IJLT 18 - Vacation

There's nothing to be shy about, Iya told Ahn. But she can't help but be shy and conscious every time na magkikita sila ni Ken. Parang nagkaroon ng restrain. Iba na kasi. Ang daming nag-iba. Hindi na lang sila magkina-kapatid.

Nagkaayaan pa naman silang magbakasyon ng isang linggo sa beach house nina Paris. Kinailangan pa niyang makiusap sa mommy at daddy niya na payagan siya. They gave her 5 days to enjoy her vacation with them. Sa susunod na linggo, pupunta sila kasama ang mommy niya sa U.S. for two weeks para bisitahin ang lolo at lola niya at ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Tapos, may sarili pa silang getaway na buong pamilya until the start of the next school year.

Sinalubong siya ng ate Iya niya habang si Ken naman ay kinausap ng daddy niya. No doubt, pinaaalalahanan na naman ito. Limang araw din silang magkakasama: sina Iya, Ken, Paris, siya, sina Rica at Emily, sina Frances at Vienna, kasama na rin sila Jennifer at Carmel.

Nakaasa ang mga magulang nila sa kambal, dahil ang mga ito ang pinakamatanda sa kanilang lahat. "Ahn!" Patakbo siyang niyakap ng ninang Jazz niya. Dahil alam ng buong pamilya ni Ken ang pagtatapat nito sa kanya, naging iba na rin ang trato ng mga ito sa kanya. Parang anak na. Narinig pa nga niyang tinawag ng ninang ang mommy niya ng balae.

Hiyang-hiya siya tuwing makikita ang mga ito, lalo na kapag ini-invite siyang mag-dinner sa bahay ng mga ito. Nakailang tanggi na nga siya. Nauubusan na rin siya ng idadahilan.

"Hi, ninang," bati niya rito.

"Ninang pa rin?" Sumimangot ito. "I told you, you can call me mom already."

She blushed.

"Ma!" saway naman ni Ken sa ina. Mukhang tapos na itong kausapin ng daddy niya.

"Masyado pang maaga para dyan, Jazz," her dad said sternly.

Nginitian nito ang dalawang lalaki. "Ang ki-KJ nyo, bagay kayong mag-manugang!"

She was about to protest but her ninang pulled her inside. Nagluluto na ng miryenda ang ninong niya sa kusina. Nadaanan nila sa sala ang ibang parents. When they saw her, they all smiled. Ito ang advantage ng lumaki sa isang tight-knit family of friends, kapag boto ang isa, boto na rin lahat. Yun nga lang, kapag hindi ka rin gusto ng isa, hindi ka na rin gusto ng lahat.

Pumunta sila sa kusina kung saan kanya-kanya nang kain ang magpipinsan at ang mga kinakapatid niya. Masama ang tingin sa kanya ni Rica. Sinabi kasi nito sa kanya dati na crush nito si Ken. It's a harmless crush naman, wala itong planong i-pursue si Ken. But that doesn't change the fact na nagtatampo ito sa kanya.

She sat next to Vienna. Hinainan naman sila ng plato ng kambal then their dad, with Ken's help, put pasta on the plates. Katulong na rin ito sa paglalagay ng sauce. He knew she liked hers with lots of sauce kaya sya ang inihuli nito. He poured the rest on her pasta.

"Ay, may favoritism!" reklamo ni Paris.

Ken scraped the sauce pan hanggang sa nakangiwi na silang lahat, tapos ay ibinuhos nito ang natitirang sauce sa pinggan ni Paris.

"Happy now?" tanong nito sa pinsan.

Paris grinned at Ken and handed him a block of parmisan cheese. "Ipag-grate mo na rin ako. Thank you."

Ken shoved the grater near Paris' face.

"Joke lang!"

Nang makakain sila ay nagpaalam na ang mga parents nila sa kanila. Ang ninong Kent at ninang Jazz niya ang magbabantay sa kanila for the week. Kabi-kabila ang habilin ng mga magulang sa kanya-kanyang anak. Lalo na ang daddy niya, na pinakahuling sumakay ng kotse.

"Bukas na lang kayo mag-swimming. Rest for now, it's been a long day for everyone."

They spent the night watching movies. Bukas, pupunta sila sa isang malapit na isla para mag-swimming.

 

--

 

Sina Iya at Rica lang ang may lakas ng loob na mag-two piece sa kanila. Even her ninang Jazz didn't wear one. Siya ay naka-short shorts at maluwang na t-shirt lang. Wala siyang kumpyansa sa sariling katawan. Hindi naman kasi siya curvy katulad ni Rica. She's thin.

"O? Where's your swimsuit?" tanong ng ninong Kent niya sa asawa nito.

"Wala. Hindi ako nagdala," sagot nito.

Ken gave his dad a lopsided grin. "Wala, pa. Marami na raw fats si mama."

Nagtawanan sila nang pandilatan si Ken ng mommy nito.

"Anong fats ka dyan!" Binatukan nito ang anak. "I just don't like wearing swimsuits!"

"Asus! Mga dahilan mo, mama!" sabat naman ni Iya.

Flustered, her ninang went back inside the house. Nang lumabas ito ten minutes later, naka-two piece na ito pero may takip na malaking towel. Nanghaba ang nguso nito when they cheered for her.

"O, si Ahn naman! Go, Ahn!"

Agad siyang umiling. "Wala po akong dala."

Mabuti na lang talaga at wala syang dala. Hindi naman kasi siya nagsusuot noon sa kahit anong swimming.

"I have a spare," presinta ni Rica. Nagulat siya dahil bigla itong nagsalita. Kahapon kasi ay hindi siya nito pinapansin. She looked at Rica quizzically. Rica's very curvy. Won't her swimsuit fall off of her?

As if reading her thoughts, Rica gave her a tight smile and said, "Don't worry, it's small. And it's adjustable naman."

Wala na syang nagawa nang pilitin siya ng mga ito. She went in with Rica habang ang iba naman ay umuna na papunta sa dagat.

"Here." Rica threw a bikini at her. Kulay orange ang strings noon. Pupusyaw lalo ang kulay niya.

"Baka matanggal 'yan mamaya," may pag-aalala niyang sabi.

"E di higpitan mo ang pagkakatali. Hindi porket gusto ka na ni kuya Ken e hindi ka na magpapaganda para sa kanya. Huwag mo namang ipamukha sa mga taong dehado sya sa pinili nya."

"Galit ka pa ba?" nakasimangot nyang tanong.

Nagtaas ito ng kilay. "What do you think?"

"Alam mo namang hindi rin kayo pwede kung sakali, di ba?"

"Alam ko," sagot nito. "I was just expecting him to fall for someone na nakakainsecure. Kaso, he fell for you."

Parang biglang bumaba ang tingin niya sa sarili dahil sa sinabi ng kinakapatid.

"Sorry."

"Don't cry, Ahn. It won't do you any good. Kung gusto mong makabawi sa 'kin, don't make kuya regret liking you."

With those words hanging above her head, nagpalit siya ng pang-swimming. She put her t-shirt over the bikini.

"Lose the shirt, Ahn."

"Mamaya na."

Rica grunted. Nauna na itong lumabas. Sumunod naman siya. She didn't want to meet anyone's gaze kaya nakayuko na lang siya habang naglalakad. She heard someone chuckle. It's probably Paris. Or Ken. Or her ninong. Ang mga ito lang naman ang kasama nilang lalaki.

Napatunghay lang siya nang kumawit sa kanya sina Vienna at Carmel, ang mga pinakabata sa kanilang lahat. Naka-tank top ang mga ito saka boy shorts.

"Ate, tanggalin mo na yung shirt mo. Tayo-tayo lang naman e," Vienna urged.

She shook her head, her cheeks turning redder.

--

Aminado naman si Ken na di hamak na mas sexy ang mga nauna niyang girlfriends kesa kay Ahn. Ahn's slim. Thin. Kailangang pakainin pa ng marami para magkalaman. But he couldn't help but smile at her awkwardness. Sobrang cute nito habang hinihila pababa ang shirt nito to cover her legs. He could see the strings of her bikini peeking through the collar of her shirt dahil nakapuyod ito. It was a combination of orange and green. Tumitingkad tuloy ang pagkaputi nito dahil sa kulay.

Inakbayan niya ang kakambal saka ito binulungan.

"Ilayo mo sa 'kin yan. Baka mahalikan ko," biro niya.

Iya gave him a jab on the side. "Bawal pa!" she hissed.

"Sa cheeks lang naman!"

"Kahit na. Yun ngang holding hands at akbay, bawal pa e. Yung kiss pa kaya!" giit nito.

Hinila niya ang kaliwa nitong pisngi. "Biro lang kasi."

"Ayusin mo yang mga biro mo ha! Sabi ni ninong, bantayan daw kita!"

"Thanks for the heads up. I won't tell you anything from now on," nakangisi niyang sabi. Tumakbo sya papunta sa tubig.

"Hoy, Ken!" habol ng kambal niya.

He looked up at the blue sky. Limang araw lang niyang makakasama si Ahn. And then, she'll come back on his birthday. Pagkatapos noon, may kanya-kanya na naman silang mundo. He'll be very busy, for sure.

Napabuntong-hininga siya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top