CHAPTER 18
It's Barkada's day, nasa bahay lahat nila Kelly ang buong pamilya ng mga ninang at ninong niya, nasa hapag kainan ang lahat at salo-salong kumakain ng dinner.
First time mangyaring mag-katabi si Kelly at Dyllan sa upuan, ang pwesto kasi nila lagi ay mag-katapat.
"Talagang okay na kayo ni Dyllan little Princess?" Tanong ni Brian ang daddy ni Yuan.
"Yes ninong, even the rest of them okay na kami, hindi na nila ako inaaway at ginagawan ng kalokohan." Sabi nito at napa-hagikgik pa sa sariling sinabi, dahil alam naman niyang siya ang gumagawa ng mga 'yon dito.
"Hanep ah, baliktad ata 'yon ah. Ngayon lang yan, hindi rin yan makaka-tiis babalik yan sa dati." Puna ni Liam
"Ikaw nga intsik tigilan mo ako ah."
"Hindi ako intsik, 1/8 lang ang nananalantay sa dugo ko ng pagiging intsik." Pure pinoy kasi ang tatay nito, samantalang ang mommy naman nito ay american tsinay.
"Speaking of intsik. You know what mom dad, Evo is courting Cheenie." Tinignan agad ni Evo si Kelly ng masama.
"Tsismosa ka no?"
"I'm not, hello! Everyone in school knows that." May ikot ng matang sabi nito.
"Really Evo, I thought si Chloe ang gusto mo?" Nag-tinginan ang lahat ng barkada kay Evo sa sinabi ng daddy niya.
"Huh! n-no, dad talaga oh, gumagawa ka ng kwento." Natawa ng malakas bigla si Kelly.
"Ahaha! Si Chloe, how I wish Evo na siya ang maging sister in law ko someday, but it's quite impossible. She doesn't like you, alam ko nililigawan siya ngayon ni Junjie Lim Dee."Saad ni Kelly.
"Yong Chinese na classmate at kababata ni Cheenie?" Mabilis na tanong ni Evo.
"U-huh!" Tatango-tangong sagot ni Kelly.
"Anyway dad, paano mo po nasabing si Chloe ang gusto ni Evo?" Tanong ni Kelly
"Nakita ko kasi siyang tinitignan ang picture ni Chloe." Nasamid ng husto si Evo sa sinabi ng daddy niya.
"Oh M! Is that-"
"NO! Sa facebook lang 'yon, I was just liking her picture that she had posted." Evo reasons out defensively.
"Really, parang phone gallery 'yon eh." Nakangiting sabi ng daddy niya.
"Tss" Nailing na lang si Evo.
"Anyway guys, invited ako sa isang fashion show nextweek. Gusto niyong sumama?" Colleen asks, Enzo's mother. Isa itong fashion designer at nag-mamay-ari ng ilang branch ng mall ng bansa.
"Anong fashion show po ninang?" Tanong ni Liam.
"Underwear fashion show, Sabrina's body."
"Wow! Sama ako diyan ninang, ang gaganda ng model nila.... Sabrina's goddesses just wait for me."May pang-gigil pang sabi ni Liam, tawanan ang lahat sa sinabi ni Liam maliban kay Kelly.
"Sino po ang finale nila ninang?" Tanong uli ni Liam.
"Lupit talaga ng dugo mo Kevin, kalain mo 'yon, pati pagiging babaero mo napamana mo diyan kay Liam." Natawawang sabi Vince. Father of Enzo. Kevin is Liam's father.
"Gwapo lang kasi masyado ang anak ko, kaya gan'on." Sagot ng daddy ni Liam.
"Nga pala, si Kelly mag- mo- mm!"
"Kain pa ng madami kuya bestfriend." Sinubuan ni Kelly si Dyllan ng pagkain kaya hindi nito nasabi ang dapat na sasabihin sana.
"Aaa! Ang sweet talaga ng daugther in-law ko." Animo'y kinikilig na sabi ng mommy ni Dyllan. Sinamaan naman ito ng tingin ni James.
"So next saturday na 'yon, sasama ba kayo?"
"I think wag na lang, parang nakaka-tamad." Sagot ni Kelly sa tanong ng ninang Colleen niya, everyone looks at her in desbelief.
"Are you sure Kelly? Himala, hindi ka excited." Hindi makapaniwalang sabi ng ninang Colleen niya, tuwing may fashion show kasing gaganapin, ito pa mismo ang namimilit na um-attend.
"Wala lang po, hindi ko lang po talaga feel ngayon... umm! by the way, matutuloy ba kayo sa bataan Evo?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Yeah" Tipid na sagot ni Evo.
"Sama ako ah."
"NO!" Sabay ni Evo at Dyllan. Tumingin si Kelly kay Evo at lilipat kay Dyllan ang tingin.
"And why? Dyllan, I thought we're okay na?" Binitawan pa nito ang kubyertos na hawak at sumimangot
"Hindi kasama si Dyllan, kami lang, may ibang lakad siya, Quezon Province ang punta niya." Sagot ni Evo.
"Basta sasama ako, uuwi din si Chloe ng bataan that day."
"Really!!...Umm! I mean why?" Medyo excited na tanong ni Evo, pero medyo ginawang normal ang tono sa mga huling salita.
"Uuwi daw sila ng mommy niya sa lola at lolo niya." Sagot ni Kelly
"So, sasama ako ah!"Nakangiting sabi uli ni Kelly.
"Kelly hindi pwede, wag kang mapilit." -Buo ang desisyon ni Evo.
"Dad, mom." Nilungkutan nito ng husto ang mukha.
"Evo, isama mo na kaya ang kapatid mo."
"Dad hindi pwede, last time na sinama namin yan sa shooting ni Yuan naging disaster ang buong shooting place." Nag tawanan ang lahat sa sinabi ni Evo.
Sasama kasi sila sa bataan para sa two days shooting ni Yuan para sa ginagawa nitong pelikula. Ayaw nilang isama si Kelly dahil ng minsan nila itong isama, nag bitin ito ng isang timbang pintura para buhusan ang grupo, pero ang nangyari ang director at manager ni Yuan ang nabuhusan kaya galit na galit ang mga ito sa kanila at pinag-bawalan na silang sumama.
"Eh kasi naman inasar niyo ako n'on! Mabait na ako ngayon, promise hindi na ako gagawa ng kalokohan."
"Kelly wag na, next time na lang." Sabi naman ni Dyllan.
"Tsaka hindi kasama si Dyllan, hindi talaga kita kaya Kelly, si Dyllan lang naman ang may lakas ng loob na lapitan ka pag sinasapian ka ng masamang elemento eh."
"OA KA EVO AH!!" Singhal nito sa kapatid, nagtawanan lang ang lahat.
"Kainis naman! Saan ka ba kasi pupunta kuya bestfriend?"
"Two days kaming may gig sa isang resort sa Quezon Province."
"OH M! Sa 'yo na lang kaya ako sumama? Gusto ko mag sun bathing. " Napangiti si Dyllan sa sinabi ni Kelly.
"That's great idea kelly honey, sige suma-"
"NO! Tumigil ka diyan Cassie." Saway ng daddy niya sa ninang Cassie niya.
"But dad...."
"Kelly stop it!" Seryoso ang mukha nito.
"Naku James! Alam ko ang iniisip mo, ikaw nga wag mong itulad si Dyllan sa pagiging babaero mo ah. Di hamak naman na mas matino sa 'yo si Dyllan ko noong kapanahunan mo." Nag tawanan lang ang lahat sa sinabi ni Cassie, masama naman ang tingin ni James dito.
Habang nag-tatawanan ang lahat, patakbong lumapit si yaya Pretty sa hapag kainan.
"Princess, oh my! oh my! oh my! guess what?" Excited na excited ito, nag tinginan naman ang lahat dito.
"Bakit yaya Pretty, sinagot ka na ni kuya Canor?" Tanong ni Liam, tinutukoy nito ang diver nila na nililigawan no yaya Pretty.
"Hiling ko lang diyos ko, pero hindi... ang prince charming mo princess nandiyan." Nang-laki ang mata ni Kelly na uminom ng tubig at agad-agad nagpunas ng bibig.
"Si Rex."
"U-huh! mukhang aakyat ng ligaw, oh my goddd!! may dalang chocolate and flowers." Nang-laki lalo ang mata ni Kelly sa sinabi ng yaya nito.
"Oh my god! totoo ba yan yaya? eehh! How do I look? how do I look?" Tanong nito at inayos pa nito ang buhok niya.
"Excuse me guys." Agad itong tumayo at pataknong nag-punta sa sala, napabuntong hininga si James at Dyllan at sabay na sabay na tumayo.
"Tapos na kayong dalawa?" Tanong ng mommy ni Dyllan. Hindi man lang sumagot ang dalawa at umalis, nagtungo ang dalawa sa sala.
Nakita ni Dyllan na hawak hawak ni Kelly ang bulaklak at tsokolate at nakaupo na ang dalawa mahabng sofa, agad namang tumayo si Rex pag kakita kay James.
"Good evening tito." Bati nito.
"Dad, si Rex." Sabi ni Kelly na tumayo din.
"Kumusta ka na?" Tanong ni James dito, si Dyllan naman umupo sa sofa na katapat ng kinauupuan ni Kelly at Rex.
"Ayos naman po tito." Tumango lang si James.
"Have a seat" Alok ng daddy ni Kelly pero seryoso ang mukha, umupo ito sa katabing sofa na inuupuan ni Dyllan, nag-di-kwatro pa ito, maging si Dyllan ay ganon din ang ginawa. Muling umupo si Kelly at Rex.
"So Rex, what brings you here?" Sabi ni Kelly habang nakatingin kay Rex.
"Umm.. wala naman, dinalaw lang talaga kita." Tumingin si Rex sa daddy ni Kelly at kay Dyllan. Bahagya itong napahaplos sa sariling ulo dahil sa titig ng dalawa sa kanya.
"Anyway, thanks uli dito." Tinutukoy ni Kelly ang mga bulaklak at tsokolate. Ngumiti at bahagyang tumango si Rex.
"Umm.. Kelly...." Binitin nito ang sasabihin at tumingin uli sa dalawa.
"Yes Rex?" Tanong ni Kelly dahil sa pag-bitin nito ng sasabihin.
"Umm..Kasi.. ano... um." Tumingin uli ito sa dalawa na parang lalong tumalim ang titig, napansin naman 'yon ni Kelly kaya tumingin din siya sa daddy niya at kay Dyllan.
"Kelly I think, I have to go now." Biglang sabi nito.
"Huh! but why? kakarating mo pa lang and ma-"
"Oo nga little princess, it's late na, gagabihin na si Rex. Right Rex?" Putol ni James kay Kelly.
"Yes tito" Mabilis na tumayo si Rex, tumayo na lang din si Kelly.
"Paano Kelly I have to go na." Medyo lumungkot ang mukha ni Kelly pero ngumiti na rin.
"Okay Rex, take care." Nagpaalam lang si Rex sa daddy niya at umalis na. Nag sidatingan naman ang halos lahat mula sa dining room.
"Oh Kelly! Where's Rex? Akala ko nandito siya?" Nakasimangot niyang tinignan ang mommy niya, at tumingin sa daddy niya.
"Why don't you ask dad?" Nakasimangot nitong sabi.
"What? me. I didn't do anything." Nagkibit balikat pa ang daddy niya.
"Yeah right dad, you didn't do anything, pero sa titig mo pa lang matatakot na si Rex." Nag papadyak si Kelly ng paa.
"Hindi ko kasalanan yun kung duwag siya, wag mo na siyang bigyan ng chance kung mang-liligaw siya sa 'yo, hindi ka kayang ipag-tanggol nun."
"Tama ka diyan ninong, kailangan yong kayang kang ipag-tanggol, yong hindi basta-basta na sisindak." Pag-sang ayon ni Dyllan.
"EWAN! kainis naman eh." Padabog itong umakyat ng hagdan. Tinignan naman ni Chelsy si James pero nagkibit balikat lang ito.
****
Hindi mapakali si Kelly, palakad-lakad siya sa kwarto habang pinipisil-pisil nito ang mga kamay niya. Napaigtad siya ng husto ng biglang may kumatok.
"Kelly" Mabilis na tumalima si Kelly para buksan ang pinto ng marinig niya si Dyllan. Agad niyang binuksan ang pinto.
"Kuya bestfriend" Pumasok si Dyllan at sinara niya uli ang pinto.
"Bakit mo ako pinapunta, ano yong importanteng sasabihin mo?"
"Dyllan, pupunta talaga sila dad sa fashion show tonight. Anong gagawin ko?" Winagwag-wagwag pa niya ang mga kamay niya.
"What's the problem with that?"
"You don't understand.... okay listen." Huminga muna siya ng malalim bago nag salita uli.
"Yung fashion show na namin tonight na 'yon."
"Bakit hindi mo sinabi? di sabihin natin na ngayon ang fashion show mo, para doon na lang kami pupunta." Naka-ngiting sabi ni Dyllan.
"Haist Dyllan! iisa lang ang fashion show na pupuntahan natin sa fashion namin."
"Edi mas okay, Kelly hindi kita maintindihan kung..." Natigilan si Dyllan bigla at nawala ang pag kakangiti nito.
"Iisa lang Kelly? yong fashion show mo at ng Sabrina's Collection." Nakangiwing tumango si Kelly.
"PAMBIHIRA KA KELLY! Anong kalokohan 'to? underwear fashion show yon!" Halos bulyawan siya ni Dyllan, wala kasi siyang sinabi dito na underwear fashion show ang pinag- audition niya. Sinasamahan siya lagi ni Dyllan sa tuwing may practice siya, pero di naman niya sinabi na underwear fashion show 'yon.
"Kasi alam kung hindi ka papayag." Mahina ang boses nito.
"Talagang hindi Kelly." Halos pang-dilatan na siya ni Dyllan.
"Kainis naman kasi, bakit ba ang conservative niyong lahat?" Napa-halukipkip ito ng braso.
"Wag mong sabihin na balak mong hindi sabihin saming lahat 'to?' Hindi sumagot si Kelly, talagang wala siyang balak sabihin sa lahat na ngayon sana ang fashion show, balak niya sana siya lang at ang mga kaibigan niya ang pupunta at rarampang hindi alam ng lahat.
"Mag-back out ka na Kelly."
"Hindi pwede Dyllan, I've already signed the contract. Gusto mong mademanda ako?"
"Hindi mangyayari yon, si ninong na bahala dun."
"Kuya bestfriend naman, I really want this, kapag hindi ako sumipot masisira ako at hindi na nila ako kukunin uli. Gusto ko talaga 'to, please pag bigyan mo na ako dito, tulungan mo ako." Pag-mamakawa nito at humawak pa ito sa braso ni Dyllan.
"Kelly hindi pwede, malalagot ako kay ninong nito eh."
"Hindi naman kasi yun ganun ka-daring, I swear ang ganda ng isusuot ko, soft white huge feather angel wings and glitter underwear."
"UNDERWEAR!" Napangiwi si Kelly sa sigaw ni Dyllan.
"OA naman nito eh." Biglang bumukas ang pinto at niluwa noon ang daddy niya.
"Anong nangyayari dito?" Sobrang kunot ang noo ng daddy, at mukhang galit sa itsura pa lang nito.
"Nothing dad"
"Anong nothing? Bakit ka sumisigaw Dyllan? Anong ginagawa mo sa kwarto ni Kelly? anong ginagawa mo sa anak ko?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Dad wala nga, may pinag-uusapan lang kami."
"Anong underwear yong narinig ko?"
"Umm.. ano po... um... Dyllan was just asking me kung anong magandang pang regalo sa girlfriend niya. Tama! yon nga." Pag-sisinungaling ni Kelly, na kinapa pa ang salitang sasabihin.
"Hoy Dyllan ikaw ah, umayos ka, sa labas kayo mag-usap." Dinuro pa ng daddy niya si Dyllan.
"Dad naman eh." Hinila na lang ni Kelly si Dyllan palabas habang hawak niya ito sa braso.
"Ninong wag po kayo mag-alala, mas good boy ako sa 'yo. hindi ko gagayahin ang ginagawa mo noon." Sabi ni Dyllan ng makalabas ito sa kwarto.
"Aba loko ka ah!" Mabilis na hinila ni Dyllan si Kelly papuntang hagdan sa sama ng tingin sa kanya ni James.
****
Nasa venue na ang lahat para sa gaganaping fashion show, nakaupo ang lahat sa pinaka-unahan ng catwalk. Isang simpleng catwalk lang ito pero may kalaparan at mababa lang, usual na makikita sa isang fashion show.
Naunang umalis si Dyllan at Kelly kanina, dinahilan nilang susunod na lang sila, pero ang totoo nauna na sila sa venue. Nandoon din si Chloe, Mannilyn at Troy na tanging pinag-sabihan ni Kelly ng tungkol dito.
Napapayag din ni Kelly si Dyllan, bahala na daw kung anong consequence ang matatanggap nila after nito, wala na rin naman silang choice at hindi rin ito matiis ni Dyllan.
"Dyllan where's Kelly?" Tanong ng ninang Chelsy niya.
Napapagitnaan nila ang mommy at daddy niya, katabi naman niya sa kabilang side si Evo, Chloe, Troy, Mannilyn, Enzo, Liam at Yuan na katabi naman nito ang ka-love team na si Hershey.
Maging si Agatha ay nandoon din, pilit nitong nilalapitan si Dyllan pero todo iwas naman si Dyllan dito.
"Nandoon po ninang, pupuntahan ko lang po." Tumayo si Dyllan at umalis, sabi ni Kelly wag na daw sabihin kasi baka mamaya kaladkarin siya ng daddy niya pauwi, hayaan na lang daw na makita siya mamaya sa stage.
Pumunta si Dyllan sa dressing room, kinatok niya ang pinto na agad namang bumukas, isang bakla ang lumabas doon na halata ang pag-kabigla at bigla-bigla na lang nag-pacute.
"Yes pogi?" Sabi ng bakla na nagkunwari pang naghawi ng buhok at inipit sa likod ng tenga kahit maiksi naman ang buhok nito.
"Pwede ko bang makausap si Kelly?" Magalang nitong pakiusap.
"Oh the new Sabrina's goddess. A minute pogi." Umalis ang bakla at nag-antay naman siya sa labas. Sumandal siya sa ding-ding sa gilid ng pinto.
"Dyllan" Agad siyang napaayos ng tayo ng biglang lumabas si Kelly, naka pink robe ito at nakaayos na ang mukha, mas kinulot ang mahaba nitong buhok.
Napangiti siya at napa-wow, nakikita na naman niya itong ganito ang itsura sa tuwing may fashion show or pictorial itong gagawin pero hindi parin niya maiwasang hindi humanga at mamangha dito.
"Hinahanap ka na nila, sabi ko pupuntahan kita."
"Sorry Dyllan dito ah, I swear, hindi ka madadamay, ako bahala sa 'yo, ipag-tatangol kita kay dad mamaya pag nagalit." Napangiti si Dyllan, as if naman na hindi talaga siya madadamay, sigurado siyang masesermunan siya ng ninong James niya.
Masyadong over protective yon kay Kelly, Spoilled si Kelly sa ninong niya pero ayaw talaga nito sa ganito, matagal ng may gustong kumuha kay Kelly na isang brand ng underwear pero ayaw ng mommy at daddy nito.
Pinapayagan lang itong sumama sa isang fashion show kung clothing line lang irarampa. Kaya ngayon siguradong malalagot siya dahil siya pa ang sumasama dito.
"Don't worry about me, kaya ko ang sarili ko, ako na bahala mamaya."
"Thanks Kuya Bestfriend, you're the best." Niyakap niya si Dyllan at muli ding bumitaw.
"So paano, pasok na ako, mag-bibihis na ako, ilang minutes na lang mag-sisimula na." Tatalikod na sana si Kelly ng bigla siyang hawakan ni Dyllan sa braso, kaya muli siya humarap.
"Bakit?" Hinawakan ni Dyllan ang dalawang kamay ni Kelly at tumititig ng husto dito.
"Ang ganda mo, siguradong marami na namang hahanga sa 'yo mamaya." Ngumiti si Kelly at sinalubong din ang titig ni Dyllan.
"Lagi naman, ikaw lang naman ang hindi humahanga sa kin eh, but I sure you, mamaya pahahangain na kita ng bongang-bonga." Napangiti si Dyllan at huminga ng malalim.
"Hay Kelly!" Binitawan nito ang kamay niya at hinawakan nito ang mag kabila niya pisngi, lumapit pa ito sa kanya ng husto.
"Kung alam mo lang, matagal na kitang hinahangaan. Inaasar lang naman kita noon pag sinasabi kong hindi ka maganda, pero ang totoo.." Nilapit nito ng bahagya ang mukha sa mukha niya, nawala ang pag kakangiti ni Kelly at pinag-masdan ng husto ang mukha ni Dyllan.
"Ikaw ang pinaka-maganda para sa akin, walang hihigit... kahit pasaway ka, kahit puro kalokahan ang alam. You're so beautiful, a beautiful disaster." Nilapit ni Dyllan ang mukha niya sa mukha ni Kelly at hinalikan siya sa pisngi nito.
Napasinghap si Kelly na hindi niya maintindihan kung bakit, amoy na amoy niya ang bango nito.
"Good luck my baby besfriend." Napamaang si Kelly habang nakatitig sa mukha ni Dyllan.
"Balik na ako d'on." Binitawan ni dyllan ang mukha niya at akmang aalis na ng tawagin uli ito ni Kelly.
"Dyllan!" Humarap uli si Dyllan kay Kelly.
"Bakit?"
"Huh?" Wala sa saring sambit niya, ngumiti si Dyllan.
"Sabi ko Bakit?" Marahang umiling si Kelly.
"Thank you" Halos paanas niyang sambit.
"Basta ikaw, love kita eh." Sumenyas si Dyllan na aalis na sa pamamagitan ng pagturo ng hinlalaki niya sa likod niya. Tumango lang si Kelly na bahagyang tulala pa rin.
Pag kaalis ni Dyllan, tumalikod na siya para pumasok pero nanatili siyang nakatayo, napahawak siya sa dibdib niya.
"I felt something weird." Anas niya habang nakahawak sa dibdib at umiling-iling.
"Weird" Sabi niya tsaka siya pumasok ng dressing room.
_____________________________
Kathniel na katniel lang, a beautiful disaster, bagay naman talaga kay Kelly ang beautiful disaster kaya ginamit ko ang phrase na yon.
Anyway feeling ko hindi ko to pahahabain masyado kasi may book two pa naman ito at hindi sila mawawala doon.
Regarding sa pictures wala pa ako maisip na Liam and Enzo, kasi ang kwento nila pang mature na. Kaya hindi lang siguro ako mag-lalagay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top