IJLT 15 - Crush

Foundation day nila kaya naman nagkalat ang mga estudyante. Ilang araw din silang abala sa pagtulong sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa nasabing event. Ahn looked around. Ang daming booths. Noong intrams nila, tanda niyang palaging laman ng marriage booth sina Ken, Paris at Iya. May isang beses pa nga na magkaposas ang kambal.

Ang dami nilang tawa noong kasal-kasalan ng dalawa. Incest daw kasi. Pero napagkatuwaan lang naman ang mga ito. Ang dami kasing naiinggit sa relasyon ng dalawa. Kahit siya man, naiinggit din minsan. Ang kapatid kasi niyang lalaki, wala pang 10 years old. Si Sabrina, ang sumunod sa kanya, hindi niya madalas makasundo. Siguro given na iyon kapag pareho silang babae na magkalapit ang edad.

Madalas na damit ang pag-awayan nilang magkapatid dahil kung anong meron siya, iyon ang gusto ni Sabrina. She was expected to give way to her sister, to grant all her wishes. Pero minsan, nakakapagod din.

Naghanap siya ng lugar na walang masyadong tao. Hindi naman sa ayaw niyang makisaya. Siguro lang talaga ay hindi sya sanay sa festivities. She'd rather stay on one corner while observing everybody.

Nasa isang tagong area siya nang may marinig siyang naggigitara. Sinundan niya iyon. She saw Paris sitting on a bench, kumakanta ito. Nang lumapit siya ay bigla itong tumigil. Mukha rin itong nabahala.

"Ahn! Ano'ng ginagawa mo rito?"

She shrugged. "Ang ingay kasi doon e," sagot niya. "Ikaw k—Paris?"

Ngumiti ito sa kanya. Medyo awkward pa rin sa kanya na tanggalan ng kuya ang pagtawag niya sa magpinsan. But she's trying.

"Naiingayan din kasi ako roon e," sagot nito.

"Kumakanta ka na pala."

"Yeah." Niyakap nito ang gitara. "It's a secret so don't tell anyone."

"Bakit naman hindi? Sayang ang talent mo."

"Baka kasi lalo akong pagkaguluhan kapag nalaman nilang marunong akong kumanta kaya huwag na. Sawang-sawa na 'ko sa exposure."

Hindi niya mapigilang mapangiti. Minsan, hindi niya malaman kung nagyayabang ba talaga ito o nagbibiro lang.

"Nga pala, pwede bang humingi ng pabor?" tanong niya.

"Sure. Basta kaya ko."

"Kayang-kaya mo 'to."

"Ano ba 'yon?"

"P-Pwede ka bang maging date sa dance namin?" Bahagya syang namula. Kanina pa niya pinapraktis na sabihin iyon pero kapag nandyan na, kakabahan ka pa rin pala. Ang epal naman kasi ng klase batch nila. May dance sila sa Biyernes, para daw sa huling taon nila sa junior high.

And it's by pair. Unfortunately, no one asked her. So she had to ask someone. Wala naman siyang ka-close sa klase nila. Lalo na sa mga lalaki. Parang ilag ang mga ito sa kanya.

"Ayoko."

Napasimangot siya. "Bakit?"

"May magtatampo kasi."

"Hala, sino?"

Bumuntong-hininga ito.

"Si kuya."

Alam niyang si Ken ang tinutukoy nito. Wala naman kasi itong ibang tinatawag na kuya.

"Bakit hindi na lang sya ang ayain mo? Close naman kayo, di ba?" dagdag pa nito.

"Close din naman tayo e," dahilan niya.

"Oo nga, pero mas close kayo," giit nito.

"Hindi a! Mas close tayo."

"Weh. Mas close kayo. Binigay nya nga sa 'yo yung favorite jacket nya e."

Well, that is true.

"Naiilang kasi ako sa kanya," pag-amin niya.

Paris frowned. "Bakit ka naman maiilang?"

"E kasi... nininerbyos ako kapag nandyan sya. Palagi akong kinakabahan. Basta nakakailang. Hindi tulad sa 'yo na chill lang. At ease, ganyan. Sa kanya kasi, hindi ako mapakali."

He gave her a quizzical look.

"Ahn, familiar ka ba sa concept ng crush?"

Kumunot ang noo niya. What does that have to do with anything?

"Ano naman ang kinalaman nun sa sinabi ko?"

"Well, kapag kasi crush mo kasi ang isang tao, naku-conscious ka sa kanya, which often results to awkwardness. Palagi kang kinakabahan kapag malapit na sya. Ramdam mo. You'll have goosebumps."

Hindi pa rin niya maintindihan.

"Nagkaka-goosebumps ka ba kapag naiisip mo si kuya Ken?"

As if on cue, bigla siyang pinangilabutan. What does this mean?

 

--

 

Ken ignored his ringing phone. Kanina pa siya nagkukulong sa classroom dahil pamihadong may mga nakaabang na naman na officers sa labas para hulihin siya at ipakasal kung kani-kanino. Ayos lang naman sa kanya iyon. Sanay na sya. Ang ayaw lang niyang mangyari, baka mamaya ay mapagtripan siya ni Iya.

His phone rang again. Sighing, he took it out of his bag to answer it. Pero nagdalawang-isip siya nang makita niyang si Paris ang tumatawag. It's been weeks since they last talked. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"O?" pasimple niyang sagot.

"Akala ko hindi mo na sasagutin e."

"Wala nga akong balak."

"Buti sinagot mo."

He sighed. "Anong kailangan mo?"

"It's about Ahn," sagot nito.

He frowned. "What about her?"

"She asked me to be her date for the dance."

Nagsimula na naman siyang mapikon sa pinsan. And at the same time, sa sarili niya. Why's he reacting like this? He doesn't own Ahn. She can choose who she wants for the dance. Pero bakit hindi siya?

"Tapos?" he asked casually.

"Of course, I didn't say yes. Alam ko namang magagalit ka," sagot nito.

He was relieved. But of course, he won't admit that to Paris.

"Bakit naman ako magagalit? Karapatan nya namang pumili ng gusto nyang isama sa dance na 'yon."

"Tss. Maglolokohan pa ba tayo?"

"Yun lang ba ang sasabihin mo? End ko na 'tong call."

"Teka lang, may sasabihin pa 'ko."

"Ano? Bilis, sabihin mo na."

"I think she just asked me kasi nahihiya syang magtanong sa 'yo. Kaya kung ako ikaw, kapag tinanong ka nya kung may gagawin ka sa Friday, sabihin mong wala. Kahit meron, i-cancel mo. Ayan, peace offering ko na 'yan sa 'yo ha."

"Bakit ko naman gagawin yun? Ano ako, proxy mo?" inis niyang tanong.

Paris sighed. "Bahala ka kung ayaw mo." Pagkasabi'y tinapos na nito ang tawag.

He decided to give it a shot. Baka nga naman totoo ang sinasabi nito. Pero bakit naman mahihiya si Ahn sa kanya? Akala niya ay close silang dalawa. Madalas pa nga silang magka-text. Nakakatampo lang na mas una nitong nilapitan si Paris kesa sa kanya.

Lumabas siya ng classroom para hanapin si Ahn.

"Ayun sya!"

Agad siyang napalingon sa sumigaw. Isang babaeng nakaposas ang hila-hila ng isang lalaki papunta sa kanya. Hindi na sya nag-aksaya pa ng panahon. Tumakbo na sya agad.

He ran away from the noisy crowd and the booths. Nagpunta sya sa lugar na medyo malayo sa event. Nakakatakot kasi doon. Notorious ang mga babae. All they have to do is pay 50 pesos on the marriage booth and the staff there will run after him. Kapag naman sumagot siya ng 'I don't' sa kasal-kasalan, sasabihan siyang KJ. Nung last year tuloy, nagkaroon siya ng labinlimang asa-asawahan. It took them two weeks to stop fighting with each other.

Natulili na rin ang tenga niya sa karirinig ng gasgas na linyang "Ako ang legal wife."

Napadpad siya sa isang secluded na area. Marami roong puno. Area iyon ng isang section sa lower year. May tree house na malapit sa kinatatayuan niya pero hindi siya doon tumuloy. Pamihado kasing may mga nakatambay rin doon.

Instead, he went near the band room. Nagulat pa siya nang makita niya si Ahn, nakaupo ito sa tapat ng isang pot ng San Fernando plant, kumukuha ng picture ng isang caterpillar na kulay green.

"Ahn," tawag niya.

"Kuya!" bulalas nito. "Ay sorry!"

"Okay lang." Naupo siya sa mahabang stone bench na malapit sa pwesto ng kinakapatid niya. "Bakit nandito ka?"

"Wala lang. Gusto ko lang ng tahimik."

"May date ka na sa dance ninyo?" walang paligoy-ligoy nyang tanong.

Bahagya itong namula. "A-Ano... w-wala pa," sabi nito habang nakayuko.

"Ako na lang," pagpi-presinta niya.

"Wala kang gagawin sa Friday?"

"Wala."

"Okay lang sa 'yo? Wala namang gagawin dun kundi mag-slow dance e."

"Okay lang. Wala rin naman akong gagawin sa bahay."

"O, sige. Kung okay lang talaga sa 'yo," sa wakas ay pagpayag din nito.

--

Friday.

As promised, sya ang naging date ni Ahn. Tuwang-tuwa si Iya nang malaman nito iyon. She helped him dress up for the occasion. Semi-formal ang suot but Iya insisted on having him wear suit and tie.

"Iya, magmumukha lang akong tanga," sabi niya sa kakambal.

"Ken Eusebio, magmumukhang tanga in suit and tie? Baka magmukha pa ngang busabos ang ibang lalaki dun e!"

He rolled his eyes. "Semi-formal nga kasi."

Iya pouted. "Fine. Lose the suit but keep the tie." Inililis nito ang manggas ng dress shirt niya. Tinanggal naman niya iyon sa pagkaka-tuck in. He pulled the tie loose.

"Okay na?" tanong niya sa kakambal.

"Oo naman. Sa 'yo pa ba hindi maging okay?"

Ngumisi siya sa kakambal at saka inihilamos ang kamay niyang may gel sa mukha nito.

"Salamat sa moral support!"

"Leche!"

Tumawa na lang siya.

--

The party was fun... for thirteen year-olds maybe. Kung hindi nga lang dahil kay Ahn, kanina pa sya lumabas para sa pagpapahangin na lang ubusin ang natitirang oras ng party. Hindi niya alam kung may kinalaman ba si Iya sa pagkakaterno nila ni Ahn, but he liked it. Pareho silang nakapula.

Pangalawang beses pa lang yata niya itong nakitang mag-dress. He wish she would dress up more often. Sayang ang ganda nito kung hindi naman mababagayan ng damit.

Maya't-maya siya nitong tinatanong kung okay lang ba sya o kung nabo-bore na raw ba. He would just answer with a smile, a nod or a shake of his head. Ilang beses na rin silang sumayaw. Ilang beses na ring may humila sa kanya para magpasayaw. May ilan din na nagtangkang isayaw si Ahn pero kapag pareho silang nakaupo, hindi niya hinahayaang may makalapit dito. Not on his watch.

Nang mag-alas dose na, sa wakas ay natapos na rin ang party.

"Kuya," tawag sa kanya ni Ahn.

Hindi niya ito pinansin. Napabuntong-hininga ito.

"Ken."

Agad syang lumingon. "Yes?"

"Pupunta muna akong CR ha."

"Samahan na kita."

Nagpunta silang CR habang ang ilan ay nag-uuwian na. Naghintay siya sa labas nito. After a while, he heard girls giggling. Nang lingunin niya ang dalawang babaeng kalalabas lang ng CR ay wagas ang mga ngiting iginanti ng mga ito sa kanya.

"Sino'ng hinihintay mo, kuya Ken?" tanong ng mga ito.

He smiled.

--

Papalabas na ng CR si Ahn nang marinig niyang may nagtatawanan sa labas. Yung tipong kilig na kilig.

"Sino'ng hinihintay mo, kuya Ken?" narinig niyang tanong ng isang babae.

There was a pause and then...

"My future girlfriend," sagot ng kinakapatid niya. She looked around. Wala namang ibang tao kundi siya. Bigla tuloy syang kinabahan.

Maybe he was just kidding, sabi niya sa sarili.

"Ahn?" maya-maya'y tawag nito. "Okay ka na?"

"O-Opo!"

Nahihiya na siyang lumabas. Kinakabahan pa rin sya. Dapat kasi, ang kuya Paris na lang niya ang isinama niya sa party. Mas kumportable pa.

Her breathing hitched when she saw him smiling.

"Let's go?" aya nito.

"O-Okay."

Erratic beating. Goosebumps. Uneasy feeling. She could feel all that right at that moment. Medyo lumayo pa siya ng kaunti nang magtama ang mga braso nila.

"Sorry," halos sabay nilang sabi.

There's that static electricity again.

What does this mean?

--

Author's Note:

Guys, can you please use the hashtag #IJLT on Insta and Twitter if you have any further reactions that you didn't share here on the comment box? I just wanna see them. Hehehe. Pasensya bangag kaya nag-e-Engols. Kbye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top