PART 15: Thirst for JUSTICE
Continuation...
Matapos mabunyag ang katotohanan sa harap ni Apollo, nangako siya sa sarili na ipaghihiganti ang kapatid at nobya.
Binigyan niya ng pagkakataon na mamuhay ng normal at masaya ang mga taong sumira ng buhay at pamilya niya.
Naghintay siya.
Naghintay ng maraming taon.
At sa loob ng ilang taon na iyon ay plinano na niya ang lahat.
Itinigil ni Apollo ang pagiging aktibista at pagjo-journalist. Nakilala niya ang ina ni Maru at nagpasakal ito.
Sa kasamaang palad, naging maselan ang pagbubuntis ng asawa kaya't si Maru lang ang nabuhay sa mag-ina nito.
Labis-labis ang mga sakit na naranasan ni Apollo. Hindi niya alam kung bakit niya nararanasan iyon? Hindi naman siya masamang tao. Bakit parang gusto siyang pagsakluban ng langit at impyerno?
Mag-isang itinaguyod at pinalaki ni Apollo ang anak na lalaki. Gusto niyang tuparin ang hiling ng kanyang namayapang ama. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para maging isang mabuting ehemplo sa mata ng anak niya.
Ang bisyong nadiskubre niya matapos ang trahedya sa buhay niya ay itinigil niya. Para hindi iyon gayahin ng anak niya.
Nakuntento at nagtiyaga siya sa trabaho bilang isang FX driver at kalaunan ay naging Grab driver na.
Pinagsumikapan na makapagtapos ng Senior High School ang anak.
Habang ang anak ay sinasamantala ang bakasyon noong mga panahon na iyon, si Apollo naman ay isinagawa na ang matagal niyang plano.
Dahil kaibigan at kaklase ng anak ang apo ni Senator West, nalaman ni Apollo ang Application na kinahiligan nito.
Nagkaroon siya ng ideya kung paano niya ito bibigyan ng labis na pangamba at takot.
Noong isang beses na pumunta ito sa bahay nila para sunduin si Maru dahil may lakad ang apat.
Sinamantala ni Apollo ang panandaliang pagpunta ni Charmagne sa banyo at naglagay ng maliit na chip sa phone nito. Ito ang naging dahilan kung bakit imbis na sa isang radio station ma-tune in ang dalaga ay kumonekta ito sa phone ni Apollo.
Matagumpay niyang naisagawa ang unang krimen.
Mula sa walang habas na pagpasok sa pamamahay ng spokesperson. Sa walang awang pagsasak dito hanggang sa mawalan ng hininga at dumanak ang maraming dugo.
Maging ang plano niyang kausapin si Charm sa kabilang linya na kinonekta niya. Para magbigay ng pangamba at balutin nang takot ang dalaga.
Lahat iyon ay nagtagumpay.
Ngunit dahil pilyo ang lalaking ito, hinayaan niya ulit mamuhay ng normal ang dalagang binantaan ng kamatayan.
Pinalabas niyang prank lang ang nangyari dahil unang araw iyon ng Abril. Matapos kasi ang krimen ay hindi na siya muling nagparamdam at pinalipas muna ang isang taon.
Noong araw ng graduation ng mga magkakaibigan, ay lingid sa kaalaman nila na palihim na palang pinagmamasdan mula sa malayo ni Apollo ang mga apo ng mga taong nasa likod ng pagkasira ng pagkatao niya.
There's no such person like an evil.
But there are people who will evoke you, to be one.
Sabi nito sa isip habang nakatanaw sa magkakaibigan na puno ng saya ang mga mata at labi.
Ang araw na iyon ay ang araw na ipapaalala niya sa magkakaibigan na ngayon pa lang mag-uumpisa ang tunay na laro.
Ang binatang si Dean at ang dalagang si Charm lang naman talaga ang nasa plano niya.
Pero biglang nakisali 'tong Xamel na 'to. Wala siyang galit sa bata, katunayan ay anak pa nga ang turing niya rito. At kung siya ang papipiliin, gusto niyang ito ang maging kabiyak ng anak niya sa hinaharap.
Sa harap ni Xamel at Maru ay parang isang tupa sa sobrang amo si Apollo.
Sa mga mata ng dalawa, ang lalaking nirerespeto nila at tinitingala ay tila isang usa na hindi maaatim pumatay ng kahit na sino.
Iyon ang alam at akala nila, pero mali.
Dahil sa isip ni Apollo, milyong beses na niyang pinatay ang lolo ni Dean at lola ni Charm.
Masiyado lang itong nahihirapan kumilos at isagawa ang plano.
Limitado ang lahat ng gagawin niya dahil hindi siya maaaring pagdudahan ng anak.
Ang misleading coordinates na iniwan ni Apollo sa bahay nila Charm ay isang trap lamang. Kailangan niyang mailayo ang anak at si Xamel habang isinasagawa ang plano.
Pasalamat na lang siya at isang tangang tunay ang binatang si Dean. Hindi nito inalisa ng maayos ang iniwan niyang clue.
Napaghahalataang hindi ginagamit ang utak at puro yabang lang ang alam. Matalino sana kaso tanga.
Sa sobrang planado na ang lahat ngayong buwan ng Abril, hindi makakapayag si Apollo na may humadlang sa mga plano niya.
Itinakda niya sa araw ng ika-25 na anibersaryo nang kamatayan ni Sophia at Miracle, ang araw kung kailan niya sisingilin ang kabayaran at katarungan para sa mga taong kinuha at inalis sa masaya niyang buhay.
Tandang-tanda niya pa, kung gaano siya minaliit ng mga mapangmata at walang awang mga taong iyon.
Diyan sila nagkakamali.
Mali ang iniisip nilang mananahimik na lang ang gaya niya sa isang tabi, at hahayaan ang kasamaan nila sa itaas.
Hindi na mabilang sa daliri ang mga dumanak na dugo ng aktibistang walang ibang layunin kundi ang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan at gobyerno.
At hindi na ito hahayaan ni Apollo na maulit pang muli. Siya ang magsisilbing representasyon nang mga mamamahayag na naghahangad ng katarungan. Na naghangad ng pagbabago, ngunit pinatay at inakusahan pang sila ang mitsa ng terorismo.
Siya ang kukuha noon para sa kanila.
Oo nga't hindi sagot ang paggawa ng dahas sa isa pang dahas. Pero sino ang kikilos para sa kanila? Sino ang gagawa ng aksyon para makamit nila ang hustisya? Patay na nga sila, at sa mga oras na ito'y nakabaon na sa ilalim ng anim na tamlampakan ng lupa. Wala nang magagawa ang paghihiganti, dahil hindi na maibabalik pa ang kanilang hininga.
Pero sa desisyong ginawa at gagawin ni Apollo, kahit alam niyang hindi na babalik ang mga taong nahimlay, babawiin niya ang kalayaang ninakaw sa kanila.
Sa gagawing ito ni Apollo ay sisiguraduhin niyang, hindi na mauulit ang nangyari noon.
Wala nang mare-red tag.
Wala nang matatanggalan ng kalayaan sa pagpapahayag.
Kung ano ang kinuha nila sa mga kababayang Pilipino, ay babawiin niya, at triple pa sa sakit ang magiging sanhi nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top