SPECIAL CHAPTER: "If Walls Could Talk..."
11 years later.
Maru's POV
"HOW DO YOU WANT TO DIE?"
I saw a random question while I'm scrolling my Facebook's newsfeed.
Karamihan sa mga tao, takot mamatay. At kamatayan yata ang isa sa mga iniiwasan ng lahat.
But for me, I don't fear death.
Death is inevitable they said, and it was true.
Ang kinatatakutan ko, ay 'yung mamatay ako nang hindi pa nasusuklian ang lahat nang sakripisyo ng magulang ko.
Wala akong pakialam kung sa paanong paraan ako mamamatay.
Kahit pa, sudden death iyan. I will accept it.
Pero...
Paano ko matutupad ang pangakong iyon sa sarili ko? At paano ko maipapakita sa magulang kong unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko, kung ang isa'y patay na?
At ang isa naman ay hindi na ako makilala?
Paano ko mararamdaman ang appreciation ni Papa sa pagsukli ko sa pagpapalaki niya sa 'kin, kung kahit pangalan ko, hindi niya matandaan?
Napatingala ako nang biglang may nag-tap nang mesa para makuha ang atensyon ko.
"Doc Gonzales, therapy time na po nu'ng patient sa ward 527," nakangiti nitong sabi.
"Ah, thanks for reminding me, Nurse Grace," tugon ko at nginitian rin siya pabalik.
"Parang ang lalim po ata nang iniisip niyo Doc, lately." usal nito.
"Hay nako, Nurse Grace, bigyan mo kasi ng lovelife si Doc Maru," sabat naman ni Doctor Ember sa kabilang desk.
A 3rd year Psychiatrist Resident.
I nervously laugh.
"Wala pa 'yan sa isip ko, ano ba kayo." nahihiya kong sagot.
Tumayo si Doctor Ember at may kinuhang envelope sa drawer nu'ng cabinet niya.
Pinagpatuloy naman ni Nurse Grace ang pag-check nang listahan ng medicines na hawak niya.
Bahagya akong ngumiti at napakamot sa batok ko.
"Ligawan mo na kasi si Doctor Amy! Alam mo namang deads na deads 'yun sa 'yo, Doc, 'di ba?" pangungulit muli ni Doctor Ember.
"Hindi naman porket, gusto ka nu'ng tao, dapat gustuhin mo rin siya," Nurse Grace retorted, "hindi naman matatawag na pagmamahal 'yun, kung nagustuhan mo siya dahil sa idea na gusto ka niya-"
"Tama na, guys," I cutted her off, "‘wag niyo nang isipin ang naghihingalo kong lovelife," I chuckled.
Hindi na sila nagsalita at nag-focus na sa mga ginagawa nila.
Sinasabayan ko na lang ang mga sinasabi nila. I don't want to disclose my life with them. Not because, I don't trust them. It's just, my life is too complicated. And I'm certain that once they heard it, they will be in shock.
Dali-dali akong tumayo at saka inayos ang ID na naka-clip sa kaliwang parte ng dibdib ng polo ko.
Maru Gonzales, M.D.
I smiled upon reading my name with the letters M.D.
Ang pangarap ko lang naman dati ay maging isang Psychiatrist. And my main goal was to cure and save those who are suffering from mental illnesses.
Hindi ko naisip na, ang pagpili ko pala sa kursong ito ay mas may malalim pang dahilan.
Kinuha ko ang dala kong paper bag na nakapatong sa kaliwang bahagi ng mesa ko.
Napatingin ako sa relo sa dingding ng silid at nakita kong pasado alas singko na pala nang hapon.
"Gotta go, guys," I said as I started walking from my desk.
"Okie, dokie," sagot ni Doctor Ember habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa niya.
"Good luck, Doc Gonzales. Hopefully magkaroon na ng improvement ang patient mo." usal naman ni Nurse Grace.
"Yeah, I hope so."
And as I reached the door, I twisted it's knob and left the room.
-----
Mahigit limang minuto na akong nakasilip mula sa labas ng isang silid. Kitang-kita ko mula sa pintuang may transparent na salamin ang isang lalaking nakatanaw mula sa bintana.
I let out a deep breath as I entered the room.
Nang marinig nito ang pagbukas ko ng pinto ay agad itong napalingon sa direksyon ko.
Binigyan ko siya nang isang malawak na ngiti.
"Doc Gonzales? Ano po 'yang dala mo?" tanong nito at tuluyang humarap at pumaling sa 'kin.
Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata niya dahil sa paper bag na bitbit ko.
Mabuti pa ang paborito niyang pagkain, naaalala niya pa.
"Ah, inihaw na manok po," hinila ko ang maliit na mesa sa silid, "tara ho, kain na po kayo Sir Apollo," alok ko sa kanya at nilaanan ko siya ng mauupuan.
"Bakit mo ba ako tinawag na 'Sir Apollo', Doc?" tanong nito habang inaayos ang pag-upo niya, "e sa 'ting dalawa ikaw po ang propesyonal."
I smiled as I serve him the food.
"Nako ho, 'wag niyo na pong tanungin," I gulped, "kumain na po kayo kasi oras na po nang pagtuma niyo nang gamot." depensa ko.
Umupo ako sa monoblock na palaging nasa loob nang silid. Magkaharap ang pwesto namin ngayon.
Ilang taon ko nang inaalagaan si Papa. Mahigit anim taon na rin mula nu'ng piliin ko at mag-volunteer ako na intern sa ospital kung saan naka-detained-admitted si Papa.
Sa kabila nang malaking krimen na nagawa ni Papa, napagdesisyonan sa korte na habang hindi niya pa naaalala ang lahat ay dito na lang siya i-detain. Para na rin maalagaan siya nang mga gaya ko na dalubhasa.
This is my last year as being Psychiatrist Resident.
Sana lang, bago ako maging isang ganap na doktor ay maalala na ako ni Papa.
Halata na rin kasi ang katandaan niya ngayon. Marami na ang nakalitaw na puting buhok sa ulo niya, at unti-unti nang numinipis ang parte nang bunbunan niya.
Napatingala ako at pinigilan ang nagbabadyang luha na pumatak.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang naging dahilan ng pagkakaroon ni Papa ng Dissociative Amnesia.
Kung hindi sana nangyari kila Tita Sophia at ex-girlfriend ni Papa ang ginawa nu'ng lolo ni Dean at lola ni Charm, hindi ko sana siya pasyente ngayon.
May parte sa isip ko na sana, hindi ko sinalo 'yung balang para sa lolo ni Dean. Kasi kung hindi ko 'yun ginawa, malamang tuwang-tuwa si Papa sa mga achievements ko sa buhay, kahit pa sabihin nating nakakulong siya.
At siguro, kung hindi ko 'yun ginawa, hindi siya mato-trauma.
I sigh hard.
At dahil sa pagbuntong hininga ko ay napatingala si Papa mula sa pagkain niya.
"Bakit Doc, may problema ka bang pinagdaraanan?" tanong nito saka tumayo at pumunta sa water dispenser para uminom ng tubig.
Kahit na mahigit 50 taong gulang na siya, maayos pa rin ang postura niya at kita pa rin ang katangkaran ni Papa.
"W-Wala ho, huwag niyo na lang po akong alalahanin," sagot ko sa kanya at umiwas nang tingin.
"Ano ka ba, Doc, tao ka rin," saad nito matapos lumagok ng tubig, "normal lang magkaroon ng problema," huminto ito sa tapat ko.
"Handa naman akong makinig kung sakali," aniya at naglakad pabalik sa pwesto niya kanina.
I shook my head and smiled at him.
"Ayos lang ho," panandalian akong huminto, "kayo pong mga pasyente ang dapat na inaalagaan namin dito." paliwanag ko sa kanya.
Hindi na siya muling nagsalita pa at itinuloy ang pakain niya.
At dahil malapit na siyang matapos kumain, ay uumpisahan ko na ang talk theraphy niya.
"Ah, Sir Apollo, kumusta po ang tulog niyo?" I gulped, "mahimbing naman ho ba?" I asked him.
Nilunok niya muna ang laman ng bigbig niya bago sumagot.
"Maayos naman po Doc, sa katunayan nga po, minsan nagigising ako sa lakas ng hilik ko," saad niya at bahagyang tumawa.
I started writing down everything he says.
I cleared my throat.
"May mga bumabagabag po ba sa isip niyo? Mga nagpapagulo at lito sa inyo?"
Pinunasan niya ang pawis niya sa ilong. Panandalian huminto at napaisip.
"May pamilya ba ako?" He oddly asked, which makes my heart skip a beat.
B-Bumabalik na ba ang alaala niya?
"Bakit niyo naman po 'yan natanong Sir Apollo?"
"Hindi ko rin alam, Doc Maru," hinawakan niya ang baso malapit sa kanang kamay niya at lumagok ng tubig, "pero, sa tingin ko mayroon," pagpapatuloy niya at sinimulang ipunin ang mga buto nu'ng manok na natira.
Kahit pa, mag-open up si Papa nang ganito, hindi ko siya pwedeng ibigla at sabihing 'Opo, may pamilya kayo, actually po, ako ang anak niyo'.
It may trigger his brain if I force him to remember everything. That's why, I'm using alternative questions. With that, he will regain his memory gradually.
"Ano po bang nararamdaman niyo at bakit sumagi 'yun sa isip niyo, Sir?"
"Itong inihaw na manok," sagot niya na nagpabilis nang tibok ng puso ko.
"Ano pong meron diyan?"
"Parang dati, may mga tao akong kasalo kumain niyan."
Napangiti ako sa sagot niya at isinulat ang lahat ng mga sinabi niya.
Kahit papaano, may mga malabong detalye na ang bumabalik sa isip niya.
Tumayo ako at pumunta sa mini cabinet kung saan nakalagay ang maintenance medicine niya.
"Sige, ho Sir Apollo," saad ko at saka inabot ang maliit na anti-anxiety tablet sa kanya, "tumahin niyo na po ito." pagpapatuloy ko.
Agad niya naman itong tinanggap at tinuma saka uminom ng tubig.
Binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti matapos niyang malunok ang tubig at gamot.
"Pwede na ho kayong magpahinga, Sir Apollo," saad ko at iniligpit ang mga tupperware na dala ko kanina.
"Salamat, Doctor Gonzales," sagot niya at pumwesto na sa kama, "sa sobrang bait niyo ho, minsan nangarap ako na sana anak ko kayo," pagpatuloy niya nagpahinto sa 'kin.
Hindi ko namalayan at may pumatak na luha sa kaliwang mata ko.
Bahagya akong tumalikod saka pinunasan iyon.
As I turned back at him, I smiled forcedly.
"Salamat po sa compliment niyo, Sir Apollo," I fix my posture and grab the paper bag, "See you again, on your next therapy."
He just nodded and smile as response.
Matapos kong maisara ang pintuan ng silid niya ay tinatanaw ko muna siya mula sa transparent na salamin ng pinto.
"I just hope, once you regain your memories," my voice almost cracked, "you won't condemn yourself for such doing revenge to them."
I sniffed and turned my back.
"I just hope, you will still choose to live longer. Despite of the crimes you've done, Papa," I mumbled to myself while looking up trying to hold back my tears.
-----
Pasado alas syete na nang gabi nang maka-uwi ako ng bahay.
Malaki na ang pinagbago nito. Mula kasi nu'ng nakakatanggap na ako nang sweldo sa pagiging Psychiatrist Resident, paunti-unti kong pinaayos ang bahay.
May second floor na 'to at ang dating makinis na sementadong sahig ay naka-tiles na.
Hindi kalakihan ang natatanggap kong salary as Psychiatrist Resident.
Pinili ko kasing mag-take nang residency sa isang Government Hospital kaysa Private Hospital.
Pero kahit papaano, napagawa at napa-renovate ko naman ang bahay namin.
Mahalaga para sa 'kin ang lugar na 'to. At ayaw ko 'tong ipagpalit sa mga magagarang condominiums na malapit sa pinagtatrabahuan kong ospital.
Goal ko ngayong taon ang makapagpundar naman nang sasakyan.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit mas pinipili kong makipagsiksikan sa mainit at crowded na tren.
Nakaharap ako sa salamin ng aparador para kumuha ng pambahay na damit. Kitang-kita ko ang peklat sa kaliwang bahagi ng dibdib ko sa ibabang balikat.
Kung saan tumama ang bala ng baril na sinalo ko.
Inalis ko sa isip ang mga alaala nu'ng kabataan ko at nagpalit na ako nang t-shirt at shorts.
Nang makababa ako sa kusina, binuksan ko ang refrigerator.
Pero puro ingredients ang bumungad.
"Ano ba 'yan," saad ko at sinara na lang ang pinto nito.
Nagdadalawang isip ako, kung bibili na lang ba ako ulit ng cup noodles. Pero bigla akong nakarinig ng pamilyar na boses mula sa labas sa may pintuan.
"Maru!" tawag nito sa pangalan ko.
Nang makita ko kung sino iyon, ay halos mapunit ang pisngi ko sa lawak ng ngiting ginawa ko.
"Xamel, gabi na?" binukasan ko ang pinto at pinatuloy siya, "anong meron?" tanong ko.
Pabagsak siyang umupo sa sofa namin at inabot ang hawak niyang paper bag.
Habang hinahabol ang kanyang hininga ay nagsalita ito.
"Alam kong purgang-purga ka na sa cup noodles, Maru," She gulped, "oh, eto, pininyahang manok." She continues.
"Sobra naman ata 'yung purgang-purga?" saad ko at bahagyang natawa.
Naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng makakainan at kubyertos.
"'Wag mo nang i-deny, nakita ko 'yung basurahan mo, puro cup noodles ang laman." paliwanag niya.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang hirap talagang taguan nang sikreto ang babaeng 'to.
Except my feelings towards her.
I hid from her that she's making me happy, whenever she's around.
She doesn't have idea, that I'm desperately dreaming she'll gonna be the mother of my children.
I never let her know, because I don't want to hurt her.
Flashback
May 27, 2021
Mahigit tatlong linggo na nang mai-detained-admitted si Papa sa ospital na makakatulong sa kanya para maka-recover siya.
At ngayong araw ay sasamahan ko si Xamel na dalawin si Papa.
Halos lahat naman kami, sobrang naapektuhan sa mga nangyari.
Wala pa akong naririnig na balita kila Charm at Dean, at masama ang loob ko sa mga lolo't lola nila.
Ngayon ang pangalawang beses na pagdalaw ko kay Papa.
No'ng una beses, hindi ako nakalapit sa kanya dahil hindi pa siya pwedeng kausapin at 'yung mga doktor at nurses lang ang binigyan nang karapatan na lapitan siya.
Ngayon, maaari ko na siyang kausapin at lapitan.
Kaya naman, sinama ko si Xamel.
Xamel almost lost her sanity after knowing the motive of my father.
She's extremely disappointed with the Lt. General and to the Senator.
Sino ba naman ang hindi maiinis sa mga ginawa nila? Siguro 'yung mga sarili nila.
Naalala ko tuloy ang paalala sa 'min nu'ng Editor in Chief namin.
"Truthfulness is the most dangerous thing in life. Knowing those who fear verity, will never feel guilty if you die."
Ngayon ko lang naunawaan ang sinabi niyang iyan.
I never thought that it has dipper meaning beyond its context.
"Ayun po si Sir Apollo," saad at turo nu'ng Nurse na nag-accomodate sa 'min dito sa ospital.
Nagkatinginan kami ni Xamel at nagsimula nang maglakad patungo sa pwesto ni Papa.
Nakaupo siya sa isang monobloc at malayo ang tingin.
Nasa isang malawak na espasyo siya nakapwesto. Ang dinaraan namin ay may maiiksing damo.
Nakasuot si Papa ng dark blue na damit at pajama na sinusuot nang mga pasyente.
Hindi kaagad ako lumapit kay Papa at hinayaan kong si Xamel ang maunang kumausap sa kanya.
Unti-unting bumibigat ang hakbang ko kapag lumalapit ako sa pwesto niya.
"Tito Apollo?" umpisa ni Xamel nang makaharap niya si Papa.
Binaling niya ang tingin sa nagsalita.
At kahit pa, 3 metro ang pagitan namin ay nakita kong kumunot ang noo niya nu'ng pumaling siya pakaliwa.
"Ako po 'to, si X-Xamel," naluluhang saad ng kaibigan ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon nito.
"Wala akong kilalang X-Xamel!" sigaw nito at biglang napahawak sa ulo niya, "Aaaaaaah! Ang sakit nang ulo k-ko!" dugtong nito na nagpa-alarma sa 'min ni Xamel.
A-Anong nangyayari kay Papa?!
Bigla siyang napaluhod sa damuhan mula sa kinauupuan niya.
Napabaluktot siya at hindi mapakali habang nakahawak pa rin sa ulo niya.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
Bakit?
Bakit kailangan ko 'tong makita?
"N-Nurse! Nurse! May nangyayari po sa p-pasyente!" umiiyak na saklolo ni Xamel.
Agad na may lumapit sa pwesto ni Papa at inalalayan siya para mabigyan nang gamot na pampakalma.
Napag-alaman namin na na-trigger raw ang isip ni Papa dahil sa pagkausap sa kanya ni Xamel.
Matapos namin 'yun marinig ay hindi na kailanman dumalaw si Xamel kay Papa.
Sa tuwing magkikita kami, palagi siyang umiiyak at sinasabi niyang gusto niyang makita si Papa.
Lagi niyang sinasabi sa 'kin na nami-miss niya na raw si Papa. Pero ayaw niya itong puntahan kasi baka muli itong mag-panic attack, once makita siya.
End of Flashback
"Kumusta si Tito?"
Nabalik ang wisyo ko nang dahil sa tanong ni Xamel.
Magkasabay kaming kumakain ngayon, pero 'yung isip ko nakabalik sa nakaraan.
"His getting better now." I answered her question.
She just nodded with my response and she continues eating.
I deserve Xamel but she doesn't deserve someone like me.
My whole life is a mess, and my priority right now is to fix it.
Even if I'm badly wanting her hugs and kisses, I couldn't let her feel my warmth.
I couldn't tell how deep my love for her is.
It was really depressing, knowing the person you want to be with for the rest of your life- isn't meant for you.
My father affected her life. Her emotional and mental health was being damaged back then.
And my conscience is telling me that she's not suppose to get involve with my life anymore.
I'm accepting the reality, that we'll stay as being good... friends.
Maybe in our next life.
We are meant for each other.
Maybe in parallel universe.
We ended up together.
-----
Third Person POV
February 13, 2032. 2:37 AM.
Ilang buwan na lang ay malapit nang matapos ang Residency ni Maru.
At kahit pa malapit na ang araw ng mga puso, wala ito sa isip ng binata.
Sa katunayan, ngayon araw ay may biglaan siyang night duty dahil ang isa sa out-patient na mino-monitor ni Maru ay bumalik ang audio hallucinations at delusions. Iniisip nu'ng pasyente na nakakausap niya ang Diyos at may sinabi pa ito na siya raw ang Diyos.
Ang pasyente niyang iyon ay napabayaan ang pagtuma ng anti-psychotic medicines.
At bukod sa pagkakaroon nito ng recent diagnosis of schizophrenia, meron pa itong psyciological disorder- Morphinism. An addiction and habitual use of morphine.
Kaya imbis na umigi ang kondisyon ay lalong lumalala.
Na-admit ang pasyente sa ospital dahil kinakailangan nitong mabantayan.
Every four hours ay niche-check ni Maru ang lalaking pasyente sa silid nito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising, kaya naman hindi pa makauwi si Maru.
Dahil sa antok na dumadalaw sa binata, naisipan nitong bumaba sa pantry ng ospital para magkape.
Pero pagdating doon ni Maru ay wala nang stock na kape at asukal.
Naabutan niyang naghahalo ng kape si Doctor Ember malapit sa pantry.
Damn it. Naunahan pa ako ni Ember! I badly need coffee right now!
"Sorry, Doc Maru," saad nito at ngumiti pa nang nakakaloko at patuloy na hinalo ang kapeng hawak, "matalas ang intuition ko na bababa ka rito para magkape, kaya inunahan na kita." paliwanag nito.
Napakamot na lang si Maru sa batok niya at hinayaang umalis ang babae.
Isa sa mga cons ng pagiging Psychiatrist na 'yung mga katrabaho mo, magaling mag-analisa ng kilos. Kaya minsan mauutakan ka, gaya na lang nu'ng nangyari kay Maru.
Bumalik muna si Maru sa office nila para kunin ang jacket niya. Wala na siyang choice kundi bumili sa labas nang sariling kape.
Sana lang may coffee machine sa labas or kahit anong convenient store na bukas.
Isip ng binata habang naglalakad papuntang silid nila.
Nang buksan niya ang pinto, naabutan niya si Doctor Ember at Nurse Grace na seryosong nakatutok sa laptop.
Parang may pinapanuod ang dalawa.
Napagitla siya nang biglang tumili si Nurse Grace.
"Ano ba 'yan, Grace? Hindi ako nagulat sa palabas kundi sa tili mo e!" singhal ni Doctor Ember sa babaeng tumili.
"Eh k-kasi naman! Parang totoo 'yung prosthetics nila!" depensa nito at bahagyang lumayo sa screen nu'ng laptop.
"Jusme, Grace," umirap ang doktor, "‘di totoo ang Zombies, it is purely fictional. Pigilan mo 'yang pagtili mo, gagawin kitang Zombie, sige ka," saad nito at lumagok ng kape sa hawak nitong cup.
Napailing na lang si Maru sa mga narinig niya. Hindi namalayan nu'ng dalawa na kinuha ng binata ang jacket niya.
The irony of women.
They will watch horror movies just to scare themselves. The funniest part is, all throughout the show, they are covering their eyes with hands but they can still peep.
Napangiti ang binata sa naisip.
Nang makalabas ito ng gusali kung saan siya nagtatrabaho, bumungad sa kanya ang maliwanag na sinag ng buwan.
Nagsimula na itong maghanap ng mabibilhan nang kape.
Matapos ang kinse minuto na paglalakad, natuwa ang binata dahil may natagpuan siyang vending machine. Meron itong coffee-in can, kaya rito na lang bumili si Maru.
Medyo may kalayuan rin ang kinaroroonan ng vending machine.
At nasa isang sulok pa ito nakapwesto.
Mahaba ang nilakad ni Maru para makabalik sa ospital.
Binaybay ng binata ang path walk na may nagtataasang pader sa gilid.
Ngunit biglang napahinto ang lalaki sa paglalakad dahil may naaninag siyang tao.
Isang tao na nakaupo at sandal sa pader na malapit sa path walk kung saan naglalakad si Maru.
Kahit pa hindi sigurado kung anong klaseng tao ang nakaupong iyon, agad itong nilapitan ng doktor.
Pero nang marating ni Maru ang kinauupuan ng tao ay bigla itong nangisay.
Agad na naisip ni Maru na marahil ang tao ay nag-epileptic seizure.
Sinubukan ni Maru na bigyan ang lalaki nang first aid, ngunit huli na ang lahat.
Dahil napagdaanan na ito ni Maru nu'ng siya'y nasa ikalawang taon ng kanyang Residency. Pamilyar sa kanya kung ano ang nangyari sa lalaki.
SUDEP or Sudden Unexpected Death in Epilepsy.
Ang pinagtatakhan ng binata, bihira lang ito mangyari sa mga taong may epilepsy.
Kadalasan itong nangyayari kung ang pasyente ay labis na na-trigger at magkakaroon ng matinding abnormal electrical discharge sa utak ng pasyente. Hindi makakayanan ng katawan at sistema nito, kaya magsasanhi ng biglaang pagkamatay.
Matapos makatawag ng tulong ang doktor na si Maru mula sa ospital, ay naideklara na SUDEP nga ang nangyari sa lalaki.
Habang hindi maalis sa isip ni Maru ang pagtangis ng magulang nu'ng biktima, may isang bagay na bumabagabag sa kanya.
Naalala niya ang nangyari noong Junior High School pa lang siya.
Ang pinagkaibahan lang, aksidente ang pagkamatay nu'ng ka-eskwela niya.
Pero itong nangyari ngayon, sigurado si Maru na hindi mage-epileptic seizure ang pasyente nang walang nage-evoke sa kanya.
It is not a sudden death.
Someone intentionally triggered him to die.
And I believe that, that's a purposively crime.
-----
Sa kabilang banda.
Dalawang pader ang layo mula sa pinangyarihan ng hindi malaman kung aksidente ba o krimen, may tatlong kalalakihan ang tila nagtatago sa kadiliman na bumabalot sa mahabang pasilyo na pinaliligiran ng nagtataasang mga pader.
"Tang*na, Pre! Napatay ata natin!" saad ng lalaking nakasuot ng malaking itim na damit at lagpas tuhod na shorts.
Binatukan siya ng lalaking nakasumbrerong itim at pareho ang suot sa unang nagsalita.
"Tanga! ‘Wag kang mangunsensya," bwelta nito at naglabas ng isang mahabang puting foil, "hindi naman natin alam na may sakit pala 'yung lampang 'yun!" dugtong pa nito.
Kahit madilim ang kanilang pwesto, kita ang pagkislap ng mga mata nito matapos makita ang hawak ng lalaking nagsalita.
Ang isang lalaki naman na naka-bonet ay naglabas ng lighter.
"Wala namang nakakita sa 'tin," pangungumbinsi nito at inabot ang hawak na lighter sa lalaking nangangamba.
"Tama ka riyan, Pre," nag-umpisang suminghot ang lalaking nakasumbrero matapos masindihan ang hawak, "walang magsusumbong sa mga pulis." dugtong pa nito.
Nagtawanan ang tatlo na parang mga sira ang ulo.
Diyan sila nagkakamali.
Dahil may saksi.
The long dark path walk cannot be the witness of the crime.
But little did they know...
The wide and tall walls are there.
If those walls could talk.
Perhaps, they want to say anything.
If those walls could talk.
They might reveal the things that they have seen.
If walls could talk.
Something could testify...
That those guys have sinned.
-----
A/N: Hi! As promised, ito na ang special chapter with Maru's POV.
Also, this is a sneak peek of my next story. My next novel was entitled If Walls Could Talk.
Yup, medyo nasiyahan ako kaya may next novel ang kumare niyo, char.
Just a spoiler, the next novel will contain Maru's POV of course. His life during his last year of being Psychiatrist Resident. Maru's journey upon solving the mystery behind his suspected crime. And lastly, the mental health case of Apollo.
So yeah! Abang-abang tayong lahat dahil I'm really anticipating to write this story.
Hindi pa plotted ang whole story but I already have an idea and I already visualized kung ano ang magiging flow nito.
The main genre of this novel would be: Mystery/Thriller.
Sub genre: Psychological.
Wala naman kasing Psychological-Mystery/Thriller na nakalagay dito sa Wattpad kapag magse-select ng genre kaya, ayern.
Lastly.
Isang malaking DISCLAIMER lang ho ano, 'di ako galit, ganito talaga ako mag-explain LOL.
I'm not a BS Psychology student and I haven't been on a Medical School.
Lahat po ng mga sinulat ko sa special chapter na 'to ay based on my own research.
I've watch various vlogs and interviews about being Psychiatrist.
And also, before I put the particular scene here, I make sure that it was all true according to studies and purely based on scientific explanation.
Pero, hindi ko rin naman sinasabi na isa akong expert sa larangan na 'to.
I'm still striving and I'm open for improvement, so bear with me. You may correct me right away if you have read/seen some technicalities.
Ayoown lamaaang HAHAHA. Grabeng Author's note 'to, parang update na LOL.
Ps. I have a big announcement about this book, so, STAY TUNED!
Keep safe everyone!♡♡♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top