IJLT 42 - Dinner
Tanghali na nang magising si Iya kinabukasan. Bumangon lamang siya para kumain at maligo tapos ay bumalik siyang muli sa kwarto para magpahinga. Since her mom forbids her to sleep with wet hair, wala siyang nagawa kundi magpalipas ng oras habang hinihintay na matuyo ang buhok.
Kumuha siya ng mga librong nasa mini bookshelf niya at saka ipinatong ang mga iyong sa kama. Nabasa na niya iyon lahat. Hindi kasi siya kasing hilig ni Ahn na magbasa na halos linggo-linggo yata ay may bago itong libro. Gusto rin niyang magbasa, pero konting libro lang. At kapag nagustuhan niya iyon, uulit-ulitin lang niya.
She usually buys books from Powerbooks kasi doon may free read. Kapag nagustuhan niya yung kwento, bibilhin niya kahit nabasa niya ng buo sa bookstore. Tapos uulit-ulitin niya sa bahay.
Now, she's going to re-read If I Stay, Where She Went and 13 Reasons Why. Bukas na siguro sya matatapos. Pero ayos lang, kailangan lang naman niyang magpalipas ng oras para matuyo ang buhok niya.
Wala silang pasok ngayong weekend dahil sa festival. Next week, back to reality na.
Sinilip muna niya ang phone bago siya magbasa ng libro. Walang bagong message mula kay Hans. She looked at the message he sent yesterday. Iya, you make my heart ache.
But why?
May nagawa na naman ba syang ikinasama ng loob nito? She turned to Facebook for answer.
Ilia Christina Eusebio
What does it mean when a guy tells you that you make his heart ache? Is it a bad thing?
Naghintay siya ng magku-comment, even Hans' answer will be welcomed. Mas prefer nga niyang dito na manggaling ang sagot.
Aubrey liked her status and commented 'Malala na yan.'
Then Hans followed.
Hans Madrigal commented on your status.
Hans Madrigal Yes, it's the worst.
She typed 'Why?' on the comment box and pressed Enter.
Hans Madrigal commented on your status.
Hans Madrigal It means that he's really into you. And he's ready to lose himself in the feeling, even if it will be the cause of his own destruction in the end.
Aubrey Lei Diaz commented on your status.
Aubrey Lei Diaz Shet! So deep.
Hans Madrigal commented on your status.
Hans Madrigal Shut up Aubrey.
Aubrey Lei Diaz commented on your status.
Aubrey Lei Diaz Tsk. Dinadaan pa kasi sa status. Pwede namang tawagan at itanong ng personal. Di ba Ilia?
"Sira ka talaga," naiiling niyang sabi, as if Aubrey could hear her.
She stopped the notifications for the said status. Magsisimula na sana siyang magbasa nang tumunog na naman ang phone niya. May PM galing kay Hans.
Hans Madrigal
Hans: Hey
Ilia: Oy
Hans: What's with your status?
Ilia: What's with your message?
*Hans is typing...*
Hans: It is what it is.
Ilia: Hindi ko pa rin gets.
Hans: Do you believe in love at first sight?
Pinamulahan siya sa tanong nito. Bigla niyang naalala yung time na nakita niya ang screensaver ng phone nito. It was a stolen shot of her, taken during the freshmen orientation. What did he mean by that question? Na-love at first sight be ito sa kanya?
Hans: I didn't.
*Hans is typing...*
Hans: But you proved me wrong.
Nagpagulong-gulong siya sa kama dahil sa sobrang kilig. Sa chat pa lang yun pero ganoon na ang epekto sa kanya. Paano pa kaya kung sa personal nito sinabi? Baka nahimatay na siya.
Another chatbox popped open.
Aubrey Lei Diaz
Aubrey: Check his status. OMG! You already!
Kunot-noo niyang tiningnan ang profile ni Hans.
Hans Madrigal
Love is such a confusing feeling. I think I'm going crazy.
"Ma!" she called out.
Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang ina.
"Bakit?" tanong nito. Nasa puno ito ng hagdan, paakyat na sana. May hawak itong towel at mukhang nagpapatuyo ng kamay. Halos lundagin niya ang hagdan papunta rito.
"Iya!" saway nito sa kanya.
She hugged her mother tightly.
"Mama!" atungal niya.
"Ano?" kunot-noo nitong tanong.
Kumalas siya rito at saka ipinakita ang PM ni Hans sa kanya. Lalo siyang namula nang ngumiti ito.
"Hm, bolero rin ang isang yan," kumento nito.
"Ano'ng gagawin ko?" lito niyang tanong.
"Saan?"
"Sa kanya."
Natawa ito bigla. "I don't get it. May kailangan ka bang gawin?"
"Natatakot ako."
"Bakit?"
"E kasi parang sobrang totoo na."
"O? Ayaw mo nun?"
Umiling siya. "Hindi ko po alam."
--
Later that night, agad siyang hinanap ng daddy nya pagkarating nito sa bahay. Kumatok ito sa nakabukas na pintuan ng kwarto niya to get her attention.
"Iya, get dressed," utos nito.
"Bakit po?"
"May bisita ka."
"Po? Sino po?"
"Yung manliligaw mo," nakangiting singit ng mommy niya. "Your dad invited him to dinner."
Pinandilatan niya ng mata ang mga magulang. Nag-iwas ng tingin ang daddy niya.
"Papa!"
Napakamot ito sa batok. "I just want to talk to him."
Nagtakip siya ng unan at impit na sumigaw. What will she do now? Bigla siyang natuliro. Gutom na gutom na pa naman siya dahil hindi siya nag-merienda kanina tapos sasabay pa si Hans sa dinner? Paano sya makakakain ng mabuti?
"It's just dinner, Iya. Try to relax," her mom told her.
She glared at her father. "Mamaya na lang po ako kakain pagkatapos ninyo," sagot niya sa ina.
"Iya, that will be rude. He will be expecting you."
"I didn't invite him here!" she snapped.
Tinapik ni Jazz ang balikat ni Kent saka nito pinababa ang ama niya. Then she went inside her room and closed the door behind her. Naupo ito sa tabi niya.
"Ayaw mo ba talaga?" Her mom gave her an apologetic smile.
Umiling siya. "I won't be able to eat, ma. Ngayon pa nga lang, parang buhol-buhol na ang bituka ko. Pa'no pa kaya mamaya?"
Tumawa ito ng mahina. "He affects you that much, huh?"
She blushed. "I-I'll just stay here. Please, ma. Sabihin nyo na lang na masama ang pakiramdam ko."
"Iya..." Jazz cupped her face. "You have to face him. Baka magtampo yun sa 'yo kapag hindi ka bumaba."
"After our conversation earlier?!"
Mabuti sana kung kasing kalmado siya ni Hans.
"O? Wala ka namang sinabing nakakahiya kanina, di ba? Dapat nga, sya pa ang mahiya sa 'yo."
Huminga siya ng malalim, finally considering what her mom just said. Oo nga naman. Sino ba naman ang umamin, indirectly? Hindi naman siya, di ba? She could just pretend that it did not affect him—which is the hardest part of it, because she was really affected.
"A-Ano'ng isusuot ko?" she finally asked.
--
One thing about the sit-down dinner that she doesn't like is the fact that they all have to dress up. Parang kakain sa labas lang. Ayaw niyang mag-ayos ng husto dahil baka sabihin naman ni Hans ay todo-prepare siya. Pero ayaw din naman niyang magmukhang slouchy.
Her mom helped her pick a dress. Simpleng Sunday dress ang napili niyang isuot. Sinuklay lamang niya ang buhok, naglagay ng kaunting blush on at lipstick. She didn't bother changing into heels. Nasa bahay naman siya. Her Hello Kitty slippers will do.
Sumabay din siya sa mommy niya pagbaba. Gusto niyang magtago sa likod nito nang makita niya si Hans na nakaupo sa sala. Ken didn't bother dressing up. Naka-shorts pa ito.
Hans gave her a smile, which made her blush. Dagdag na siguro ang gutom kaya nanlalambot ang mga tuhod niya. She momentarily lost her balance. Napatama ang pinky toe niya sa paa ng couch.
"Okay ka lang, anak?"
"Y-Yes, ma. Sorry."
She groaned inwardly. This is going to be a very long night.
--
Her dad cooked his famous pasta, saka roasted chicken, Thai salad at pecan pie for dessert. Naupo ang daddy niya sa usual nitong pwesto, sa puno ng rectangular table nila. Her mom sat beside him. Si Ken sa kabila. Tumabi siya sa mommy niya habang si Hans naman ay tumabi kay Ken.
"Hindi ka naman siguro allergic sa kahit anong nakahain, ano?" tanong ng daddy niya kay Hans.
He shook his head. "Hindi naman po."
"Good."
Her dad asked her to say grace. Normally, she would whip up a prayer impromptu, but with Hans across the table, hindi siya makapag-isip ng matino, so she just uttered the famous Grace Before Meal prayer.
"Let's eat!" aya ng mommy niya sa kanila.
She immediately went for the roasted chicken, same time as Hans. Agad nitong binawi ang kamay nito.
"Ikaw na."
Nahihiya siyang tumango, saka humiwa ng manok. She removed the skin and gave it to her mom. Ken did the same. Ibinigay naman nito iyon sa daddy nila.
"Ikaw Hans, gusto mo ng balat ng manok?" her mom asked.
Ngumiti ito. "No tita, I'm good. Thanks."
Kumuha sya ng mashed potato at nilagyan ang pinggan, tapos ay pinaliguan ito ng gravy. It looked so dellicious and her stomach was already grumbling, pero pakiramdam niya ay busog pa siya. Still, she forced herself to eat.
"You're 21 already, right?" her dad asked Hans.
"Opo," sagot nito.
"How come na first year ka pa lang?"
"Nag-shift po ako ng course. From BA to Tourism."
"Why?"
Lalo na siyang hindi makakain dahil sa pag-i-interrogate ng daddy niya sa bisita.
"I just don't feel like finishing the course."
"That has nothing to do with Iya, right?"
She choked on the chicken she was eating. Napatingin ang mga ito sa kanya. Her mom handed her a glass of water. Tahimik naman siyang uminom.
"Wala po. Noong pasukan ko lang sya nakilala," sagot ni Hans.
Tumango-tango ang daddy niya.
"Where's your dad, hijo?" tanong naman ng mommy niya. "Parang ang tagal ko na syang hindi nakikita. Nasa Pilipinas ba sya?"
"Opo," sagot ni Hans. "He lives in Cebu right now."
"With your mom?"
Umiling ito. "No. They're separated."
Natigilan siya sa pagkain. She didn't know that. Parang ang lungkot naman ng buhay nito. Solong anak na nga, hiwalay pa ang mga magulang.
"Oh. I'm sorry to hear that."
Bumawi ng ngiti si Hans. "They're still working it out. I think kailangan lang nila ng space sa ngayon."
"So you're with your mom?"
"I am, sometimes. Minsan naman po, sa penthouse ako nag-i-stay since mas malapit sa school."
"Ilan na ang naging girlfriend mo?"
Pinandilatan niya si Ken nang makisali ito sa usapan.
There was a long pause from Hans. Ano yun? Sobrang dami na ba at hindi niya mabilang sa utak nya? himutok niya.
"Twelve, I think?" hindi nito siguradong sagot.
Napasipol naman si Ken. "Wow, twelve! So pang-13 pala si Iya kung sakali?"
She didn't like the sound of that.
Tumingin muna sa kanya si Hans bago ito sumagot. And when he did, it was with utter confidence and in all seriousness.
"Yes. And she will be the last."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top