CHAPTER 14

A/n; No Edit.. 

Abala si Kelly sa pag-aayos ng sarili, nilabas niya na ang buong feminine side niya, at isinantabi muna niya ang kakalogan niya. Nag-suot siya ng mini black dress, above the knees na medyo baloon ang skirt. Hinayaan lang niyang nakalugay ang mahabang medyo kulot na buhok, kaunting make-up at pinarisan niya ng red na stilleto shoes, Tumayo siya mula sa pag kakaupo sa harap ng tukador niya at kinuha ang maliit na pulang clutch bag na nakapatong sa kama.

Nasa sarili niyang kwarto s'ya, umuwi muna siya para magbihis, lumapit siya may pinto at akmang bubuksan niya na ito ng bigla itong bumukas.

"Yaya pretty"

"Wow! Ang ganda-ganda mo naman princess." Namamangha nitong sabi.

"Thanks yaya"

"Nand'yan na ang prince charming mo."

"Talaga po!? Aaa kinakabahan ako yaya, first time kung makipag-date." Nag pakawala ito ng hangin sa bibig.

"Tara na" aya sakanya ng yaya niya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba ng hagdan, pero natigil siya sa pag-baba ng makita si Dyllan na nando'on din. Pero ngumiti parin siya, inisip niya na baka may lakad ito kasi bihis na bihis din.

Nagpatuloy siya sa pag baba, agad na tumayo si Dyllan at Rex ng makita siya, nakatitig lang ang dalawa sa kanya, walang ka kurap-kurap.

"Hi Rex" Bati niya kay Rex ng makababa siya ng hagdan. Pero hindi ito nag-salita naka-titig parin sa kanya.


"Hoy! Natulala na kayo d'yan." Sabi ng yaya niya sa dalawa, d'on lang ito parang nahimasmasan.

"Hi Kelly, you look so gorgeous." Puri sa kanya ni Rex at lumapit ito sa kanya.

"Thanks" Tumingin si Kelly kay Dyllan na nakatitig parin sa kanya.

"Hi kuya bestfriend, san ang lakad mo? May gig ba kayo ngayon?" Nakangiting tanong niya.

"Yeah, chaperone mo." Napaawang ang labi ni Kelly sa sinabi ni Dyllan.

"What did you say?" Tanong ni Kelly, dahil baka nag-kakamali lang siya ng rinig.

"I said, your chaperone." Tumawa si Kelly ng mahina.

"You're such a joker kuya bestfriend." Sabi niya.

"I'm not joking, I'm dead serious." Doon nawala ang ngiti ni Kelly.

"Hindi mo kami kailangan samahan, Rex will take good care of me... Right Rex?" Bubuka palang ang bibig ni Rex ng mag salita si Dyllan.

"Date with me, or stay at home?" Napapikit nalang si Kelly.

"Okay fine" pag payag nalang niya, pero irita ang tinig.

"Let's go" lumapit agad sa kanya si Dyllan at inakbayan siya, lumabas sila ng bahay, sumunod naman si Rex. Lumabas sila hanggang labas ng gate kung saan ang sasakyan ni Rex.

"Dito tayo" Binuksan agad ni Dyllan ang pinto sa back seat.

"Dyllan d'on nalang ako sa unahan, mag-mumukhang driver niyan si Rex eh."

"Hindi yan. Ayos lang naman sayo Rex diba?" Tanong ni Dyllan.

"It's okay Kelly." Sagot ni Rex.

"See, move in." Sumakay nalang si Kelly at sumunod si Dyllan. Sumakay din si Rex sa driver seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Inakbayan ni Dyllan si Kelly.

"Nag paganda ka pa talaga ah." Bulong ni Dyllan.

"Konting effort lang 'to Dyllan. Alisin mo nga ang kamay mo ang bigat eh." Masungit niyang sabi, dahil inis talaga siya kay Dyllan.

"Ang sungit mo ah." Lalong hinigpitan ni Dyllan ang pag kakaakbay sa kanya. Pasakal na akbay.

"Kelly saan mo ba gustong mag-punta? wala kasi akong alam na magandang puntahan eh." Tanong ni Rex.

"Tsk tsk tsk.. Pre dapat kapag nakikipag date, alam mo na agad ang pupuntahan niyo, dapat settle na ang lahat. Pambihira naman oh! Kung ako ang babae niyan. Turn off na ako niyan." Siniko ni Kelly si Dyllan sa t'yan.

"Bakit ba? Nag sasabi lang ako ng totoo."

"Wala pa kasi akong alam dito pre. Kakabalik ko palang dito diba? At isa pa, hindi rin ako nakikipag-date talaga. Ngayon lang." Sagot naman ni Rex na abala sa pag-mamaneho.

"Eeehh! Narinig mo yun." Bulong ni Kelly kay Dyllan, halos mamilipit si Kelly sa kilig.

"Ano ba Kelly! Para yun lang." Sininghalan niya si Kelly at tinabig ang kamay nito dahil halos lamutakin nito ang tiyan niya.

"Doon nalang tayo sa--"

"Sa Avenue steakhouse. The best ang food d'on pre. Favorite d'on ni Kelly. Lalo na yung steak! Shit! The best." Putol ni Dyllan kay Kelly.

"Dyllan wag--"

"Hmm! Ang cute cute mo talaga." Pinisil ni Dyllan ang magkabila niyang pisngi, habang nakaakbay parin ito.

"Dyllan ano ba!? Naiinis na ako ah."

"Wag ka na kasing mag-reklamo." Hindi nalang nag-reklamo si Kelly. Tinuro ni Dyllan kung saan ang restaurant at narating naman nila ito agad.

Bumababa sila ng sasakyan at pumasok sa restaurant, giniya sila ng isang waitress sa isang vacant table. Ipag-hihila sana siya ni Rex ng upuan pero inunahan na agad ito ni Dyllan. Umupo si Kelly habang masama ang tingin kay Dyllan.

Naiinis na talaga siya dito dahil kanina pa sinisira ang date nila ni Rex. Umupo si Rex sa tapat ni Kelly at si Dyllan sa side ng dalawa.

May lumapit na waiter at binigay sa 'kanila ang menu.

"Kobe strip steak, medium rare." Agad na sabi ni Dyllan hindi pa man nito nakikita ang menu.

"Dyllan" Mahinang tawag ni Kelly at pinanglakihan niya ito ng mata, alam kasi niya kung gaano yun kamahal.

"Make it two, para sa kanya." Sabi uli ni Dyllan sa waiter, tinutukoy ang para kay Kelly.

"Wait, make it 3, kulang sakin ang isa eh. Okay lang ba Rex?"

"Yeah, it's okay, yun nalang din sakin." Sagot ni Rex.

"What else Kelly?" Tanong ni Rex.

"Okay na yun."

"Oh c'mon Kelly, wag kang mahiya kay Rex." Siguro kung silang dalawa lang ni Dyllan kanina pa niya 'to nasapak.

"Alam mo pre, yan si Kelly, sobrang takaw niyan, parang hindi babae kung kumain."

"Wow! Really!? Sa sexy mong yan, malakas kang kumain. That's impressive." Napangiti naman ng husto si Kelly sa sinabi ni Rex. Napa tss naman si Dyllan.

"Mag kakasundo pala tayo pag dating sa food. Mahilig din akong kumain." Sabi uli ni Rex.

"Okay na po 'tong order niyo?" Tanong naman ng waiter.

"A bottle of wine please, yung pinaka-mahal niyong wine."

"Dyllan!" Saway agad ni Kelly.

"Expensive is the best, agree pre?" Tanong ni Dyllan kay Rex.

"Not at all dude! Sometimes, not all expensive is the best, specially sa food. Mas gusto ko pa ang mga lutong bahay kaysa sa mga expensive cuisines sa mga restaurant."

"I agree! Ako din mas gusto ko ang lutong bahay, my mom's Caldereta is my favorite all the time." Pag sang-ayon ni Kelly kay Rex.

"Diba Dyllan gan'on ka din, you were always complaining kapag kumakain tayo sa labas, dahil mas gusto mo pa ang luto ni mommy diba?"Hindi sumagot si Dyllan, totoo kasi ang sinabi ni Kelly na reklamo siya ng reklamo kapag lumalabas ang buong pamilya dahil mas gusto niyang sa bahay nalang sila kumain.

"Waiter add a bottle of wine please." Sabi nalang ni Dyllan, at nag dagdag pa ito ng iba pang mga pagkain.

"Don't worry Rex, siya ang mag babayad ng mga in-order niya."


"Wala akong dalang pera Kelly." Sagot ni Dyllan.

"Yun naman pala eh. Wala kang pera, bakit order ka ng order?"

"Natural, ginawa mo na nga akong chaperone eh."

"Sinabi ko bang sumama ka." medyo napapa-lakas na ang tinig niya sa inis, nauubos na naman ang pasensiya niya dito.

"Kelly it's okay. Wag na kayong mag-talo." Natigil ang dalawa sa bangayan ng awatin sila ni Rex.

Dumating ang order nila, at nag-simula silang kumain.

"Kailan pala ang balik nila tita Kelly?" Tanong ni Rex.

"Umm. one week lang sila dapat, pero na-extend eh." Tumango-tango si Rex.

"Um.. Kelly, may.... nang-liligaw ba sayo ngayon?" Alangang tanong ni Rex.

"Huh? Um.. wa-"

"Kelly taste it!" Sapilitang sinubuan siya ni Dyllan ng steak.


"Dyllan ano ba? Parehas lang 'to eh."

"Hindi eh, parang iba eh."

"Mag reklamo ka sa manager, wag sakin." Nailing na lang si Rex sa ginagawa ni Dyllan, nase-sense din nito na sinasadya ni Dyllan ang mga ginagawa nito para maistorbo sila.

"Nakakainis ka talaga kahit kelan eh." Padabog n'yang binitawan ang knife na hawak n'ya.

Natapos silang kumain, pero hindi man lang sila nakapag-usap ng maayos ni Rex dahil kay Dyllan. Ngayon nasa movie house sila, nag-aya si Rex na manood ng movie, napapa-gitnaan siya ng dalawa.

"Natatandaan mo ba Kelly n'ong bata pa tayo, madalas din tayong manood ng movie sa bahay n'yo." Sabi ni Rex.

"Oo nga, pero hindi naman natin natatapos lagi dahil may mga epal na susulpot." Natawa nang mahina si Kelly, gan'on din si Rex.

"Haaay! Ina-antok na ako Kelly hindi pa ba tayo uuwi?" Napapikit ng madiin si Kelly sa inis kay Dyllan.

"Ayan! may epal na naman... Pwede ba Dyllan mamaya na nga, tapusin na natin 'to, o kaya naman kung gusto mo mauna ka nang umuwi." Napayakap si Kelly sa sarili, nakaramdam s'ya bigla ng lamig.

"Are you cold?" Tanong ni Rex at agad nitong hinubad ang jacket, para ipasuot kay Kelly pero inunahan ito ni Dyllan.

"Isuot mo 'to." Sinuotan ni Dyllan ng jacket si Kelly at inakbayan.

"Dyllan! ano ba? nang-iinis ka ba talaga?" Bulong ni Kelly kay Dyllan.

"Ako, nang-iinis? Sinuotan na nga kita ng jacket nang-iinis parin yon para sa 'yo. I'm just being a good and caring kuya bestfriend."Sabay halik nito sa pisngi ni Kelly.

"Ang cute-cute talaga ng baby bestfriend ko." Sabi ni Dyllan pag-katapos halikan si Kelly.

"Tss. Baby bestfriend. Saan naman yon galing?" Naka-simangot na tanong ni Kelly.

"Kung saan galing ang kuya bestfriend." Sagot ni Dyllan at akmang hahalik sana uli ito sa pisngi ni Kelly, pero mabilis n'yang inamba ang kamao n'ya.

"Subukan mo lang! Sasapakin na talaga kita." Tinawanan lang siya nito at mas lalong hinigpitan ang akbay sa kanya. Napa-kamot na lang si Rex sa ulo dahil hindi n'ya talaga maka-usap ng maayos si Kelly.

****

After nilang manood ng sine, umuwi na rin sila, hinatid sila ni Rex.

"Thanks Rex."

"No Kelly, I should to thank you, thanks for going out with me. I hope masundan pa ang date natin."

"I would love too, pero siguro pag-uwi na lang nila dad, para wala ng asungot." Natawa si Rex sa sinabi n'ya.

"So, I have to go na." Paalam ni Rex.

"okay" Akmang bebeso sana si Rex ng akbayan naman ni Dyllan si Kelly.

"Thanks pre ah, sa uulitin. Sarap pala ng steak pag-libre."

"Let's go baby bestfriend." Hinila na siya ni Dyllan papasok sa gate. Sumigaw na lang si Kelly ng 'Bye Rex' dahil hindi s'ya makawala sa pagkaka-akbay sa kanya ni Dyllan.

Pag-pasok nila ng bahay, marahas n'yang inalis ang kamay ni Dyllan mula sa pagkaka-akbay sa kanya.

"Ikaw Dyllan sobra ka na ah! akala mo ba hindi ko alam na sinasadya mo ang lahat."

"Ang alin?" Patay malisya nitong tanong.

"Wag kang mag-maang-maangan. Bwesit ka!" Tumaas na ng husto ang boses ni Kelly.

"Hey kids! What's going on? Dinig na dinig agad ang bangayan n'yong dalawa sa taas ah." Sabay na napa-lingon ang dalawa sa pababang mommy ni Dyllan.

"How's your date Kelly?" Nag-kiss si Kelly sa ninang Cassie n'ya pag-ka-baba nito.

"Disaster ninang! So bad! Nakakainis 'tong anak n'yo eh, sinira n'ya ang lahat." Pag-mamaktol ni Kelly na may kasama pang pad'yak ng dalawang paa.

"But Why? How he ruined your date?"

"Tanungin n'yo na lang po yan ninang, baka mamaya masapak ko na po yang anak n'yo eh." Sabay tingin ng masama kay Dyllan.

"Akyat na po ako. good night." Umakyat si Kelly at naiwan ang mag-ina.

"What happened? what did you do?" Tanong ng mommy niya.

"Good night mom." Sabi ni Dyllan sa halip na sagutin ang tanong ng mommy n'ya, sabay halik sa pisngi at patakbong umakyat.

Sa halip na tumuloy s'ya sa kwarto n'ya, sa kwarto s'ya ni Kelly nag-punta, kinatok n'ya ito at agad naman itong binuksan ni Kelly.

"ANO!? Utang na loob Dyllan umalis ka nga muna sa harapan ko at banas na banas ako sa 'yo." Ngumiti lang si Dyllan at pumasok sa kwarto, sabay bagsak ng katawan nito sa kama. Pinag-cross lang ni Kelly ang mga braso n'ya at tinignan n'ya si Dyllan ng masama.

"Nang-iinis ka talaga no?" Umupo si Dyllan sabay haltak sa kanya pa-upo sa kama at inakbayan siya nito.

"ANO BA!?" Pilit n'yang tinatanggal ang pagkaka-akbay sa kanya ni Dyllan, pero hindi naman n'ya magawa.

"Makinig ka nga muna. Oo na, sinadya ko talaga yun, just to test him." Paliwanag ni Dyllan.

"At bakit naman?"

"Baby Bestfriend! Isipin mo ah. I was just testing him kung hanggang saan ang temper n'ya. Paano kung lokohin ka lang n'on, concern lang ako sa 'yo."

"Hindi gan'on si Rex. Mabait s'ya."

"How did you know? eh ngayon lang naman kayo nag-kita uli, lumaki s'ya sa Amerika. Naniniwala ka ba talaga na ngayon lang s'ya naki-pag-date? Masyadong liberated ang mga tao sa States, pupusta ako, baka grade school pa lang yun, naka-tikim na yun." Mahabang paliwanag ni Dyllan. Tumaas ang kilay ni Kelly sa huli niyang sinabi.

"Anong naka-tikim?"

"Wala, wag ka nang magalit sa 'kin, bati na tayo huh."

"Ano muna yun!? Sasabi-sabihin mo tapos hindi mo naman lilinawin." Napa-lakas na naman ang boses ni Kelly.

"Naku, ang sungit mo talaga no?" Hinawakan niya ang ulo ni Kelly na parang pinang-gigilan.

"Ano nga yon?" Tanong uli ni Kelly.

"Babae, siguradong marami ng babaeng natikman yon."

"You mean to say, um.... 'yong...?"

"Oo yun, yun. Gusto mo ba 'yon?" Hindi nag-salita si Kelly.

"I'm just protecting you, kaya wag ka nang magalit sa 'kin ha?" Hindi parin nag-salita si Kelly kaya hinawakan n'ya ang mag-kabilang pisngi ni Kelly at inipit niya ng husto ng dalawang palad niya.

"Smile na, wag nang magalit. Bati na tayo diba?" Tipid itong ngumiti.

"Wide smile." Sabi n'ya ginawa naman ni Kelly, nilapadan nito ang pag-kaka-ngiti.

"Ayan ang cute-cute mo." Aniya, pero biglang sumeryoso ang mukha ni Dyllan at seryosong tumitig kay Kelly.

"Ang ganda mo. Rex will be luckiest man kapag sinagot mo s'ya." Ngumiti ng husto si Kelly sa sinabi n'ya.

"Talaga! Eh ikaw Dyllan, hindi ka ba nag-ca-crush sa 'kin kahit minsan lang?" Naka-ngiting tanong ni Kelly, binitawan n'ya ang mukha nito, pero nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Kelly.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong....... mahal kita. Maniniwala ka ba?" Seryoso n'yang tanong kay Kelly.

"Hmm..." Nag-pout si Kelly, na parang nag-iisip.

"Hindi, impossible naman 'yon. Siguro bilang kapatid, baka mahal mo ako. Hindi ko kasi ma-imagine eh, lagi mo kaya akong nilalait." Napa-buntong hininga si Dyllan.

Kung alam mo lang Kelly.... Kung alam mo lang..... He thought himself and he stood up.

"Sige na, pahinga ka na. Tuloy na bukas ang auditon mo diba?" Tumango lang si Kelly, hindi rin kasi natuloy ang audition na dapat n'ong sabado pa.

"Good night" He said

"Good night" She replied

Lumabas si Dyllan at tumuloy sa kwarto n'ya. Agad n'yang binagsak ang katawan sa kama.

"Hay Kelly! Kung alam mo lang sana kung gaano kita ka-mahal. Wala akong ibang minahal kung hindi ikaw lang.. too bad for me! It's just one sided love." Sabi n'ya habang naka-tingin sa kisame.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top