PART 14: "He Heard What You Did, Last Summer..."

Continuation...

Malaki ang naging epekto kay Apollo ang nangyari.

Gabi-gabi siyang nagkukulong sa kwarto at tahimik na umiiyak.
Dalawang mahalagang tao sa buhay niya ang pinatay. Labis ang pagsisisi niya na hindi niya ito sinamahan sa Kamaro City. Hindi niya man lang naprotektahan ang kapatid at kasintahan niya.

Ang tatay ni Apollo ay nasira ang mental health dahil sa pagkamatay ng anak nito. Hindi na ito kasama ni Apollo sa bahay dahil kasalukuyan itong naka-confine sa National Center For Mental Health at sinusubukang maka-recover dahil sa masaklap na nangyari.

Ang mga plano ni Apollo na pakasalan at bumuo ng pamilya kasama si Miracle ay hanggang plano na lang.

Tuwing sasapit ang dilim ay nananabik siya sa bisig ng namayapang babae. Naghahangad siyang muling mahagkan at mahalikan ito, ngunit wala na. Huli na.

Kahit labis na nangungulila sa kapatid at nobya, pinilit maging malakas ni Apollo. Ipinangako niya sa sarili niya na kukunin at hahanapin niya ang hustisyang dapat makamtam ng pamilya niya.

Hindi niya hahayaan ang red-tagging na nangyari. Sobra na sila.

Pasusumikapan ng lalaki na malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay.

Alam niyang may nag-utos mula sa itaas na tanggalan ng buhay sina Sophia at Miracle. Iyon ang aalamin niya.

Ngayong araw ay may gaganaping Press Conference sa loob ng gusali kung saan nananatili ang Pangulo. Ang Spokesperson ng Presidente na si Mrs. Vermosa ang haharap sa mga Media na may iba't ibang katanungan patungkol sa matinding pagbagsak ng ekonomiya ng bansa at sa mga krimen na nangyayari.

Naisipan ni Apollo na isa itong oportunidad para matanong ang nasa itaas. Kung ano ang masasabi nila patungkol sa red-tagging sa Mindanao.

Suot ang isang pormal na damit ay pumasok si Apollo sa loob ng Conference Hall para makasali sa Press Conference na magaganap.

Matapos ang maraming batuhan ng tanong mula sa iba't ibang Media, matapos itong sagutin ni Mrs. Vermosa, ni-grab na ni Apollo ang mic para siya naman ang magtanong.

Nakataas ang maiksing itim nitong buhok at may suot na salamin.

Nakasuot ng black blazer ang binata, na may puting damit sa loob at tinernohan ng itim na slacks at itim na sapatos.

Itinaas at iniayos niya muna ang salamin bago tuluyang nagsalita.

He cleared his throat and look at Mrs. Vermosa's eyes intently.

"Ano po ang naging tugon ng ating Presidente sa naganap na red-tagging sa Kamaro City, sa Mindanao?" magalang na tanong ng binata ngunit umiwas ng tingin ang babaeng tinanong.

Hindi ito sumagot sa tanong ni Apollo, at ibinaling ang atensyon sa mas malalaki at kilalang Media na nasa Press Conference.

Apollo grinned his teeth in anger.

Mga kilalang Media lang ang binibigyan niyo ng atensyon. Sila ang ginagamit niyo para magkaroon ng framing ang mga balitang nababasa ng publiko.

Dismayado at napopoot na isip ni Apollo.

Ang framing ay nagaganap sa loob ng Media sa tuwing nare-restrict ang tamang impormasyon na malaman ng Media user. At ito ang kadalasang nagiging dahilan kung bakit may mga taong nakakagawa ng risky decisions base lang sa nababasa at nakikita nila.

Hindi roon tumigil si Apollo.

Nilapitan niya ang pinsan ni Mrs. Vermosa noong araw na iyon at nakiusap siya rito.

Ngunit gaya ng pagbalewala ng Spokesperson sa tanong niya kanina, ay ganoon rin ang naranasan ni Apollo sa pinsan ng babae.

"Tino, p-please!" nakaluhod na pagmamakaawa nito sa pinsan ni Mrs. Vermosa.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at nagsusumamong tulungan siyang malaman ang alam ni Mrs. Vermosa patungol sa red tagging na nangyari.

Nandidiring ikinalas ng lalaking nakatayo ang kamay ni Apollo na nakakapit sa kamay nito.

"Wala akong maitutulong sa 'yo, Apollo," humakbang ito paatras, "at kung meron man, mas pipiliin kong manahimik para hindi madamay!" singhal nito habang binibigyan ng isang mapandiring titig si Apollo.

Kahit hinanghina na sa pagmamakaawa, pinilit tumayo ni Apollo mula sa pagkakaluhod.

Iniyukom niya ang mga kamao at itinatak sa isip na makakabawi rin siya sa ginawa ng magpinsan sa kanya.

Kinaumagahan ay nawindang ang buong Alítheia Media sa isang petisyon na nagsasabing ipapasara na ang pahayagan nila.

Halos sumabog na ang utak ni Apollo sa sunod-sunod na problemang nararanasan niya ngayong taon.

Gustong-gusto na niyang sumuko. Naisipan na rin niyang kitilin ang sariling buhay para makasama na niya ang kapatid niya at si Miracle.

Kaso napag-alaman niya kung sino ang sumusuporta sa petisyon laban sa kanila.

Si Senator Camille West.

Isa itong tanyag na Senator ng bansa at dahil kilala ang nasabing tao ay sinusuportahan rin ito ng mamamayan.

Ang babaeng Senador ay Chairman ng Philippine Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.
Kaya walang dudang tutol ito sa mga Alter Media, gaya ng Alítheia Media na kinatatakutan nilang maaaring magmitsa, ng pag-aalyansa ng mga Pilipino dahil sa mga articles na pina-publish nila.

Labag man sa Press Freedom ang nais nila, walang nagawa sila Apollo kaya tuluyang naipasara ang pahayagan nila.

Kung susubukan nilang umalma ay maaaring makulong ang bawat kasapi sa pahayagan nang kalahating taon at pagmumultahin pa ng 100k pesos.

Hindi makatarungan, oo.

Pinili ni Apollo na mabuhay muna at isantabi ang pagiging mahina.

Ipaghihiganti niya ang mga taong mahal niya kahit pa kinakailangan niyang gumamit ng dahas.

Walang mangyayari kung mananatili siyang tikom ang bibig at walang gagawing aksyon.

Somebody has to stand when other people are sitting. Somebody has to speak when everyone else is quiet.

-----

Lumipas ang ilang linggo at naisipang dalawin ni Apollo ang tatay niya sa ospital.

Matagal na niya itong hindi nakikita at nami-miss niya na rin ito.
Gusto niyang humingi ng tawad sa tatay niya sa pagiging masuwayin na anak.

Ngunit, nang marating niya ang silid ng kanyang Papa, at nang magtama ang kanilang mga mata. Biglang nanlisik ang mga mata nito sa galit at biglang sinugod si Apollo para sakalin.

"Ilang beses kitang pinigilan at pinayuhan!" lukot na mukha nitong singhal sa sinasakal na anak.

Agad na may dumating na mga nurse at inawat ang matandang lalaki para mailayo kay Apollo.

Nanatiling nakatayo sa pintuan si Apollo at nadudurog ang pusong pinagmasdan ang tatay niya habang ini-injection-an ng mga nurse na nagpapakalma rito.

Matapos ang ilang oras ay humupa na ang galit ng matanda ay nilapitan ito ni Apollo para makausap.

"Pa..." naluluhang simula nito.

Hindi umimik ang matandang nakahiga at nakatitig sa puting kisame ng silid.

"Patawarin niyo po ako, Pa," Apollo already cried.

Blangko pa rin ang ekspresyon ng matanda. Umupo sa upuan na malapit sa hinihigaang kama ng tatay niya si Apollo.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto.

Gumalaw ang tatay ni Apollo at umupo ng maayos.

Makikitaan nang nagbabadyang luha ang mga mata nito at mariing tumitig sa anak niyang kasalukuyang nakayuko.

"Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa iyo sa inyo," the old man sniffed, "pero ni-isa sa mga payo't utos ko, wala kayong pinakinggan." he stated full of anguish.

Dahan-dahang tumingala si Apollo at nagtama ang mga mata nila ng tatay niya.

Wala siyang ibang makita sa mga mata nito kung di puro lungkot.

Marahil ang matanda ay nalulungkot dahil hindi niya nagampanan ang pagiging magulang. Hindi niya napangaralan ng maayos ang mga anak kaya ngayon ang isa ay nakalibing na at wala ng buhay.

"Sana lang anak, hindi maging kagaya mo na mapusok ang magiging anak mo," pinunasan nito ang basang pisngi, "sana lang, maging isa kang mabuting ama sa mga magiging anak mo," tumayo ito mula sa kama ngunit biglang napahawak sa dibdib na tila kinakapos ng hininga.

Agad na naalarma si Apollo sa inakto ng tatay niya.

"Nurse! Nurse! Ang Papa ko!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Apollo para humingi ng tulong habang hawak sa bisig ang tatay niyang nawalan ng balanse.

Agad na idinala sa Emergency Room ang tatay ni Apollo. Ngunit ginawa man lahat ng doktor ang kanilang makakaya, umalingaw-ngaw sa loob ng silid ang isang tunog nang mahabang linya.

Nabalot nang iyak at pagtangis ni Apollo ang Emergency Room.

"Hindi, Doc Doc! Gawan niyo po nang paraan! Please! Siya na lang po ang pamilya k-ko!" nakaluhod na pagmamakaawa nito sa paanan ng Doktor.

"I'm sorry, time of death, 5:27 PM," the Doctor painfully declared.

-----

May 27, 1996

Dalawang linggo matapos ang pinaka masakit na nangyari kay Apollo.

Sa sobrang dami ng nangyari ay hindi na niya alam ang dapat na maramdaman.

Habang nakatayo sa harap ng puntod ng kaniyang ama at kapatid ay ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong jacket.

Hindi maayos ang panahon ngayon at malakas ang buhos ng ulan. Pero si Apollo ay hindi nagdala ng payong at ang hood lang ng suot niyang jacket ang pumoprotekta sa bunbunan at katawan niya.

Pumatak ang isang luha sa kaliwang mata ni Apollo.

Labis-labis ang pagsisisi ang bumabalot sa sistema niya. Sumagi na rin sa isip nito na hindi na niya marapat pang mabuhay dahil wala naman na siyang pamilya na uuwian.

Ang taong pinapangarap niyang kasama niya sa pagbuo ng isang masayang pamilya ay wala na rin.

Wala nang dahilan para mabuhay pa.

Paulit-ulit iyang nage-echo sa utak niya.

Bakit ba kasi kailangang humantong sa ganito? Bakit kailangan maranasan ng kagaya niyang, walang ibang hinangad kundi mapuksa ang katiwalaan ng gobyerno? Bakit kailangan niyang maranasan ang hindi maipaliwanag na pait at sakit sa puso niya? Bakit kailangan itong maranasan ng mabuting tao gaya niya?

Matapos niyang magpaulan at damhin ang lungkot na pakikisabay nang bumubuhos na langit. Napagdesisyonan ni Apollo, na puntahan sa opisina ang Lieutenant General na nakadistino sa Kamaro City nung mangyari ang red-tagging.

Nahirapan siyang malaman kung sino ito ngunit, matapos ang ilang araw na pagsasaliksik ay napakiusapan niya ang Secretary nito na ma-interview ang nasabing Lt. General.

Dahil pormal namang isasagawa ang interview ni Apollo sa Lt. General, maluwag siyang pinapasok sa gusali kung saan ito nago-opisina at nananatili.

Itinuro sa kanya ng Secretary nito ang room number ng opisina ng Lt. General. Nakangiting sumakay ng elevator ang binata at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina.

Mabilis nakataas ang elevator at marahang bumaba ang lalaki mula rito.

Paalala naman sa kanya nang Secretary na matapos siyang makakatok ng dalawang beses sa pinto ng opisina, pumasok na lang siya. Na-inform naman na kasi nito ang Lt. General na may interview siya ngayong araw.

Nakarating si Apollo sa tapat nang pinto ng opisina.

Lt. General David Hilton.

Iyon ang nakalagay sa isang mahabang plate na nakadikit sa pinto.

Matapos niyang kumatok ng dalawang beses, gaya nang paalala ng Secretary ay binuksan niya ang pintuan.

Ngunit napahinto sa pagbukas ang binata dahil narinig niyang may kausap sa telepono ang lalaki sa loob ng silid.

Hindi alam ni Apollo kung ano ang nag-udyok sa kanya para huwag munang pumasok at manatili sa ganoong posisyon para mapakinggan ang mga sasabihin ng Lt. General sa kabilang linya.

"The journalist is pitiful." The Lt. General said.

Apollo felt his heart skipped a beat.

"...the courage he's been showing won't help him," He stop for a second then continues, "naisipan pa niyang hingian ako ng panayam," the old man chuckled, "akala naman niya magsasalita ako ng alam ko." He added.

Apollo on the other hand, slowly losing his mind after hearing those words.

His heart is pounding really hard right now.

This guy knows something!

Sunod-sunod na pag-tunog ng sahig ang narinig ni Apollo dahil sa yabag ng lalaking nasa loob.

Sinilip ni Apollo ang loob at nakita niyang nakatayo ito habang nakatanaw sa dingding na salamin.

Suot ang Army uniform at combat shoes ay hawak nito ang phone sa kaliwang kamay.

"Oo, iyon ang utos nang nasa itaas," muli nitong imik at nameywang pa, "sila ang namuno sa mobilisasyon noong Marso. Masyado silang mahapdi sa paningin ng mga nasa itaas, kaya ipinaligpit ko na sa mga tauhan ko," pagkukwento nito na parang wala lang ang sinasabi niya.

Napatakip sa bibig si Apollo dahil sa narinig.

Mga walang hiya! Paano niyo naaatim na pumatay ng kapwa Pilipino?

Buong akala ni Apollo ay iyon na ang pinakamasahol na dapat niyang malaman noong mga sandaling iyon.

Ngunit mali siya.

Tila napunit at pinagpira-pirasong muli ang kanyang puso matapos marinig ang mga sumunod na sinabi ng walang pusong Lt. General.

"Eliminating somebody who's against the government is the right thing to do," the man gulped, "there's no possible way they can persuade and oppose the Government, not them, especially that mediocre Apollo Gonzales."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top