PROLOGUE

April 2, 2020
#82 Doña Juliana, Fillinvest Village

Makikita ang isang matangkad, balingkinitan, at magandang dalaga na nakaharap sa isang malaking salamin at nag-aayos ng kanyang sarili.

Dahan-dahan nitong ipinahid ang tint sa kanyang labi at bahagyang ikinalat gamit ang paglapat ng dalawang labi.
Saka ito naglagay ng kaunting blush on at pulbo. Nilapag niya ang gamit sa ibabaw ng cabinet, ngunit biglang may naalala.

"Hala, 'yong kilay ko pa pala!"

Dali-dali siyang naglagay ng pang kilay at kahit na nagmamadali ay maayos pa rin ang kinalabasan. Sanay na talaga siya sa mga paggamit ng kolorete sa mukha.

Palabas na sana siya ng kanyang kwarto nang biglang tumunog ang kanyang phone.

Iritable niya itong kinuha mula sa bitbit niyang bag.

"What's in a rush? Palabas na nga ako ng bahay e!" Sambit nito at umirap pa bago sinagot ang tawag.

"Charmagne West! Anong oras na? Susmaryosep ka. Kanina pa 'yong on the way mo, three hours na ang nakalipas, On the way ka pa rin?" Sigaw ng lalaki sa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang pagka-inip at inis.

Muli na namang napairap sa hangin ang dalaga.

"Stop shouting, Dean Hilton! Ang sakit sa tainga ng boses mo!"

Magsisimula na sana ulit na maglakad ngunit, muli na naman siyang sinigawan ng kausap mula sa kabilang linya. Nailayo niya ang phone niya mula sa tainga ngunit rinig pa rin ang boses ng binata.

"Be here within twenty minutes. Inuugat na ako rito at ang init, kainis ka!"

Then, the call ended.

Napailing na lang si Charmagne dahil sa pagiging mainipin ng kaibigan.

Tuluyan nang lumabas ang dalaga at bumaba na mula sa kwarto niya sa 2nd floor.

Wala ang mga magulang nito dahil aligaga sa mga trabaho. Gayunpaman, malayang makaalis at lamyerda si Charmagne as long as kasama niya palagi si Dean.

Si Dean Hilton lamang kasi ang lalaking pinagkakatiwalaan ng kanyang pamilya.

Pero sa tuwing gugustuhin ni Charmagne na gumala o lumakwatsa, palagi niyang inaabala si Dean. Katulad na lang ng nangyari kanina. Siya ang nag-ayang gumala, pero siya itong late.

Nang palabas na si Charmagne sa kanilang gate ay naisipan niyang gamitin ang pinaka bagong app na natuklasan niya 1 year ago.

Ang application ay kilala sa tawag na Radio Garden. Ang app na ito ay sobrang advanced. Nagbibigay ito nang pagkakataon sa mga taong mahilig makinig sa radyo na mapakinggan ang iba't ibang radio station sa panig ng mundo.

Medyo taliwas sa pagiging kikay ni Charmagne, pero ang dalagang ito ay nakahiligan ang pakikinig sa radyo. At dahil mahina ang signal kapag ang radyo sa phone niya ang gagamitin, naisipan niyang mag-install ng app na ito.

Habang nakatayo sa harap ng kanilang gate ay ni-browse niya ang kanyang phone at ni-click ang Radio Garden app. Kinuha niya ang earpods sa bag, at sinuot sa kanyang tainga at ni-connect sa phone niya.

At dahil malapit nang mag-alas tres ng hapon, naisipan niyang itutok ang radio station finder sa paborito niyang radio station.

Ngunit. . .

"Don't come near me! Aaah!"
Iyon ang narinig niya.

Hindi pangkaraniwan sa pandinig, pero patuloy pa rin siyang nakinig at nanatili sa kinatatayuan niya.

"Tangina ka!" sigaw ng isang malalim na boses ng lalaki at parang sinampal pa nito ang babaeng sumigaw.

Naguguluhan na si Charmagne sa nangyayari. Hindi niya rin alam kung bakit hindi siya makagalaw.

"Please, I'm begging you. . . Don't kill me," mangiyak-ngiyak na pagmamaka-awa ng babae.

Maririnig ang bahagyang pagtawa ng lalaki.

Napakunot ang noo ng dalaga.

"In fairness ang galing ng pag-acting nila ha, parang totoo talaga—"

"Aaaah!" muling hiyaw na narinig ni Charmagne.

Rinig na rinig niya kung paano tinadtad ng saksak gamit ang isang patalim ang katawan ng tao.

Nabitawan niya ang kanyang gadget at nawalan ng balanse.

Alam niyang hindi iyon isang palabas o radio drama.

Totoo.

Totoo 'yon.

"The game just started, bitch," saad ng lalaki at maririnig na hinugot ang patalim na ginamit sa katawan ng biktima nito.

Napatakip ng bibig si Charmagne dahil sa narinig.

Did I just heard a crime?
Oh my gosh!
What should I do?
Should I report it?
Kaso may maniniwala ba?

Mga tanong sa isip ni Charmagne habang nakasalampak sa garden nila.

Dahan-dahan niyang ginapang ang phone niya. Kailangan niyang mai-record ang lahat. Tama. Iyon ang magiging ebidensya.

Ngunit nang mahawakan niya ito, biglang may nagsalita mula sa earpods ng dalaga.

Isang malalim na boses ng lalaki.

"Hey there, sweetie? I know you heard everything."

Akmang papatayin niya na ang phone, ngunit pinigilan siya nito.

"Oops, teka lang. Kinakausap pa kita e."

Hindi na muling nakagalaw si Charmagne dahil 'di siya makapaniwalang alam ng killer na napakinggan niya ang lahat.

Bullshit!

"Teenagers love playing games. . ." Pagpapatuloy nito at maririnig na naglalakad sa kabilang linya.

". . .I just wanna ask, do you want to join my game? Oh, I'm sorry. Walang silbi kung sasagot ka dahil hindi kita maririnig. And there's no sense if you decline because YOU will be part of my GAME no matter what."

Charmagne gasped.

Bakas sa mukha nito ang takot at pangamba. May mga luha ng pumapatak sa kanyang pisngi at unti-unti nang natatanggal ang kanyang make up.

"The game is hide and seek. Sounds fun right?"

Charmagne suddenly screamed and slipped her phone from her hands the moment she heard a knife being stabbed on a table.

Humagalpak ng tawa ang lalaki. Kahit hindi niya naririnig ang dalaga ay sigurado siyang nagulat niya ito.

"Pero, syempre may pero. Ang taya ay 'yong maghahanap. At ikaw 'yon. Hindi ikaw ang magtatago. Find me, sweetie," He stopped for a second, "And if you won't be able to find me, I will kill YOU, and EVERYONE who knows you," the man said with an eerie tone in his voice.

Kahit gulong-gulo na ang isip, pinilit abutin ni Charmagne ang gadget niya. Akmang papatayin na sana, ngunit narinig niya pa rin sa huling pagkakataon ang nakakatakot na boses ng kriminal.

"Good luck, Charmagne West. Seek me, before death cross your path."

Nagkaroon ng tunog static at naging normal na ulit ang Radio Garden.

"It's time, it's DJ Rocky's Secret files. . ."

Biglang may pumatak na luha sa kaliwang mata ng dalaga.

Tama ang radio station na nahanap niya kanina dahil ito kaagad ang bumungad pagkatapos mag salita no'ng lalaki.

Anong ibig sabihin no'n?

Set up ba 'yon?

Imposibleng aksidente ang nangyari. The killer did it on a purpose. He's trying to make fun of me—us!

What the hell!

Naguguluhang pag-iisip ni Charmagne habang nakasalampak pa rin sa garden nila.

Lumipas ang ilang minuto at naisipan niyang tawagan si Dean.
Hindi na niya alam ang gagawin. Natatakot na siyang tumuloy para kitain ito dahil baka kapag lumabas siya, biglang may sumaksak sa kanya or worse baka bigla siyang kidnapped-in at i-salvage sa kung saang mabahong ilog.

Habang nangingig ang mga daliri ay hinanap niya sa contacts ang number ni Dean at ni-dial ang number nito.

Agad naman itong sumagot, ngunit inis na inis na ito.

Nanggagalaiti na ang binata sa galit.

"What the heck, Charmagne?? Nasaan ka na?"

Imbis na mag-explain ay hikbi ang naging tugon ng dalaga.

"Wait, are you crying? Is this one of your pranks again? Charmagne it won't work anymore. You know what? Uuwi na ako."

"D-dean. . . Some– Someone's trying to kill me. Help me, p-please," she stuttered with tears running down her cheeks.

Of course, kahit alam niyang hindi siya paniniwalaan ng kaibigan ay sinabi niya pa rin.

"Sino naman ang papatay sayo? Nasisiraan ka na ba? Itigil mo 'yang trip mo Charmagne. It's not funny at all," iritableng sagot ni Dean sa kabilang linya.

"Nine-eleven a.m," nanghihinang saad ni Charmagne.

Code ito ng magkaibigan mula n'ong bata pa lang sila. At dahil sa sinabi ng dalaga, napahinto si Dean.

Alam niyang hindi ito gagamitin ng kaibigan para sa pranks.

"Hello? Charm? Hello? Nasaan ka? Wait for me there! Damn it!" He worriedly said while running across the street to find a vacant Uber.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Charmagne, ngunit narinig niya ang pagbagsak ng phone nito sa sahig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top