PART 7: "THE NASTY PLAYER"
AN: The setting I used here is fictional. Crander City is a fictional place, located in Metro Manila.
-----
Xamel's POV
"Bakit ba kasi ang tagal mo kanina, Xamel? Gagabihin na tuloy tayo!" naiiritang saad ni Dean mula sa driver seat habang maiging minamani-obra ang manibela.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa Ford nila Dean. At oo, papunta na kami sa Bataan.
Nadagdagan siguro ang pagkairita ni Dean dahil ang lakas nang buhos ng ulan. Wrong timing kainis!
Second week pa lang ng April bakit umuulan na agad? Dagdag pahirap 'to sa 'min ngayon. Paano na lang kung may ginawa na kay Charm 'yong baliw na killer? Hindi kakayanin ng konsensya ko, 'pag nagkataon.
Mabuti na lang at sinabi na sa waze na, isa't kalahating oras na lang at malapit na kami sa destination. Kulang-kulang apat na oras na kaming nasa bihaye.
Medyo malayo rin kasi mula sa Crander City ang Bataan.
Napangiwi ako at napakamot ng batok.
"Sorry sa cause of delay, Dean. May call of nature kasi kanina," nahihiya kong sabi at napayuko.
Nasa back seat ako at nasa passenger seat naman naka-upo si Maru na kanina pa tahimik.
"Okaaay, here's the reason why I hate going Bataan," He said and yawns.
Narating na kasi namin ang paliko-likong kalsada paakyat sa Mount Samat.
Pagod na rin siguro siya dahil kanina pa kaming nasa biyahe. Hindi naman sila p'wedeng magpalitan ni Maru, dahil wala itong lisensya at hindi rin ito marunong magmaneho ng kotse.
Nakita kong tumingin si Maru sa wrist watch niya sa kaliwang pulsohan.
Napatingin sa kanya si Dean, at maging ako ay nag-aabang sa kung ano mang sasabihin niya dahil kanina pa siya hindi umiimik.
Napabaling ang tingin niya kay Dean.
"Critical time." imik nito na nagpakunot ng mga noo namin ni Dean.
We waited him to finish his words,
"24 hours after kidnapping the victim is called, Critical Time. Within that hours, the victim might be experiencing unbearable pain," he hesitates to say the next words but still, he continues, "or worse, the victim might be lifeless already." He explained that made my heart start from racing.
"D-Don't say it, man, I'm sure Charm will do something to escape that scumbag," sagot ni Dean at kinabig ang manibela pakaliwa dahil paliko na naman ang kalsada.
Bakas sa boses ni Dean ang pag aalala at nahalata ko iyon.
Hindi na ulit umimik si Maru at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.
Anong iniisip niya?
Gusto ko sana siyang tanungin pero naalala ko na, nabanggit nila kanina kung paano nila nalaman na dito sa Bataan dinala ng killer si Charm.
Sinabi ni Dean na may iniwan itong kapirasong punit na papel mula sa diyaryo.
"Maru, patingin ako nung kapirasong papel na iniwan nung killer sa bahay nila Charm, kagabi," nakangiti kong saad at agad na may dinukot si Maru mula sa bulsa ng pantalon niya.
Inabot niya sa 'kin ang papel na kasing lapad ng palad ko.
14 1, 120 18
Iyon ang nabasa ko na nakasulat sa papel.
Medyo nakakabahala ang pulang marker na ipinang sulat dito. Baka may ibig sabihin iyon, kaya maigi kong sinuri ang papel na hawak ko.
Napansin ko ang mga letrang naka-print sa diyaryo na sinulatan ng killer.
Nakabaliktad ito kaya hindi ko agad mabasa, pero nang i-flip ko ito para maintindihan ay bigla na lang nanlamig ang buong sistema ko.
"It's a trap guys!" biglang sigaw ko na nagpalingon sa dalawa kong kasama.
Maging si Dean ay naihinto ang kotse dahil sa gulat. They gave me a puzzled look.
Dali-dali akong umusod palapit sa pwesto nila at ipinakita ang nabasa ko.
PART
Iyan ang nakalagay sa punit na headline na naka-print sa diyaryo.
Hindi kaagad naintindihan ng dalawa ang gusto kong iparating kaya ibinaliktad ko ang papel saka ipinakita ko sa kanila ng maiigi at itinuro ang bawat letra.
"T, R, A, P! Binaliktad niya ang diyaryo bago niya ito sinulatan!"
Napayuko sa manibela si Dean at napasabunot sa buhok niya.
"We need to go back, now Dean, now!" Maru commands him.
Dean lifts his head and about to start the engine but we're doomed!
Ayaw mag-start ng sasakyan!
Badtrip! Bakit ngayon pa? Wala na kaming oras!
"Come on, come on, makisama ka please!" Dean murmurs while trying to bring back the life of the engine.
But it's not cooperating.
Ang dami nang pumapasok sa isip ko na p'wedeng ginagawa ng killer ngayon kay Charm. Hindi maaring hindi namin siya maligtas!
Habang pilit sinusubukan ni Dean na ibalik ang buhay ng makina, nakita kong inilabas ni Maru ang phone niya.
"Sinong tatawagan mo, Maru?" tanong ko mula sa likoran.
Kami na lang ang nasa loob ng kotse dahil tiningnan ni Dean ang makina sa labas, nawalan na raw ng init ang makita dahil sa lamig ng panahon, at susubukan niyang ayusin para makabalik na kami sa Maynila.
"Tatawagan ko si Papa," sagot nito habang hinahanap ang number ni Tito Apollo sa contacts niya.
"Bakit? Hindi ba't napagkasunduan natin na hindi tayo hihingi ng tulong sa iba?" I asked him with perplexed look.
Oo, napagkasunduan namin na hindi kami magpapatulong sa kahit na sino. Kahit pa sa mga pulis.
Kaya nagtataka ako bakit tatawagan niya si Tito ngayon. Alam kong nasa panganib si Charm sa mga oras na ito. At maging kami ay maaaring mapahamak dahil nasa liblib kaming parte ng Bataan.
Ang inaalala ko lang, baka pati si Tito Apollo ay madamay sa nakakabaliw na laro ng killer na 'yon.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Maru para pigilan siya.
Naka-dial na ang number ni Tito at nag-ri ring na ito.
"Maru, please, baka pati si Tito, madamay." paalala ko sa kanya.
"Xamel, dumidilim na ang paligid. Hindi tayo p'wedeng manatili rito!" He exclaimed and I see that he's just worried.
Panandalian kaming naglaban ng tingin.
Napaiwas na lang ako nang biglang pumasok si Dean galing sa labas at basa dahil sa ulan. Kahit may dala siyang payong ay nabasa pa rin ang dalawang balikat niya.
Hindi siya galing sa pagtakbo pero, hinahabol niya ang kanyang hininga.
"Ayaw talaga makisama, guys! Badtrip talaga!" Dean groans.
Yumuko ito sa manibela.
Nawawalan na ba siya ng pag-asa?
Hindi maaari. Sa mga oras na 'to, dapat ngayon kami matatag. Hindi kami p'wedeng panghinaan dahil lang napaikot kami ng killer na 'yon sa mga palad niya.
Marahil kinakain na si Dean ng konsensya niya dahil siya ang nag-decipher no'ng clue na iniwan.
"I'm sorry guys, hindi ako nag-pay attention sa ibang nakalagay sa papel na 'yon," dismayadong saad nito at sinuntok ang manibela na nasa harap niya.
"Yes, Officer, yes po. Sige po, thank you." biglang imik ni Maru na naging dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Tumawag siya sa mga pulis!?
"Maru, ano 'yon?!" napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustration, "bakit ka tumawag sa mga pulis?" I asked with panic in my voice.
Pareho namin hinintay ni Dean ang sagot niya.
Binalik niya muna sa bulsa ang phone bago kami imikin.
"Wala akong sinabing kahit na ano sa mga pulis, magpapatulong lang tayo na makabalik ng Maynila," binuksan niya ang pintuan sa kanan niya, "mapanganib na rito, kailangan na nating umalis as soon as possible," pagpapatuloy niya saka lumabas ng kotse.
Bakit parang ang cold ni Maru ngayong araw? Ano kaya 'yong iniisip niya? Nakakabahala kapag ganiyan ang pakikitungo ni Maru. Last time na naging ganyan ang behavior niya, may malaki siyang problema.
Sana hindi 'yon maulit.
Ano bang pinag-gagawa ko nung past life ko at ang malas ko ngayong araw?
Wala na akong nagawa at sinundan na sila Dean at Maru sa palabas ng sasakyan.
Prinotektahan ko mula sa ulan ang ulo ko nang makalabas ako.
Laking gulat ko nang bigla akong payungan ni Maru.
M-May dala pala siyang payong?
"S-Salamat," tipid at nahihiya kong sagot saka siya sinabayan sa paglalakad.
Si Dean ay may sariling payong at kami ni Maru ang nag-share sa dilaw niyang payong.
Malayo-layo rin ang nilakad namin hanggang sa marating namin ang shed na tinuro ng pulis na nakausap ni Maru kanina.
Sa buong paglalakad namin ay tahimik lang kami. Samantalang si Dean naman ay panay ang sabi na bilisan namin ang paglalakad dahil madilim na ang nilalakaran namin.
Bakit ang awkward namin ngayon ni Maru? May nangyari ba na hindi ko alam? Gusto kong magtanong pero pakiramdam ko hindi ito nag tamang oras para tanungin siya patungkol sa iniisip niya.
Sampung minuto rin ang hinintay namin sa shed bago kami nasundo ng patrol police car.
Sa back seat kami ni Maru umupo at sa passenger seat naman naupo si Dean.
"Ano naman ang ginagawa niyo roon? At ngayon niyo pa naisipang umakyat ng bundok, kahit maulan," biglang imik no'ng deputy habang nagmamaneho.
"Ise-celebrate po kasi namin ang Araw Ng Kagitingan, Officer." pagrarason ni Dean na hindi naman nakakakumbinsi.
Tumango-tango na lang ang lalaking sa tingin ko'y nasa late 40's.
Sigurado ako at hindi siya naniniwala sa alibi ni Dean.
Napayakap ako sa magkabilang braso ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng lamig.
Laking gulat ko nang biglang hawakan ng lalaking katabi ko ang mga kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Maru. Anong ginagawa niya?
"Body heat." saad nito, na tila nabasa niya ang nasa isip ko.
Hindi ko man makita ang ekspresyon ng mukha ko, pero alam ko, namula ang pisngi ko at biglang nag-init ang tainga ko.
Anong nangyayari?
Hawak niya lang ang dalawang kamay ko buong biyahe. Hanggang sa maihatid kami ng deputy sa terminal papuntang Maynila.
Kahit papaano naman ay nawala ang lamig, pero hindi ko alam! Bigla na lang naging abnormal 'yong tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na 'di ko malaman!
Maru? Why are you making me feel like that?
-----
Sa Filinvest Village kami dumiresto nang marating namin ang Metro Manila.
Kailangan kasi naming i-update si Ate Ludy kung ano ang nangyari sa 'min at kay Charm.
"Nagpatulong na po kami sa mga pulis, Ate Ludy, 'wag po kayong mag-alala, mahahanap rin po nila si Charm," Dean said, trying to persuade the aged woman, while holding her shoulders.
Pero hindi iyon totoo.
Hindi kami humingi nang kahit na anong tulong sa mga pulis na 'yon.
Naalala ko pa ang perspective ni Dean sa mga pulis, nang mapag-usapan namin sa shed kung magpapatulong ba kami o hindi.
"Ang mga pulis, parehas ang mga suot na uniporme," he suddenly step forward, for us to be able hear him clearly, "Whenever they're near to each other, we cannot determine who shall be trusted and who's not."
Pinagpag niya ang tubig sa hawak niyang payong.
He slightly tilted his head and look at us, intently.
"Gaya na lang ng mga kamatis. Kapag inilagay ito sa iisang lagayan, at may isa lang na mabulok, asahan mo na ang ibang kamatis, mabubulok rin."
A playful smirk form from his lips, then he utters.
"My point? Trust no one." He said in a low and whispered manner, which make the hair on my arms stand up like porcupine quills.
Iyon ang unang beses na naintindihan ko ang Jargons ni Dean, and it bothers me, big time.
"Maigi naman at ganoon, nag aalala ako sa alaga ko. Hindi pa rin alam nila Madam na nawawala ang anak nila," saad ni Ate Ludy habang hawak ang dalawang kamay at halatang hindi mapakali.
"Kami na po ang bahala at ang mga pulis, 'wag niyo na lang po muna ipaalam sa parents ni Charm ang nangyari para hindi sila mag-alala." Maru advice her.
Sumang-ayon ang matanda sa mga sinabi ni Maru. Maigi naman at hindi ito nagmatigas, dahil kung nagkataon, maaaring madamay rin ito, at hindi na siya palampasin no'ng killer.
Kukuhaan raw muna kami ni Ate Ludy ng makakain at maiinom.
Alas diés na rin kasi ng umaga. Ganoon kalayo ang Bataan dito sa Crander City at inumaga na kami nang uwi.
Habang tahimik kaming nakaupo sa salas at kanya-kanyang nag-iisip kung paano hahanapin si Charm, biglang may tumunog na phone.
Hindi sa 'kin iyon dahil patay na ang phone ko. Kinapa ni Maru ang sa kanya pero hindi naman ito ang nagri-ring.
Agad na tiningnan ni Dean ang phone niya at nanlaki ang mga mata nito.
Tumatawag ba ang killer?
Pareho kaming lumapit ni Maru kay Dean para marinig ang sasabihin ng na sa kabilang linya.
Nang i-swipe ni Dean ang 'answer call' icon, ay isang mahinang tawa ang bumungad sa 'min mula sa tumawag.
Nagkatinginan kaming tatlo.
Sinenyasan ni Maru na magsalita si Dean. Ngunit bago pa man mabigkas ni Dean ang sasabihin niya ay nagsalita na ito.
"Ang babagal niyo, alam niyo 'yon? Kayo ang taya sa larong to, pero ako ang unang nakahanap sa inyo?" the guy asked from the other line.
"Huwag mo kaming paglaruan! Nasaan si Charm?!" Dean blurted out.
Tumawa ang lalaki.
Tawang nakakakilabot.
Tawa nang isang baliw.
Tawa nang isang walang pusong demonyo.
"Hoy bansot, gamitin mo nga iyang maliit mong utak! I created this game, therefore, I have the authority to wrapped you around my fingers and spin you in my palm!" iritableng sigaw nito.
"Stop this bullshit will you?!"
"Dean! I'm still alive! The killer has sunrise tattoo on his left shoulde–"
Narinig namin ang boses ni Charm.
Kasama niya si Charm at buhay pa ang kaibigan namin!
"T*ngina, ang ingay mo! Spoiler ka?!" saway no'ng lalaki kay Charm at napatakip ako ng bibig nang marinig namin mula sa naka loud speaker na phone ni Dean ang walang pag-aalinlangang pagsampal nito sa kaibigan namin.
Naiyukom ni Dean ang kanang kamay niya at si Maru naman ay umigting ang panga dahil sa inis sa narinig.
Tumahimik ang kabilang linya.
Naglipat ang tingin ni Dean mula sa 'kin papunta kay Maru.
"Baka sinasaktan na niya si Charm!" Dean exclaimed worriedly.
"Maghintay muna tayo. Alam kong hindi niya basta bastang papatayin si Charm, he needs something from her, and I can sense it," Maru stated then the unexpected call already ended.
Bakas sa mukha ni Dean ang pag-aalala.
Lahat naman kami ay iyon ang nararamdaman sa mga oras na ito, pero mas matimbang ang pag akto ni Dean dahil kanina pa siya sabunot nang sabunot sa buhok niya. At pabalik-balik na naglalakad at hindi mapakali.
Biglang sumagi sa isip ko ang nabanggit ni Charm.
Mayroon raw tattoo ang baliw na lalaking iyon.
Isang sunrise tattoo.
May isang tao akong kilala na mayroong gano'ng tattoo!
Sa balikat.
Sa kaliwang balikat
Hindi maaari.
Hindi maaaring siya ang pumatay kay Mrs. Vermosa at sa pinsan nito.
Papa, paano at bakit mo iyon nagawa?
-----
Third Person's POV
Kanina pa gustong masuka ng dalagang nagngangalang Charmagne sa lugar na pinagdalhan sa kaniya nu'ng siraulong killer.
Masangsang ang paligid.
Sa sobrang sang-sang ay naisip ng dalaga na marami na ang namatay sa madilim na lumang gusaling iyon.
At ang isa sa mga ikinadidiri niya ay baka ang inuupuan niyang bakal na upuan kung saan siya nakagapos, may namatay na.
Hindi maalis sa isip nito na maraming bacteria at germs na ang dumikit sa suot niyang damit na galing pa ng Ireland na ipinadala sa kanya ng Tita niya.
Iniwan siya saglit ng lalaki at bumalik ito na may dalang tray nang pagkain.
Charm scoffed.
Stupid. Paano naman ako makakakain kung nakagapos ako rito? My gosh, I'm so disappointed. Akala ko pa naman sobrang talino talaga ng mga psychotic killer. Tss. Never mind.
Isip-isip ng dalaga na kasalukuyang nakataas ang kaliwang kilay sa kaharap na lalaking naka-itim na sleeveless shirt at itim na jeans.
Hindi makita ni Charmagne ang buong mukha nito dahil naka-cover ito nang full face mask.
Pero kitang-kita ng dalaga ang tattoo nito sa balikat.
You airheaded murderer, you will be damned soon. Just wait.
Umismid ang dalaga nang humakbang palapit ang lalaki at inilapag ang pagkain sa harap niya.
Tinanggalan siya nang gapos sa kamay ngunit hindi pa rin siya makakawala dahil ang katawan at paa niya ay mahigpit pa ring nakatali.
Hindi sapat ang lakas niya para maabot ang nakabuhol na tali at kalasin ito.
"Ayokong magutom ka, enjoy your meal, sweetie," anito at tumalikod.
Hindi kumibo ang dalaga, dahilan para mapalingon ang lalaki sa kanya at bahagyang yumuko habang nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang hita.
"Walang lason 'yan 'wag kang mag-alala," paalala nito sa dalaga at muling umayos ng tayo saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng sleeveless nitong damit.
"There's no thrill, if I'll just poison you," He utters which made the young woman feel a chill down her spine.
Nag umpisa itong maglakad papunta sa likuran ng dalaga.
Itinukod nito ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan.
Pilit na ipinaramdam ni Charmagne na hindi siya natatakot sa lalaking 'to.
Noong una niyang makausap ito ay pakiramdam niya, kausap niya si kamatayan. Pero ngayong nakaharap niya na ito, isa lang ang nasa isip ng dalaga; He's too amateur to be a merciless killer.
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga nang biglang magsalita malapit sa tainga niya ang lalaking kasama.
"Do you have idea, why I brought you here?" the man asked Charm, teasingly.
Dahan-dahang umiling ang dalaga.
Kailangan niyang sabayan ang topak ng utak nito para mabuhay pa siya nang matagal.
Lalo itong lumapit sa kanya.
She almost smell his breath, the smell of disgustful cigarette.
"Because, you are my bait, sweetie," He whispered.
Hindi naman ganoon kahina ang comprehension ni Charmagne kaya alam niyang iyon ang dahilan nito sa pag-kidnapped sa kaniya.
Alam niyang gagawin siyang pain nito, para sa mga plano niyang puro kademonyohan.
At dahil wala nang gapos ang kamay ng dalaga, buong pwersa niya itong sinabunutan para makaganti man lang kahit papaano.
"Aaaaah!" hiyaw ng lalaki dahil sa ginawa ng dalaga.
Mariing hinatak ng babae ang buhok nito, ngunit agad rin niyang nabitawan nang nahawan nito ang braso niya at siya naman ngayon ang sumisigaw sa sakit dahil sa pilipit na ginawa nu'ng lalaki.
"Palaban ka pala ha?" naghahamon na tanong nito saka pabagsak na binitawan ang pinilipit na braso nang dalaga.
Agad na hinimas ni Charmagne ang braso niya. Nakita niyang namula ito at bumakas ang kamay nu'ng kidnapper.
"‘Wag mo kong artehan, ikaw na ang pinapakain," dumura ang lalaki bago nagpatuloy, "ikaw pa mananakit?" inambahan ng lalaki si Charm ng sampal pero 'di tunuloy at marahang hinawan ang pisngi ng dalaga.
"Naturingan kang mayaman pero wala kang modo?" tumayo ito nang maayos at nagsimulang maglakad paalis.
Nanlilisik sa inis si Charmagne dahil sa narinig niya.
He doesn't ever deserve any respect from me. Tss.
Dahan-dahang binuka ng dalaga ang kanang palad niya.
A mischievous smirk form from her lips as she count the strands of hair on her hand.
Charm got four black strands of hair from the kidnapper.
Never play with me unfairly, I can be the nastiest player you'll ever encounter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top