CHAPTER 13
Tinangal niya ang pag kakaakbay ni Dyllan at unti-unti siyang lumingon. Nakangiti si Jay sakanya.
"What did you call me?" Tanong niya na halos paanas.
"My little princess... Don't you remember me?" Tanong nito habang nakangiti.
"Rex" Sambit niya na halos pabulong, tumango-tango ito.
"But...you're Jay." Halos tulala parin siya.
"Hebrex Jay. Rex short for Hebrex." Hindi parin si Kelly maka react.
"You're my little princess Kelly, and I will marry you someday." Nakangiting sabi nito. Napangiti si Kelly ng husto.
"Rex, ikaw ba talaga yan?" Tumango at ngumiti ito.
"Oh my god! Rex my prince charming." Bulalas, natawa ito sa sinabi niya.
"No other than my little princess." Tumili si Kelly sabay takbo kay Jay at yumakap dito.
"Ahahaha!" Natawa ito sabay buhat sakanya at inikot-ikot siya. Binaba siya at kumalas sila ng yakap.
"Grabe! Look at you now, from a little cute princess, now, you're a drop dead gorgeous." Hinampas ni Kelly ang dibdib nito.
"Why?" Tanong nito at humawak sa sariling dibdib.
"Ang daya mo eh. Iniwan mo ako." Bigla nalang tumulo ang luha ni Kelly.
"Hey, don't cry." Hinawakan nito ang pisngi niya at marahang pinahid ang luha niya.
"Sorry, but I have promised you that I'll be back. Andito na ako, sorry kung hindi kita nakilala. Kanina ko lang nalaman na ikaw yan ng sabihin ng teacher ang buo mong pangalan." Sabi nito.
"Actually, pumunta ako sa bahay niyo, but maid told me, you wasn't there." Ngumiti si Kelly sa sobrang saya, na malaman na hindi siya nakalimutan nito.
"Did you miss me?" Tanong ni Jay.
"Yeah" Tumango-tango siya, nilahad naman nito ang dalawang palad.
"Can I hug my little princess once again?" Ngumiti si Kelly at niyakap uli si Jay.
Para silang nasa shooting, lahat ng mata sakanila nakatingin. Walang kahit isang nag sasalita, ang grupo hindi naman makapaniwala, lalo si Dyllan, walang galit na makikita sa mukha nito, gulat at sadness ang mababakas dito.
"Guys! Rex! Remember Rex." Sabi ni Kelly sa grupo.
"Musta pre? Yuan" Pakilala ni Yuan sa sarili. Nagpakilala naman si Liam at Enzo, except Dyllan, kaya napatingin sakanya si Rex, pero kilala na niya 'to dahil napakilala na sila sa bar last night.
"Dyllan pre, ikaw pala yan. Musta?" Tumango lang si Dyllan, pero hindi sumagot.
"Let's go!" Sabay talikod ni Dyllan.
Pinakilala niya ito sa kila Chloe, tsaka sila nag punta sa cafeteria. Sama-sama silang umupo sa table, kasama din si Von at nand'on si Rebecca. Umupo silang lahat.
"Akalain mong mag-kaka-kilala pala kayo no?" Sabi ni Von.
"Sandali lang Jay, itong mga 'to ba ang nanapak sayo noon? Yung na-kwento mo sakin noon, dahil hinalikan mo ang girlfriend mo." Nahiya naman bigla si Jay sa sinabi ni Von.
"Girlfriend" Ulit ni Kelly.
"Yeah, at ikaw pala yun, yung little princess niya, kaya gustong-gusto niyang umuwi ng Pilipinas dati pa eh. Ikaw pala yung dahilan." Napangiti naman si Kelly at tumingin kay Jay.
"Saan kana pala nakatira Rex?" Tanong ni Liam.
"Kila Von ako nag-e-stay." Tumango lang si Liam.
"Asan nga pala si Evo?" Tanong ni Jay kay Kelly.
"Nasa New York sila ngayon, kasama nila dad."
"Hmm.. Saan ka ngayon tumutuloy? Sabi kasi ng maid niyo, sa ninang mo daw."
"Kila Dyllan, si Dyllan kasi ang guardian ko ngayon." Paliwanag ni Kelly.
"Si Dyllan? Guardian mo?" Tanong nito, naguluhan ito sa sinabi niya.
"Mahabang kwento eh, may ginawa kasi akong kasalan sakanya, kaya yun ang parusa sakin." Tumingin si Kelly kay Dyllan, na kasalukuyang nilalaro ang pagkain ng tinidor.
"Hoy kuya! Anong problema mo?" Tumingin si Dyllan kay Kelly ng pailalim.
"Kuya!" Sabay ni Mannilyn at Chloe. Ngumiti lang si Kelly sa dalawa at muling tumingin kay Dyllan.
"So, what's with you my dear kuya bestfriend?" Umalon ng husto ang dibdib ni Dyllan sa marahas na pag hugot niya na hininga, pero hindi ito sumagot.
"Ang sungit. Asan ba ang girlfriend mo?" Tanong niya dito, pero hindi siya pinansin nito, nilaro lang lalo nito ang pagkain niya.
"Sungit talaga!" Tumingin nalang uli siya Kay Jay at nakipag kwentuhan.
**
"I'll see you tomorrow class." Sabi ng teacher at kinuha nito ang mga gamit sa table tsaka tinungo ang pinto, nag sitayuan na sila Kelly.
"Kelly, hatid na kita." Sabi ni Rex sakanya.
"Are you sure Rex?" Nakangiting tanong niya dito.
"Of course, gusto pa kitang makasama at maka-kwentuhan sana." Pasimple niyang kinagat ang ibabang labi niya, para pigilan ang labi niya na pilit gustong ngumiti.
"Okay" Tipid niyang sagot.
"Hoy! Anong okay? Nag-paalam ka na ba sa guardian mo?" Tanong ni Yuan, nilingon 'to ni Kelly at pinangdilatan ito at muling tumingin kay Rex.
"Let's go" Aya ni Rex, ngumiti lang si Kelly at sabay na silang lumabas nito, kasunod naman ang grupo. Pero paglabas nila nand'on na si Dyllan nakasandal sa haligi ng gusali, habang nakacross ang mga braso.
"Let's go Kelly." Aya ni Dyllan at umalis sa pagkakasandal.
"Wait lang ah." Paalam niya kay Rex, lumapit si Kelly kay Dyllan at hinila ito palayo sa grupo.
"Kuya bestfriend, hahatid ako ni Rex, payag kana na please." Pakiusap niya.
"Hindi pwede" Walang emosyong sabi nito.
"Sige na, sumunod nalang kayo samin." Tumingin sakanya si Dyllan, bubuka palang ang bibig nito, pero mabilis na itong hinalikan ni Kelly pisngi.
"Thanks Kuya Bestfriend." Sabay alis nito, napatulala nalang si Dyllan sa ginawa nito. Napabuntong hininga nalang siya habang sinusundan si Kelly at Rex habang papalayo, bumaling nalang siya sa grupo.
"Ano na? Hihilain ko pa ba kayo?" Singhal niya sa grupo.
"Sungit naman ni Kuya bestfriend. Ahahaha!" Malakas na tawa ni Yuan. Sinamaan 'to ng husto ng tingin ni Dyllan.
"Bilisan niyo!?" Sigaw nito sabay talikod.
Nagpunta sila ng parking lot at nagsisakay ng van, agad na pinaandar ni Dyllan ang sasakyan at sinundan sila Kelly hanggang sa marating nila ang bahay nila Dyllan.
Nakapasok na sila Kelly ng bahay, sila Dyllan naman sumunod sa dalawa, umupo ang apat sa mahabang sofa na mag-kakatabi, sabay-sabay pa itong nagsi-cross ng mga binti, ang isang kamay nasa hita at ang isang kamay naka salo sa baba. Lahat talaga gan'on ang mga itsura, pinakatitigan ang mga ito ni Kelly at halos pang dilatan niya. Nagtanong pa ito ng 'anong ginagawa niyo?' na walang tinig.
"Hindi pa ba kayo uuwi guys?" Tanong niya sa mga ito. Dumating naman ang katulong na may dalang meryenda.
"Meryenda ka muna Rex." Kukunin sana ni Kelly ang cookies na nasa plate, pero inunahan siya ni Dyllan.
"Mukhang masarap 'to ah." Kumuha ito at sumubo ng isa.
"Sarap nga, tikman niyo." Alok niya sa tatlo, Kumuha naman ang tatlo. Nag sisimula na namang mainis si Kelly, kukuha sana ito ng juice pero mabilis din kinuha ni Dyllan ang juice na kukunin sana ni Kelly.
Nang-gagaliiti na naman si Kelly, kukunin niya sana ang isang juice pero uunahan na naman siya ni Liam kaya mabilis niyang pinalo ang kamay nito.
"Subukan mo lang." Pinangdilatan ito ni Kelly ng husto.
"Wohoyy! Lumalabas na naman ang sungay ni princess grouch. Ahaha!" Sabi ni Liam sabay tawa ng malakas, tawanan din ang iba. Iningusan lang ito ni Kelly at kinuha ang Juice. Binigay ito kay Rex na naka-ngiti.
"Pasensiya ka na Rex ah. Wala talagang good manners yang mga yan eh." Sabi ni Kelly
"Tama Rex, nakakahawa kasi ang ugali niyan ni Kelly eh." Banat naman ni Dyllan sabay ngisi, sinamaan ito ng tingin ni Kelly, nauubos na naman ang pasensiya niya dito.
"Umm Kelly. . Um. Can I." Hindi matuloy-tuloy ni Rex ang sasabihin niya, nag-aalangan ito dahil naka-tingin ang apat sakanya. Napansin naman yun ni Kelly.
"Don't mind them Rex, go ahead. What was that?" Tanong ni Kelly.
"Umm. Can I invite you to go out? Let's have a dinner tomorrow night." Napamaang si Kelly ng husto sa sinabi nito. Masamang-masama naman ang tingin ni Dyllan dito.
"Dinner? Ok-"
"No! Hindi siya pwedeng lumabas. Lalo ang makipag-date." Putol ni Dyllan, nakuyom ni Kelly ang palad niya sa inis.
Panira talaga oh!!- She thinks
"Um. Sige, let's have a dinner tomorrow night, I'm free." Sabi ni Kelly, sabay tingin kay Dyllan.
Nagpaalam din agad si Rex, tsaka naman umuwi ang tatlo, hindi talaga sila nito iniwan. Kaya medyo bwesit si Kelly dahil hindi naman sila makapag usap ni Rex ng maayos.
***
"Hi kids" Bati ng mommy ni Dyllan, kakauwi lang nito kasama ang kapatid at daddy niya.
"Hi ninang, hi ninong." Humalik siya sa mga ito.
"Hi Ethan." Hinalikan niya ang bata sa pisngi. Gan'on din ang ginawa ni Dyllan sa mommy niya at yumakap sa daddy niya, ginulo naman niya ang buhok ng kapatid niya.
"Kumain na kayo?" Tanong ni Cassie.
"Yes ninang, tapos na po." Sagot ni Kelly.
"Bakit nandito kayo sa baba?"
"Um. Ninang, inaantay po talaga kita eh." Sabi ni Kelly, tumingin si Dyllan dito na nakaupo na uli sa sofa, parang alam na nito ang sasabihin ni Kelly, kaya nga hindi siya umakyat eh, dahil alam niyang mag-papaalam ito sa mommy niya.
"Ano yun Kelly?"
"Ninang. Do you still remember Rex?"
"Rex" Ulit ng ninang niya. Nakatingin lang si Dyllan dito.
"Si Rex, yung childhood boyfriend ko, yung sinuntok nila Dyllan noon." Napa ohh! Naman ito ng maalala.
"What about him?"
"Bumalik na po siya. Classmate ko po siya ngayon." Abot tenga ang ngiti nito habang nagku-kwento.
"Really"
"Yes ninang, ang guess what?"
"What?"
"He had asked me to go out for a date."
"Date? Walang sinabing date." Sabat ni Dyllan.
"Gan'on din yun, epal ka talaga." Tumingin uli si Kelly sa ninang niya.
"So?!" -Cassie
"Mag papaalam po ako sayo. Please ninang." Pinag-salikop pa nito ang mga palad.
"May magagawa ba si mommy kung ayaw ko, I'm your guardian remember?" Sabat uli ni Dyllan sabay tayo, tinignan pa siya nito habang naglalakad palayo at umakyat ng hagdan.
"I'm sorry Kelly, kung sakin, walang problema, pero si Dyllan ang nag-de-desisyon diba? Try mo nalang siyang I-convince." Lumungkot ang mukha ni Kelly at nag-okay nalang.
"I'll go up ninang." Umakyat nalang siya na nanglulumo.
**
Nakahiga si Dyllan at nakahiga sa pinag-patong-patong na unan, kaya parang nakaupo ito. Nakasalpak ang earphone sa tenga niya. May kumatok sa pinto at bumakas ito, pinilig niya ang ulo niya para mapag-sino ang kumatok. Pero agad niyang pinilig ang ulo pabalik at pumikit.
Kahit anong gawin mo hindi ako papayag... -Sa isip niya. Naramdaman niyang medyo nag bounce ang kama. Narinig din niya ang pagbuntong hiningan ni Kelly.
"Dyllan" Tawag sakanya ni Kelly, pero hindi siya dumilat.
"Dyllan" medyo nilakasan nito ang boses at bahagyang niyugyog ang braso niya.
"Ano ba pinapakinggan mo?" Sabay tanggal nito sa earphone niya, kaya napadilat siya. Nilagay ni Kelly ang isang earphone sa tenga nito.
"Tss. Lakas tama ah, wala ka naman palang pinapakinggan eh." Sabay bitaw sa earphone. Pumikit uli si Dyllan.
"Dyllan, may problema ka ba?" Tanong nito sakanya.
Ikaw problema ko..- Sagot niya sa isip niya.
"Dyllan, hoy! May problema ba kayo ni Agatha?" Hindi parin siya dumidilat.
"Dyllan, hmmm.. payagan mo na akong makipag date." Akala mo napakabait na bata nito.
"Dyllan! Uy! Mag-salita ka naman oh."
"Hindi!" Sagot niya habang nakapikit.
"Please Dyllan!" Napadilat siya ng yumakap sakanya si Kelly, sinubsob nito ang kabilang pisngi sa dibdib niya habang ang braso nito naka-pulupot sa bewang niya.
"Ayoko" Sagot niya, umangat ng mukha si Kelly at pinatong nito ang baba sa dibdib niya habang nakatingin ito sakanya.
"Sige na Dyllan please." Nag puppy face pa ito. Umiling-iling si Dyllan.
"Dyllan naman eh." Sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Napangiti nalang si Dyllan sa ginawa nito, at napahawak nalang siya sa ulo ni Kelly. Dahilan para umangat uli ito ng ulo.
"Payag ka na ba?" Excited na tanong nito. Ngumisi lang si Dyllan.
"What!? Payag ka na?" Medyo namimilog pa ang mata nito, kitang-kitang masaya, wala pa man itong nakukuhang magandang sagot. At parang nakakaawang tanggihan. Napabuntong hininga siya.
"Pag ba hindi ako pumayag titigilan mo ako? Hindi naman diba?" Napangiti ng husto si Kelly at mabilis na lumuhod sa harap niya, hinawakan nito ang mukha niya.
"Thanks Dyllan, the best kuya and bestfriend ka talaga." Sinimangutan lang niya ito.
"Aaa! Kahit sumisimangot ka in fairness cute ka parin." Binitawan nito ang mukha niya at umalis, pero agad ding bumalik si Kelly at gumapang ito sa may gilid ni Dyllan.
"Good night kuya bestfriend." Sabay halik nito sa pisngi niya, pero natigilan sila parehas dahil sahalip na sa pisngi niya dumampi ang labi ni Kelly, sa labi niya ito dumampi dahil sa bigla niyang paglingon.
Nagtama ang mata nila ni Kelly habang magkalapat ang labi nila. Unti-unting nilayo ni Kelly ang labi sa labi niya, pero magkalapit parin ang mga mukha nila. Ngumiti si Kelly.
"Sinadya mo no? Ikaw ah." Tinulak ni Kelly ang noo niya, gamit ang hintuturo nito.
"Nakakarami ka na ah. Pangatlo na 'to. Siguro, nasasarapan ka sa labi ko no? Umamin ka." Dinuro pa niya ito.
"Tss. Feeling ka, baka ikaw. Ikaw ang humalik eh." Inikutan siya ng mata ni Kelly, pero biglang tumitig ito sakanya.
"In fairness.. gwapo ka nga talaga, kaya pala ang daming nag-kakagusto sayo?" Sabi nito na animo'y sinisiyasat ng mabuti ang mukha niya.
"Oh well, oo na, gwapo ka na." Lumayo na ito sakanya.
"Wag mo na akong hahalikan uli ah! Si Rex na dapat ang fourth and last kiss ko." Nakangiting sabi nito at tumayo, nagtungo ito sa pinto at binuksan, pero bago ito tuluyang umalis tumingin uli sa 'kanya.
"Kung may problema ka kay Agatha, or kung niloloko ka niya, don't hesitate to tell me, ipapatikim ko talaga sakanya ang lahat ng alam ko sa martial arts." Napangiti siya sa sinabi nito, bumangon at bumaba siya sa kama.
"Good night" Sabi uli nito at lalabas na sana ng kwarto si Kelly, pero parang biglang may nag tulak sakanya na pigilan ito. Hinawakan niya ang braso nito at mabilis na pinaharap sabay yakap niya dito. Mahigpit na yakap ang ginawa niya at napapikit pa siya.
Ngumiti naman si Kelly at gumanti ng yakap.
"Ang sweet mo ngayon ah... Sandali nga. Wala ka naman sigurong malubhang sakit at may taning na ang buhay mo." Natawa siya sa sinabi ni Kelly, kumalas siya ng yakap at tumingin dito, hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ang mukha nito.
"Ang pangit mo!" Sabi niya sabay halik sa noo nito.
"Sige na matulog ka na, mukha kang zombie." Nagpout lang ito, kaya hinila niya ang nguso nito.
"Peste naman oh! Ang sakit n'on ah." Sabi nito habang hawak-hawak ang labi. Tinawanan lang niya ito, tsaka lumabas ng kwarto niya.
Binagsak niya ang katawan niya sa kama.
"Haayy! Kelly, Kelly, Kelly." Sabi niya habang nakatingin sa puting kisame.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top