PART 13: "THE CRUEL FATE"

A/N: Any part of this novel is not affiliated with anything or anyone. THIS IS PURELY FICTION.

Enjoy reading!

-----

Third Person's POV

FLASHBACK

March 1996, Crander City

"HINDI TALAGA KAYO MAKIKINIG SA 'KIN, APOLLO?!" singhal ng lalaking may mga puting buhok at halos panot na ang bunbunan dahil sa katandaan.

Patuloy sa paglagay ng mga dadalhing gamit ang lalaking mas mataas sa matanda. Ito'y naka suot ng puting polo na may nakasulat na 'Alítheia Media' sa kaliwang bahaging dibdib.

Lumapit ang may katamtamang taas na babae sa dalawang lalaki na nagtatalo.

"Pa, trabaho namin ito. Unawain niyo naman po kami, kahit ngayon lang," pangungumbinsi ng dalaga sa tatay nila.

"Trabaho ba kamo, Sophia? E mga volunteer lang kayo 'di ba?!" salubong na kilay at nag-uusok na ilong na giit ng matanda.

Huminto sa paglagay ng gamit si Apollo sa dadalhin nilang bag.

"Opo, Pa, volunteer nga kami," lumingon ito sa pwesto ng ama, "pero ginagawa namin ito para sa bansa, para mamulat ang mga Pilipinong masyado nang bulag sa bulok na sistema ng gobyerno!" bwelta nito saka muling nagpasok ng gamit sa bag na nasa harap.

Napasapo sa noo ang matandang lalaki at tuluyan nang nawalan ng pag-asa para mapigilan ang mga anak niya.

Pinilit nitong pakalmahin ang sarili at umupo sa sofa na malapit sa kinatatayuan niya.

"Iyang ginagawa niyo, para kayong humahawak ng isang nagliliyab na baga" imik ng matanda ngunit hindi siya nilingon ng mga anak niya.

"Kahit gaano pa kayo kapusok sa trabaho niyo ngayon, kapag nasobrahan na sa init at napaso kayo sa hawak niyong baga," huminga ng malalim ang lalaki bago tapusin ang sasabihin niya, "bibitawan niyo rin ito, at mag-iiwan pa ng paltos at paso sa mga palad niyo."

Napailing ito at yumuko.

Hindi maubos ang pagtatanong sa sarili ng matanda, kung bakit ganito ang mga anak na ibinigay sa kanya.

Bakit hindi siya binigyan ng mga normal na anak?

Bakit ang kagaya nina Apollo at Sophia na gustong kalabanin ang pamamahala ng gobyerno ang mga naging anak niya?

Ngayon araw ay aalis ang magkapatid para dumalo sa isang mobilisasyon sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang Presidente.
Kasama ng Alíthea Media ang iba't ibang samahan ng Alter Media ang magra-rally bukas, para ipaglaban nila na huwag pirmahan ni President Gamboa ang Anti Rebel Bill.

Ang Alter Media ay isang uri ng Media kung saan ang kanilang pinapahayag ay salungat sa mga popular at mainstream media.

Si Apollo ang Editor in Chief ng Alítheia Media. Itinatag niya ang pahayagang ito noong makapagtapos siya ng pag aaral sa kolehiyo.

Dahil sa pagiging masigasig na tagahayag ng totoo at tapat na balita. Nahikayat niya ang kanyang kapatid na si Sophia na sumali sa itinatag niyang samahan.

Hanggang sa dumami ang sumali sa pahayagan na tinatag at naging isa na silang ganap na aktibista.

Isinara ni Apollo ang zipper ng bag na nasa harap niya. Tapos na siya sa paghanda ng mga dadalhin at babaunin nila sa laban bukas ng umaga.

Lumabas mula sa kwarto si Sophia at sukbit na nito ang bag na dadalhin.

Napatingala ang tatay ng magkapatid at binigyan sila ng nagsusumamong mga mata.

"Mga anak, maaawa naman kayo sa 'kin... Baka mapahamak kayo sa gagawin niyo," pamimilit nito sa mga anak niya.

Iniayos ni Sophia ang sukbit na bag saka nagsalita.

"Hindi pwedeng mapirmahan ng Presidente ang Rebel Bill, Papa," humakbang ito palapit sa tatay niya, "dahil kapag naging batas na iyon, kami!" giit nito at nakaturo sa sarili, "kaming mga nagsasabi ng katotohanan ang gagamitan nila nu'n!" giit ng dalaga.

Napapikit ang matanda at huminga ng malalim.

"If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor," sabat ni Apollo at dagdag niya sa paliwanag ng kapatid niya.

Hindi kinakampihan ng matanda ang mga oppressor. Hindi iyon ganoon!

Ayaw lang nito mapahamak ang mga anak niya. Ngunit bakit sobrang titigas ng mga ulo nito?

Dahan-dahang humakbang palabas ang magkapatid. Wala nang makakapigil sa kanila.

Sa huling sandali ay lumingon si Apollo sa kanyang tatay na nagpipigil na huwag maiyak dahil sa gagawing pagsuway ng mga anak niya.

"Ilang akitibista na ba ang na-red-tag at inakusahang rebelyon ang kanilang ginagawa at terorismo?"

Batid ng matanda na nangyayari ito sa bansa. Ngunit, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat sumabak sa isang laban, kung saan ang kakaharapin ay maimpluwensyang tao.

Bakit hindi na lang nila hayaan na ganoon ang kahantungan ng mga taong iyon?

Bakit ayaw nilang piliin ang tahimik at normal na pamumuhay?

Bakit pilit nilang inilalapit ang sarili sa apoy na maaari nilang ikamatay?

Iniwan ng magkapatid ang kanilang magulang na may dinadalang tampo sa dibdib.

-----

Kinaumagahan, hindi pa dumadampi ang sinag ng araw sa kalasada, masigasig nang nakatipon ang iba't ibang samahan ng Alter Media at Journalists sa harap ng malawak na gusali kung saan nananatili ang Pangulo.

Hawak nila ang malalapad na placards na may sulat gamit ang pulang pintura.

'TUGUNAN ANG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA, HINDI ANG REBEL BILL!'

'RESIST REBEL BILL!'

'JUNK REBEL BILL!'

'ACITIVISTS, NOT TERORISTS.'

'WE WILL NOT BE SILENCED'

'NO TO RED-TAGGING! JUNK REBEL BILL!!'

Sabay-sabay na sinisigaw ng mga aktibista ang mga nakasulat sa hawak nila.

Nasa harapan ang lalaking nagngangalang Apollo, katabi ang kanyang kapatid na si Sophia sa kaliwang pwesto at sa kanan naman ay katabi nito ang kasintahan niyang si Miracle.

Ang tatlong indibiduwal ay magkakasama sa trabaho. Sila ang nangunguna sa pagsigaw ng karapatan ng mamamahayag na Pilipino. Adbokasiya nila na manaig ang Press Freedom at manatili ang Freedom of Expression.

Matapos ang ilang oras na mobilisasyon ay huminto at namahinga muna ang mga tao.

Habang umiinom ng tubig si Apollo sa kanyang tumbler,  may dumaan sa harapan niya na isang matandang pulubing lalaki.

Ito ay may hawak na pantukod para alalayan ang sarili sa paglalakad. Ang suot nitong puting damit ay naging kulay gray na dahil sa mga grasa at mantsang nakadikit dito.

Punit rin at may tastas ang laylayan ng itim na shorts ng matanda.

Habang dahan-dahan itong naglalakad, bigla itong umimik nang makatapat sa pwesto ni Apollo.

Hirap na tumingala ang matanda kay Apollo.

"Hindi nakukumbinsi ang gobyerno sa isang araw, isang buwan o kahit isang taon pa na mobilisasyon," malumanay nitong sambit na ikinagulo ng isip ni Apollo.

Hinayaan niya lang itong magsalita.

"Sinong tao, sa mapait na mundong 'to, ang isisiwalat ang sariling kamalian at katiwalian?" lumunok ito ng laway at muling naglakad ng marahan, "wala akong kilala dahil sa mundong 'to, gagawin ng mga tiwaling tao ang lahat, para hindi mamulat ang mga taong nasasakupan nila."

Lumingon ito kay Apollo.

"Ipahayag mo ang katotohanan ng walang dahas," ngumiti ang matanda, "gamitin mo ang iyong plumang panulat, at nang mamamayan ay unti-unting mamulat."

Kahit babala ang mga sinabi ng matandang pulibing iyon ay hindi iyon inisip ni Apollo.

Patuloy pa rin sila sa pag-rally at pilit na ipinaglalaban ang karapatan bilang Pilipino.

Dalawang linggo silang nanatili sa lugar kung saan may mobilisayon.
Pilit ipinagsigawan na huwag pirmahan ang Rebel Bill.

Ngunit, walang silbi ang mga nakakabingi nilang sigaw at pakikiusap sa gobyerno.

Sa ika-15 ng Marso taong isang libo't siyam na raan at siyamnapu't anim, pinirmahan na ni President Gamboa ang nasabing Bill.

Parang napunta sa wala ang lahat ng pagod nila. Halos mapaos ang mga volunteer na aktibista pero ito pa rin ang napala nila.

Kahit masakit para sa mga iba't ibang pahayagan ng Alter Media at Journalists ang kinalabasan ng pagsusumikap nila. Pinili nilang manahimik muna at tanggapin ang naging desisyon ng nasa itaas.

Tatlompung araw mula sa araw na napirmahan ang Bill ay magiging ganap na batas na ang Anti-Rebel Bill.

Isa man itong banta para sa mga aktibistang gaya nina Apollo at mga kasama niya, kakaharapin nila ito at ilalaban ang karapatan nila.

Naging magulo at mahirap ang bansa sa taong ito.

Lalong tumindi ang pagbagsak ng ekonomiya at talamak ang krimen dahil sa kakulangan ng pera.

Sa ibang dako ng Pilipinas ay may terorismo pang nagaganap na lalong nagpagulo sa sitwasyon.

Bilang isang volunteer, nakasanayan na ng Alítheia Media na pumunta sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Gamit ang mga nakakalap nilang donasyon, ay naghahatid sila ng tulong sa mga mamamayang Pilipino na naghihikahos.

Matapos ang nangyaring terorismo sa Kamaro City, sa Mindanao. Naisipan nila Apollo na mag-abot ng kaunting tulong sa mga kababayang Muslim na labis naapektuhan ng sakuna.

Si Sophia at ang kasintahan ni Apollo na si Miracle ang nagpresinta na pupunta sa Mindanao.

Hindi makakasama si Apollo sa kanila dahil abala siya rito sa Maynila sa mga articles na ginagawa at pina-publish nila araw-araw.

"See you in two weeks, Apollo," usal ni Miracle matapos halikan sa labi ang nobyo niya.

Niyakap siya ni Apollo bilang tugon sa halik nito.

"Ang higpit naman no'n? Para namang sinasabi mo na last hug na natin 'yon?" pabirong saad nito pagkalas nila sa yakap.

Ipinatong ni Apollo ang kanang kamay niya sa ibabaw ng ulo ng kasintahan.

"Mag-iingat kayo, roon ha? Magpapakasal pa tayo." pilyong paalala ng lalaki sa kaharap niya.

Kinurot siya sa tagiliran ng babae.

"Hay nako, Apollo, ang cheesy mo talaga bumanat." kinikilig na saad ng babae.

Muling ikinulong ni Apollo sa bisig ang kasintahan niya. Nanatili sila ng ilang minuto sa ganoong pwesto. Napahiwalay lang sila sa isa't isa nang dumating mula sa CR si Sophia.

"Kuya, 'wag na magdrama.'Di kami maga-abroad ni Miracle." pangungutya nito.

Matapos masiguro na kumpleto na ang lahat ng mga relief goods na kanilang dadalhin ay nagyakapan naman ang mag kapatid.

Ginulo pa ni Apollo ang buhok ng kapatid niya dahilan para maasar ito.

Lingid sa kaalaman ng lalaki na iyon na ang huling beses na mayayakap at masisilayan ang kapatid at kasintahan.

Lumipas ang sampung araw at walang dumating na mensahe mula sa dalawang babae kung matiwasay ba silang nakarating sa Kamaro City.

Hindi rin ma-contact ni Apollo ang phone ng kapatid maski ang nobya niya.

Labis na ang pag-aalala niya, ngunit pinilit niya pa ring maging positibo at naghintay pa ng ilang araw.

Nagbakasakaling babalik pa ang dalawang taong mahal niya sa buhay.

-----

Hindi magkanda-ugaga sa mga papel na nakapatong sa mesa ang lalaking si Apollo.

Hindi pa ito nakakakain ng pananghalian kahit alas tres na ng hapon.
Dahil naiinitan sa suot niyang polo ay tinanggal niya ang dalawang butones nito para makahinga nang maayos.

Masigasig nitong sinugid ang bawat articles na nasa harap niya at pinroofread.

Napahinto ang lalaki at panandaliang sumandal sa upuan niya.

Bumuntong hininga ito at marahang hinilot ang sintido.

"Ano na kaya ang nangyari sa kanila?" bulong niya sa sarili.

Napatingala si Apollo sa notification na dumating sa desktop niya.

Agad na pinuntahan ng lalaki ang notification at ganoon na lang ang pagkalukot ng mukha nito matapos makita ang mga litratong nasa harap niya.

Tumambad sa kanya ang larawan ng dalawang babae.

Nakabusal ang bibig at nakagapos ang mga kamay sa likod.

Walang habas na pumatak ang mga luha mula sa mata ni Apollo. Hindi niya maipaliwanag ang kirot na bumabalot sa kanyang dibdib.

Kahit pa, hindi makilala ang mga tao sa larawan dahil sa mga pasang natamo ay sigurado siya, na ang kapatid at kasintahan niya iyon.

Suot ng babaeng nasa kaliwa ang kwintas na may pendant na sinag ng araw. Namataan ito ni Apollo dahil kulay silver ito at nag-reflect ang flash ng camera. Ang kwintas na iyon ay regalo niya kay Miracle noong unang anibersaryo nila bilang magnobyo't nobya.

Umigting ang mga panga, at naiyukom ang mga kamao dahil sa poot at galit.

Hindi matanggap ni Apollo ang headline na ginamit sa balita.

Hindi makatarungan ang alegasyon nila.

2 Rebelde sa Kamaro City, ikinulong at iginapos para mamatay

Red-tagging.

Bwisit na red-tagging!

Paano ba naging mahirap unawain na hindi rebelde ang mga aktibista at mamamahayag?

Hindi pumunta ang dalawang babae sa lugar na iyon para magrebelde o magsanhi ng terorismo.

Kaya paano nila nagawa ito sa kapatid at kasintahan ni Apollo?

At bakit hinahayaan lang ito ng gobyerno na mangyari?

Nasaan ba ang gobyerno, sa mga oras na may makikitilan ng buhay?

Nasaan sila para protektahan ang mga taong ito?

Ibinibigay lang ba nila ang proteksyon para sa mga taong may pera at koneksyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top