IJLT 22 - Rumors

Nagdahilan si Iya na masama ang pakiramdam para hindi siya piliting kumain ng hapunan. Nagpaalam na rin siyang hindi siya papasok kinabukasan. Ang totoo, wala naman talaga siyang sakit, pero sobrang sama ng pakiramdam niya.

She couldn't believe that Hanson spread such rumors about her. Matatanggap pa sana niya kung binuhusan na lang din siya nito ng tatlong timba ng maruruming tubig para makaganti. Dirty clothes are easier to clean than a bad reputation.

When Friday came, kinumpronta na siya ng mommy niya dahil ayaw niyang pumasok. Nagagalit na rin ang daddy niya. Masama raw sa record niya ang maraming absent sa unang linggo pa lang ng klase. Hindi na rin umubra ang pagdadahilan niyang masama ang pakiramdam niya dahil pinatingnan na siya sa doktor. Ni sinat ay wala siya.

"Pa, next week na lang ako papasok, please!" pagmamaka-awa niya sa ama.

"Ano ba ang problema, Iya? Bakit ayaw mong pumasok?"

Wala siyang naisagot kundi, "Masama po kasi ang pakiramdam ko."

Her dad sighed. "Either you tell me the problem or you go to school."

Ayaw naman niyang sabihin. Baka manugod pa ang daddy niya. Ayaw niya ng gulo. She just wants to get a degree to make her parents proud. Kahit hindi na siya ma-recognize sa kahit anong field. Ang gusto lang naman niya ay makapag-aral ng tahimik at matiwasay.

"Fine! Papasok na po!"

Her dad didn't go to the restaurant that morning. Sa hapon na ito pumunta para maihatid sya.

Hindi na niya pinansin ang mga tingin na ipinukol sa kanya ng mga kaklase. She focused on the lessons instead. Hindi naman siya tinudyo ng mga ito noong araw na iyon kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya.

It was almost 6:30 in the evening nang matapos ang huling klase nila. Wala ng masyadong tao sa school. Tinawagan niya si Ken para magpasundo pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Kaya napagpasyahan na lang niyang mag-commute.

Malapit na siya sa building ng nursing sa may gate nang may biglang tumawag sa kanya. She stopped walking pero hindi niya ito nilingon. She just let him catch up.

"Uuwi ka na?" nakangiting tanong ni Hanson.

Sinamaan nya lang ito ng tingin saka siya nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey!" He grabbed her arm and turned her around to face him. "About the other day... I'm sorry."

That's when she snapped. Sinampal niya ito. "I have never met a guy as despicable as you!"

"Kaya nga nagso-sorry na, di ba?" mahinahon nitong sabi. "I already told them that I made the whole thing up."

Hindi niya ito pinansin.

"Iya, wait!"

Pinalis niya ang kamay nito nang humawak ito sa braso niya.

"Don't touch me!"

"Come on. I think we got off on the wrong foot. Can't we start over?" He gave her a smile. "Tell you what... let me take you to dinner. I know a place."

"May pagkain sa bahay na uuwian ko. Salamat na lang."

"I don't take no for an answer," sabi nito at saka siya hinila.

"Ano ba! Let go of me!"

"Peace offering ko 'to. Huwag mong balewalain," sabi nito.

Halos padabog siyang naglakad habang kinakaladkad nito papunta sa parking lot. He opened the door of the passenger's seat and pushed her in gently. Saka ito sumakay.

He took her to a steak house. Simangot pa rin siyang umupo. She even ignored the waiter when he gave her the menu. Inis na inis na inis siya. Ayaw na nga niyang ma-involve with Hanson sa kahit anong paraan pero ito naman ang nanggugulo!

He seemed different from the Hanson she met the other day. Bi-polar kaya ito?

"T-Bone steak for me and rib-eye steak naman para sa kanya," he told the waiter.

Nang maihain na ang mga pagkain ay hindi pa rin siya kumibo.

"Iya, kumain ka. Sayang naman ang inorder ko kung iirapan mo lang."

"Sino ba kasing may sabing gusto ko ng steak?" reklamo niya.

"Tinanong kita kanina pero hindi ka naman sumagot."

"What made you think na gusto kitang kasabay pagkain? Makita ko pa lang yang mukha mo, nawawalan na 'ko ng gana. Pa'no ako makakakain nyan?" pagtataray niya.

Hanson sighed. Saka ito tumayo. Akala nya ay aalis na ito. Nagulat sya nang bigla itong lumuhod sa harap niya. Hiyang-hiya siya! Pinagtitinginan na sila ng ibang kumakain!

"W-What are you doing? Tumayo ka nga dyan!"

"I'm saying sorry for the nth time. And I won't stand up until you forgive me."

She groaned. Bakit may mga lalaking nakakabwisit?

"Fine! I forgive you!"

Agad itong ngumiti at tumayo. He resumed his seat saka ito muling kumain. Wala na siyang nagawa kundi kumain na rin. Binilisan na lamang niya para agad siyang makauwi. Pero talaga yatang sinusubok nito ang pasensya niya.

After the steak, he ordered desserts. Two slices of baklava. Ayaw na sana niyang kumain pero mapilit ito. Para matapos na, minadali na lang din niya ang pagkain ng dessert.

Matatapos na siyang kumain when Ken called her.

"Kanina pa kita tinatawagan," sabi niya sa kakambal.

"Sorry, nakatulog kasi ako. Nasa'n ka ba?"

"Kumakain ako sa steak house, yung madalas nating kainan."

"May kasama ka?"

She glanced at Hanson. He probably wouldn't take her home anyway.

"Wala."

"Okay. Sunduin na lang kita. Give me 15 minutes."

"Sige."

When she ended the call, agad na nagtanong si Hanson.

"Sino 'yon?" Nang hindi siya sumagot ay nagtanong ulit ito. "Boyfriend mo?"

"None of your business."

After finishing dessert, tumayo na siya at nagpaalam dito.

"Ihahatid na kita," sabi nito.

"No need. May susundo sa 'kin."

Sinundan siya nito palabas ng restaurant pagkabayad nito.

"You could have told me na may boyfriend ka na."

"What's it to you?" kunot-noo niyang tanong.

Nagkibit-balikat lang ito.

"Are we friends now?" nakangiti nitong tanong maya-maya.

"Stop bothering me and maybe I'll tolerate your existence."

Pagkasabi'y saka siya nag-walk out. Ha! Take that, jerk!

--

Nang mga sumunod na linggo ay hindi na sila nagpansinan ni Hanson. Mabuti na iyon para sa kanya. He could ignore her for four years and she wouldn't care. She could still hear some rumors about him. Halos every other day, may iba-iba itong ka-fling.

May tsismis din na kumakalat tungkol sa kanya. Boyfriend daw niya si Ken. At niloloko lang daw sya nito dahil madalas itong may katagpuang high school student sa may Lovers' Path. Gusto niyang matawa pero hinahayaan na lang niya.

Mas naging sweet pa nga siya kay Ken nitong mga nakaraang araw kahit na sukang-suka na ito sa pinaggagagawa niya. Mabuti na rin iyon. They can spread rumors about them all they want. At least walang nanggugulo sa kanya.

Everything was going so well, hanggang sa nalaman ni Ken ang tsismis tungkol sa kanila. It didn't just affect him. It affected Ahn as well. Nang malaman ng mga kaklase ni Ken na sya ang girlfriend nito, they just assumed na nilalandi lang ni Ahn ang kakambal niya.

So sumugod ang mga ito sa high school at pinagsabihan ang kinakapatid niya. Umiyak pa raw ito sabi ni Paris. Ken told her to set things straight, like he did with his class.

Nang may magsumbong na naman sa kanya na nakita na naman daw nitong niloloko siya ng boyfriend niya, sinabi na niya ang totoo.

"Ken's not my boyfriend. He's my twin," sabi niya sa kaklase. She said it loud enough for the others to hear.

"Ha?!" Mukhang hindi ito makapaniwala. "Akala ko babae ang kakambal mo!"

Umiling sya. "Fraternal twins kami. At yung babaeng sinasabi nyong he's cheating on me with, kinakapatid ko yun. And they already have this understanding between them."

"So, wala kang boyfriend?"

Napataas ang kilay niya nang biglang sumabat si Hanson sa usapan. Magta-tatlong linggo na rin yata silang hindi nag-uusap.

"Wala. But don't get any ideas. Hindi kita type."

Tumawa ito ng malakas. "Good to know! Hindi rin kita type."

--

Kahit si Paris ay hindi rin nakaligtas. Since siya ang madalas na kasama ni Ahn, napagkamalan sya ng mga kaklaseng manliligaw nito. Kahit anong tanggi niya, hindi naniwala ang mga ito.

"Di ba bata na yun ng pinsan mo?" tanong sa kanya ng isang kaklase.

"Hindi ko nga kasi nililigawan yun!" giit niya.

"E bakit palagi kayong magkasama?" pang-iintriga ng isa pa.

"Bantayan ko raw kasi."

"Bantay-salakay?"

"Sira! Hindi a."

"Sinabi mo rin yan dati e."

Nag-iwas siya ng tingin. It's been a few years since that incident pero parang lahat pa rin ng tao sa paligid niya ay panay sa pagpapaalala. Alam naman niyang mali ang ginawa niya. Nagsisi na siya. Why can't they just move on?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top