IJLT 32 - Athena
Hanson had been adamant about inviting her out after class, pero hindi niya ito mapagbigyan. Una, dahil ayaw niya at pangalawa, dahil hindi pwede.
"Bakit nga hindi pwede?" pangungulit nito over the phone.
"Kasi nga grounded ako dahil sa 'yo," mariin nyang sagot.
Kinailangan nya pa itong ipagtulakan palayo dahil sunod ito nang sunod sa kanya kanina. Her father almost saw him. He had been like that since the day after his birthday. Ultimo pagka-cutting, sina-suggest nito sa kanya, makalabas lang sila.
Hindi na kasi siya nito nayayaya na lumabas after class.
"E ngayon? Hindi pwede? Saturday naman a!"
"Isang buwan akong grounded. Kasalanan mo yun. I can't even go out on weekends because of you! Sabi ko naman sa 'yo, di ba? Bawal akong inuumaga!"
"E di bukas," kaswal nitong sabi.
Napabuntong-hininga siya. May CWTS siya tuwing linggo habang si Hans naman ay nasa CAT. Mas lalo namang ayaw niyang libanan ang klase na 'yon. Bukod sa sobrang sungit ni Mrs. Marasigan, tatlong absent lang, dropped ka na sa klase. And that only means one thing. Kapag na-drop siya, she will take that again for the next year. Or the next, if she fails again.
"Hindi nga pwede."
"Hindi pwede o ayaw mo?"
"Pareho."
"Ano ba na—"
Napatingin siya sa phone. Naputol ang tawag. Twenty-two minutes din pala silang nagbubulyawan kanina. Bago pa man niya maibaba ang phone ay tumawag na naman ito.
"Malo-lowbatt na 'ko. Mamaya na lang," sabi niya rito.
"Anong oras?"
Tumingin siya sa orasan. "Uhm... mga after 5 hours."
"Tangina. Five hours?!"
"Matagal mag-charge ang phone ko. Saka huwag ka ngang magmura dyan."
"E nakakatangina naman kasi yung sagot mo e," giit nito.
She pressed her lips together. "Nagmura ka na naman."
"Tatawag ako after an hour."
"Di ko sasagutin. Bahala ka."
She ended the call and put her phone on silent mode. Saka niya ito ichinarge kahit 59% pa ang battery. She left the phone tucked under her pillow saka sya bumaba para mag-merienda.
Wala ang kakambal niya, gumagala kasama sina Zanjo at Abby. Wala rin ang daddy niya, bumalik ito sa restaurant pagkasundo sa kanya. Ang mommy lang niya ang nasa bahay. Kumakain ito ng cookies nang pumunta siyang kusina.
"Gusto mo?" tanong nito sa kanya.
Umiling sya. "Gusto ko ng pancit, ma."
"Pancit?" Tumawa ito. "Tawagan mo ang papa mo."
She pouted. "E! Cookies na nga lang!" sabi niya. Sumalampak siya sa upuan pagkakuha ng cookie sa tupperware.
"Galit ka pa rin sa kanya?"
"E kasi naman, ma, ang OA nya! Isang beses lang akong inumaga ng uwi tapos isang buwan na kaagad akong grounded!"
Ngumiti ito sa kanya. "Hayaan mo na. Unica hija ka kasi."
"Malaki na 'ko. I'm already turning 19 next month!"
"Anak, even if you're in your 30s at may mga anak ka na, he will still treat you like a baby."
"Ang daya naman nun, ma! Si Ken nga, unico hijo pero ang luwag-luwag ni papa sa kanya!"
Kumunot bigla ang noo ng mommy niya. Tiningnan siya nito ng mataman, para bang sinusuri.
"What's this about, Iya?"
"What was what about?"
"Are you already dating someone? Noong inumaga ka ng uwi, were you with someone, on a date?"
Hindi siya agad nakasagot. Mothers, they could always see right through you. It's true na hindi naman siya nagrereklamo sa mga rules na sinet ng mga magulang nila para sa kanila ni Ken. Umalma lamang siya nang minsang ayain sya ni Jeremy na lumabas.
It was because she was finally 18, an adult. Kung dati, noong minor pa lamang siya, ay wala siyang sinasabi, it was because she knew it was for her own good. But it had been going on for quite a while already.
Akala niya ay magiging okay na when she turned 18. Na baka sakaling luluwagan na ang tali na ikinabit sa kanya ng mga magulang. She had been good for the past years of her life, even better than Ken. She was a straight A student. Naging val noong high school. Walang record sa school, ultimo late!
Ang dating kasi sa kanya, walang tiwala sa kanya ang daddy niya.
"Ma, can I entrust you with a secret?" nag-aalangan niyang tanong sa ina.
"Of course!" Nagpangalumbaba ito. "What is it? May boyfriend ka na?" hula nito.
"As a matter of fact... y-yes."
--
Naupo silang mag-ina sa sala. Concerned na concerned ang mommy niya sa sinabi niya kanina. Her mom's guess was Jeremy and when she told her no, mas lalo itong naguluhan.
"If not Jeremy, then who?"
"Si Hanson po," sagot niya.
And then, she had to tell her the whole story, minus the kisses and the forced dates. Sinimulan niya sa party, na lumapit ito sa kanya at kinausap siya. Well, that part's a bit true, pero mas mild yung version niya. She also had to tell her mom about Tagaytay and then the Hello Kitty.
"Do you like him, anak?" tanong nit pagkatapos niyang magkwento.
"I'm not sure, ma," she admitted. "He's not usually the type of guy that I will go for."
"Then why did you give him a chance?" kunot-noo nitong tanong.
"E kasi naman, ma, ayaw nya 'kong tigilan. I thought that if I say yes to him, he'd stop bugging me."
"That's the stupidest thing I've ever heard, Iya," naiiling nitong sabi. "Kung gusto ka nyang talaga, tingin mo titigilan ka nya kapag sinagot mo sya?"
"Kasi... akala ko para lang akong challenge sa kanya. After nyang makuha yung gusto nya, lulubayan nya na 'ko."
Her mom squeezed her hand, saka ito bumuntong-hininga. "Well, I guess what they say is true. Kahit ang matatalinong tao, nagiging tanga rin sa pag-ibig."
"Ma! I don't love him!"
Tumawa ito. "Not yet."
She shook her head vigorously. "I don't think I'll ever love him. Ni hindi ko nga sya magustuhan e."
"Then why stick around? Kung hindi mo naman pala sya gusto, e di hiwalayan mo."
"E ayaw nya nga kasi, ma. He said he'll do the dumping."
"Then make him dump you. If it is just to satisfy his ego, then so be it. He can dump you and you can get rid of him. O, di ba? Win-win pa rin."
"Hm, I guess that could work."
"You know who he reminds me of?"
Umiling siya. "Sino?"
"Your dad." Ngumiti ang mommy niya. After all these years, she could still see the love in her parents' eyes whenever they talk about each other. Kahit mga nakaraang away ang ikinikwento ng mga ito, they couldn't help but smile whenever they mention each other's names.
Her parents don't have endearments and they aren't conventionally sweet. Kung tutuusin, parang magkabarkada lang ang mga ito. They would bicker and argue about silly, little things but they never had a major fight. Maybe it's because they always try to settle things before going to bed. Para raw kinabukasan, okay na ulit. Clean slate.
"Your dad was very much like Hanson. May attitude problem din, rude and demanding at times, then sweet and caring the next."
"Hanggang ngayon naman, may attitude problem pa rin si papa," sabi niya sa ina.
Tumawa ito. "At least hindi kasinglala nung dati. Nako. Kung alam mo lang ang hirap na pinagdaanan ko para mapatino ang daddy nyo."
"Ma, did papa ever hurt you?"
"Yeah, a few times. And I did hurt him back so patas lang kami."
"Were there times na gusto mo nang sukuan si papa?"
Tumango ito. "Yes. I guess hindi naman mawawala 'yon sa isang relationship. If love is easy, then it won't be interesting."
"So, is your love story very interesting?" she piqued.
"No, I don't think so. Medyo lang siguro. Compared to your ninong Toby, mine was pretty dull."
"Bakit po? Gaano ba ka-interesting ang love story nina ninong?"
Ginulo nito ang buhok nya. "That's not mine to tell, anak." Tumayo ito. "I'll fix us something to eat. Ano'ng gusto mo?"
"Pancit nga, ma."
"Pancit canton, okay lang?"
"Wala naman tayong instant noodles sa bahay e."
Anything instant is prohibited inside their house. They rarely eat in fastfood chains. Their dad made sure na puro organic at healthy ang kinakain nila sa loob ng bahay, or if he could monitor them.
"Bibili ako sa tindahan," her mom replied.
"Sige po."
"Watch the house."
"Yes, ma."
--
Habang nasa labas ang mommy niya, sya naman ay nanuod muna ng TV. She was flipping the channel when something caught her eye.
"Gangster!"
It was a re-run of an old blockbuster movie. Napanuod na yata niya iyon dati pero bits lang kasi nililipat-lipat ni Ken ang channel. Mukhang kasisimula pa lang kaya hindi na muna niya inilipat.
When she learned the lead's name, she froze. Athena. Then something just clicked. So that's why the name was so familiar.
Hindi na niya tinapos ang movie. Tumakbo siya papunta sa kwarto at saka ini-unplug ang phone from its charger. May ilang missed calls na si Hans sa kanya.
"Kita mo 'to. Sinabi na nga na after 5 hours, tawag pa rin nang tawag!"
When her phone started ringing again, agad niyang iyong sinagot.
"Hoy!" bati niya.
"Nakailang tawag na ako sa 'yo a. Bakit ngayon ka lang sumagot?"
"Di ba sabi ko, after 5 hours?!"
"Bakit? Nag-agree ba 'ko?" he retorted.
"Wala akong pakialam kung hindi ka pumayag. Kapag sinabi kong after 5 hours ka tumawag, after 5 hours ka tatawag!" nanggagalaiti niyang sabi.
"Bakit ba gigil na gigil ka dyan?!" singhal nito sa kanya.
"E kasi ikaw!"
"Ano?! Pasalamat ka nga, tinatawagan kita!"
"May Athena ka pang nalalaman ha! Kaya raw hindi nagpapagupit, kasi brokenhearted! Sinungaling! Manggagaya ka lang ng kwento, yung sikat pa! Tingin mo, hindi ko malalaman?!"
There was silence. And then...
"HAHAHAHA! Tangina! Ngayon mo lang napansin?! Ang tagal na nyan, Iya! Ang slow mo talaga kahit kelan!"
"Tse!"
Tawa pa rin ito nang tawa kaya minabuti niyang i-end na lang yung call. Kaso ay tumawag na naman ito.
"Bakit mo pinatay?!" paasik nitong tanong.
"Nabibwisit ako sa 'yo!"
"Kasalanan ko bang uto-uto ka?"
"Jerk!"
Hans sighed. "Alam ko na yan. Wala na bang bago?"
"Sabihin mo nga, may dahilan ba talaga kung bakit ganyan kahaba ang buhok mo?"
"Oo naman. Girls dig the hair, so I keep it this long," natatawa nitong sabi.
"Bwisit ka! Ang babaw mo!"
Pinagpatayan ulit niya ito. Pero tumawag na naman ito sa kanya.
"Bakit ka ba tawag nang tawag?!"
"E sagot ka kasi nang sagot!"
"E di hindi na!"
She turned off her phone.
Bwisit na yun!, nanggagalaiti niyang sabi sa sarili. And to think that I actually fell for that scheme! Ahhh, bwisit! Pinagmukha na naman akong tanga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top