IJLT 35 - Compromise

Since that incident, hindi na siya muling pinansin ni Hanson. Hindi nya mawari kung ano ba talaga sila. Mag-boyfriend pero walang endearment, hindi nagho-hold hands, sapilitan ang dates at ni hindi alam ng ibang tao na sila. Inside the classroom, para lang silang mag-M.U. Sa labas ng klase, magkaklase lang sila. Sa mata ng ama niya at ni Ken, single siya. For her mom, she's confused. At sa sarili niya, hindi nya rin alam.

"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Aubrey sa kanya isang araw.

"Huh? Hindi."

"E bakit hindi kayo nagpapansinan?"

"Mabuti nga yun para nanahimik ang buhay ko," sabi niya rito. Sinadya pa niyang ilakas para marinig ni Hanson pero parang wala naman itong pakialam. Napasimangot tuloy siya.

Ngumisi si Aubrey. "Gusto mong itanong ko kay Shane kung gusto ulit maki-sit in ni Mico?"

Pagkasabi nito ay bigla na lamang sinipa ni Hanson yung upuan sa unahan nito. Nagkatinginan sila ni Aubrey.

"Ano ba'ng problema nya?" inis niyang tanong.

"Nagseselos 'yan!" bulong ni Aubrey. Mukhang mas kinikilig pa ito kaysa sa kanya.

Naging routine nila iyon ng ilang araw. Magpaparamdam lang si Hanson by grunting or kicking something tuwing may babanggiting pangalan ng lalaki si Aubrey sa kanya. Natutuwa siya na hindi mapakali. Gustong-gusto na niyang kausapin si Hanson pero nahihiya siya. She told him before that she's starting to like him, just to make him stop hurting Jeremy. That was a lie... a lie that's slowly becoming her truth.

Ayaw niyang magkagusto kay Hanson. She wants to fall for the nice guy, yung disente. Pero sa tuwing naiisip niya si Hanson, sya na mismo ang gumagawa ng excuse para maging katanggap-tanggap ito para sa sarili niya.

Hanggang mag-Biyernes ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Akala nga ng ilan ay break na sila, pero si Aubrey na mismo ang nagsasabi na hindi. Lover's quarrel lang daw, which was absurd, because they weren't even lovers in the first place.

Tuloy, nang sinundo sya ng daddy niya ay masamang-masama ang mood niya. Even he didn't attempt to start a conversation.

Hindi na sya umaasang maliliwanagan siya sa nangyayari during the weekend kasi pamihadong hindi na naman papasok si Hanson. He dropped the Saturday class at sa CAT naman, hindi na talaga ito pumapasok. Recently lang niya nalaman. Tapos na pala ito ng CAT, since he's a year ahead.

May kaugnayan kasi sa business ang dati nitong course, pero lumipat ito this year. Only the CAT units were credited. The rest, back to zero.

Dumiretso siya sa kwarto niya nang makarating sila ng bahay. Ni hindi siya naghapunan. Hindi niya maintindihan kung bakit masama ang loob niya. Dati naman, mas gusto niyang hindi siya pinapansin ni Hans. Pero ngayong parang hangin na lamang sya na hindi man lang nito magawang tingnan, nasasaktan naman sya.

Kasalukuyan siyang nagmumukmok nang tawagan siya ni Aubrey.

"Iya, online ka?" tanong nito agad.

"Hindi. Bakit?"

"I think you need to see something. Mag-online ka, tingnan mo yung profile ni Hans."

Tatanggi sana siya at sasabihing wala syang panahon para doon, pero lolokohin pa ba nya ang sarili niya? Curiosity got the better of her. Isa lang naman ang ikinatatakot niya. Baka pagpunta niya sa profile nito, in a relationship na pala ito sa iba.

Kaya lang ay nadismaya siya nang hindi niya makita yung post na sinasabi ni Aubrey. Puro profile pictures at cover photos lang ang nasa timeline nito. He must have changed the viewing limit to his friends only. Parang noong isang linggo lang, naka-public ito. What's he trying to hide? Lalo tuloy siyang kinabahan.

"Naka-private e," sabi niya kay Aubrey.

"Huh? Hindi ba kayo friends?"

"Hindi."

Aubrey grunted. "I-screenshot ko na nga lang. Wait. Sa FB na lang."

"Okay."

Aubrey ended the call. Sya naman ay hinintay na mag-PM ito. Hindi kasi sya ina-add ni Hans sa Facebook. Hindi rin naman nya ito ini-add. Ang dahilan niya, if he really want them to be friends online, he should make the first move.

Aubrey Lei Diaz

Aubrey: Heto o.

[Hans Madrigal

2 hrs ago

"I can't get you out of my head."]

Ilia: O? Tapos?

Aubrey: Hindi mo ba magets???

Aubrey: Ikaw yan!

Ilia: Parang hindi naman. Baka kung ano lang yan. Haha.

Ayaw niyang umasa, pero bigla syang napahiling na sana ay sya nga iyon. Nababaliw na yata siya.

*Aubrey is typing...*

Aubrey: I have another one.

[Hans Madrigal

about an hour ago

"Sometimes, I run. Sometimes, I hide. Sometimes, I'm scared of you but all I really want is to hold you tight, treat you right, be with you day and night. Baby, all I need is time."

Tangina ang baduy pero...]

Ilia: Still not convinced.

Pero ang totoo nyan, kanina pa mabilis ang tibok ng puso nya. Hindi lang niya maamin kay Aubrey dahil alam niyang magkaibigan ang dalawa. She might tell Hans.

Aubrey: Eto pa isa! Ewan ko na lang kung hindi ka tamaan!

[Hans Madrigal

about an hour ago

I would love to study you... E.C.E. Tangina. Sa'yo lang ako nagkaganito.]

Parang nanigas ang mga daliri niya. She couldn't freaking move her fingers! To the others, ECE is just a course in college. Electronics and Communication Engineering. But she can't just ignore the fact that ECE are her initials. Emilia Christina Eusebio. It's one hell of a coincidence.

Aubrey: Iya? Nandyan ka pa? Nahimatay ka sa kilig 'no? Hahaha. Alam mo ba, I PMed him to ask if it's you. He just told me to fuck off. :p So I guess it's really you. Kasi ang dali namang itanggi kung hindi, di ba? :D

Aubrey: Hoy Iya!

Ilia: Sorry tinawag kasi ako ni papa.

Mabuti na lamang at sa chat sila magkausap. Kung sa phone, malamang ay nahalata na nito na kanina pa siya natigilan. Gusto niyang gumulong-gulong sa kama. Buong buhay niya, ngayon lang siya naging ganito kasaya. Alam niyang mali. She shouldn't, but she couldn't help it.

--

Kinabukasan, tinawagan ni Iya si Ahn para makipagkita. Ahn got concerned dahil alam nitong grounded siya pero sinabi niya sa kinakapatid na gagawa siya ng paraan. Kailangan kasi niya ang tulong ni Ken para makalabas siya ng bahay. And Ken would only help if Ahn's thrown in the mix.

Nang mapapayag niya si Ahn ay si Ken naman ang kinausap nya. She had too wait for him to go home dahil may pasok ito ng umaga. Sya naman ay sa hapon.

"Ken!" salubong niya sa kapatid nang dumating ito ng tanghali.

"O? Bakit parang excited ka?" kunot-noo nitong tanong.

"Gusto mong mag-date?"

"Tayo?" Nang tumango siya ay bigla itong tumawa. "Grounded ka kaya!"

Ngumuso siya. "Oo nga e. Sayang, maybe I'll have to cancel with Ahn."

Lihim siyang napangiti nang tumigil sa pag-akyat ng hagdan si Ken. He retraced his steps back to her.

"May lakad kayo ni Ahn?"

"Oo. Kaso grounded nga pala ako." Ngumiti siya sa kapatid. "Pero kung sasama ka, baka pumayag si papa. Kasi di ba, sabi ni ninong, pwede lang kayong magkita ni Ahn kapag kasama ako. All you have to do is ask papa na isama ako, tapos hihiwalay na ako mamaya."

"At ano naman ang kapalit?"

Umiling siya. "Wala. Gusto ko lang namang makalabas e. Sige na, please?" pakiusap niya sa kakambal.

Ken sighed. "Sige, try kong magpaalam kay papa. Pero ikaw ang magsabi kay ninong."

"Deal!" tuwang-tuwa niyang sabi.

--

Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa nang mapapayag ni Ken ang daddy nila. Hindi na tuloy siya mapakali sa klase. Mabuti na lang at tinatamad magturo ang teacher nila kaya dinismiss sila 15 minutes before the time.

Sinundo siya ni Ken sa school tapos sinundo nila si Ahn. Manunuod ng movie ang paalam nila, pero sya lang talaga ang manunuod. Hindi niya alam kung saan pupunta ang dalawa. But seeing their happy faces, she didn't really care. Basta masaya sila pare-pareho.

Wooohooo! Nakalabas din! At long last, I'll be able to watch you, Fated.

She posted her status on Facebook. She even included the location. She was doing it on purpose, of course. Nagbabakasakaling mababasa iyon ni Hans. And if he did, that he'd care.

Naglibot-libot muna siya sa may sinehan, while waiting for his familiar silhouette. Nang halos tatlumpong minuto na ay wala pa rin ni anino nito, she decided to quit waiting. Kinumbinsi na lang niya ang sarili na masaya sya dahil nakalabas siya ng bahay.

Humanay na siya sa counter. Medyo mahaba ang pila. Sabado kasi. It took her about fiften minutes to get to the counter.

"Fated," sabi niya sa babaeng nasa counter.

"What time?"

"Yung 5:25."

"Ano'ng seat ma'am?"

Tiningnan niya ang white seats on the screen, which indicates the free slots.

"Yung H19."

"Two hundred and twenty po."

Magbabayad na lang siya at ipi-print na lang ang ticket niya nang bigla siyang pangilabutan.

"Make that two," she heard a voice say.

Nabalot siya ng pabango nito. Umakbay sa kanya si Hans habang iniaabot sa babaeng nasa counter ang five hundred peso bill.

"Seat, sir?"

"Katabi nung sa kanya," sagot nito.

She blushed a little when the lady looked at her and gave her a knowing smile.

"Tsk. Rom-com na naman," naiiling na sabi ni Hans nang makaalis sila sa counter.

"Sino ba naman kasing may sabi sa 'yong manuod ka?" mataray niyang tanong.

Hindi na lang ito pumatol. He bought popcorns and drinks habang siya naman ay nag-text kay Ken kung anong approximate na oras matatapos ang movie. May curfew din kasi si Ahn kaya hanggang alas nwebe lang sila pwede.

Pumasok na sila ng sinehan since limang minuto na lang ay magsisimula na ang movie. They took their seats and waited.

"How did you know I was here?" she asked Hanson.

Tumikhim ito. "Kanina pa 'ko nandito."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. Either he's lying or she's just assuming wrong. Pero mas gusto niya yung naiisip niya. He followed her here. That has to be it.

Nang magsimula ang movie ay pasimple itong umakbay sa kanya. Hindi na niya pinalis ang kamay nito dahil gusto rin naman niya. She just wish that he couldn't see her face at that moment. Salamat na lang at pinatay na ang mga ilaw.

Ang daming reklamo ni Hanson tungkol sa movie. Ang korni raw. Baduy. Natutulili na ang tenga niya sa dami nitong reklamo. Kaya nang napagpasyahan nitong matulog na lang, sobrang laki ng pasasalamat niya. Sumandal ito sa balikat niya at natulog nang nangangalahati na ang movie.

At dahil sa tulog ito, nawala ang focus niya sa movie. Kinuha niya ang phone sa bag at saka itinapat sa mukha ni Hanson. Mabuti na lang at may flash ang phone niya. Okay gamitin kahit madilim.

Ang hindi niya inasahan ay ang malakas na click nang kunan niya ng picture si Hans. Good thing na mabilis niyang naitago ang phone niya bago pa ito magising.

--

Sinabi niya kay Hanson na kasama niya si Ken kaya hindi sila pwedeng makitang magkasama. Napilitan tuloy itong umalis. They met at Figaro. Pagdating ng dalawa, may glow in the dark bracelets na suot ang mga ito.

"Saan kayo galing?" tanong niya sa kanila.

"Timezone," sagot ni Ken.

"Kumusta ang movie, ate?" tanong naman ni Ahn.

"Okay lang." Hindi naman niya naintindihan yung kalahati.

Kumain muna sila saka nila inihatid si Ahn sa bahay nito. She thanked Ken for making the day happen. Without him, hindi sana niya makukuhaan ng picture si Hans. Too bad she can't share it on her social media accounts. Baka makita ni Ken, malalagot siya.

But it has its perks. Ginawa niyang screensaver.

Then, before going to bed, she posted a status. Her account remains public so she knew that he'll be able to read it, just like her previous status.

Ilia Christina Eusebio

You're an asshole, but I love you. #wellkinda #pink

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top