PART 11: Hopeless Case?

Third Person's POV

Isang malakas na sampal ang isinalubong ni Charm kay Dean nang makauwi ito.

Hindi maipinta ang ekspresyon ng dalaga.

Samantalang si Dean naman ay walang ideya kung para saan ang sampal na iyon? Nagagalit ba ito dahil sa naudlot nilang halik noong isang araw?

Habang hawak ang pisnging nasampal ay nakangiwing nagtanong ang binata.

"Para saan 'yon, Charm? Mapanakit ka talaga!"

Hindi niya natapos ang ibubwelta dahil inilabas ni Charm ang phone niya.

Ni-play ang isang CCTV camera footage at kitang-kita kung paano palihim na kinuha ni Dean ang journal ng babae.

Agad na napatingala si Dean sa kung saan nakapwesto ang camera, base sa position nito sa video.

Damn it!

"Care to explain, D-Dean Hilton?" Her voice already cracked.

Mula sa inuupuan niyang couch, tumayo si Dean at akmang hahawakan si Charm, pero tinabig nito ang kamay niya.

Tumingala ang dalaga at pinigilan ang mga nagbabadyang luha.
Alam naman niya na maling itinago niya sa mga kaibigan ang pakikipag kasundo sa baliw na lalaking 'yon.

Ngunit bakit kailangan umabot sa punto na pati mga personal niyang gamit ay kukunin at papakialaman ng walang permiso niya?

Isa sa mga ikinagagalit ni Charm ay dahil naisip niyang maaaring nakita ni Dean ang mga stolen pictures niya ni Maru sa loob ng journal niya.

Naisip ni Charm na baka iyon ang confession na sinabi ng binata sa taong gusto niya.

Disrespectful.

Iyan ang paulit-ulit na ume-echo sa loob ni Charm.

Siya dapat ang unang magsasabi nun kay Maru, siya dapat! Pero inunahan siya.

Masakit para sa dalaga na ma-reject nang agad-agad at ganun kabilis.

Hinayaan lang siyang panuorin ni Dean na umiyak dahil sa pagkayamot nito sa binata.

Gustong-gusto niya na itong yakapin, at sabihing nagawa niya iyon para protektahan siya at hindi kung ano man, hindi kung ano man ang iniisip nito ngayon.

Dinukot ni Dean ang panyo mula sa bulsa ng shorts niya, saka inilahad sa harap ni Charm.

Napatingala ang dalaga at binigyan siya nito ng isang matalim na tingin.

Unang beses siyang matingnan sa mata ng ganito ni Charm.

Napaka-unfair.

Isip-isip ng binata.

Kahit kailan hindi siya natapunan ng tingin ni Charm na para bang may ibang kahulugan. Kahit kailan hindi siya natapunan ng sulyap ni Charm, gaya ng pagsulyap nito kay Maru.

Tapos ngayon, oo nga't tinititigan siya nito sa mata.

Pero 'yung titig na iyon ay puno ng galit at pagkamuhi.

Hindi tinanggap ng dalaga ang panyong inaalok ni Dean. Inayos nito ang postura at tumayo ng diretso.

Tiningnan nang diretso ang kaharap saka nagsalita.

"The audacity to use my emotional weakness just to get my journal," ngumiti ito ng isang mapait na ngiti, "are you really that shallow, that you have to flirt me, Dean Hilton?"

Masakit marinig mula sa taong nagpapasaya sa kanya ang mga salitang iyon.

Parang unti-unting tinusok ng karayom ang dibdib niya.

Hindi niya madepensahan ang sarili, dahil totoong ginamit niya ang kahinaan ni Charm.

Ang hindi matanggap ng binata ay ang mga huling salita.

"Charm– Charm, mali ang iniisip mo," sinubukang magpaliwanag nito pero pinutol ni Charm ang sasabihin niya.

"Dean, wala kang maloloko rito! The video is the existing proof how low you can be!" giit ng dalaga.

Napahilamos ng mukha ang binata.
Nilapitan ang kausap at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Charm makinig ka, pwede ba?! Nagawa ko 'yon para maprotektahan ka! Nagawa ko 'yon kasi ayokong may gawin sa'yong masama ang killer, naiintindihan mo ba?"

Natigilan ang dalaga at muling nagbadya ang luha sa mga mata niya.

Pinunasan ni Dean ang patulo na luha sa pisngi ni Charm.

"Alam namin na ginagamit ka ng killer, please, Charm," his voice is almost tearing up, "huwag kang magpauto sa kanya."

Yumuko ang dalaga at nang tumingala ay binigyan niya ng isang ngiti si Dean.

'Yong ngiti na parating gustong makita ng binata sa mga labi ng taong gusto niya...

Pero hindi sa mga oras na ito.

Hindi sa mga oras na 'to na may luha sa pisngi ng babaeng gusto niya.

"I'm sorry, Dean, but I have decided too," she stepped back, "We all have different personal needs to protect at all cost, and my priority are my parents."

Bumagsak ang balikat ni Dean sa nalaman.

Paanong nagawa ito ni Charm sa kanila? Sa kanya?

Ginawa nila ang lahat para protektahan siya mula sa kapahamakan. Ngunit bakit ito ang sukling ibabalik niya?

"Yes, Dean, I betrayed everyone... Especially you, my best friend."

The young woman left him, with an impenetrable chest pain.



And there's one sentence, that keeps ringing inside his head;

"How cruel it is, that your good intentions will not always be appreciated, and worse, they will judge you and decides unjust deed in return."

-----

Xamel's POV

Apollo.

Apollo.

Apollo.

Apollo.

Apollo.

Paulit-ulit kong binasa ang nasa internet.

Imposible 'to.

Imposibleng si Tito Apollo ang tao sa likod ng murder case ni Mrs. Vermosa.

Paano niya iyon magagawa? Isang mabuting tao ang Papa ni Maru, at alam ko iyon.

Simula nang magkaisip ako sa mundong 'to, nakilala ko na siya na isang mabuting mamamayan at isang mabuting ama.

Siya pa nga ang best role model ng isang tatay para sa 'kin, kaya paano at bakit niya iyon gagawin?

Napatakip ako ng bibig ko dahil hindi ako makapaniwala.

Ni-back ko ang phone ko saka pumunta sa contacts para tawagan si Maru.

Kailangan niyang malaman 'to.

Ngunit, pipindutin ko pa lang ang numero niya ay may incoming call akong natanggap at mula iyon kay sa kanya.

Alam na kaya niya?

Agad ko itong sinagot.

"Hello, Maru, may sasabihin ako sayo," bungad ko sa kanya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga mula sa kabilang linya.

Anong nangyari?

"Xamel, can we meet tonight?" Maru requested from the other line of the call.

Bigla akong natigilan sa tanong niya.
May ibang tono sa boses niya ngayon at, hindi ko iyon mawari. Parang malungkot na hindi ko maintindihan.

"Yes, we could, pero may kailangan kang malaman, Maru," I cleared my throat before I continue, "the meaning behind of the culprit's code name is... Apollo," I declare and it followed by a long pause.

"You need to find Tito Apollo now, Maru!" kinakabahan kong giit sa kanya.

"Xamel, are you accusing my father?" Maru asked me with confusion in his voice.

"No! Hindi 'yon gan'on, Maru! It's just, maybe it is another trap," napahinto ako sa pagsasalita dahil nakarinig ako ng isang bagay na bumagsak sa sahig, "Hello? Maru?!"

Hindi maaari 'to!

"Hello, Maru?" muli kong tanong sa kabilang linya pero tuluyan nang naputol ang tawag namin.

Nanginginig ang mga daliri kong hinanap ang number ni Dean.
Nasa panganib si Tito Apollo at Maru ngayon, kailangan namin silang puntahan!

Hindi ko hahayaang masaktang ng siraulong killer na 'yon ang kaibigan at ang lalaking kinikilala ko nang tatay.

Tatlong beses nag-ring ang phone ni Dean bago niya ito sinagot.

"Dean! Help me, Maru and Tito Apollo are in danger! Sila na ang susunod na papatayin ng killer!" nagpa-panic kong kwento kay Dean.

Pero gaya ni Maru kanina, isang malalim na buntong hininga rin ang kanyang isinagot.

Ano bang nangyayari?

Bakit pareho sila ni Maru ng reaksyon?

May nangyari ba na hindi ko alam?

Nag-away ba sila?

"Xamel, let's stop this." walang ganang sagot ni Dean sa 'kin.

Ano raw? Tigilan na namin?

Ngayon pa talaga na may panibago na namang bibiktimahin ang killer?

"Dean, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Kailangan natin maresolba ang case na 'to, kailangan natin manalo sa larong 'to!"

"We already lost the game... Charm betrayed us," tugon niya na nagpagulo sa isipan ko.

Ibig sabihin tama ang conclusion ni Maru na may kailangan ang killer kay Charm? At nagpagamit si Charm?!

Napahilamos ako ng mukha ko at mariing napapikit dahil sa mga nalaman.

Kailangan kong pilitin si Dean sa lahat ng makakaya ko.

Hindi maaaring, porket tinakwil ni Charm ang pagkakaibigan namin ay mawawalan na kami ng pag-asa.

Naniniwala akong may ibang rason si Charm kung bakit niya iyon nagawa.

"Diyan ka nagkakamali, Dean. Tayo ang taya sa larong 'to," lumunok ako ng laway bago itinuloy ang sasabihin, "Kailangan nating manalo, hindi tayo dapat agad na sumuko," panghihimok ko sa kanya.

Sa sobrang dami nang pinagdaanan namin ng mga nakalipas na linggo, hindi kami sumuko.

Kahit na na-mislead kami, hindi naman kami huminto.

Kaya dapat ngayon rin.

Ngayong oras na 'to ang kailangan nang pagkakaisa. Wala na kaming oras para magmukmok at kaawaan ang sarili dahil sa nagawa ni Charm.

"It may be nothing for you, Xamel," he stopped for a second, "but the chest pain I'm bearing right now is too much." He anguished.

Hindi ko siya maintindihan.
Expected na namin 'to e, bakit ganyan ang pananalita niya?

"Dean, please, let's win this insane game... Please, I'm begging you, just this once," I pleaded, almost breaking.

"Hate me on this, but my decision is final."

Nakapag desisyon na agad siya? Ganoon kabilis? Bakit iniiwan nila ako sa ere?

"I'm coming with my Grand Pa to Texas. See you when I see you," he take a deep breath, "Good bye, Xamel."

Hindi ko inaasahan na, muli kong mararamdaman ang sakit na narasanan ko noong iniwan kami ni Mama.

Akala ko, ito na ang pinaka masayang kaarawan ko.

Hindi pala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top