IJLT 23 - Firsts

Simula nang malaman ng mga kaklase ni Iya na kakambal niya si Ken, naging malapit na ang mga ito sa kanya. Lalo na ang mga babae. She can't help but roll her eyes every time na lalapitan siya ni Aubrey before lunch para makisabay sa pagkain.

It's like high school all over again!

Ken was used to the attention. So kahit blatant flirting na ang ginagawa ni Aubrey sa kapatid niya, hindi nito binibigyan ng malisya. Hindi kasi nito type si Aubrey. Masyadong flashy. And knowing her brother, ayaw nitong ito ang nilalapit-lapitan ng babae. It makes them cheap daw. No wonder he's so into Ahn, oblivious kasi ito, inosente at unassuming.

Awtomatiko syang napatingala nang may biglang umakbay sa kanya. It's Hanson.

"What?" kunot-noo niyang tanong dito.

"You're going to lunch, right? Pasabay ako."

"Ayoko nga!" Tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya.

"Why not?"

"Hindi tayo friends."

"So, friends lang ba ang isasabay mo sa pagkain mo?"

"Oo!" she snapped.

Ngumisi ito. "Then from now on, we're friends."

"I don't want to," mariin niyang sabi.

"I told you, I don't take no for an answer."

She rolled her eyes. Nauna pa ito sa pagpunta sa table kung saan nakaupo si Ken. He already ordered food for her. Nagtaas ito ng kilay nang maupo si Hanson sa tapat nito.

"Who's this?" tanong ng kambal niya.

"Her friend," sagot nito Hanson. Inilahad nito ang kamay kay Ken. "Charles Hanson."

Tiningnan lamang ni Ken ang kamay nito, saka ito tumingin sa kanya.

"Is that true?"

She just shrugged.

"Hi!" bati ni Aubrey sa kanila. Naupo ito sa tabi ni Ken so she had no choice but to sit next to Hanson. "Hello, Ken." Nag-pretty eyes ito sa kakambal niya. Gusto niyang masuka.

"Hello," Ken replied casually. He pushed the tray towards her. "I took the liberty of ordering your food," sabi nito sa kanya.

"Thanks."

Nagkatinginan silang apat. Naka-sense yata sina Hanson at Aubrey na hindi nila bibigyan ng pagkain ang mga ito kaya tumayo ang dalawa para bumili.

Nang maiwan ay saka lang sila nakapag-usap ng matino.

"Friend mo yun?" tanong ulit nito sa kanya.

"Hindi."

"Nanliligaw?"

She shook her head vigorously. Ken pressed his lips into a thin line.

"Sure?"

"Hindi talaga. Si Aubrey ba, nanliligaw sa 'yo?"

Ken chuckled. "Sira. She's just being friendly."

"Too friendly."

"Don't worry. Hindi ko naman papatulan yun."

"Dapat talagang hindi! You're for Ahn alone."

His eyebrow arched. "At talagang ikaw ang nambakod sa 'kin?"

Ngumisi siya. "Ganun talaga."

--

Iya tried her best to ignore Hanson during lunch. Hindi niya alam kung anong naiisipan nito. The first time they met, he was hostile towards her. Then he became friendly. Then, indifferent. And then, friendly again. Parang may multiple personalities ito. Hindi niya malaman kung paano ito pakikitunguhan.

Aubrey made the experience worse. Kulang na lamang ay kumandong ito sa kakambal niya. Dinaig pa nito ang linta kung makadikit!

Binilisan niya ang pagkain para makaalis agad. Ken did the same dahil mukhang naaalibadbaran na rin ito kay Aubrey. As a result, lahat sila ay nagmadali sa pagkain. Nagpaalam na siyang uuna pabalik ng classroom. Sumunod agad si Hanson. Si Aubrey naman, gusto pa sanang magpaiwan kaso umalis na rin agad si Ken, so she had no choice but to follow them.

--

Debut Ni Paris

Paris: You're all cordially invited to my debut! Sorry short notice. Hehehe. Wear something nice! And by nice, I mean gowns and tux.

*seen by everyone*

Napakunot ang noo ni Iya nang makita ang message ni Paris sa group chat na kagagawa lang nito kanina. Debut? Sa pagkakatanda niya, babae lang ang nagde-debut. Birthday ni Paris sa Huwebes. But the celebration would be held on weekend, Saturday night, since may pasok pa siya hanggang alas kwatro ng hapon.

Ilia Christina: Ano na namang trip to?

Paris: Birthday ko so I can do whatever I want. Hahaha!

Kendrick: Seryoso ka?

Paris: Yep. Who's to say na babae lang ang pwedeng mag-debut?

Corrine Erica: Uhm... kasi kuya, babae lang talaga ang nagde-debut.

Paris: Then I'll be the first guy debutante! :D

Liz Ahn: Kelangan talagang naka-gown? :(

Vienna Rose: Gusto ko yan kuya!

Sophia Franchesca: Let's rent! May alam akong boutique :D

Paris: @Ahn, yes you have to. Kuya would want to see you wearing a gown. :D

*Kendrick Eusebio saw this*

Ilia Christina: Ken's blushing here.

Kendrick: I'm not blushing.

Ilia Christina: Want me to take a picture, guys?

*Paris is typing...*

*Corrine Erica is typing...*

*Sophia Franchescais typing...*

Paris: Patingin!

Corrine Erica: Go lang!

Sophia Franchesca: Gusto ko ring makita! :D

*Ilia Christina is typing...*

Ilia Christina: Sorry guys, he ran upstairs. :(

Vienna Rose: Nasaan si ate Ahn?

Paris: Oo nga. Ahn? Are you still there?

Napailing na lamang si Iya. Malamang ay nahiya na rin ito kagaya ni Ken. They could not help but tease them. Ang cute kasi ng mga ito. And what's with Paris? Ano na naman kayang kalokohan ang naiisip nito? Debut? For a guy?

She shook her head again.

Ilia Christina: Nga pala, ano'ng plano mo? May cotillion din? 18 candles? 18 roses?

Paris: Candles and roses lang. But there's a small twist.

Coleen Emily: Kasama kami di ba, kuya?

Paris: Yep.

Ilia Christina: Pati si Ken? :D

Paris: Hindi no! Puro babae lang :p

--

Kinabukasan, Wednesday, humingi ng tulong si Paris sa mga kaklaseng lalaki. He needs to find a girl named Jasmine to be included in his debut. Para tatlo ang Jasmine na isasayaw niya: his aunt, a family friend and someone named Jasmine.

Ang gagawin ng mga kaklase niya, sa bawat klase sa year, they will gather all the girls named Jasmine. And he will give the invitation to one.

Agad namang ginawa ng mga ito iyon. They made the announcements before lunch. Sa hapon, lahat ng babaeng Jasmine ang pangalan ay tinipon nila sa function hall. They checked all the IDs, to be sure na ganoon nga ang pangalan ng mga ito.

Out of the entire school population, less than 20 ang babaeng Jasmine ang pangalan. When he counted them, saktong 18 ang bilang ng mga ito. Napangiti sya.

Since wala na si Ken sa high school, siya na ang pinakasikat na lalaki. Hindi na siya nagulat nang kiligin ang mga ito nang makita siya kanina. He scanned all the Jasmines in the room. At pinili niya ang pinakamaganda para maging 18th rose niya.

"May classmate pa akong Jasmine ang name e. Katukayo nga yung tawagan namin," sabi ng napili niya.

"Nasa'n sya ngayon?" tanong nya.

"Absent, simula pa kahapon. Baka bukas pa ang balik."

"Ganun ba?" He smiled at the girl. "Well, it's her loss."

"Maganda rin yun," sabi nito.

"It doesn't matter now. I already chose you."

--

His 18 roses are as follows: his mom, his two sisters, his two little cousins, Iya, Jennifer, Carmel, Ahn, his tita Gale, tita Femi, his two grandmothers (father and mother side), Sabrina, his ninang Charlotte, tita Jazz, tita Jae and his handpicked Jasmine.

Ang mga pinsan, tito at bisita niyang lalaki ang 18 candles niya. At dahil napilitan ang mga itong mag-dress up para sa kanya, gumanti sila sa pamamagitan ng pagpapatak ng kandila sa kamay niya. He wanted to protest but it's the only way para mapapayag ang mga itong mag-formal wear. Most of them hate wearing tux. That's why most of them rented, kasi walang tux ang mga ito sa bahay.

Minsan lang siyang humiling sa mga magulang. On his 16th birthday, he asked for a car. He never asked for anything before that. Now, on his 18th birthday, he asked for this party. Hindi sana papayag ang mga ito dahil malaking gastos, kaso ay nagpumilit sina Frances at Vienna.

Gusto raw kasi ng mga itong magsuot ng gown.

Buffet ang style ng catering. Ingredients na lang ang ginastos dahil daddy niya mismo ang nagluto. Photographer naman ang mommy.

As he instructed, dumating ang mga bisita niya ng naka-gowns at tuxedos. Even Ahn! Ngiting-ngiti siya nang makita ito kasama ang pamilya. She's wearing a beige chiffon gown. Nakapusod ang mahaba nitong buhok, so walang nakaharang sa mukha nitong may light makeup.

He glanced at Ken who's on the other side of their backyard. He looked so solemn. Nakatitig lang ito kay Ahn. When Ahn saw Ken looking, she shyly looked away, her cheeks turning pink.

Ang pinsan naman niyang si Iya ay naka-pink off-shoulder gown. She's beautiful, as always. Nang makita siya nito ay kumaway ito at ngumiti. Then she lifted the hem of her gown para ipakitang naka-rubber shoes ito. Natawa naman siya. His cousin is very unpredictable and unique, like her name.

He looked around for Jasmine, pero wala pa ito. He already gave her his address and phone number, para ma-contact siya nito. Pero hindi naman ito nagti-text man lang sa kanya. Kapag hindi ito dumating, siguro ay kukuha na lamang siya ng isang babae mula sa mga bisita para isayaw.

The party started. They all said a prayer and then may messages galing sa parents niya. Kinantahan nila siya ng Happy Birthday tapos ay idinaos ang patakan ng kandila.

Halos maiyak siya nang matapos iyon. Sobrang sakit ng kaliwang kamay niya.

Sunod na idinaos ang kainan. Then, the dance.

Isa-isa niyang binigyan ng red roses ang mga kasayaw. He allotted 30 seconds for each, pero mas iniklian niya ang oras nang si Ahn na ang kasayaw niya. His cousin's a very jealous guy.

Habang nakikipagsayaw ay iginagala pa rin nya ang mata para tingnan kung dumating ba ang Jasmine na pinili niya. He started to get worried nang ang tita Jae na niya ang kasayaw pero wala pa rin ito.

Then the dance ended. Naiwan siya sa gitna, with a single rose. He looked around. The music stopped. And then, another song started playing. Pero hindi siya gumalaw. They're all looking at him, waiting for him to pick up his 18th dance.

And that's when their eyes met.

Naka-black and gold gown ito. Nakapailalim yung gold, ang tabas ay parang gown ni Ahn. Chiffon din. Pero may black lacy bodice na nakapatong.  Nakataas ang buhok nito, messy bun. Her only accessorries are a pair of pearl earrings and a simple bracelet.

Alanganin itong ngumiti sa kanya.

Nilapitan niya ito at nginitian. Then, he handed her the rose and took her to the center of the dancefloor. She's not the girl he was expecting to see, pero ito yung matagal na niyang gustong makita.

"I never thought I'd see you again."

"Hindi kasi pwede yung classmate ko, kaya ako na lang ang pinapunta nya. Sana okay lang."

"Oo naman." He frowned when he remembered something. "Schoolmate pala kita?"

Tumango ito at ngumiti.

"Bakit hindi kita nakikita sa school?" tanong niya.

"Nakikita mo na 'ko. Hindi mo lang ako napapansin."

"Imposible."

They consummated the entire song but they didn't stop dancing.

"Tapos na yung kanta," sabi nito.

"Alam ko."

Another song played.

"Kumusta na yung makulit mong manliligaw? Wala na ba?"

Umiling ito. "Wala naman talaga."

"Di ba sabi mo—"

"I'll explain once na matapos tayong sumayaw."

--

"Who's the girl?" her tito asked her.

"Hindi ko po alam," sagot ni Iya. "Excuse me, tito."

Pumasok siya ng bahay at umakyat papuntang terrace. Masaya sana ang party kaso may panira. Bakit ba kasi kailangan pang nandoon si Hanson? Nagpangalumbaba siya. May kinakapatid palang demonyo si Paris, ngayon lang niya nalaman.

Nag-iisang anak si Hanson ng ninang Charlotte nito. His dad, Jansen, is a reknowned architect. Naka-trabaho na ito minsan ng mommy niya. His mom is her one of her tito France's best friends. They go way back pa raw. Magkakaibigan at magkakababata.

Maliit nga ang mundo. Hindi lang niya akalaing ganoon pala ito kaliit.

"You got bored?"

Inismiran niya si Hanson. Sumunod na naman ito sa kanya. Hindi naman siya aso pero bakit meron syang buntot?

"It's rude to ignore a visitor, Iya."

"I don't talk to strangers."

Hanson chuckled. "Strangers? I thought we're already friends?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Sinabi ko bang pumapayag ako?"

"I told you, I don't—"

"—take no for an answer. Yeah, I know. That doesn't change anything."

"Why do you hate me so much?"

Napamaang siya rito. "Seryoso, wala kang clue?!"

"I already said sorry."

"Oh, so that makes everything okay?"

He shrugged. "It's supposed to."

Nailing na lamang siya. "You're unbelievable."

Ngumiti ito saka nagtanggal ng coat. "Here."

"Wow! So gentleman ka na rin ngayon?"

"Tanggapin mo na lang."

Umirap siyang muli. "Ayoko."

"Iya."

"I'd be happier if you leave me alone."

"I can't."

She frowned. "Why? Akala ko ba hindi mo 'ko type?"

"Hindi nga."

"O, yun naman pala. Then stop bothering me."

He leaned towards her. "That doesn't mean that I don't like you."

Napasinghap siya nang hapitin siya nito sa bewang. Agad itong yumuko. She knew what was coming. Pero wala syang nagawa para pigilan ito.

She felt his lips on hers. They were so soft. Napapikit sya. But her lips remained shut. She didn't know how to respond. It was her first kiss, the one that she's reserving for that man who will marry her. Wala na ang first kiss niya. And it was wasted on a guy she doesn't even like.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top