CHAPTER 16
Flashback:
"Hi ninang, nand'yan po si Evo?" Tanong ni Dyllan sa ninang Chelsy niya na nakaupo sa sofa.
"Hi, Dyllan, nasa taas, baka nasa family room. Akyat ka na lang."
"Okay po." Mabilis na umakyat si Dyllan sa taas at nag tungo sa family room, agad niyang binuksan ang pinto pero natigilan siya ng marinig ang pag-uusap ni Kelly at Yaya Pretty.
"Wala ka bang crush kahit isa sa limang yun?" Narinig niyang tanong ni Yaya Pretty.
"Eww yaya! Never ever ever!" Mabilis na sagot ni Kelly.
"Si Dyllan ang gwapo, bagay kayo."
"Yaya! Ayaw ko sa matanda."
"O.A! 20 lang yun, matanda na. Alam mo ba na mas masarap magmahal ang medyo matanda sayo." Nakita niyang umiling-iling si Kelly.
"I will never ever fall in love with them. Lalo na kay Dyllan no. Eww! NEVER!" Pinagdiinan pa nito ang ang never. Mabilis niyang naisara ang pinto at umalis.
"Dude!" Napahinto siya ng tawagin siya ni Evo na kakalabas lang ng kwarto.
"Saan ka galing?" Tanong nito.
"Pupuntahan sana kita akala ko nasa family room ka eh."
"Bakit?"
"Umm. Bar tayo mamaya."
"May gig ba kayo?" Tanong ni Evo.
"Wala, Wala lang." Sagot niya, pero ang totoo aayain lang sana niya itong mag laro ng xbox.
"Okay, sige." Sagot ni Evo.
***
Bar:
"Dyllan may problema ka ba?" Tanong ni Yuan, kanina pa kasi 'to tahimik at walang patid sa kakainom.
"Na-in love na ba kayo?" Wala sa loob na tanong ni Dyllan.
"Woah! Don't tell me dude in love ka kay Trina kaya ka nag kakaganyan? Eh diba fling mo lang yun?" Tanong naman ni Liam.
"Wag mong sabihin kaya ka nag-ayang umiinom dahil naapektuhan ka sa mga pictures ni Trina." Ang tinutukoy nito ang pictures ng girlfriend ni Dyllan na nakikipag halikan sa ibang lalaki. Ito rin ang mga panahon na grounded si Kelly. Hindi na sumagot si Dyllan, sa halip uminom nalang uli ito.
"Halika nga Enzo, mang chics na lang tayo. Lang hiya 'to si Dyllan, matanda na talaga 'to, na iinlove na." Aya ni Liam kay Enzo.
"T*ng ina mo isa ka pa! Mas mukha ka pang matanda sa 'kin eh." Singhal niya kay Liam. Tinawanan lang siya ni Liam.
"Yuan lika sama ka." Aya ni Enzo kay yuan.
"Wag mo ng ayain yan, masesermonan na naman tayo ni Casper pag na-tsismis na naman yan. Patago lang yan kung mambabae." Tinutukoy nito ang manager ni Yuan, ngumisi lang si Yuan habang naka-di-kwatro at natatakpan halos ang mukha na sombrero.
"Putcha, wag mo ng ayain yan si Evo dahil mag-papari yan. Daig pa ang santo kung rumespeto ng babae eh." Tumingin kasi si Enzo kay Evo.
"Bilisan mo na, kanina pa kating-kati ang kamay kong makahimas eh."
"T*ng-ina mo kasi, ayaw kong ikaw lang ang kasama ko, kahit sino pinapatulan mo basta nakapalda dinadamay mo pa ako." Nailing nalang si Evo at Yuan sa bangayan ng mag-pinsan, umalis ang dalawa at naiwan ang tatlo.
"Hi guys" Bati ng isang babae at may kasama pang dalawang babae.
"Agatha hi." Bati ni Evo dito.
"Pwede ma-ki-share ng table, wala na kasing vacant eh."
"Sige no prob." Pag-sang-ayon ni Evo.
"Anyway, siya si Dyllan." Pakilala ni Evo dito, dahil kilala naman sila nito maliban kay Dyllan.
"Of course I know him, sino bang hindi nakaka kilala sa kanya." Lumapit si Agatha kay Dyllan.
"Hi, I'm Agatha." Nakipag kamay naman si Dyllan dito at pinakilala din nito ang dalawa pang kaibigan. Umupo ito sa tabi ni Dyllan.
"Mukhang marami ka ng naiinom ah. Problem with Trina?" Nangunot ang noo ni Dyllan sa sinabi nito.
"Wag ka ng mag taka, you're too popular para hindi malaman ng lahat." Agatha says.
"She's such an idiot para lokohin ka pa niya. If I were her, I will never do that." He smirked and look at her darkly.
"You want to be my girl?" Napamaang ito sa tanong ni Dyllan, hindi ito naka sagot.
"Okay lang kung ayaw mo."
"No! I mean yes! I want to be your girlfriend. " Aligagang sagot ni Agatha. Medyo natawa at nailing si Dyllan sa mga sagot nito, sanay na siya sa gan'on, ang totoo sawa na rin siya sa gan'on.
"No Commitment, I don't love you, so don't ask me to love you or expect me to say that I love you. Wala sa vocabulary ko yan."
"Deal" Mabilis na sagot ni Agatha. Nilapag ni Dyllan ang baso at humarap kay Agatha. Hinawakan niya ang kabilang pisngi nito at tinitigan.
Damn! Why I love you so much Kelly?
Hinalikan niya si Agatha sa labi at agad namang tinugon nito.
End flashback:
"I love you Kelly" Anas niya, habang nakapikit. Bigla siyang napadilat ng maalala na nasa tabi pala niya si Kelly, agad niya itong tinignan dahil baka narinig nito ang sinabi niya.
Napangiti siya ng makitang tulog na 'to. Hinawakan niya ang kabilang pisngi nito at hinagkan ang ulo. Hiniga niya si Kelly ng maayos, tinukod niya ang isang braso sa unan at pinagmasdan ang mukha ni Kelly, hinawi niya ang mga hibla ng buhok na humarang sa mukha nito.
"You're so gorgeous Kelly, lahat ng pang lalait na sinabi ko sayo hindi yon totoo, I just did what I did just to hide my feelings from you." He slowly caressed her face, like he's memorizing the detail of it.
Bata palang Kelly mahal na kita, kaya galit ako kay Rex noon pag lumalapit siya sa 'yo, because I want to be your prince charming. Ako dapat yon eh, hindi siya. .. you're my first love and you're my first kiss without your knowledge. -Napangiti siya bigla ng maalala kung paano niyang nahalikan si Kelly noon na wala itong kaalam-alam.
Flashback:
Kakalabas lang ni Dyllan ng kwarto niya, napadaan siya sa kwarto ni Ethan, bukas ito kaya naisipan niyang pumasok. Nakita niya si Kelly at Ethan na natutulog.
Madalas na pumupunta si Kelly at nakikipag-laro kay Ethan. She was just 15 years old that time, and Dyllan was only 17. Napangiti siya ng makita ito, pumasok at pumupo siya sa tabi ni Kelly.
"You look like an angel when you're sleeping Princess Grouch, parang ang bait bait mo." Sabi niya habang naka-tingin dito.
"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin? Kelan kaya darating ang araw na hindi ka na magagalit." Yumukod siya at nilapit ang sarili kay Kelly.
"I love you Kelly, sana totoo ang the more you hate the more you love." Napatitig si Dyllan sa labi ni Kelly, hindi niya na napigilan ang sarili, nilapit niya ang mukha niya dito at hinalikan ito sa labi.
End flashback:
Sorry if I did that... nangako ako sa sarili ko na ikaw ang gusto kong unang mahalikan eh.... The second kiss na ikaw ang may gawa, it was the best, but you've just kissed me 'coz you hate me. Pero okay lang yon, you've still made my day. Wala naman talaga akong pakialam kung nagalit n'on si Agatha, but I've admitted, I was pissing off dahil sinabi mong hindi ako marunong humalik, pero yun ang naging way ng third kiss natin. Ang halik na ako ang may gawa, pero ako din ang hindi naka-tulog. Sana sa susunod na halikan kita, sana mahal mo na ako.
"I love you very much Kelly." Dinampian niya ito ng halik sa noo.
**
University:
"Be ready for tomorrow class, kapag sinipag ako, baka kumuha ako ng questions sa isang buong libro. See you guys tomorrow." Kinuha ng professor ang mga gamit sa desk at lumabas.
"Oh god! This is torture." Reklamo ni Von.
"Mag-aral ka kasi, hindi yung puro si Rebecca ang inaatupag mo." Sabi naman ni Zack.
"Gago! Parang ikaw hindi ah." Sagot naman ni Von.
"Tara na nga!" Aya nalang ni Dyllan at nauna ng tumayo.
Nag sitayuan naman ang iba, sabay-sabay silang lumabas ng classroom, pero natigilan si Dyllan ng makita si Kelly sa tapat ng classroom nila, pinag-kakaguluhan ito ng mga kalalakihan. Nakita siya nito at biglang lumapad ang ngiti nito at kumaway pa sa kanya. Napangiti naman si Dyllan at agad na lumapit kay Kelly.
"Hoy mag si alis nga kayo! Para kayong mga bubuyog ah. Gusto niyo paliparin ko kaya mula dito hanggang sa ground." Singhal niya sa mga lalaki. Para itong mga bubuyog na binugaw, nag sipulasan ang mga ito.
"In-entertain lang si Kelly eh." Sabi ng isa habang papaalis. Mabilis na hinampas ni Dyllan ito sa ulo ng notebook na hawak, gan'on din ang ginawa ng tatlo pa niyang kabanda.
"Sasagot pa eh." Sabi ni Von na huling humampas ng notebook.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Kelly.
"Sinusundo ka. Sabay tayo mag-lunch." Napangiti ng husto si Dyllan.
"Wohoo! Mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ah. Kailan pa nag share ng pagkain ang pusa sa aso?" Natatawang tanong ni Zack.
"Aay matagal na Zachary. Hindi ka ba na-inform?" Sagot ni Kelly.
"KELLY!" Nag-silingunan ang lahat sa tumawag. Nangunot ang noo ni Dyllan ng makita si Rex na patakbong lumapit sa kanila.
"Hi Rex" Bati ni Kelly dito, gan'on din ang ginawa ng iba, maliban kay Dyllan.
"Let's go, sabay sa 'tin si Rex ah." Tumango nalang si Dyllan. Kinawit ni Kelly ang kamay niya sa braso ni Dyllan, at least bumalik ang ngiti niya sa ginawang yun ni Kelly.
*
Sa Cafeteria ng College department sila nag punta. Napapagitnaan siya ni Dyllan at Rex.
"Bakit ka nga pala nag punta dito? Bakit ayaw mong d'on tayo sa cafeteria n'yo?" Tanong ni Dyllan, dito kasi nag-aya si Kelly.
"Hmm. Wala lang, nakaka-umay ng kasama sila Liam eh. Maiba naman." Sabay ngiti nito.
"Tsaka parang mas masarap ang food dito." Dagdag nito.
"Same lang eh." Nginitian lang siya ni Kelly at bumaling naman kay Rex.
"Um. Rex, tikman mo 'to, masarap." Alok ni Kelly kay Rex ng isang dish, nilagyan pa nito ng ulam sa plato.
"Thanks Kelly."
"Kayo na ba?" Biglang tanong ni Von.
"Not yet" Nakangiting sagot ni Rex.
Not yet!? May balak talaga 'tong ugok na 'to ah... -He gritted his teeth of irritation.
"DYLLAN!" Sabay-sabay ang lahat na napatingin kay Agatha, sa mukha palang nito, halatang galit na.
"I've been calling you all the time, why didn't you answer my call?"
"I'm sorry Agatha, naka--"
"Clearly, he doesn't want to talk to you." Putol ni Kelly sa paliwanag ni Dyllan. Tumingin ng masama sa kanya si Agatha.
"Pwede ba akong umupo sa tabi ng boyfriend ko Kelly?" Taas kilay nitong tanong, kinawit ni Kelly ang kamay sa braso ni Dyllan.
"Ayoko nga, find your own seat." Taas kilay din niyang sabi. Nasa dulo kasi si Dyllan ng long side table.
"Can I sit here Von? Please!" Pakiusap nito kay Von, or better to say, she's commanding von, dahil may diin ang bawat salita nito. Tumayo naman si Von na nakaupo sa pinaka-dulo ng table, sa short side. Umupo agad si Agatha pagkaalis na pagkaalis ni Von.
"Kanina pa kita inaantay. Alam mo ba yon? Hindi pa ako nag-lu-lunch kaka-antay sayo. Usapan natin susunduin mo ako sa classroom ko." Mahabang sabi ni Agatha, na konting-konti nalang uusok na ang ilong.
"Sorry, si Kelly kasi dito nag-aya." Lalong na bwesit si Agatha sa narinig.
"Oopps! Parang natatandaan ko ang scene na 'to. Ganitong-ganito din yon eh. Nag-walk-out ako n'on diba? Try mo din mag walk-out." Sabi ni Kelly at lalong yumakap sa braso ni Dyllan. Tumayo nga si Agatha at nag-walk-out.
"Good decision!" She muttered. Pero maya-maya lang bumalik si Agatha.
"Hindi mo talaga ako susundan?"
"Isn't it obvious? Hindi nga siya tumayo diba?" Agatha look at Dyllan questioningly, napakibit balikat lang si Dyllan.
"Arrrghh!" Mabilis na umalis si Agatha na nag-pupuyos sa galit.
"Everything is going well, I love it!" Sabay subo ng pagkain at ngumiti kay Dyllan. Bahagyang ngumiti si Dyllan, nag-tataka talaga siya sa inaasta ni Kelly.
**
"Hoy Kelly saan ka nag-punta? Bakit hindi ka sumabay mag-lunch sa amin? Nag-solo kayo ni Rex no?" Tanong ni Mannilyn na nakaupo sa unahan, naki-upo lang muna siya sa sabi ng tatlo.
"Hindi. Kasama ko si Dyllan and Rex, pinuntahan ko si Dyllan kanina, inaya ko mag-lunch."
"Oww! Why oh why? Ki-na-career mo talaga na maging mabait sa kanya ah." -Mannilyn.
"Gusto ko lang silang pag-hiwalayin ni Agatha."
"What?!" Sabay ni Chloe and Mannilyn.
"Kelly is Kelly, what would you expect." Sabi naman ni Troy na nakapikit.
"Sabagay. Nagiging mabait ka lang sa mga pinsan mo pag may kalokohan kang gagawin eh." -Chloe
"No. This time I'm concern with Dyllan. Agatha had been cheating on him." The three look at her questioningly, maging si Troy napadilat dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" -Tanong ni Chloe, si Mannilyn naman inikot na ang upuan paharap sa kanya.
"Nakita ko siya sa mall with another guy, and they've kissed."
"OH.....MY... poor Dyllan." Nanglalaki ang mata ni Mannilyn habang tutop niya ang bibig ng dulo ng mga daliri niya.
"Bakit hindi mo sabihin kay Dyllan?" sabi naman ni Troy.
"I can't. He'll be hurt." Nangalumbaba nalang siya at napa-buntong hininga.
***
Kakarating lang nila ng bahay mula sa bahay, nakaakbay si Dyllan kay Kelly at nakahawak naman siya sa bewang ni Dyllan habang papasok ng bahay.
"Ano ba yung mga kalokohang ginagawa mo? Akala mo ba hindi ko napapansin ang ginagawa mo sa amin ni Agatha."
"As I've said, I'm just protecting you."
"Hindi kaya nag-kakagusto ka na sa 'kin at nag seselos ka kay Agatha." He said with his trademark smirk.
"In your dreams, si Rex lang ang gusto ko at hindi pa nag-babago yon." Nawala ang ngiti niya sa sinabi nito. Pumasok sila ng bahay na mag-kaakbay.
"Oh my god! Mommm!!! Dadd!!! You're here na." Agad na bumitaw si Kelly kay Dyllan at tumakbo sa mommy niya na agad namang tumayo at nag-yakap ang mag-ina.
"Waaaah! I miss you mom!"
"I miss you too baby."
"Ako ba walang yakap?" Mabilis na bumitaw ng yakap si Kelly at agad na yumakap sa daddy niya.
"I miss you dad!"
"How's my little princess?"
"I'm good dad! I'm good." Bumitaw naman siya ng yakap dito at bumaling kay Evo.
"EVO! Ang paborito kong kambal. Did you miss me?" She says with open arms, Asking for a hug.
Napangiti naman si Evo at agad na tumayo, niyakap niya ito ng mahigpit at pag kuwa'y kumalas siya ng yakap. Hinalikan pa niya ito sa mag-kabilang pisngi, takang sinalat ni Evo ang leeg at noo nito.
"Wala ka namang lagnat. Nag-ka- amnesia ka ba? at naka-limutan mong hindi mo ako gusto?" Iningusan lang ito ni Kelly.
Bumati din si Dyllan sa mag magulang ni Kelly at umupo sa tabi ng mommy niya. Nabaling ang tingin ni Kelly sa batang babaeng nakaupo sa sofa na may yakap-yakap na white teddy bear.
"Oww! Is that Louise?" Tanong niya, habang naka-tingin sa batang babae.
"Yeah baby, she's Louise." Sagot ng mommy niya.
"Oh M! She's so pretty." Agad siyang lumapit dito, umupo ng pa-squat sa harap nito.
"Hi Louise, I'm ate Kelly. Still remember me?"
"Yeah, I have your picture. You're so pretty ate Kelly." Naka-ngiting sabi nito, ito ang anak ng tito Jake nya.
"Aaa! Thank you, you're also pretty." 3years ago ng huling mag-kita sila nito, minsan kasi, pag nasa states sila, ito naman ang nasa Pilipinas. Tumayo s'ya at humalik sa pisngi ng bata at muling tumingin sa parents niya na nakaupo na uli.
"Dad, kasama n'yo ba sila tita Steph?" Tanong nito at umupo sa tabi ni Evo.
"No, si tita Buding lang." Ang tinutukoy nito ang napulot ng mommy niya noon na bata sa kalye. Matanda lang ito kay Kelly ng mga walo hanggang siyam na taong gulang, pero tita na talaga ang naka-sanayan nilang itawag dito.
"Dyllan, hindi ka ba pina-hirapan ni Kelly?" Tanong ng mommy niya kay Dyllan.
"Hindi naman po ninang, naging mabait po siya."
"Mukha nga dude eh. Mukhang naputulan mo ng sungay si Princess Grouch. Kalain mo yon, pwede pa palang mag-bago 'to." Sabi ni Evo sabay akbay kay Kelly.
"Twin brother, para lang akong si Malifecent, naging bad lang siya kasi nagalit sya. Like me, nagalit ako sa inyo kasi iniwan ako ni Rex dahil sa ginawa niyo, but now, I've changed." Masiglang sabi n'ya.
"Guess what?" Pagkwa'y tanong niya.
"What?" Tanong ng mommy niya.
"Rex is back." Naka-ngiti niyang sabi.
"Rex..... your bestfri-"
"My prince charming. He's back dad." Putol niya sa sasabihin ng daddy niya.
"Really?"
"Yes mom, and alam n'yo ba, classmate ko siya, classmate natin Evo."
"Talaga"
"Nga pala dad, since nandito na kayo, pwede ba akong maki-pag-date uli sa kanya?"
"What!? Uli? Nakapag-date ka sa kanya?" Kunot noong tanong ng daddy niya.
"Yeah!"
"Dyllan, pinayagan mo siya?" Bubuka palang ang bibig ni Dyllan ng mag-salita si Kelly.
"Yes dad, kasama ko naman si kuya bestfriend eh."
"Kuya bestfriend!" Sabay-sabay na sabi ng daddy, mommy at Evo. Natawa si Kelly sa mga reaksyon nito.
"Si Dyllan, his my kuya bestfriend now, and I'm his baby bestfriend. We're now officially bestfriend!"
"No! Hindi kayo pwedeng maging bestfriend." Mabilis na sagot ng daddy niya. Kaya nag-tinginan ang lahat dito, kahit sila Cassie at Andrew.
"Dad, may problema ba? Bakit ayaw mo kaming maging bestfriend?"
"Huh? Hindi naman, kasi lang... nothing, just forget it... just pack up your things, para maka-balik ka na sa bahay."
"Okay" Tumayo si Kelly, mabilis na nagtungo sa hagdan at patakbong umakyat.
"Dyllan, nililigawan ba ni Rex si Kelly?" Tanong ni James pag-kaalis ni Kelly.
"Umm.. hindi pa siguro ninong, pero mukhang may balak po."
"Yan na nga bang sinasabi ko eh." Napapalo pa si James sa hita niya.
"I told you babe na isama natin sa states ang anak mo eh."
"What's wrong?"
"Hindi mo ba narinig ang sabi ni Dyllan, liligawan ang anak natin. Panigurado ako kapag nangyari 'yon, sasagutin niya yon, alam mo naman siguro kung gaano kagusto ni Kelly si Rex." Hindi na maipinta ang mukha ni James na ipinag-taka naman ni Chelsy dahil ngayon lang ito nag-alala ng ganito tungkol sa ganitong bagay.
"So...?"
"Hindi pa siya pwedeng mag boyfriend, ang bata-bata pa niya, hindi pa siya pwedeng ligawan."
"Hoy James! Hindi si Kelly pwedeng ligawan ng iba, pero pag si Dyllan ang nangligaw pwede yon ah." Agad na sabi ni Cassie.
"Tumigil ka Cassie, hindi siya pwedeng ligawan ng kahit na sino."
"Ang OA mo ah! Nakakainis ka, bata palang ang dalawa plinano ko na ang kasal niyan tapos kokontra ka. Subukan mo lang James, hindi talaga kita sasantuhin." Nag-katinginan si Andrew at Chelsy, nag kibit balikat lang si Andrew.
"Bakit Dyllan, may balak ka bang ligawan ang anak ko?" Tanong ni James, pero sa mga mata nito may pag-babanta.
"Wala po ninong." Mabilis na sagot ni Dyllan, dahil medyo natakot din siya sa titig ng ninong James niya.
"Eh papaano tinatakot mo. Pinanglilisikan mo ng mata eh, naku James umayos ka." Nang-gigil na saway ni Cassie. Tumayo na lang si Dyllan.
"Akyat po muna ako." Paalam niya at mabilis siyang umakyat, agad siyang nagtungo sa kwarto ni Kelly, nakaawang ang pinto kaya tinulak na niya ito pabukas.
"Hey kuya bestfriend, paano ba yan? Aalis na ako." Naayos na nito ang gamit at sinasara na lang.
"Akin na yan, ako na ang mag-bubuhat." Lumapit siya dito, pero hindi niya agad kinuha ang gamit nito, hinarap niya muna ito at hinawakan sa ulo.
"Mamimiss kita." Ngumiti si Kelly at agad na yumakap sa kanya.
"Aaa! Love mo na talaga ako, OA ka na eh. Akala mo naman mag-a-abroad ako eh." Napabuntong hininga siya at niyakap din si Kelly.
Damn! Mas lalo ata kitang minamahal Kelly. ..Hinigpitan niya ang yakap dito.
"Okay na kuya bestfriend, masyado ng madrama, mag-katabi lang bahay natin." Natatawang sabi nito, bumitaw siya ng yakap at kinuha na lang niya ang gamit nito. Agad naman kumapit si Kelly sa braso niya at sabay na silang lumabas ng kwarto.
Bumababa sila ng hagdan na nakakapit parin si Kelly sa braso niya.
"Aaa! Bagay talaga kayo!" Nakasalikop ang mga palad ng mommy ni Dyllan habang nakatingin sa kanilang dalawa. Agad namang tumayo ang ninong James niya at lumapit sa may hagdan para salubingin ang dalawa.
Napayuko si Dyllan dahil sa talim ng tingin sa kanya ng ninong James niya. Agad namang tumayo ang mommy niya at lumapit din.
"Hoy James, wag mong tignan ng masama ang anak ko, tutusukin ko yang mata mo." Singhal ng mommy niya sa ninong niya. Huminto sila sa ikatlong baitang ng hagdan.
"Dad, tinitignan mo ng masama si kuya bestfriend? But why?" Tanong ni Kelly, tumingin pa ito sa kanya at titingin uli sa daddy nito.
"No, I didn't do that. Praning lang 'tong ninang mo. Akin na nga yang gamit mo." Agad na kinuha ng ninong James niya ang gamit ni Kelly mula sa kamay niya at sinulyapan pa nito ang kamay ni Kelly na nakahawak sa braso niya. Tsaka sila bumaba.
"Bye ninang, thanks for taking care of me." Yumakap si Kelly sa ninang Cassie niya. Nag-paalam din ito kay Ethan at Ninong Andrew niya.
"Bye kuya bestfriend!" Yumakap uli si Kelly sa kanya, yayakap din sana siya pero nahagip ng mata niya ang ninong James niya na may pag-babanta na naman sa mata.
"Pupuntahan na lang kita dito, mag-movie marathon uli tayo." Bumitaw ng yakap si Kelly at humalik sa pisngi niya. Naiilang siyang ngumiti, dahil sa titig ng ninong niya, hindi niya alam kung bakit ganito 'to ngayon, samantalang noong halikan siya ni Kelly sa labi, natatawa pa ito sa ginawa ni Kelly.
Ang labo din nito ni ninong... Sa isip niya, at bahagya siyang nailing.
_____________________________________
si Isabela louise Mijares ang magiging love interest ni Liam.... tinamad talaga ako mag-edit dito.. kayo na bahala magedit.. haha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top