PART 10: "AVERTER OF EVIL"

April 15, 2021

Xamel's POV

"HAPPY BIRTHDAY ATE, XAMEL!" masiglang bati sa 'kin ng mga kapatid ko matapos kong hipan ang dalawang kandila na hugis number 19 sa ibabaw ng cake.

Oo, kaarawan ko ngayon.

Sa sobrang dami ng mga naganap noong nakalipas na linggo, nawala na sa isip ko, na birth month ko nga pala ngayong April.

Ang daming surpresa ni Papa sa 'kin. Binilhan niya ako ng panibagong phone. 'Yong pinaka latest na model ng Realme. At hindi lang 'yan, binigyan niya rin ako ng bagong pares ng rubber shoes.

Ang saya ko sa mga natanggap kong regalo mula kay Papa. Pero 'di maalis sa isip ko kung saan niya kinuha ang perang pinambili niya sa mga regalo niya sa 'kin.

Hanggang ngayon kasi, hindi niya pa rin nababanggit sa amin kung ano ang bago niyang trabaho at kung saan ito.

Trust issues ko umaapaw na.

Maraming niluto si Papa na panghanda sa kaarawan ko. Gusto-gusto kong maiyak sa tuwa dahil never ko 'tong naranasan sa 18 years of existence ko. 'Yung effort ni Papa ngayong araw, 'yon ang dahilan kung bakit hanggang sa hapagkainan ay nagbabadya ang mga luha ko.

Masaya ako sa kaarawan ko ngayong taon, pero alam kong may mas ikasasaya pa 'to, kung kasalo namin si Mama habang kumakain nang handa.

Mabuti pa 'yong mga anak nung bago niyang kinakasama, nakakasalo siya sa hapagkainan.

Ang unfair talaga ng mundo 'no?

Kung sino 'yong mas nangangailangan ng kalinga, sila 'yong tinatanggalan nito.

Kung sino 'yong hindi na makaahon sa nag-uumapaw na pagmamahal, sila pa ang nabibigyan ng pagkakataon para sumaya.

Ang hirap 'pag broken family.

Kapag umalis ang ilaw ng tahanan, magiging madilim ang mundo ng mga anak, at wala nang gagabay.

Kapag ang haligi ng tahanan naman ang umalis, mawawalan ng pondasyon. At 'pag nangyari 'yon? Mawawala ang tahanan. Matitibag ang matibay na samahan ng pamilya.

Laking pasasalamat ko na, kahit pinili kaming iwan ni Mama, kapalit ng marangyang buhay, hindi kami iniwan ni Papa. Hindi siya umalis.

Kaya kahit na madilim na, at wala nang gabay na liwanag sa tahanan namin, nanatili pa ring matibay ang pondasyon dahil sa suporta ng haligi.

Matapos naming mailigpit ang pinagkainan, ginamit ko na ang bago kong phone.

Sa lapad ng ngiti ko ay ayaw akong tantanan ni Xavier sa pang-aasar nito na baka raw mapunit ang pisngi ko.

Loko-loko talaga.

Habang nagi-scroll ako sa news feed ng facebook ko ay may nakita akong isang meme.

Hindi pala ito meme.

Katarandaduhan lang ng mga pinoy.

Paano ba naman kasi? 'Yung nasa picture ng meme ay isang ballerina performer mula sa ibang bansa.

Nasabi kong taga ibang bansa, dahil hindi naman siya mukhang Pilipino dahil sa maputing kutis at mga mata niyang may pagkasingkit.

Hindi ko kilala ang lalaki, hindi naman kasi ako mahilig sa mga ballerina performer.

Ang nakakainis sa meme, ginawa nilang katuwaan ang outfit nung performer. Ang daming mga nagdagsaan Pinoy na halatang mahilig sa mga ganoong larawan.

Wala namang mali sa suot nung lalaki. Oo, revealing ang pang-ibaba niyang suot at halata na ang maselang parte ng katawan niya. Pero itong mga taong 'to, halos bastusin na 'yong performer!

Ang daming mga nagsi-comment ng mga offensive words. Masyado nang below the belt. Mga Pinoy talaga nakakahiya minsan ang mga pinaggagagawa sa buhay.

They use the photo of the ballerina performer to increase the engagement of their page.

Mga pasikat.

Naturingang Community Pages, pero hindi isinaalang-alang ang etikal na responsibilidad sa pagpapatakbo ng mga pages nilang 1 Million ang followers.

Pero kapag babae ang ma-sexual harassment, buong bansa gustong tugisin 'yong mga exploiter.

Pero kapag lalaki naman ang nasa posisyon ng mga taong walang respeto, walang gustong tumugis sa mga bastos na 'yon.

Iniisip nila, lalaki naman sila.

Babae lang ba ang nangangailangan ng proteksyon?

Babae lang ba ang nakakaranas ng pang-aabuso?

Babae lang ba ang tao?

Nakakalungkot isipin na maraming lalaki ang pinipiling manahimik kahit sinasaktan na sila ng mga asawa nila.
Hindi nila maisumbong kasi wala namang tiyak na batas gaya ng Anti-Violence Against Women and their Children Act, ang pumoprotekta sa kanila.

Hindi lang sa ang mga kinakasama ang madalas na nang aabuso, kasi ang parating nambabastos sa mga lalaki ay ang mga babae rin.

Imagine, may artista lang o kung sinong Public figure ang mag-post nang topless para sa photoshoot ng projects nila, makakakita ka ng mga komento na 'ang sarap!', 'pahawak naman niyan!', 'busog na mga mata ko', dati wala akong galit sa tela, pero ngayon meron na!'

Do you feel the hypocrisy? The toxicity?

Trabaho nila 'yon, and they are doing their job professionally.

Kaso, sadyang kulang lang talaga ata, sa 'di ko malaman kung atensyon o edukasyon ang mga taong ginagawa 'yan sa mga kalalakihan.

-----

Third Person's POV

Sa kahabaan ng madilim na estasyon ng tren ay nakasandal sa poste ang dalagang may mahabang nakalugay na buhok.

Nakasuot ito ng black jeans na tinernohan ng converse at denim jacket na may black shirt sa loob.

Kanina pa inip na inip kakahintay ang dalagang si Charmagne sa lalaking kausap niya.

How dare him, let me stood up here for almost 3 hours!

Hawak ngayon ng dalaga ang isang lumang envelope. Wala siyang ideya kung ano ang nilalaman nito. At wala rin siyang balak alamin.

Sinunod niya lang ang gusto at utos ng baliw na lalaking kausap niya.

Pinakuha nito sa kanya ang hawak niyang envelope mula sa office ng Lola niyang former Senator.

Madali naman itong nakuha ni Charm dahil, sobrang dali niya lang rin na nauto ang Lola niyang nasa 60's na.

Nagpapagamit siya sa lalaking 'yon, oo. Iyon lang ang alam na paraan ni Charm para hindi masaktan ang mga magulang niya.

Kumbaga, last straw na niya ito.

Agad siyang napaayos ng tayo nang matanaw ang lalaking kausap.

Suot nito ang kaswal nitong suot.

Hindi nawala ang puting full face mask.

Sleeveless na black shirt na may bulsa sa harapan, jeans na may tastas ang parte ng tuhod at ang luma nitong sapatos.

Napangiwi si Charm sa nakita.

'Yan ang suot niya no'ng kinidnapped niya ako, tapos until now, ayan pa rin?

Napairap ito sa naisip at sinalubong ang lalaki nang nakataas ang kaliwang kilay.

Inabot niya ang hawak at walang ano ano'y iniwan ang kasama.

Ang dami nang naubos na oras sa paghihintay niya rito, at ayaw niyang dagdagan pa iyon kahit ilang segundo.

-----

Sa kwarto ng binatang si Maru ay nakaupo ito sa harap ng kanyang study table at nagsusulat ng isang tula.

Tula para kay Xamel.

Unang beses niya itong gagawin para sa isang babae. At sumakto pa na kaarawan ni Xamel ngayong araw.

Plano niyang itong ibigay bilang surpresa at regalo sa dalaga. Hindi lang ito basta simpleng tula. Dahil ang nilalaman nito ay isang confession.

Pinangako kasi ni Maru sa sarili niya, na kapag dumating na ang babaeng kayang bumuo ng araw niya sa pamamagitan lang ng isang matamis na ngiti, aamin siya rito sa pamamagitan ng isang tula.

Hindi dahil old-fashioned ang binata, kung hindi gusto niyang iparamdam sa babaeng napupusuan na espesyal ito at handa siyang maglaan ng oras para ipakita kung gaano ito kahalaga sa kanya.

Marami na ang nangyari ngayong buwan, at sa loob ng ilang taon na pagtanggi sa sarili na may gusto siya sa dalaga ay susubukan na niyang umamin bago pa mahuli ang lahat.

Napatigil siya sa pagsulat nang tumunog ang phone niya na nakapatong rin sa study table niya.

Nakita ng binata sa caller ID na si Charmagne ang tumatawag.

"Hello M-Maru?" bungad ng dalaga mula sa kabilang linya.

Hindi naman unang beses na nagkausap ang dalawa sa phone. Pero nahalata ni Maru na nahihiya si Charm sa tono ng boses nito.

"Bakit napatawag ka, Charm?" tugon nito at inilapag ang hawak na panulat.

Iniisip ni Maru sa mga oras na ito na, sasabihin na ng kaibigan kung anong ginawa sa kanya no'ng kumidnapped siya.

Ngunit iba ang pakay nito.

At talaga namang nagulat ang binata sa nalaman at narinig niya.

"Maru, I just don't want to be late..." He heard her sighs from the other line, "I've been looking at you from afar, over a year now." the young woman declared.

Pilit prinoseso ng binata sa kanyang isip ang nalaman.

Isang tao kaagad ang naisip niya nang mga minutong iyon; si Dean.

Ano na lang ang magiging reaksyon ng kaibigan niya 'pag nalaman nito na iba ang gusto ng taong gusto niya?
Siguradong masasaktan ito.
At maaaaring doble o baka triple pa, ang maging sakit sa oras na malaman ng kaibigan niya na siya ang gusto ni Charm.

Maru immediately shook his head because of that painful thought.

He cleared his throat before talking to Charm.

Gamit ang lahat ng lakas ng loob na meron siya sa mga sandaling iyon, ay umusal ang binata.

"Charm, hindi kita gusto." malungkot niyang sabi.

Wala sa intensyon niya ang manakit. Sa katunayan ay naiisip niyang baka biglang bumalik sa kanya ang karma, at mangyari ito sa kanya sa oras na siya naman ang umamin.

"Can't we try?" sambit ng kausap sa kabilang linya.

Umiling ang binata kahit alam nitong hindi siya nakikita ni Charm.

"Hindi sa hindi nating pwedeng subukan Charm, pero kasi–" panandaliang itong tumigil at sa huling pagkakataon ay pinag-isipang maigi kung dapat niya bang sabihin sa dalaga ang mga susunod na salita, "g-gusto ka ni Dean," pagpapatuloy ni Maru at mariing napapikit.

I'm sorry Dean.

A long pause was followed.

Maru suddenly heard Charm chuckles.

"MaruMaru, pwede ba? Wag mo namang gamitin si Dean, for your lame excuses."

"I'm telling you the truth, Charm," the young man insisted.

"Then you must support your claims." Charm challenged her friend.

Maru sighed hard.

Dean, I hope you won't neglect our friendship after this. I don't want the both of you to get hurt, because of me. And I know this is the right thing to do, right now.

"Dean confessed it to me— Charm, please listen carefully okay?" Maru stood up from his chair, "I'm not worthy of your attention and admiration. Dean is way more deserving of your love and affection." pagpapaliwag ng binata kay Charm.

Hindi na sumagot pa ang dalaga at pinatayan na ng phone ang lalaking kausap.

Napabalik sa pag-upo ang binata at napasabunot sa ulo.

What have I done? Paano kung dahil sa mga sinabi ko masira ang samahan namin?

-----

Xamel's POV

Kanina pa ako hindi makatingin sa ka-video call ko; si Dean.

Ako ang tumawag sa kanya this time, at kung hindi ko pa pinaalala na birthday ko ngayong araw, hindi niya pa ako magi-greet.

Nakakatampo rin sila Charm at Maru. Hindi ko sila ma-contact pareho kaya kay Dean na lang ako nakipag-usap.

Balak ko ring magpatulong i-decipher ang code name nung killer.
Pero kanina pa kami rito, at hanggang ngayon wala man lang kaming makuhang kahit na anong clue about sa nakakalokong code name na 'to.

Bilang umimik si Dean kaya napaangat ako ng ulo at tiningnan niya.

"I can't decipher it, Xamel," bagsak balikat nitong usal.

"Ha? Bakit naman? E ikaw nga 'yong nag-decipher n'ong sa locatio—"

"Pero trap pala iyon, at ikaw ang nakaalam." He trailed off.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Dean na parang nawawalan siya nang tiwala sa sarili niya.

Hindi 'to pwede.

"Dean, ano ka ba? Tsamba lang 'yon-" muli niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Ayon nga e, mabuti at natsambahan mo 'yon, kasi kung hindi? Maaaring dahil sa pagiging inattentive ko sa pag-decipher," he dodged my sight, "baka napahapak tayo nang sobra," pagpapatuloy nito at yumuko.

"Dean..."

"Ayoko nang maulit 'yon, I'm sorry, Xamel," saad niya at in-end na ang video call namin.

Ah gano'n?

Kung wala siyang balak tulungan ako para sa pag-decipher ng code name na 'to, gagawin ko na lang ng mag-isa.

Sa abo't ng makakaya ko ay piniga ko ang utak ko at pati na rin ang google para malaman kung anong Code ang ginamit ng killer.

14iehtil0110001
↓        ↓        ↓
a   iehtil   a

Iyan ang na-decipher ko.

Nalaman kong Atbash Code ang ginamit sa 14 at, obvious na Binary Code ang sa huling part.

Sinubukan kong i-search sa search bar ang nakalap na random letters.

aiehtila you mean alítheia?

Tanong ni Mr. Google na ikinagulat ko.

Ano 'to? Binaliktad lang ang mga letters?

Agad kong ni-click ang recommended word ni Google.

Alítheia a greek term for truth.

Ito ang nabasa ko.

Greek term?
Sandali, kailangan ko pang magsaliksik para mas maging malinaw ang lahat.

Saka bakit naman truth ang code name ng killer na 'yon? Tapos dinugtungan niya pa ng 'sol'

Wait...

Greek term of Truth.

Sino nga ba ang Greek God of Truth?

Masugid ko itong tinipa saka ni-click ang search button.

Ngunit, agad akong nagsisi sa ginawa ko.

I felt a sudden bang in my chest upon reading the result answer.



The Greek God of archery, music, healing, poetry, prophecy, truth, the Sun and light– Apollo.









Paanong si Tito Apollo?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top