Three

Nagising si Amanda na mabigat ang ulo ngunit pinili pa ding bumangon at hinatak ang sarili patungo sa sariling paliguan upang simulan ang kanyang araw.

Sinuot nya ang simpleng black floral skirt at kulay pink na long sleeve at tinernuhan niya ito ng black flats.

Kinuha nya ang kanyang beige na coat sa aparador at agad agad na tinanggal ang cellphone sa pagkaka-charge nito.

Sinalubong siya ng amoy ng paborito nyang almusal na niluluto ng kanyang ama. Ang nanay nya naman ay busy na inaayos ang kanilang hapag.

Napangiti si Amanda sa nakita nya. Pareho ng retirado ang kanyang mga magulang isang taon na nakakalipas.

Bagamat mahirap gumising sa umaga para magsimula ng araw, nakagawian na nilang tatlong kumain ng sabay-sabay ng agahan kahit na pwede naman na mag-almusal sila kung kelan nila gustuhin.

"Oh, gising ka na pala, anak. 'Lika na at kumain na tayo. Baka ma-late ka pa." yaya ng kanyang ina at umupo na sa lamesa.

Humalik si Amanda sa pisnge ng kanyang ama na hawak pa ang platong may lamang kanin para paghatian nilang tatlo bago sila umupo. Humalik din siya sa kanyang ina bilang pagbati.

"Sarap talaga magkape sa umaga." Napabuntung-hiningang saad ni Amanda at naisip na naman kung ano kahihinatnan ng araw na ito.

Araw ng Biyernes at naka-iskedyul na ang general meeting ng kanilang kompanya. Naka-set iyon ng alas dos ng hapon at ngayon palang ay ramdam niya na ang pagod.

Biyernes na pero parang Lunes pa rin ang pakiramdam nya.

"Stressed ka na naman ba sa meeting nyo mamaya?" tanong ng kanyang ama habang ngumunguya ng hotdog at kanin.

Tanging tango lang ang sagot ni Amanda sabay subo ng kanyang pagkain. Napatingin sya sa oras at mag-aala-sais na. Alas otso ang time in nya pero dahil sa traffic at malayo pa sya sa opisina, kinailangan nyang bumiyahe ng maaga.

"Kaya yan. Tiyaga lang at bilisan mong kumain at mahuhuli ka na naman." sagot ng kanyang ina nang makita siyang nagmamadali sa pagsubo.

Matapos ang limang minuto, nagtoothbrush ng mabilisan si Amanda at hinablot ang kanyang bag.

"Hatid na kita, 'nak! May bibilhin din akong gamot sa Mercury." nakangising saad ng ama niya at kinuha ang susi ng kanilang Toyota innova.

"Tara na, 'pa!" Humalik si Amanda sa mama niya at nagpaalam na din ang papa nya dito.

"Pianono lang ako o ube halaya pag-uwi mo, 'pa! Ingat kayo! " pahabol na sigaw ng mama niya ng nasa pintuan na sila papuntang garahe.

Sabay silang nagtawanan ng ama niya at pumasok sa sasakyan.

Habang nasa kalsada ang mag-ama, nakangiting inaayos ng kanyang ina ang natapos na hugasin at sinalansan ng maayos ito.

Tiningnan na din nya ang langit dahil maganda ang sikat ng araw.

"Parang magandang maglaba ngayon ng mga damit para mabawasan na." isip ni Aling Delia, ang ina ni Amanda.

Matapos siguruhing nakalock ang mga pinto ng gate, garahe at main door, agad na kinuha ang lagayan nila ng marurumi at sinimulang maglaba.

Sa kabilang dako, nakarating ng payapa at maaga si Amanda sa opisina 30 minutes bago ang kanyang time in.

Sinalubong sya ng ngiti ni Mang Rogelio at binati sya.

Sinuklian nya din ito ng ngiti at dumiretso sa elevator. Tahimik syang nagpasalamat at tatlo lamang sila sa elevator. Ngumiti at yumuko sya bilang pagbati sa dalawang taong kasama nya sa elevator.

Pinaypayan nya ang sarili gamit ang kamay nya ng maramdamang naiinitan na sya. Groggy at mabigat pa din ang pakiramdam nya kahit na uminom na sya ng gamot pagkatapos kumain.

Pilit na idinidilat niya ang kanyang mga mata para makita kung anong floor na pero 5th floor pa lang. Ang opisina niya ay nasa 7th floor pa.

Isang hingang malalim ang nagawa nya at wala pang tatlong minuto ay nahimatay na sya.

---

Nagising si Amanda na isang puting kisame ang bumungad sa kanya.

Lumingon sya sa kaliwa ngunit isang malinis na puting dingding naman ang bumati sa kanya.

Napansin nya ang lalaking nakatalikod sa kanya kausap ang tila ba ay Doctor sa may pintuan.

Hindi nya marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil hanggang sa mga oras na iyon, blurred pa din ang visions nya. Masakit pa rin ang ulo nya at pakiramdam nya ay namumutla na sya.

Pinikit nya uli ang kanyang mga mata at natulog. Mamaya na nya uusisain at pasasalamatan ang lalaki pag ayos na ang pakiramdam nya talaga.

Pasado alas tres na ng hapon ng magising si Amanda. Tatayo na sana sya sa kama ng mapansin nyang nakadextrose sya at may soup at rice meal sya sa side table ng kama.

To: Miss Catalin

Stay put and don't try to get out of this room. My maid will assist you with your needs and my driver will get you back to your home once you feel okay. Just use the phone beside you to call them.

Eat well and thank me later.

💐From: Your Oppa

Nilagay ni Amanda ang note sa ibabaw ng table at nagsimulang kumain. Nakita nya ang saging at sinunod iyon.

Paborito nya ang saging at mangga sa mga prutas dahil nabubuhayan sya ng loob sa tuwing kumakain siya nh mga iyon. Maliban doon, mayaman din sa bitamina ang mga nasabing prutas.

Napansin nya ang bag nya at naalala nya ang cellphone nya. Marahil ay may mga naghahanap na sa kanya ngayon.

Ms. Antonet V.

Amandaa! Ano na balita sayo! Andami ng ganap dito sa meeting! Hindi ka mahagilap!

Baklita Friend

Beeeksss! Nasaan ka? Narinig mo na ba ang balita?

Krung krung Friend

Bakla! Ano yung narinig ko? Okay ka lang ba? Asan ka na ba?

Pafame na Jubis

AMANDA! On the way na ako dyan, napag-utusan ako ni Sir kaya nabalitaan ko nangyare sayo. Wait mo ko ha!

Mama

Anak! Ang papa mo, inatake sa puso.


Amanda's world crumbled at that moment. Hindi nya malaman saan kakapit sa oras na yun.

Nawalan sya ng malay kanina. Inatake sa puso ang tatay nya. Ang nanay nya, walang kasama sa ospital.

Walang tigil na tumulo ang luha nya ng nalaman ang balitang yon.

Tiningnan nya ulet kung kelan sinend ng mama nya ang text. Three hours ago pa.

Ganoon ka-tagal siyang nakatulog.

Napahikbi sya ng tuluyan hanggang napahagulgol na sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top