IJLA 27 - Falling Out

Ilang araw ring nagmukmok si Ahn dahil sa nangyari. Marami pa namang oras para pumili ng damit. Iyon na lamang ang idinahilan niya sa sarili. She couldn't bring herself to try on wedding dresses again. Pakiramdam niya'y hindi siya babagayan kahit gaano pa man ito kamahal o kaganda.

Jasmine had been trying to cheer her up. Pero kahit ang pagiging optimistic nito ay hindi nakatulong sa kanya. The only time na ngumingiti siya dahil kailangan ay tuwing magka-skype sila ni Ken.

Ayaw naman niyang umuwi itong ng maaga dahil lang sa malungkot siya. Mahalaga rin dito ang trabaho nito. Ilang araw na rin naman ay uuwi na ito.

She just focused on work. At pagkatapos ng trabaho, balik siya sa kwarto para magmukmok.

"Ahn, you need to go out," sabi ng mommy niya sa kanya. "Kahapon ka pa inaaya nina Paris. Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"I don't feel like going, ma."

Inakbayan siya ng ina. Noong isang araw pa ito nag-aalala sa kanya. Palagi siyang nakakulong sa kwarto.

"Forget about Iya, anak. It's one woman's opinion. Everyone else loved the dress."

"Pero, ma, kasi—"

Her mom sighed. "Please don't let her ruin your happiness, anak. Kung ayaw niyang makipag-ayos, then let her. It's her loss, not yours."

Inihilig niya ang ulo sa ina.

"Hindi ko lang kasi matanggap, ma. I don't know why she hates me so much. Dati naman, mas close pa ako sa kanya kaysa kay Sab. If I knew na magkakaganito, sana sinagot ko na lang si Ken noon. Sana walang problema."

--

Ilang araw na ring napapansin ni Hans na malungkot si Iya. Ilang araw na rin itong walang ganang kumain. Even with her favorite dishes served, kakaunti pa rin ang kain nito. Alam niyang may problema. He's been constantly asking her to tell him about it, pero ayaw nitong magsalita.

Nagmumukmok lang ito.

It's not until he asked her about what happened to the fitting that she snapped. Bigla na lamang itong umiyak sa harap niya.

"Hon, what's wrong? Tell me. Baka makatulong ako."

Iya shook her head. "You're right. I'm a horrible person!"

"Hey..." Inalo niya ito. "Ano ba ang nangyari?"

Mabuting tao ang asawa niya. That's what initially drew him to her. Masayahin ito, palaging nakangiti. Hindi marunong magtanim ng galit. But when she told him about that thing she did that's eating her up, he second-guessed himself.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang malalim nitong galit kay Ahn, considering that it was Ken who took the direct hit.

Did she care more than she should have?

"You should have seen her face, Hans. She was so devastated," malungkot nitong sabi. "I don't know what got into me."

"Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin sa'yo, Iya."

Yumakap ito sa kanya. "Please don't hate me."

"I'll never hate you." He kissed the top of her head. "But please apologize to her before it's too late."

--

One day, Ahn was surprised to receive a text message from Rica. Humihingi ito ng tawad sa kanya. Hindi na raw kaya ng konsensya nito ang pinaggagagawa nito sa kanya. She didn't feel like replying. Inabot nga ito ng tatlong taon para humingi ng tawad, bakit niya mamadaliin ang sarili?

What she did not expect was a text message from Iya. Nag-usap kaya ang dalawa? Halos magkasunod lang kasi ang dating ng mga mensahe ng mga ito. Ang kaibahan lang, Rica was apologizing while Iya wants to meet.

Hindi niya alam kung sincere ba ito o gusto lang nitong makasakit uli. She couldn't help but doubt Iya's intentions, lalo na't magkasunod lang na nagtext sa kanya ang magpinsan. Pakiramdam niya'y may pinaplano na naman ang dalawa.

So she ignored their messages.

Pero maya-maya nama'y tumawag ang hipag niya. Nag-aalangan niya iyong sinagot.

"Ahn? Hi, uhm, na-receive mo pa yung text ko?"

"Oo, natanggap ko."

"Ganun ba?" Iya let out a nervous chuckle. "Akala ko kasi hindi. So, uhm, okay lang ba sa'yo? I, uh, I want to talk to you."

"Hindi ba pwedeng sabihin mo na ngayon, ate?"

"I-I'd rather say it in person, if you don't mind."

She sighed. "Okay. I-text mo na lang sa'kin kung saan tayo magkikita."

"I will. Thanks."

It was a weekday, so she was at work when Iya called her. They agreed to meet after work, sa isang café na malapit sa pinagtatrabahuhan niya. Right after work, nag-ayos na siya at saka naglakad papunta sa meeting place nila.

They will be having dinner together, pero hindi niya alan kung makakakain ba siya.

Nang makarating siya sa lugar ay nandoon na ito, naghihintay sa kanya. Alanganin itong ngumiti. She sat across her.

"Order muna tayo," sabi nito. "I hope you like Thai food."

Tumango na lamang siya at saka tiningnan ang menu.

They ordered two different curries, cat fish and mango salad, and deep-fried spring rolls. Habang hinihintay ang pagkain ay saka ito nagsalita.

"I'm sorry about what I said during your fitting. The dress looked really good on you. I just couldn't bring myself to admit that."

Umiling siya. "It doesn't matter."

"I'm really feeling guilty, Ahn. Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko. I just want you to know that I didn't mean them. Nakonsensya talaga ako nang sabihin ni mommy na hindi mo raw binili yung damit."

"Okay lang talaga." Itinuon niya ang tingin sa platong nasa harapan. "May nakabili na nung gown e."

Jasmine urged her to see the dress yesterday. Isukat daw niyang muli at kapag hindi pa rin niya magustuhang kunin ay hahanap sila ng iba. Dahil sa kapipilit nito ay pumayag na rin siya. Iyon nga lang, wala na yung dress. Nabili na raw just a few hours ago.

Mas lalo siyang nalungkot dahil doon. Pakiramdam niya'y parang ipinapahiwatig na wala na lang nilang ituloy ang kasal. Jasmine said she's being too negative. Pero ganoon kasi siya. Kapag masyado siyang positibo, nasisira lang ang lahat.

Mukha namang mas lalong nakonsensya si Iya dahil sa sinabi niya.

"Ganun ba? What about that first dress you tried on? Bagay rin yun sa'yo."

Umiling sya. "Yung pangatlo kasi talaga yung gusto ko. Hayaan mo na."

They fell silent when the food arrived. Mukhang hindi nito alam ang sunod na sasabihin sa kanya. She doubts that anything could cheer her up right now.

--

Mas lalong nawalan ng ganang kumain si Iya dahil sa sinabi ni Ahn. Nahihiya siya rito. That was the perfect dress for her kaso ay may nauna na. Mukhang malungkot na malungkot ito. And she knew that if Ken learns about what she did, magagalit ito sa kanya. Hindi pa man sila nagkakaayos ng husto ay mag-aaway na naman.

"I'll help you find another dress," she offered.

Umiling ito. "Huwag na. Baka maabala ka pa."

Hindi niya ito masisi. If she was in Ahn's shoes and she was being treated like that, gaganti siya. But Ahn's not the type to get revenge. Maybe she's too kind to a fault, but she does not deserve to be treated the way she was treated.

She felt so rotten. Nadala siya ng galit. It was just so hard for her to watch Ken change into someone she thought he would never be. Nakita niya itong umiyak, magpakalango sa alak at mawalan ng gana sa buhay. She was there and it was hard to look away, in fear that he might do something crazy.

Alam niyang kailangan na niyang magpatawad at humingi ng tawad kay Ahn. It's been a long time since then. Ken's okay now. But forgiving's easier said than done.

Natigilan siya sa pagkain nang biglang ibinagsak ni Ahn ang kubyertos nito.

"Excuse me."

Agad itong tumayo, putlang-putla, at saka nagpunta ng C.R. Sinundan niya ito. Naabutan niya itong sumusuka sa isang sink.

"Ahn, what's wrong? Sinamaan ka ba sa kinain mo?" Nang hindi ito sumagot ay lumabas siya at hinanap ang manager ng restaurant. When she came back with him, Ahn was done throwing up.

"Okay ka na?" she asked.

Tumango ito.

"I talked to the manager. Baka may nakain kang hindi maganda. Are you allergic to anything on the menu?"

She shook her head.

"I'm really sorry for the inconvenience," the manager said. "I'll have the food checked an—"

"There's no need. I don't have any problem with the food."

"Ahn." Sinimangutan niya ito. Kahit masama ang lasa ng pagkain, hindi talaga ito nagku-complain sa management ng restaurant. Nahihiya kasi ito dahil pinaghirapan pa rin iyon ng mga empleyado.

"I'm okay. Really." She gave her a tight smile.

"Let me just talk to her," sabi niya sa manager. Tumango ito at umalis. Nilapitan niya si Ahn at hinagod sa likod. "Are you sure you're okay? You scared me back there."

"Okay lang."

"Kung gusto mo, pwede naman tayong lumipat sa ibang restaurant e. You can choose what to eat."

Ahn shook her head. "Okay lang talaga ako, ate. Nangasim lang ang sikmura ko."

There's something about the way she looked at her when she said that. Napamaang siya rito nang marealize niya ang gusto nitong iparating.

"A-Are you pregnant?"

--

Ayaw pa sanang sabihin ni Ahn kay Iya ang kundisyon niya. Halos isang linggo na rin niyang alam na buntis siya. She was supposed to have her period during the last days of their honeymoon in Baguio. Pero hindi siya dinatnan.

She waited until after Ken left for Canada. Nang wala pa rin ay sinubukan nyang mag-pregnancy test. Just a precaution. It turned out that she's also pregnant.

Natawa na lang ang mommy niya sa coincidence. Ganoon nga siguro kapag kambal. Iya and Ken got married to their respective partners in the same year. At ngayon nga, pareho silang buntis ni Iya.

It's the reason why she was so happy for her when she announced that she was pregnant. Plano na rin sana niyang sabihin sa mga ito na buntis din sya pero inisip niyang sa ibang pagkakataon na lang. Baka magalit pa ito lalo sa kanya kung sakali.

"Please don't tell Ken yet," pakiusap niya rito.

Hindi niya sinabi kay Ken na buntis siya dahil baka hindi ito umalis papuntang Canada. Alam niyang hindi siya nito maiiwan. Dalawang linggo lang naman silang magkakahiwalay. Pagbalik nito, saka niya rito sasabihin.

Her whole family already knows though. Hindi niya maitago sa ina at kay manang Soling ang kalagayan niya.

Iya promised that she won't tell. When they went back to their table, medyo magaan na ang pakiramdam niya. Tingin niya ay pareho silang nabunutan ng tinik. Iya's not a bad person. Alam nitong nadala lang ito ng galit nang i-reject niya si Ken dati. Kung may gumawa rin siguro ng ginawa niya sa kapatid niyang lalaki, baka nagalit din siya.

--

Finally feeling free of guilt, masayang umuwi ng bahay si Iya. Nang maabutan niya si Hans sa sala ay ikinwento niya rito ang nangyari.

"Baka magkasabay pa kayo sa panganganak nyan ha," biro nito.

She smiled. "Okay lang sa'kin." Yumakap siya rito. "Nga pala, Hans, I was thinking of having a dress made for Ahn. Nabili na kasi yung gusto nyang gown e. Magpapagawa sana ako ng mas maganda."

"That's a great idea. My mom knows a lot of designers. I could ask her if you want."

Umiling siya. "Rica's a designer. She can make the dress. I'm sure she'd be happy to."

Kinintalan siya nito ng halik. "I'm proud of you, Iya. You did the right thing."

In line with setting things straight for good, tinawagan niya si Ken na uuwi na sa isang araw. She told him na huwag na nitong ipost online ang picture nito with Aubrey. Baka makita pa ni Ahn, magkagulo na naman.

"I didn't post the picture. Phone kasi ni Aubrey yung ginamit," sabi nito sa kanya. "I'll ask her to not post it online."

"Okay. Sabihin mo na kaagad ha."

"Okay na ba kayo ni Ahn?"

"Yes. We're okay."

He sighed in relief. "Salamat naman kung ganun."

Ngumiti siya. "Ken, tayo ba okay na?"

"Oo naman," sagot nito. "Ikaw lang naman ang hinihintay ko e."

"Alright. I'll see you when you get back."

When the call ended, she checked online to see if the picture has not been posted yet. Bigla siyang kinabahan nang makitang naka-post na sa timeline niya ang picture nina Ken at Aubrey. Nakaakbay rito si Ken. Nakangiti ang dalawa, mukhang problem free.

She was tagged in the picture. It was posted just an hour ago, right after she went home from dinner. Ang malala, alam nyang makikita ni Ahn iyon if she goes online. Friends pa naman ulit sila sa Facebook.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top