Halos pabulong nitong sabi habang nakatitig sa mga labi nito. Hindi sumagot si Kelly, sa halip ito ang humalik kay Dyllan. Isang damping halik ang pinagkaloob ni Kelly dito.

"Remember the day that I kissed you, sabi ko sa'yo. I kissed you co'z I hate you... Now Dyllan, I kissed you co'z I love you." Hinawakan ni Dyllan ang likod ng ulo niya at hinalikan siya ni Dyllan sa labi.

Isang masuyong halik, gumanti naman si Kelly sa paghalik dito. Masaya silang pareho, lalo si Dyllan na sobrang tagal na tinago ang nararamdaman niya para kay Kelly.

Tumigil sila sa paghalik at marahang niyakap ni Dyllan si Kelly.

"Kung alam mo lang Kelly kung gaano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal kita. Sana na naman wag kang sumpungin at biglang sabihin na hindi mo ako mahal." Natawa si Kelly sa sinabi nito at pinalo ito sa likod.

"Sumpungin ba ako?" Natatawang tanong nito.

"Yeah! Sobra." Anito na bahagya pang natawa. Hinigpitan ni Kelly ang yakap dito.

"I promise na kahit sumpungin ako, hinding-hindi ko sasabihin hindi kita mahal." Hinigpitan din ni Dyllan ang pagkakayakap dito.

**

Nakahiga si Dyllan at Kelly sa kama, nakatihaya parehas at nakatingin sa kisame. Si Dyllan naman nauunan ang sariling mga kamay niya.

"Kelly" He calls her name.

"Hmm" Bumuntong hininga si Dyllan, tumagilid ito ng higa at humarap kay Kelly. Humarap din si Kelly dito.

"Bakit?" Kelly asked.

He puts his forefinger on his lips at bahagyang ngumuso. Natawa naman si Kelly ng makuha niya ang gustong sabihin nito.

"Ano 'yon?" Kunyaring tanong niya.

"Matutulog na tayo diba?"

"So..."

"Good night...mm." anito ni muling tinuro ang labi.

"Good night Dyllan." Nakangiting sabi ni Kelly.

"'yong hmm.." Muling tinuro nito ang labi.

"Pwede ba Dyllan mag salita ka nga! Ano ka feeling torpe? sapakin kaya kita d'yan."Napakamot si Dyllan sa sinabi ni Kelly.

"Init naman ng ulo! Good night kiss."

"Ang arte kasi eh! mmm!" Ngumuso si Kelly bilang pagpayag sa good night kiss na hiningi ni Dyllan.

Napangiti naman si Dyllan at mabilis na umusog kay Kelly. Hinawakan nito ang kabilang pisngi ni Kelly at dahan-dahan na nilapit ang mukha sa mukha nito.

His lips pressed against her. Their lips move gently. She closed her eyes and feel his skilled lips. Pinikit din ni Dyllan ang mga mata niya at dinama ang malambot na labi ni Kelly. They feel the moment and savor each other lips.

Ang kamay ni Dyllan na naka hawak sa pisngi nito ay humaplos balikat at bumababa sa bewang.

Hinapit niya ito sa bewang, napahawak din si Kelly sa batok ni Dyllan. Ang dapat na simpleng halik lang ay lumalim dahil sa pagtugon ni Kelly sa halik ni Dyllan. Umangat si Dyllan mula sa pag kakahiga at napatihaya naman ng higa si Kelly, still locking their lips.

Bahagyang humigpit ang hawak ni Dyllan sa baywang niya. Humaplos ang kamay niya sa baywang nito. Medyo tumaas ang t-shirt na suot ni Kelly dahil sa mga haplos ni Dyllan.

Naramdam niya ang balat nito sa baywang, bahagyang naakit si Dyllan na hawakan si Kelly sa baywang na hindi natatakpan ng damit. Bahagya niyang hinaplos ito, dahilan para mapasinghap si Kelly at napadiin ang pag kakahawak sa batok nito.

Napadilat si Dyllan bigla ng mapagtanto na masyado na siyang natatangay. Tumigil siya sa paghalik at nilayo ang mukha sa mukha ni Kelly.

"Haist! Kelly naman eh." Agad itong gumulong pahiga sa tabi ni Kelly.

"Bakit?" Tanong ni Kelly.

"Nothing, tulog na tayo." Tumalikod si Dyllan kay Kelly.

Dyllan! Dyllan! Temper....

Bahagyang napaigtad si Dyllan ng yakapin siya ni Kelly mula sa likod niya.

"Kelly doon ka na. Wag ka ng yumakap." Sabi niya kay Kelly.

Bigla na lang siyang pinalo ni Kelly sa braso.

"Ang arte mo! Wag ka din yayakap sa'kin ah." Padabog na tumalikod si Kelly at humiga sa pinaka dulo ng kama.

Agad naman lumingon si Dyllan dito.

"Tsk. Kelly!" Agad na lumapit si Dyllan dito at hinawakan si Kelly sa balikat, pero umigkas lang ang balikat nito na parang ayaw magpahawak.

"Kelly wag kang magalit. Baka kasi mamaya hindi ako makapag pigil eh." Tumihaya si Kelly at tumingin kay Dyllan.

"Anong hindi makapag pigil?" Kunot noong tanong ni Kelly. Napangiwi si Dyllan at napakuskos sa noo niya.

"Wala! Halika na nga dito, girlfriend kong bugnutin." Pinaunan niya si Kelly sa braso niya.

"Ano nga 'yon?" Tanong ni Kelly. Hinaplos nalang ni Dyllan ang pisngi nito.

"Wala, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi na kita iuwi. Itanan na kita, gusto mo ba 'yon?" Yumakap nalang si Kelly sa baywang ni Dyllan na nakangiti.

"Gawin mo, at siguradong ha-huntingin ka ni dad."

"I love you Kelly." Dinampian niya ito ng halik sa noo.

"I love you too Dyllan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top