IJLT 21 - Jerk
Hanggang sa mag-uwian ay inis na inis pa rin si Iya. She'd never met a guy that obnoxious and self-serving! And what's worse, her classmates think it was hot. Hot?! Apparently, you have to be an asshole to be considered hot. Naiiling na lamang siya.
"How's your first day?" Ken asked. Napansin yata nitong halos bumaon na sa lupa ang takong niya habang naglalakad siya kanina papunta sa kotse nito.
"Hell. I met the devil."
Ken gave her a queer look. "Already?"
"Yes!" She could feel the blood boiling in her veins. A devil named Hanson! Gusto nyang gupitin ang buhok nitong shoulder-length. Ngayon lang siya nainis ng ganito sa bagong kakilala. That guy doesn't have any redeeming quality in her opinion. Gwapo? No. Jerks were never handsome in her eyes.
"Mukhang galit na galit ka a. Want to cool it down? I know a place."
Tumango na lamang siya. Ayaw din naman niyang umuwi na galit na galit. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mommy niya. First day of school pa lang naman. Baka maging okay na rin kinabukasan. It's a long shot, but she wished that Hanson would just drop out the next day.
"Aren't you going to ask me how my day went?" tanong ni Ken.
Humarap siya rito. "Sorry. How was your day?"
He sighed. "Almost as hellish as yours."
"What happened?"
"Well, we were asked to introduce ourselves in front of the class and then this girl, Ashley, just blatantly told the whole class that she already has a crush on me. It's embarrassing!"
She doesn't want to be mean but hearing that somehow comforted her.
"Why were you embarrassed? Dapat nga ma-flatter ka. First day pa lang, may nagkaka-crush na sa 'yo."
"Hindi pa kasi yun e. Yung mga sumunod sa kanya, bigla-bigla na ring nag-confess. They were giggling as if I was not there to watch it! Nung turn ko na, inudyok ng buong klase na lumapit si Ashley sa 'kin para makipag-shake hands."
"Did your ears turn pink?"
"Red, like cherry tomatoes," he replied. "At akala nila, kinikilig ako."
"Weren't you?" she asked, trying hard not to laugh. Okay, so kumpara naman sa dinanas niya kanina, mas nakakahiya yung sa kakambal niya.
"No! Hiyang-hiya lang ako," tanggi nito.
She gave him a pat on the shoulder. "It's okay, Ken."
"No, it's not. I was cringing the whole time! And you know what the worst is?"
"No. What?"
"A gay-guy also confessed," he said. Namumula na naman ang tenga nito.
She couldn't hold back her laughter anymore.
"Gay-magnet ka talaga, Ken!"
"It's not funny!"
"Hahaha!"
This is one of the things that she loves about Ken. Hindi ito takot ipahiya ang sarili para lang sumaya siya. When he parked the car in front of an ice cream shop, she immediately unbuckled her seatbelt and gave him a hug and a peck on the cheek.
"Thanks, Ken!" she told him before getting out of the car.
Okay na siya. Wala na yung inis na nararamdaman niya kanina. She will shrug the whole thing with Hanson off and then start anew. Tomorrow is another day. Maybe, she will have better luck tomorrow.
--
Responsibilidad na ni Ken ang paghahatid kay Iya dahil may sarili na siyang sasakyan, so he had to get up early the next morning kahit alas dyes pa ang unang klase niya. May pang-8:30 kasing klase si Iya at ayaw nitong mag-commute.
Kahit inaantok, he was forced to get ready for school too. But it has its perks. Habang naghihintay siyang magsimula ang unang klase ay tumambay muna siya sa area ng pader na malapit sa may Lover's Path, as people like to call it. Ito iyong pathway na pumapagitna sa dalawang 'community' ng school nila. Madalas kasing couples ang tumatambay dito, mostly college students na may girlfriend o boyfriend na high school student.
Of course, walang gaanong makikitang ganoon dito tuwing may pasok.
He was looking across the wall when his phone rang. Si Paris ang tumatawag.
"O?"
"I can see you. Sino'ng sinisilip mo?"
He frowned and looked at the length of the wall. Kumaway si Paris nang makita niya ito.
"Why are you with Ahn?" inis niyang tanong. He had to force a smile when she also waved at him. Umagang-umaga ay naba-badtrip siya. Bakit naman kasi magkasama na naman ang dalawa?
Tumapat sila sa kanya. Then, Paris gave the phone to Ahn.
"Hi, Ken, good morning!" bati nito sa kanya.
"Morning, Ahn."
Ngumiti lamang ito bago ibalik ang phone kay Paris. The latter then put his arm on her shoulders.
"Paris!"
His cousin chuckled. "Don't worry, pinsan, walang-malisya 'to. Ako lang naman ang best friend ng future girlfriend mo."
"That doesn't give you the right to put your arm around her."
"It's okay, okay? Promise, wala talagang malisya 'to. In fact, I want you to know that I will keep an eye on her. I won't let any guy come near her."
He couldn't be sure since they are a few meters away, pero mukhang nag-blush si Ahn sa sinabi ng pinsan niya.
"If I find out that you're scheming—"
"I'm not. I don't repeat my mistakes, kuya."
--
There's no sitting arrangement in any of their class, which Iya's really thankful for. At least, pwede siyang maupo sa bangkong pinakamalayo kay Hanson. Ni ayaw niyang naririnig ang boses nito o nakikita ito sa peripheral vision nito.
But fortunately for her, wala ito sa una nilang klase. That's always a good sign. Baka dininig na ng langit ang panalangin niyang mag-drop out ito.
"Madrigal?" the teacher called out.
Walang sumagot. Yes!
"Wala?" tanong ng guro sa klase.
"Wala po," sagot nila.
The teacher marked his classcard. Saka nito iyon nilagay sa ilalim ng mga classcards nila.
"Diaz?"
"Ma'am, wala rin po."
Parang pamilyar sa kanya yung Diaz. Ah, the mean girl! Pag-alala niya. Nakakapagtaka naman na kahapon din, sa isa nilang klase bago mag-uwian, absent din ang dalawa.
Shrugging it off, nakinig na lamang siya sa lecture.
"Sorry, ma'am, we're late!"
Pumasok sa classroom sina Diaz at Madrigal, magkahawak pa ng kamay. Napamaang na lamang siya. How do you hook up with someone on your second day of class? Ang tindi ng dalawa.
"I already marked you absent," mataray na sabi ng teacher nila. "But feel free to sit in. After all, you already paid your tuition fees in full."
Naupo ang dalawa sa likuran pero nang lumingon naman sya ay panay landian lang ang dalawa. When Hanson caught her looking, he gave her a wink. Horrified, she quickly turned around. Sinabi niya sa sariling hindingd-hindi na niya ito lilingunin, kahit gaano pa ka-grave ang dahilan para gawin niya iyon.
Nang humapon na ay gumala muna sya dahil may isang oras pa bago matapos ang huling klase ni Ken. Pumunta syang CR para mag-ayos. May ilang tao roon na agad din namang lumabas nang pumasok siya. Naglagay siya ng press powder sa mukha at saka nag-lipstick. Inayos din niya ng kaunti ang buhok gamit ang mga daliri bago sya umalis.
But when she was about to go out, nakarinig siya ng ungol. Kinilabutan siya. May multo kaya sa CR?
May bigla na namang umungol. Tiptoing, sinilip niya ang loob ng cubicles. Doon sa pangatlo, may nakita siyang dalawang set ng paa. Ang isa ay naka-combat boots at ang isa naman ay naka-heels ng red. Tanda niya kung kanino iyon.
Bakit kaya may umuungol? tanong niya sa sarili. Maybe someone was hurt. Out of curiosity, she went inside the next cubicle and stepped on the bowl and took a peek. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ginagawa ng dalawa. Hanson's hand was inside Aubrey's blouse. Naghahalikan ang mga ito.
Not thinking twice, lumabas siya ng cubicle at kinuha ang timba na may lamang mop at tubig. She removed the mop and carried the bucket to the cubicle. Umakyat ulit sya sa bowl at saka iniangat ang timba. Ibinuhos niya ang laman noon sa dalawa.
"What the fuck!"
Basang-basa ang mga ito. Tumawa siya.
"Buti nga sa 'yo. Manyak!" sigaw niya kay Hanson saka siya tumakbo palabas. Nagtatakbo sya hanggang parking lot. Laking pasalamat niya nang makita niyang nandoon na si Ken.
"Let's go!" sabi niya sa kambal.
Nataranta tuloy bigla si Ken dahil sa urgency ng boses niya. He pressed the key to unlock the door. Agad siyang pumasok at nag-seatbelt.
"Bakit parang nagmamadali ka naman masyado? Sa'n ka galing? At bakit basa 'yang damit mo?"
She looked down and saw that she caught some of the dirty water she threw at Hanson earlier.
"Just drive!" sabi niya sa kakambal.
--
Nang makauwi ng bahay ay saka lamang nag-sink in sa kanya ang ginawa. Kanina kasi, puro adrenaline rush ang tumatakbo sa utak niya. Now that she's calm down, the excitement and giddiness slowly wore off. Napalitan na ito ng takot.
Paano na bukas? Baka kumprontahin siya ng dalawa!
Naalala tuloy niya yung red card from Meteor Garden. Bibigyan din kaya siya ni Hanson ng ganun?
Halos hindi na siya makatulog kaiisip. Good thing naisipan niyang mag-soundtrip. It helped put her to sleep.
Kinabukasan, parang may bricks na nakalagay sa tiyan niya. She couldn't eat kaya nagkape na lamang siya. Parang ayaw niyang pumasok.
When Ken dropped her off, she was hesitant to leave the car. Pero alam niyang kailangan na niyang bumaba dahil magpa-park pa si Ken ng sasakyan.
She was almost dragging her feet to the first class of the day. Five minutes before the time, nakarating na siya sa classroom. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala roon si Hanson. She took a seat at the back. Iba kasi ang pakiramdam na parang palaging may nakatutok sa batok mo. Akala niya, kapag sa likod siya naupo ay walang papansin sa kanya.
She was so wrong. Nakasunod pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya.
Diaz, the girl from yesterday, sat next to her.
"Iya, is it true?" tanong nito.
"What is?"
"You give BJs daw to Hanson." Nag-smirk ito. "Kaya naman pala ganon kang mag-react when you saw us yesterday!"
The class fell silent. Sya naman ay napakunot ang noo.
"What are BJs?" lito niyang tanong.
Nagulat siya nang bigla itong tumawa. Pero sumeryoso rin ito nang mahalatang hindi talaga niya alam kung ano iyon.
"Seriously? You don't know?"
Umiling siya.
Tumawa na naman ito. "Blowjobs, you prude!"
"What are blowjobs?"
Napamaang ito sa kanya. "Seryoso, girl? Hindi mo alam?! Are you still a virgin?"
Pinamulahan siya nang magtawanan ang buong klase. "So what if I am? Is there something wrong with that?" inis niyang tanong.
Aubrey almost fell off the chair in laughter. "Ang lakas din naman ng loob mong mag-maang-maangan! Don't tell me ginagawa mo yun kay Hanson pero hindi mo alam kung ano yun?"
"E ano ba kasi yun?"
Ibinulong nito sa kanya ang sagot. Nanlaki ang mga mata niya.
"I didn't give him any!" mariin niyang tanggi.
"Ows? Come on, Iya, there's no use in hiding it anymore. Alam na kaya ng buong klase!"
Napatingin siya sa mga kaklase niya. So that is why guys were giving her weird looks simula noong pumasok siya sa klase. She didn't want to cry pero nangingilid na ang mga luha niya. Sa lahat naman ng pwedeng ipagkalat na tsismis tungkol sa kanya, bakit iyon pa?
Valedictorian siya noong high school, for chrissake! Ni pagka-late, wala sa record niya! Tapos ganun pa? And how dare her classmates take his words against her! Ang ilan pa naman ay kilala na siya simula pa noong high school.
"Sabi na nga ba," someone she recognize said. "You can't be squeaky clean, Ilia."
Pero yun na nga ang problema. She is squeaky clean!
Tuluyan na siyang naiyak nang biglang pumasok si Hanson sa klase and her guy classmates hooted. Ang laki ng ngiting ibinigay nito sa kanya. Grabbing her things, she stormed off the classroom. Hindi na niya inabala si Ken.
Nag-commute siyang umiiyak. Mabuti na lang at walang tao sa bahay nila nang dumating sya. Agad siyang nagbihis at nagkulong sa kwarto. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sobrang pag-iyak.
Nagising siya nang marinig na nagri-ring ang phone niya. It was Ken. Sinagot niya iyon after 5 missed calls.
"Iya! Nasa'n ka? Akala ko ba sabay tayong magla-lunch?"
She absentmindedly looked at the wall clock. Alas dose na.
"Masama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako," she replied.
"Okay ka lang?" Napalitan ng concern ang boses nito. "Bakit hindi mo sinabi? Sana nadala kita sa infirmary."
"It's okay, Ken. I got home safely."
"Kumain ka ha," paalala nito sa kanya. "Mag-order ka na lang ng pagkain kung hindi ka makakapagluto."
"Wala akong gana."
"Iya..."
"Okay, okay, I'll order," sabi na lang niya para hindi na siya pangaralan nito.
"Tingnan mo kung may maiinom kang gamot sa medicine cabinet. Do you want me to call mom?"
"No! I'll be fine. Thanks."
"Okay. Uuwi ako agad pagkatapos ng klase."
"Okay."
"Kumain ka ha," pag-uulit nito.
"Oo na."
Napilitan siyang bumangon kahit wala syang gana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top