PART 8: MANIPULATED?
Xamel's POV
Hindi maalis sa isip ko na posibleng si Papa ang lahat nang may pakana ng mga krimen na nangyari.
Pilit ko mang isipan ng dahilan kung bakit niya iyon gagawin, hindi ko mahanapan sa kahit na saang anggulo ko pa tingnan. Wala akong mahanap na rason para gawin 'yon ng tatay ko.
Marami na siyang pagkukulang sa 'min bilang isang ama. At hindi ko na maaatim pang tingan siya, kung tama ang lahat ng mga paghihinala ko.
But still, I'm praying and hoping that it wasn't him. It mustn't be him.
Nakayuko akong naglalakad sa pasilyo pauwi sa bahay namin. 5PM na rin ng hapon kaya palubog na ang araw. At sa tuwing palubog na ang araw dito sa lugar namin, dahil nasa looban, iisipin mong ala-sais na dahil wala nang sinag ng araw ang tumatama.
Nang makarating ako sa tapat ng labas ng bahay namin ay natigilan ako.
Narinig ko mula sa labas ang tawanan ng mga kapatid ko... At ni papa.
Anong ginagawa nila? At bakit parang ang saya nila?
Tuluyan na akong pumasok sa bahay at laking gulat ko nang makita ang kanilang pinagkakaabalahan.
Sama-sama silang nakaupo palibot sa kahoy naming mesa. May mga pagkain sa hapag kainan at masaya silang nagsasalo-salo.
Napabaling ang tingin ni Papa sa kinatatayuan ko. Naramdaman niya siguro ang presensya ko.
Agad akong umiwas nang tingin at nagtanggal ng sapatos.
"Xamel, anak, bakit ngayon ka lang? Tara sumalo ka na dito sa mesa," bati niya na may kasama pang hindi ko malaman kung pilit o totoong mga ngiti.
"S-Sige po, Pa, saglit lang po." medyo nauutal kong sagot.
Nauutal ako dahil sa kaba ko sa didbdib. Ang daming mga bagay at senaryo ang nabubuo sa isip ko.
Matapos kong magpalit ng damit, lumabas ako ng kwarto at sinaluhan na sila.
Kitang-kita sa mga mata ng kapatid ko na masaya sila sa mga pasalubong ni Papa. Ganon naman siguro kung bihira lang makatikim ng mga masasarap na pagkain mula sa mga fast food restaurants?
Umupo ako sa gitna ni Xandy at Xavier, katapat ang pwesto ni Papa. Pinagmasdan ko ang lahat ng kilos niya. Pero sa huli, napaiwas rin ako at inihinto ang pagmamasid.
Ano ka ba Xamel? Bakit mo pinaghihinalaan ang sarili mong tatay? Kung gano'n ang tingin mo sa kanya nang walang pagkukumpirma, ay para mo na ring ginaya ang ginawa niya sa'yo. Ang manghusga ng walang sapat na ebidensya.
Tahimik lang akong sumabay sa kanila sa pagkain. Hindi ko pa alam ang dapat kong i-react sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Papa sa amin.
Alam kong mali 'tong mga iniisip ko. Pero ang hirap magtiwala. This is not condemnation, but I knew my father well. There's a big chance na siya ang culprit dahil sumisigaw na ang ebidensya; ang tattoo niyang sunrise sa balikat.
Nakuha niya ang tattoo niya na iyon noong nagtrabaho siya sa isang pabrika sa Mindanao noong binata pa siya. Bata pa raw siya noon kaya napagkatuwaan nila ng mga katrabaho niya ang magpalagay ng tattoo.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang bigla akong kalabitin ni Xandy.
"Hmm?"
"Mag-aaral pa rin ako, Ate! 'Di ba, Pa?" masayang saad nito na talaga namang ikinabigla ng sistema ko.
Parang may mali.
Nakita kong tumango ang tatay namin habang nakangiting ngumunguya.
Hindi muna ako umimik at patuloy lang na sumubo at ngumuya.
Kailangan ko nang matapos sa pagkain. I need to report it to my friends. Kahit labag sa kalooban ko na si Papa ang suspect ko ngayon, wala akong magagawa.
Nilagok ko ang isang baso ng tubig saka tumayo at paalis na.
"Pasensya na, mga anak," rinig kong imik ni Papa.
Napalingon ako sa pwesto niya.
Napatigil sa pagnguya ang dalawa kong kapatid.
"Marami man akong naging pagkukulang sa inyo bilang ama, sisikapin kong mula sa araw na ito," tiningnan niya kami sa mga mata namin, "mapupunan ko ang lahat ng kakulangan na iyon," pagtatapos nito saka tumayo mula sa inuupuan niya.
"P'wede ko bang mayakap ang mga anak ko?" saad nito at kita ang pakikiusap mula sa mga mata niya.
Agad na tumayo ang mga kapatid ko at niyakap si Papa.
Ako lang ang hindi lumapit para makiyakap, at nagtaka sila syempre.
"Ate, ano? Pabebe?" pang-aasar ni Xavier na nakayakap sa kaliwa ni Papa.
Ang bigat ng mga paa ko nang lumapit ako sa kanila. Dapat matuwa ako ngayon 'di ba? Ito ang pinakahihintay kong araw. Ang magsisi siya sa mga pagkakamali at magkukulang niya bilang ama. Pero bakit, hindi ko ma-appreciate ang nangyayari ngayon?
Bakit ayaw tanggapin ng sistema ko?
Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap at sumunod na rin sila Xandy.
"May bago kang trabaho, Pa?" mapag-usisa kong tanong kay Papa habang nakatingin sa mga mata niya.
Tiningnan ako nito pabalik.
"Oo, ‘nak, medyo malaki ang kita ko sa bago kong trabaho ngayon, kaya heto, naisipan kong dalhan kayo ng pasalubong," He answered dodging my eyes.
"A-Anong trabaho 'yang napasukan mo Pa?" I asked again, and my voice almost cracked.
My instinct is telling me to believe my hypothesis, and it is giving me heart ache.
Paano niya maaatim na ipakain sa mga anak niya ang pagkaing galing sa hindi marangal na trabaho?
"Basta, Xamel. Bakit ang dami mo atang tanong? Matuwa ka na lang na may pang-araw-araw na tayong pang gastos," pumwesto na ito at inilatag ang higaan niyang banig, "di mo na kailangan mag-part time sa kung saan para may ipambili tayo ng bigas," aniya at naglabas ng kaha ng sigarilyo.
Anak niya kami, kaya may karapatan kaming malaman kung ano ang trabaho niya. Lalo niya lang ako binibigyan ng rason na pagdudahan ang mga inaakto niya ngayong gabi.
Tinulungan kong magligpit nang pinagkainan si Xavier. Nang ipatong ko sa lababo ang mga hugasin ay biglang tumunog ang phone ko.
Dali-dali ko itong sinagot nang makita kong si Maru ang tumatawag.
"Xamel, Charm is back! She came back safe and sound!" bungad nito sa 'kin at hindi man lang ako hinintay na bumati sa kanya.
Ano raw? Nakauwi na si Charm?
Lumabas muna ako ng bahay para hindi marinig ng mga kasama ko ang pag-uusapan namin ni Maru.
"Maru, pakiulit nga ang sinabi mo, bumalik na si Charm?" pagkukumpirma ko.
I heard him sighs.
"Nakakapagtaka, pero oo. Nakabalik na siya. Tumawag sa 'kin si Dean kanina. Pinaalam sa kaniya ni Ate Ludy." Maru explained thoroughly.
Ang dami kong gustong itanong, pero alam kong hindi naman iyon lahat masasagot ni Maru.
"We need to meet tonight along with Dean. I have something to tell you," I stopped for a second before continuing my statement, "it's my theory about the culprit," I said, almost whispering.
Tumingin ako sa paligid ko at siniguradong walang ibang tao ang nakarinig sa huli kong sinabi.
"Tonight?" He asked from the other line.
"Oo sana, okay lang ba?" tanong ko pabalik saka yumuko at tumitig sa paanan ko.
Nakakaramdan na naman ako ng kakaiba. Parang biglang nag-iba ang atmosphere habang nag-uusap kami ni Maru.
Weird.
"It can wait until tomorrow, Xamel. For now you need– I mean, we need to rest," he paused, "matagal ang biyahe natin kahapon and we must give ourselves a good rest, hmm?"
Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
"O-Okay, regards na lang kay Tito Apollo." I said timidly.
Ano bang nangyayari sa 'kin lately? Nagsimula lang ito n'ong nasa Bataan kami. 'Yung sa Police Patrol Car. 'Yong body heat.
My heart suddenly skip a beat.
"Yeah, sure. Pahinga ka na. Good night, Xamel."
Then by that, our conversation ended.
My belly is getting unusual. Unang pagkakataon kong maramdaman iyon.
Mga paru-paro.
-----
Maaga akong nagayak at nagpunta kila Charm. Ganoon rin sila Dean at Maru.
Nasa labas kami ng bahay nila Charm sa bandang likod ng garden. Dito kami pinapunta ni Ate Ludy para mag-usap dahil baka raw magising si Charm at marinig ang mga pag-uusapan namin.
Oo, tulog pa si Charm. Ano kaya ang ginawa sa kanya nung kidnapper, at alas diés na ng umaga ay hindi pa rin siya bumabangon?
Laki sa luho si Charm, pero maagap ang babaeng 'yon. Never siyang tinanghali nang gising, gaya ngayon.
"Pasado alas siéte ng gabi, nung bigla siyang dumating," pag-uumpisa ng kwento ni Ate Ludy.
Lahat kami ay maiging nakinig sa matanda.
"Ang nakakapagtaka, parang kaswal lang siyang dumating," saad nito at isa-isa kaming tiningnan sa mga mata.
Standing right beside me, Dean suddenly move and folded his arms in front of his chest.
"Wala siyang sinabi kung saan siya galing, Ate Ludy?" mapang-usisang tanong niya.
Lumunok muna ng laway ang ginang bago sumagot.
"Ang sabi niya niya sa 'kin, may emergency daw sa company ng family nila, kinailangan niyang puntahan para maipaalam sa Daddy niya."
Sa kabilang banda ay napahawak si Maru sa baba niya at halatang nagtataka.
"Hindi po ba't–" imik ko ngunit pinutol nito ang sasabihin ko.
"Oo, walang interes ang kaibigan niyo sa business nila, kaya nakakapagtaka ang alibi niya sa 'kin," stress na sabi ni Ate Ludy at napakamot na lang sa kanang sintido niya.
Ibinaba ni Maru ang kamay niya saka umimik sa tabi ko.
"Ate Ludy, bantayan niyo po nang maigi si Charm," pakiusap nito sa matanda, "malaki ang posibilidad na minamanipula nung kumidnapped kay Charm ang alaga niyo," paliwanag niya at sumulyap ng tingin sa 'min ni Dean at bumalik kay Ate Ludy.
Tumango ang ginang at bumalik na ito sa loob ng bahay.
Nagkanya-kanya na kami ng uwi nina Maru at Dean. Tapos naman na ang agenda ngayong araw.
Sa ngayon ay wala muna kaming gagawing kahit na ano. Kailangan muna naming bantayan ang mga magiging kilos ni Charm.
Kung totoo ngang minamanipula siya n'ong lalaking 'yon, ibig sabihin ay may alam si Charm kung ano ang motibo nito.
At si Charm ang magiging susi namin para malaman iyon.
-----
Third Person's POV
8:11PM. April 12, 2021.
Sa isang itim na sofa ay nakaupo ang binatang nag ngangalang Maru. Nagbabasa ito ng libro na patungkol sa gusto niyang kuhaing kurso sa kolehiyo.
Theories of Psychology
Iyon ang nakasulat sa pabalat ng librong hawak ng binata.
May pag-aalinlangan, ngunit pangarap nito na maging isang Psychiatrist balang araw. Bukod sa gusto niyang maintindihan ang sarili niyang behavior at actions, gusto niya ring makatulong sa mga indibidwal na may kinakaharap na problema sa pag-iisip.
Hindi na matandaan ni Maru, kung kailan eksaktong tumatak sa isip niya na gusto niyang maging doktor sa pag-iisip.
Basta ang naalala niya, ay noong nasa Junior High School siya ay mayroon siyang naging ka-eskwela na nawala sa sarili at kung ano-ano na ang pinagsasabi habang naglilibot sa paaralan nila.
Walang nagawa si Maru noong mga panahon na iyon. Bukod sa labing limang taon gulang lang siya noon, ay wala pa siyang ideya na may problema sa pag-iisip ang ka-eskwela at kailangan nitong magamot.
Maraming nang-bully sa taong iyon noong mga panahon na iyon. At sa hindi inaasahang pangyayari, aksidente itong nahulog mula sa ginagawang gusali sa paaralan nila.
Ang mga walang magawa sa buhay na mga bullies ay kinorner ang estudyanteng iyon. Pilit na tinanong kung ano ba ang nga pinagsasabi niya.
Hanggang sa marating nito ang parte ng ginagawang gusali na walang harang. Sinubukan naman ng mga bullies na iligtas ang lalaki, ngunit dumulas ang mga kamay nito at nahulog sa ibaba.
Ayaw nang malala ni Maru ang pangyayaring iyon. Gayunpaman, hindi maalis sa isip ng binata. Kung wala ang mga bullies na iyon, malaki ang posibilidad na nagamot pa ang kanilang ka-eskwela at baka buhay pa ito hanggang ngayon.
Napaangat ng ulo ang binata, nang biglang bumukas ang pintuan nila.
Iniluwa noon ang tatay niya na galing sa pagga-Grab, may dala pa itong paper bag na may lamang ulam.
Agad na binitawan ng binata ang binabasa niyang libro at tumayo para salubungin ang Papa niyang galing sa trabaho.
Tinanggal ng lalaking nasa late 40's ang suot niyang sumbrero saka inilapag sa mesa ang dalang inihaw na manok.
"Kumain ka na, Ruru?" tanong nito sa anak niya.
Nilapitan siya ng anak at sinilip nito ang dala ng tatay.
"Hindi pa po, pero busog pa ako, Pa."
Hindi umimik si Apollo at umupo sa sofa kung saan nakaupo si Maru kanina. Halatang pagod ito sa pagga-Grab. Ang mga mata nito'y lubog at bakas ang kakulangan ng tulog.
Kahit gabi kasi, bumabiyahe ang tatay ni Maru. At mula noong Linggo, ngayon lang ito nakauwi. Ganoon kasipag ang Papa niya kaya't hindi nakapagtataka na kainggitan siya ni Xamel.
Pinaghainan ni Maru ang tatay niya ng plato at kubyertos para makakain na ito.
Habang inilalapag sa mesa ang mga hawak may naalala ang binata.
"Pa, malapit na pala ang Death Anniversary ni Tita Sophia," Maru said with a low-spirited tone in his voice.
Tumayo ang papa niya at lumapit sa hapagkainan.
"Naalala ko naman 'yon. Halika na at saluhan mo 'ko sa pagkain nitong inihaw na manok," nagsandok ito ng kanin sa plato, "malamang naiinggit na 'yong Mama at Tita mo sa 'tin dahil walang inihaw na manok sa langit," natatawang saad nito at nagsimulang sumubo.
Pinilit ni Maru na ngumiti sa biro ng Papa niya. Kahit pa, pabiro ang naging tugon ng tatay niya, alam niyang nami-miss na rin ng Papa niya ang asawa't kapatid nito.
Hindi nakita sa personal ni Maru ang Mama niya sa kadahilanang nawalan ito ng buhay habang ipinapanganak siya.
Tanging ang letrato ng pumanaw niyang ina ang nagbigay ng ideya sa binata kung ano ang itsura nito.
Matapos magsandok ni Maru ng pagkain sa plato niya ay binuksan niya muna ang T.V nila. Hindi nagpapalipas ng gabi ang binata na walang napapanuod na bagong balita. Nakasanayan niya na ito mula noong sumali siya sa journalism noong Senior High School.
Bumungad ang isang tampok na istorya at interbyu mula sa iba't ibang mamamayang Pilipino.
Dalawamput limang taon na mula nang bumagsak ang ekonomiya ng bansang Pilipinas.
Marami ang naapektuhan, lalo na ang mga kababayan nating Pilipino na walang pribilehiyo para tustusan ang kanilang pangangailan sa pang araw-araw.
Panimula ng isang tinig ng lalaki mula sa telebisyon habang ipinapakita ang mga kuhang litrato noong nakalipas na labing walong taon.
Iba't ibang litrato ang itinatampok.
Kitang kita ang kahirapan ng bansa.
Maraming Pilipino ang nakuhaan ng imahe habang nakapila para tumanggap ng tulong mula sa gobyerno. Ngunit bakas sa mga mukha ng mga tao na hindi sila binibigyan ng atensyon at hinayaang mabilad sa araw.
Itinampok rin ang litrato ng mga batang may edad limang taong gulang hanggang sampong taon, na namamalimos sa kalsada para lang may mailagay sa kumakalam na sikmura.
"Hindi pantay ang pag-distribute ng pamahalaan sa pinansyal na tulong."
"Kung sino lang malapit sa sandok, 'yon lang ang nakakatanggap ng sinasabi nilang ayuda."
"Wala ang mga pangalan namin sa listahan ng beneficiaries, pero sa tuwing eleksyon, kahit patay na ang lolo namin, naka-lista pa rin ang pangalan at precinct number nito!"
"Bagsak na nga ang ekonomiya! May krimen pang nangyayari!"
"Hindi naman po talaga pusher ang Tatay, hindi niya po iyon magagawa... Pero siya ang ikinulong!"
"Unfair treatment sa totoo lang."
"If you have connections and you can pay the crime you have committed, you will never be imprisoned..."
Sunod-sunod na pag-flash ng iba't ibang panayam mula sa mga mamamayang Pilipino.
Tahimik lang itong pinanuod ng mag-ama hanggang sa matapos ang tampok na istorya.
Hindi bukas sa politikal na isyu ang tatay ni Maru. Hindi ito kailanman nagsasalita patungkol sa politika at sa pamahalaan ng bansa ngunit noong gabing iyon ay may sinabi ito sa anak niya.
"Anak, mag-iingat ka sa pagjo-journalism mo, mainit sa mata ng mga nasa itaas ang mga gaya mong may potential maging isang mamamahayag," paalala nito sa anak saka itinuloy ang pagkain.
Tumango lang ang anak bilang tugon.
Maingat naman si Maru sa pagjo-journalism niya. At wala siyang plano na maging isang ganap na mamamahayag, dahil mas gusto niyang maging doktor.
Sa kabilang banda ay nakatayo sa loob ng kanyang banyo ang dalagang si Charmagne habang kausap ang isang lalaki.
"Yes, I followed everything you said inside of that stenchful place," sagot nito at umirap pa.
Nakakapagtaka at biglang nagbago ang plano ni Charm. Hindi ba't kinuhaan na niya ng strands ng buhok ang kriminal? Bakit nakikipag kasundo ito ngayon dito?
"Good girl, good girl. As long as wala kang sinasabi sa mga tatanga-tanga mong kaibigan, walang mangyayaring masama sa 'yo," panandalian itong huminto at narinig ng dalaga na ang lalaki'y dumura, "lalo na sa mga magulang mo."
Kahit labag sa kalooban ay sumagot ng "Oo," ang dalaga at tinapos ang usapan nila.
Humarap sa malapad na salamin ang dalaga.
Alam niyang mali ang ginagawa niya.
Alam niyang, kaunti na lang at pwede na nilang malaman kung sino ang lalaking nakikipaglaro sa kanila.
Ngunit...
May mga tao rin siyang kailangang protektahan. Pagiging makasarili. Tama, iyan ang ginagawa ng dalaga ngayon.
Unti-unti man siyang nilalamon ng kanyang konsensya ay tinatagan niya ang loob para maprotektahan ang mga magulang niya. Sa totoo lang, wala siyang pakialam kung patayin siya nung baliw na 'yon.
Kahit ngayon pa siya kitilan ng buhay, wala siyang pakialam. Basta hindi madadamay ang mga magulang niya.
Ngunit ito ang itinatak niya sa kanyang isip habang tinititigan ang repleksyon sa salamin.
This game transpired because of me, and I am the player who will say the phrase GAME OVER, in front of that psychotic murderer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top