PART 12: Lev. 24:19-21
A/N: I just want to remind you that, the whole plot was created by my imaginative mind. Any parts of my story are not affiliated with anything or anyone. THIS IS PURELY FICTION.
Enjoy reading!
-----
Third Person's POV
Marahang ibinaba sa kama ang binatang si Maru ng kanyang tatay na si Apollo.
Pinatulog niya ito gamit ang pagtakip sa bibig ng anak niya ng panyong may nakakahilong amoy.
Napabaling ang lalaki sa phone na nabitawan ni Maru na bumagsak sa sahig ng bahay nila.
Dinampot niya ito at maiging tinitigan ang call history na may pangalan ni Xamel.
Napailing si Apollo.
"Tsk. Hindi ka dapat nangialam, Xamel."
Wala sa listahan ng kanyang bibiktimahin ang pangalan ni Xamel. At labis siyang na-disappoint sa bata nang mangialam ito sa mga plano niya.
Siniguro ni Apollo na naka-lock sa labas ang pinto ng kwarto kung saan natutulog ang anak niya.
Kailangan niya itong ikulong para hindi na makialam pa.
Walang dapat sumira sa mga plano niya.
Mahabang panahon ang ginugol niya para maging matagumpay 'to, at kung sino man ang marahas na pipigil sa kanya, makikita nang di oras ang impyerno.
Patungo na ngayon si Apollo sa airport para sunduin ang mga magulang ni Charm na pauwi galing Paris.
"Tapos na ang oras niyo para mag-feeling in love," saad nito habang kausap ang sarili saka umupo sa driver seat.
Ang kotseng gamit niya ay ang kotse ng personal driver ng mag-asawa.
Planado na nga, ang lahat.
Sinabotahe niya ang driver na 'yon, para siya ang susundo.
-----
Xamel's POV
Hindi ako mahilig mag-basa ng mga nobela o libro.
Pero pakiramdam ko nasa loob ako ng isang kwento.
'Yong isang klase ng kwento na habang binabasa ko, may mga oras na maiisip kong iyon na ang plot twist ng buong nobela.
Kaso hindi pa pala.
Kumbaga, pampalito lang ng author sa mga readers.
Gusto niyang ma-mislead ang mambabasa para may thrilling effect.
'Yung tipong akala ko nasa turning point ka na ng kwento, pero 'yung binabasa ko pala ay rising action pa lang.
Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil, ngayong umaga. Nalaman ko na, kung ano ang tunay na trabaho ni Papa.
Hindi ko kukurutin ang sarili ko, para malaman kung totoo ba ang nangyayari. Hindi.
Gusto ko 'yon gawin dahil sa kahihiyan ko.
Labis akong nagduda kay Papa, at para sa 'kin isang pagkawalang respeto iyon sa magulang ko.
Naalala ko pa ang pag-amin niya sa 'kin kaninang umaga, matapos akong maghilamos ng mukha.
"Xamel, anak... May gusto akong sabihin sa 'yo," usal nito habang hawak ang mug na may lamang kape.
Dahil bago sa akin ang ganitong pag-approach ni Papa, masigla ko siyang sinagot.
"Ano po 'yon, Pa?"
Naglakad kami malapit sa pintuan at doon pumwesto.
Lumagok muna ito ng kape bago nagsalita.
"Sa isang factory ako nagtatrabaho ngayon, bilang inventory clerk," saad nito at isinubo naman ang stick ng sigarilyo na nasa kaliwang kamay niya.
Hinayaan ko lang siya magkwento. Tulog pa ang mga kapatid ko kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataon na ito.
Habang nasa bibig pa rin ang yosi ay muli itong nagsalita.
"Kaya kita nabilhan ng cellphone at sapatos, dahil nangutang ako sa lending," hinithit niya muna ang sigarilyo bago itinuloy ang sasabihin, "materyal na bagay lang iyon anak, alam ko. Pero sinikap ko na kahit paunti-unti, mapunan ko ang mga pagkukulang ko bilang magulang mo," paliwanag niya at binigyan ako ng isang ngiti.
Ang ngiti na matagal ko nang hindi nakikita.
Halos magbadya ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Papa.
Totoo ngang nagbabago na siya.
Hindi pa man niya maialis ang bisyo niya, kahit papaano gumagawa siya ng ibang paraan para muling maging isang mabuting ama.
Paalis ako ngayon sa bahay at kailangan kong puntahan si Maru sa kanila.
Walang kasiguradohan kung nandun ba siya ngayon. Maaaring dinala siya sa kung saan nung killer.
And speaking of killer.
Hindi ako maniniwalang si Tito Apollo iyon.
Ayoko nang magtiwala sa mga plot twist na nangyayari sa buhay ko.
Kapag pinaniwalaan ko kasi ang ipinapakita sa 'min nu'ng baliw na killer, parang sa kanya ako nagtitiwala imbis na sa mga taong kilala ko.
Sigurado ako na hindi iyon si Tito Apollo. Mas kilala ko siya kaysa murderer na 'yon.
That killer may be trying to lure us again.
No. Scratch that.
That killer may be trying to lure me.
Oo, ako na lang. Hindi ko na napigilan si Dean. Ayoko namang mamilit dahil naisip kong may karapatan naman siyang makaramdam nang pagkadismaya sa nangyari. Ang mali niya lang, nang iwan siya bigla sa ere.
Si Charm naman, hindi ko ma-contact. Baka nahihiya o nagsisisi siya sa nagawa niya.
Kahit ako na lang mag-isa ang magreresolba ng kaso na ito, sisiguraduhin kong mahuhuli ko ang killer na 'yon.
Kahit pa lituhin niya ako, 'di na 'yan uubra sa 'kin.
I'm already used with his tricks and lame techniques.
-----
Third Person's POV
Sa kahabaan ng Crander Road, nakasakay ang mag-asawang West, sa kotseng minamaneho ni Apollo.
Tahimik lang itong nagmamaneho.
Habang ang mag-asawa sa likuran ay nakatutok sa mga phone nila.
Iniliko ni Apollo ang kotse sa isang madilim street na naging dahilan para mag-react ang tatay ni Charm.
"Seems like you turned the car at the wrong direction," imik nito mula sa likuran.
Hindi masidlan ang sayang nararamdaman ngayon ni Apollo. Wala kasing kamalay-malay ang mag-asawa na hindi siya ang personal driver nila.
Mga bobong tanga.
Hindi ibinalik ni Apollo ang kotse papunta sa tamang way, dahilan para muling magsalita si Mr. West.
“Manong Edward, do you hear me? You turned at the wrong direction.”
Nagpantig ang tainga ni Apollo. Pinaka ayaw niya sa lahat ng tao ang paulit-ulit at parang sirang plaka.
Marahas niyang inapakan ang break.
Muntikan masubsob ang dalawa sa likod.
Lumabas siya ng kotse at nagtungo sa trunk ng sasakyan para kuhain ang mahabang tubo na ipanghahampas niya sa mag-asawa.
Laking gulat ni Apollo na sinundan siya ng lalaki.
Matapang ka pala ha? Tingnan natin kung sinong mas matibay, kung 'yong katawan mo o itong tubo.
Pagbagsak ng pinto matapos maisara ni Mr. West ay sinalubong siya ng isang siraulong ngiti ni Apollo, saka sunod na pinaghahampas nang bakal na hawak.
Apollo spit a saliva, and start panting after he mercilessly hit the man.
He stepped forward at his victim and sat in front of him.
The guy groans and curled in pain.
"Buang ka ba, West? Sa tingin mo, may panama ka sa hawak kong tubo?" tanong nito sa lalaki na hindi nagawang sumagot.
Marahas itong pinatayo ni Apollo at itinulak papasok sa loob ng kotse.
"Sino ka ba?!" tili nang asawa ng lalaki sa mukha ni Apollo.
Narindi siya lalo.
Binitawan niya ang lalaking hawak at buong pwersang sinampal ang babaeng nagtanong.
"T*ngina, ang ingay-ingay mo!" buwelta ng walang pusong lalaki.
Dahil sa lakas ng pagkakasampal ay nawalan nang malay ang babae.
Napangiti si Apollo sa nakita.
Much better. I love silence, whenever I'm planing murder.
Nilingon naman niya ang lalaking tuluyan na ring nawalan ng malay.
Hinawakan niya ito sa kwelyo ng damit at marahas na tinulak para makapasok sa loob.
Nilibot muna ng mga mata ni Apollo ang paligid. Siniguradong walang tao sa paligid kahit madilim ang lugar at imposibleng may dumaan na tao o sasakyan.
Pinagpag niya ang mga palad at muling umupo sa driver seat.
Inayos ang sumbrerong itim na suot at in-start ang makina ng kotse.
An evil smirk suddenly form from his lips.
"Death will be honored to bring your souls in hell, right where your demons belong."
-----
Matiwasay na naitali ni Apollo sa magkahiwalay na poste ang mag-asawa. Gusto niyang mahirapan ito ng sobra. Kaya bago niya pa ito itinali sa poste, pinuwesto niya ito sa posisyong nakaluhod.
Sinadya niyang paghiwalayin ang pwesto nito para kapag pareho na silang naghihingalo, damang-dama nila ang phrase na 'Til death do us part'.
Inilabas niya ang sigarilyo sa bulsa at kumuha ng isang stick saka ito sinindihan.
Dinampot niya ang tubong nasa lapag. Ang tubong pinanghampas niya kay Mr. West kanina.
Ginamit niya ito para gisingin ang mag-asawa. Mariin at sunod-sunod niyang tinusok ang mga tagiliran nito para bumalik ang diwa.
Ngunit, hindi ito gumana sa dalawa.
"Anong tingin niyo? Nasa Sleeping Beauty Contest kayo?" tanong nito habang subo ang stick ng sigarilyo.
Naningkit ang mga mata nito matapos humithit sa sakasubong yosi.
Inalis sa bigbig ang subo, saka nagtungo sa upuan na may nakapatong na isang lumang brown envelope. Itinayo niya sa gilid ng upuan ang tubo.
Hinagis ni Apollo ang maiksing yosi nang mahawakan ang envelope.
Lumapit siya sa tapat ni Mr. West, at gamit ang envelope na hawak, ipinangsampal niya ito nang buong pwersa sa mukha ng lalaki dahilan para bumalik ang ulirat nito.
"Tss, kalalaking tao, pabebe."
Bumaling naman ito sa asawa ng lalaki at ito naman ang sinampal.
"No! Katrina!" hiyaw ni Mr. West matapos niyang makita kung paano walang awang saktan ang asawa niya.
"Huwang kang OA, malayo sa bituka 'yon," natatawang saad ni Apollo.
Hirap man dahil sa posisyon ay pinilit magsalita ng babae.
"D-Don't worry about me, Charles. Makukulong rin ang b-baliw na 'yan!"
Napangiwi ang labi ni Apollo sa narinig. Nandidiri siya sa ipinapakitang awa ng dalawa sa isa't isa.
Masyado pang maaga para kaawaan nila ang sarili. Nag-uumpisa pa lang, pinangungunahan na nila ang mangyayari.
Mula sa envelope na hawak ni Apollo ay may papel siyang inilabas dito.
Inilapit niya iyon at palipat-lipat na itinapat sa pagmumukha ng dalawa para mabasa nilang maigi.
Ganoon na lang ang biglang paglaki ng mga mata nito dahil sa nabasa.
"Anti Rebel Act of 1996, proposed and introduced by Senator Camile West," pagbabasa ni Apollo sa papel na hawak at diniinan talaga ang pangalan ng nanay ni Charles West.
Tiningnan niya sa mata ang anak ng Senador at binigyan ng isang ngiti.
Ngiting nagsasabi na 'Your mother fucking did that'.
"An eye for an eye, a tooth for a tooth, a life for a life..."
Apollo leveled his body to Charles, and he comes closer to his ears,
"It's payback time..." he whispered with an eerie tone in his voice, then it followed by a devilish laugh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top