IJLT 14 - Permission
"I know what you did to Paris. Ken, you need to stop overreacting," pangaral ng kakambal niya. It's been three days since he confronted Paris. And since then, hindi na ito muling lumapit kay Ahn. He was feeling guilty pero hindi niya napigilan ang sariling gawin iyon sa pinsan.
It's like this with Zaira. He's doing it again. Ayaw niyang lumala pa kaya inuunahan na niya.
"I just told him to back off. It's no big deal."
Iya sighed and sat on his bed. "Ken, it is a big deal. You don't even know if Ahn feels the same. What if she likes Paris?"
Ayaw niyang tanggapin ang ganoong posibilidad. Paris does not deserve Ahn. He will only hurt her, like he did to Zaira.
"She doesn't like Paris," he replied. He doesn't know who she likes. Mukhang wala pa kasi sa isip ni Ahn ang mga ganoong bagay.
"If you want to be sure, you better start showing her that you like her. Be direct, Ken."
He sighed. Siguro nga ay tama ang kakambal niya. Baka nga naman kasi panay ang paramdam niya tapos wala naman pala itong gusto sa kanya. And to think na willing siyang banggain ang sariling pinsan just to have Ahn to himself.
"Samahan mo 'ko," aya niya sa kambal.
Kumunot ang noo nito. "Saan?"
"I need to talk to mom and dad."
Normally, he doesn't do this. Basta nanliligaw na lang siya sa babaeng gusto niya. Pero iba kasi si Ahn. Family friend ito. Best friend ng mommy niya ang daddy nito. Lumaki sila sa pamilya ng magkakaibigan simula college.
Alam niyang kapag may mali syang ginawa, it might result to the destruction of an almost three decades of friendship. Ayaw naman niyang mangyari iyon.
During dinner, plinano niyang kausapin ang mga magulang.
They waited for their dad to arrive bago sila kumain. During dinner, he was usually quiet. Hindi niya halos magalaw ang pagkain. Kinakabahan kasi siya. He doesn't want to be judged for what he was about to say. Paano kung hindi sya payagan ng mga ito? What if they have the same fear?
Paano kung naiisip din nilang baka ito pa ang maging dahilan ng pagkakasira ng mga pamilya nila?
"Anak, hindi ka ba gutom?" his mom asked. He looked at his plate. Halos wala pa iyong bawas.
Umiling siya. He was already feeling queasy.
"He needs to tell you something, ma, pa," Iya intervened.
"What is it?" his dad asked.
"M-Mamaya na lang, pa," sagot niya.
Iya kicked his leg. Tiningnan niya ito ng masama.
"Sabihin mo na para matapos na," sabi nito sa kanya.
"Ano ba 'yan ha?" tanong ng mommy nila.
"Gusto mo ako na lang ang magsabi?" tanong sa kanya ng kakambal.
"Ako na," sagot niya.
Tumingin siya sa mga magulang. Tumigil sa pagkain ang mga ito, hinihintay syang magsalita.
"Ma, pa, I... I-"
"He likes Ahn," Iya blurted out.
"Iya!"
"E ang tagal mo kasi!" reklamo ng kakambal niya.
Napamaang lamang ang parents nila sa kanila.
"A-Ahn?"
"Yung anak ng ninong Toby ninyo?"
He felt his ears turning pink. "O-Opo."
His dad leaned back to his chair. "Are you sure, anak?"
"Pa, he's sure. I've been with him since the beginning of this. I've never seen him go crazy over a girl like he is with Ahn."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Siya naman ay napayuko. Paano na lang kapag hindi pumayag ang mga ito? Tama na ba? Yun na lang yun? Parang hindi nya kayang maging ganoon ka-close kay Ahn kung hindi rin naman pala posibleng maging sila. Mahirap kayang makipagkaibigan lang sa taong gusto mo.
"Anak, bata pa si Ahn. Alam mong hindi papayag ang ninong mo," his mom said. May worry sa boses nito.
"Kung sa amin, okay lang," dagdag ng daddy niya. Napatunghay tuloy siya. Nakita niya itong nakangiti. "I'm glad that you discussed this first with us."
"Talaga, pa? Okay lang sa inyo?"
"Oo naman." Mommy niya ang sumagot. Nakangiti rin ito. "Kilala na namin ang pamilya niya. We know Ahn. She's a very nice girl. Masipag pa at maasahan. Who wouldn't want her?"
Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.
"So, okay lang po ba sa inyo kung liligawan ko sya?" tanong niya.
Hindi napigilan ni Iya ang kiligin. Panay ang hampas nito sa braso niya. Natawa naman ang daddy niya. But it was his mom's words that got him worried again.
"I think you need to ask your ninong for permission first."
--
Kakausapin na sana niya ang ninong niya the day after. Kapag kasi pinatagal pa niya, baka lalo lang siyang kabahan. Lalo lang siyang hindi makakapagsabi. But something happened. Tuloy, naudlot ang pagpapaalam niya.
Bigla kasing nanganak ang ninang niya.
Ilang araw ding nag-celebrate ang pamilya ni Ahn for the addition to their family, si baby Angelo. Nang dumating ang weekend, inimbitahan sila ng mga ito para sa munting salu-salo. Doon na sana siya magsasabi sa ninong niya, pero abala naman ito sa pag-aasikaso sa ninang Jae niya.
Kahit si Ahn, hindi na masyadong makausap dahil inaasikaso naman nito ang mga kapatid nito, pati na rin silang mga bisita.
"Ano, nasabi mo na?" tanong sa kanya ni Iya.
"Hindi pa nga e. Wala pang chance."
Iniiwasan pa rin niya si Paris, na pasalamat na lang niya ay hindi umaaligid kay Ahn. Mukhang inaabala nito ang sarili sa pakikipag-usap sa mga pinsan nila.
Maya-maya'y nakita niyang kinakausap ng mommy niya ang ninong Toby niya. Bigla syang kinabahan, lalo na nang mapatingin ito sa kanya.
His godfather gave the baby to his mom saka ito lumapit sa kanya.
"Ken? Gusto mo raw akong kausapin?"
"A k-kasi ninong-"
"Let's go inside," aya nito, saka ito naglakad papasok ng bahay.
He gave Iya a pleading look. Ito naman ay tinapik lang siya sa pisngi.
"You can do it, Ken!"
"Baka masuntok ako ni ninong."
Tumawa ito. "Hindi 'yan, ano ka ba! E di nag-away sila ni papa!"
That comforted him, somehow. Kaya kapag nag-aaway silang mga anak, hinahayaan lang sila ng mga magulang nilang iresolba ang problema. O, sa sitwasyon nila ni Paris dati, their dads intervened pero hindi nagkasira ang mga ito ng dahil sa kanila.
He stood up and followed his godfather inside. Bad impression pa kapag pinaghintay niya ito.
Nakita niya itong nakaupo sa sofa. May pagkain pa rin sa lamesa saka dalawang bote ng beer. Iniabot nito sa kanya ang isang bote at saka siya pinaupo.
"So, what do you want to tell me? Mamamasko ka na ba?" biro nito.
He forced a smile. Kung ganoon lang ba kadali 'yon e. Ninong, can I have Ahn for Christmas? Kaso alam niyang maswerte na siya kung sapak lang ang ibibigay nito sa kanya kapag sinabi niya iyon.
"Ninong, can you hear me out first?"
"Okay." Toby frowned. "What is it? Parang kabadong-kabado ka naman yata?"
"K-Kasi, ninong...." Humugot siya ng malalim na hininga. "I-It's about Ahn."
"What about Ahn?"
He drank some beer before speaking. Sana vodka na lang o tequila ang inumin nila to loosen his tongue. Wala naman kasing epekto ang beer.
"Ninong kasi... I-I want to ask your permission to... to c-court her."
Mukhang gulat na gulat ito sa sinabi niya. True, he never showed any interest in Ahn before. Ni hindi nga niya ito kinakausap dati. So, to ask for that is really surprising.
Ilang minuto na itong tahimik. He couldn't read his godfather's expression. Hindi naman ito mukhang galit pero hindi rin ito mukhang natutuwa.
"No," maya-maya'y sagot nito.
His heart sank.
"N-No?" pag-uulit niya.
Umiling ito. "For Pete's sake Ken, she's not even sixteen yet!"
Nagyuko siya ng ulo.
"Sorry po, ninong."
Napabuntong-hininga ito saka sya inakbayan.
"Hindi naman sa ayaw ko sa 'yo, Ken. Ikaw nga ang paborito kong inaanak e. I trust you. I really do. Pero ibang usapan na kapag involved na ang anak ko."
Tumango na lamang siya. Iba na nga kasing usapan kapag anak na nito ang ipagkakatiwala nito. Naiintindihan niya dahil gano'n din sila ng daddy niya kay Iya. Protective. Kahit pa kasi sabihin niyang hindi niya sasaktan si Ahn, what guarantee can his words give?
"Yes, ninong."
"Unfortunately, I can't say yes to you yet. Hindi pa pwede sa ngayon. I want her to reach 18 first before getting involved with anyone."
"Naiintindihan ko po," sagot niya. May magagawa pa ba sya?
His ninong gave him another pat on the back.
"But frankly, Ken, we like you for her. Like I said, we trust you... with our lives. I'm not saying no. I'm just saying not yet. And if you could wait, that will be great. Because I don't want her to end up with anyone else."
--
Masaya na siya sa pag-uusap na iyon. He thanked his ninong many times before going back to Iya to tell her the news. He didn't say no. He just said not yet. Ibig sabihin, bawal pa siyang manligaw, but he can still be there for her, as her friend. Maybe even as her special friend.
Ang sabi ng ninong niya, baka raw kasi kailangan pa rin niya ng time to sort out his feelings, to be surer. And likewise, kailangan din niyang siguraduhin na magugustuhan din siya ni Ahn. Because it's not enough that he likes her. She has to like him back.
Natawa siya nang maalala ang huling mga salitang binitiwan ng ninong niya bago siya lumabas ng bahay.
"Bakuran mo na lang muna ang anak ko para walang ibang makalapit."
Sobrang gaan sa pakiramdam na boto ito sa kanya. Kahit ang ninang Jae niya. But he asked them to keep it a secret from Ahn. Baka kasi mabigla ito.
That night, he updated his Facebook status with a line from Owl City's version of Enchanted, because he feels like it fits his current situation. At sana, makinig ang universe sa kanya.
Please don't be in love with someone else.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top