EPILOGUE

Xamel's POV

"TITO APOLLO!" sigaw ko nang marating ko ang itaas ng Lumbera Bldg.

Halos mawalan ako ng balanse dahil sa nadatnan ko.

Nakagapos ang mga magulang ni Charm at parehong naghihingalo.

Ang Lolo ni Dean ay bugbog sarado at hindi ko na makilala ang mukha!

Sa fire exit ng gusali ako dumaan. Samantalang sila Charm at Maru ay naghahanap ng ibang daan para maitakas namin ang mga biktima.

"Tito A-Apollo..." muli kong sambit.

Ayaw tanggapin ng sistema ko na siya talaga ang may pakana ng lahat ng krimen. May natitira pa rin sa loob ko at naniniwalang ginagamit lang siya nung totoong killer.

"X-Xamel huwag kang lalapit sa kanya!" sigaw ng isang pamilyar na tinig.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang kaibigan kong si Dean na nakagapos sa upuan gamit ang nangangalawang na kadena. Napatakip ako ng bibig nang Makita ang sitwasyon ni Dean.

Narinig ko ang pagtakla ni Tito Apollo kaya napabaling ako sa pwesto niya.

Ipinangkamot niya sa sintido ang hawak niyang baril. Ano ba ang nangyayari? Bakit may hawak siyang baril? Papatayin niya ba ang lahat ng mga tao rito?

"Tito, bakit niyo po ito ginagawa?" naluluha kong tanong.

Napangiwi siya sa tanong ko at napahawak sa batok gamit ang kaliwang kamay.

"Paulit-ulit, nakakabobo!" bulyaw nito sa 'kin na ikinagulat ko.

Hindi iyan si Tito Apollo.

Hindi siya 'yan!

"Alam mo, ikaw," umpisa nito at itinuro ako gamit ang baril na hawak, "dapat hindi ka nangialam, Xamel." dismayado nitong saad.

Pinakinggan ko lang siyang magkwento. Gusto kong malinawan. Gusto kong malaman kung bakit siya nagkaganito!

"You did not look carefully for the connotative meaning of my message." he stated.

Anong message?

Marami siyang ipinadalang message na nakakabaliw at nakakaloko.

Mabilis at pilit kong inalala ang mga clues na ibinigay niya.

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang mga salitang "SHAMEL HIDE" sa mensaheng ipinadala niya kila Maru.

Wala nang oras para magsisi ako sa pagiging pabaya.

Tinignan ko siya at pilit na nagsumamo.

"Tito, hindi ka masamang tao..."

Tiningnan nito ang hawak niyang baril.

"It's a fact, that there's no such person like an evil. But there are people, who will unleash the demons within you."

Hindi ako makapagsalita sa mga narinig ko. Litong-lito pa rin ako sa mga sinasabi niya!

Narinig ko ang biglang pag-ubo nung matandang nanghihina na nakasandal sa dibisyon na salamin.

"P-Patawad... Apollo," nahihirapan nitong imik habang hirap na hirap tingnan ang kausap dahil sa mga mata nito hindi na maidilat.

Nilingon siya ni Tito.

"Sorrys are easy. What about taking responsibility for the things you've done?"

Hindi na muling umimik ang matanda.

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang may sumagi sa isip ko na isang alaala noong maliit pa akong bata.

"Never take revenge, let them realize," saad ko at napabaling siya sa 'kin.

"Iyon ang payo mo sa 'kin noong bata pa ako Tito," I gulped, "noong may tumulak na bata sa akin at dumugo ang tuhod ko, nilapitan mo ako at sinabi iyon sa 'kin." malungkot kong kwento.

Naalarma ako nang makita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa baril.

"I waited for 25 fucking years!" He exclaimed, "is there any realization that happened? Nothing!"

His face turned dead serious.

As if the world and time stopped for a couple of seconds.


A defeaning loud sound of a gun reverberates throughout the old building.




"P-Pa..." sambit ni Maru.

"R-Ruru?!"

Napatakip ako ng bibig nang makita kong tumagos sa salamin na sinasandalan ng Lolo ni Dean ang bala ng baril!

My system already disowned me. Tears kept on running down my face.

Walang tigil ang agos ng pula at sariwang dugo sa kaliwang balikat ni Maru.

Natumba ang kaibigan ko at patakbo akong lumapit sa pwesto niya.

"M-Maru! Maru!" tawag ko sa kanya habang inalong ko siya sa bisig ko.

Hindi!

Hindi ka maaaring mamatay!

"Apollo Gonzales! 'Wag kang kikilos ng masama!" sigaw ng isang pulis mula sa pintuan ng silid.

Namataan kong napatakip ng bibig si Charm nang matanaw niya ang kalagayan ng mga magulang niya.

Akala ko matatapos na ang lahat.

Akala ko susuko na nang matiwasay si Tito Apollo.

Sobrang tigas na nang puso niya kaya itinutok niya ang baril sa tatay ni Charm.

Bago niya pa makalabit ang gatilyo, nagpaputok ang isang pulis at nagpantig ang tainga ko sa sobrang lakas nang tunog na umalingawngaw sa buong gusali.

Pinatamaan ang binti ni Tito Apollo. Dahilan para mawalan ito ng lakas at balanse. Kaagad siyang nilapitan ng mga pulis, pinosasan at inilabas ng gusali.

Halos mamanhid ako sa mga nangyari. Ikinwento ni Dean sa akin ang lahat, kahit na nanghihina siya.

Bakit kailangan naming humantong dito?

Paanong ang taong kinikilala kong role model ng isang mabuting ama, ay isa palang mapaghiganting tao?

Sumama ako sa ambulansya kung saan isinakay si Maru.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Parang isang Dam na hindi ko alam kung saan ang pihitan para maisara.

While my heart is trying to bear an enigmatic chest pain. For the last time, I look outside from the ambulance.


At bago naisara ng Medic Team ang pintuan ng sasakyan...



Natanaw ko ang tatay ng kaibigan ko na nakahiga sa stretcher at duguan ang kaliwang binti.




Siya'y nakatulala sa puting itaas nang ambulansya.



"Patawarin mo ang P-Papa... Maru."

"Patawarin mo ang P-Papa... Maru."

"Patawarin mo ang P-Papa... Maru."




Paulit-ulit nitong sambit na tila, wala na sa tamang katinuan.

Hindi maialis ang isang tanong sa aking isip.












Ilang mabuting tao na ba sa mundo, ang piniling maging masama, para lang makamit ang katarungan, at hustisyang inaasam?

THE END.

-----

A/N:  Poteeeeeek! *curses in different languages* NAKATAPOS AKO NG ISANG MYSTERY/THRILLER NOVEL!!!
I'M SO HAPPY! I CAN'T USE ANY ADJECTIVE AS OF THE MOMENT TO DESCRIBE WHAT I'M FEELING RIGHT NOW. HUHUHUHU.

THANK YOU FOR READING UNTIL THE END. KUNG SINO KA MAN NA NAGBABASA NITO NGAYON, SALAMAT, SALAMAT, SALAMAAAAT!

And just to spoil you, yes you!

I will post special chapter so stay tuned! Sa ngayon, kailangan ko munang bigyan ng reward ang sarili ko. MAGKAKAPE MUNA AKOOO AAAACK!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top