Four

Andaming pumapasok sa isip ni Amanda habang patungo sila sa ospital kung nasaan ang ama nya.

Nag-iisa syang anak. Alam nya sa sarili nya na hindi pa sya handa sa buhay nya. Andami pa nyang kailangang matutunan.

Marami pa silang pagsasamahan ng kanyang mga magulang. Hindi pa nya sila nalilibot sa mundo. Kaya hindi pwedeng may magkasakit sa kanila. Madami pa syang pangarap para sa kanilang tatlo.

"Beh, andito na tayo." Sabi ni Olivia sa kanya matapos sya kalabitin.

Tiningnan ni Amanda si Olivia at bigla na namang tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi nya napansin kung papaano sya nakalabas sa kwartong iyon kanina kung saan sya ginamot pero mas mahalaga ngayon ang mga magulang nya.

Nakarating na sila sa Gracepark Hospital na nasa Q. Ave. ng hindi nya namamalayan.

Pinunasan nya ang luha at pinilit na ngumiti sa kaibigan. Hawak ang kanyang bag, niyaya na nya ito para pumasok.

Olivia squeezed her hand at sabay nilang tinungo ang ospital. Dumiretso sila sa information desk at sinabi ang pangalan ng kanyang ama.

Nasa Room 315 daw sila. Sabay nilang tinungo ang elevator at pilit na inaalis sa isipan ang sitwasyon nya ngayon.

Hindi pa maayos ang pakiramdam nya at kakausapin nya pa dapat ang tumulong sa kanya tungkol sa diagnosis nila pero inuna niya ang kanyang magulang. Hindi hamak na mas mahalaga sila kesa sa nararamdaman nya ngayon.

Natagpuan nila ang kwarto kung nasaan ang mga magulang nya at nakitang kasama nila ang dalawa pa nilang kaibigang sila Leni at Jess.

"Besh!" "Bakla!" sabay na sigaw nila pagkakita sa kanilang dalawa. Sinalubong sila ng yakap at pinaupo sa maliit na couch sa kabilang gilid ng kwarto.

Isang malawak na private room pala ang kinuha ng kanyang mga kaibigan para sa magulang nya.

"Anong nangyare, 'Ma?" hindi na napigilan ni Amanda na tumulo ang luha nya habang nagsasalita.

Iniwan muna sila ng kanyang mga kaibigan upang bumili ng makakain nila para sa hapunan sa kantina ng ospital. Tanging si Olivia ang natira at kasalukuyang nasa banyo ito.

"Ang papa mo, biglang inatake sa puso habang naglilinis ng kotse pagkatapos naming magtanghalian." mangiyak-ngiyak na sambit ng ina habang binabalikan kung ano ang naganap nang umaga. "Nahirapan kaming makontak ka kaya ang mga kaibigan mong sina Leni at Jess ang tinawagan ko para tulungan kami."

Tiningnan ni Amanda ang kanyang ama at nilapitan ito.

May mga nakakabit na dextrose at kung ano ano pang maliliit na tubo.

Napakapit ng mahigpit si Amanda sa rails ng gurney ng Ama. Tuloy tuloy ang agos ng luha nya ng makita ang sinapit ng ama.

"Ano po ang diagnosis kay papa?" ayaw man marinig ni Amanda ang kasagutan pero kailangan nyang harapin ang katotohanan.

"May heart cancer ang papa mo, anak." hirap na sagot ng ina sa kanyang katanungan. Inabutan ito ng tubig ni Olivia habang hinahagod ang likod nito upang pakalmahin.

"Ganon ka-lala?" pinilit ni Amandang pakalmahin ang sarili at panay punas ng luha ang ginawa niya.

"Malignant. Kailangan na syang ipa-chemotherapy." kalmadong tugon ng ina kahit pa patuloy ang paghihinagpis sa sinapit ng asawa.

Tuluyan ng napahagulgol ang mag-ina. Lumapit si Amanda at niyakap siya. Napatulo na din ang mga luha ni Olivia nang makita ang sitwasyon nila.

Nasasaktan si Olivia sa sitwasyon ng kaibigan. Kailan lang sila naging malapit nito pero kapatid na ang turing nya rito.

Pumasok ang doctor at kinausap sila sa magiging sitwasyon ng ama nito sa susunod na mga buwan at binanggit ang mga impormasyon ukol sa sakit ng ama ni Amanda.

Minabuti ng magkakaibigan na yayain munang kumain ang mag-ina. Hanggat maari pinanatili nilang magaan ang usapan para pagaanin ang pakiramdam sa loob ng kwarto.

Hindi nagtagal, isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan ni Amanda.

"Pasensya na, Amanda, pero may darating sa opisina bukas na VIP. Isa ako sa mga naatasang sumalubong sa kanya." nalulungkot na saad ni Leni.

"Okay lang, friend. Salamat sa pagsugod kay papa dito sa ospital kanina." tipid na ngiti ni Amanda at bumeso sa kaibigan.

"Ako rin, bakla. Magpepresent ako sa meeting bukas. Hindi ako pwedeng mawala." niyakap ni Jess si Amanda ganun din ang ina nito at si Olivia.

"No worries, friend." Amanda smiled and stayed calm despite of everything. "Thank you sa pagsama kila mama kanina dito sa ospital. Ingat kayo ni Leni pag-uwi ha."

Tango at ngiti ang sagot ng dalawa at umalis na sa kwarto nila.

Nakita nya ang kaibigang si Olivia na inaayos ang mga nadalang gamit nya sa table at aparador doon.

"Olivia, my friend, alas dies na. Late na, sana sumabay ka na kila Jess." Sabi nito sa kaibigan.

Ngiti ang sagot nito at mas binilisan ang pag ayos sa natitirang gamit.

"I'm staying." banggit nito at naluha naman si Amanda sa kabaitan ng kaibigan. "Wag mo kong alalahanin. Ibinilin - I mean, may leave credits pa ako kay boss kaya sasamahan kitang alagaan ang mga magulang mo ngayon. Kaya, ayusin mo na ang couch at magrerequest ako ng mattress at isa pang unan sa nurses' station."

"Salamat, Oli." niyakap niya ito ng mahigpit at kumalas na para ayusin ang kanilang temporary na higaan para sa kanya at kanyang kaibigan.

Nakahiga na sa cot na katabi ng higaan ng Ama ang kanyang ina at mahimbing na natutulog.

Sa dami ng nangyari sa araw ni Amanda ngayon, hindi na nakapagtatakang madali itong nakatulog sa pwesto nya bagamat sakto lang ang katawan nya sa couch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top