Forty Five

Flashback to 2004...

"Ba-bye, Mamaaaa at Papaaa!" Hiyaw ng batang si Amanda habang kumakaway sa palayong mga magulang nya lulan ng sasakyan.

Pitong taon pa lamang noon si Amanda pero madalas na siyang iniiwan o sinasama ng kanyang mga magulang sa isang ampunan sa kanilang lugar noon.

Ilang mga bata na ring kasing-edad nya ang nakikita nyang nakakatagpo ng mga magulang na sabik magkaanak o di kaya ay hindi nabiyayaan ng mga anak.

Ngayong bakasyon niya sa primary school, hinabilin na muna sya ng kanyang mga magulang kila Sister Lucy habang kinailangan nilang magtrabaho sa Maynila. Ang kanilang mga kamag-anak ay nasa malalayong lugar at ang iba ay nasa ibang bansa kaya hindi din sila makampante sa malayong biyahe.

Maliban doon, kakilala na ng kanyang inang si Delia ang mga madre dahil naging guro nito iyon noong sya ay nasa kolehiyo.

Buntong hininga si Amanda at umupo sa malawak na bakuran ng ampunan.

Nakita nya ang santan sa tabi niya at pumitas doon.

Pangiti-ngiting pinagmasdan ni Amanda ang makulay na pulang bulaklak at paminsan-minsa'y hinihipan ito.

Kasabay ng pag-ihip nya sa bulaklak at paglagas ng mga petals nito ay sya ding ihip ng malakas na hangin.

Napatingin si Amanda sa langit at napansing madilim ang kaninang maliwanag na kalangitan.

Pasado alas-nuwebe pa lang ng umaga pero mukhang gabi na dahil sa nagbabadyang malakas na ulan.

Wala pang ilang minuto ay pumatak na ang ulan sa bubong ng ampunan kasabay sa pagkabasa ng kanyang dress na suot.

Maya't maya din naririnig ang malakas na kulog at kitang-kita ang kidlat matapos tumama sa kung saan.

Napapayamot nalang si Amanda habang tinatakpan ng kanyang maliliit na kamay ang kanyang tenga.

Gusto nyang umalis sa kinaroroonan ngunit nangibabaw ang takot nya sa kulog ng mga oras na yon.

Basang-basa na sya pati na ang kanyang mga braso nang makita nya ang kulay dilaw na payong na nakatakip sa kanyang ulunan upang hindi na sya mas mabasa pa.

Tiningnan nya kung sino ang may mabuting loob na may hawak non at ngumiti sa batang lalaki na minsan na nyang nakita sa ampunan.

Nasa sampu o labing-isang taong gulang ang batang lalaki na iyon.

Sa halos isang beses sa isang buwan na pagbisita nila Amanda sa ampunan ay bilang ang araw na nakikita nyang lumabas ang lalaki.

Natatanaw nya lamang ito sa kwarto habang sya ay masayang nakikipaglaro sa mga batang kaedaran nya sa bakuran ng ampunan.

Madalas ay hinahatiran lamang ang lalaki sa kanyang kwarto ng pagkain.

Ang rinig ni Amanda ay iniwanan ito ng kanyang mga magulang noong sanggol pa lamang at hindi na binalikan pa. Nakita lang daw ang sanggol sa labas ng gate ng ampunan at hindi na nakita kung sino ang nag-iwan sa kanya.

Ang batang lalaki ay matangkad para sa kanyang edad. May singkit na mga mata at maputi ang kulay ng balat. Manipis din ang labi nito na halatang may banyagang lahi.

"Tumayo ka na diyan, bata at magkakasakit ka." banggit nito at tumango lamang si Amanda.

"Salamat, kuya." Ngiting sambit nito at tumayo sa kinauupuan.

"Hindi kita kapatid kaya wag mo akong tawaging kuya." Matipid na sagot ng batang lalaki habang sinasara ang payong ng makapasok na sila sa loob.

Hinatid sya ng batang lalaki sa tapat ng kaniyang kwarto at tinitigan muli bago ito tumalikod at lumayo.

"Ano pangalan mo po, Kuya?" pahabol na sigaw ni Amanda sa kanya habang yakap ang sarili.

"Parker." sagot nito at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto nya.

Napangiti si Amanda at mabilis na naligo at nagpalit ng damit.

--
Lumipas ang ilang mga taon at nasa hayskul na si Amanda ng muli syang makabalik sa ampunan.

Hinanap nya ang batang lalaki at napag-alaman nyang may kumupkop na dito na mayamang pamilya at isinama na ito sa ibang bansa.

Kasabay ng pag-alis ng lalaki ay ang paonti-onting pag-alis na din ng kanyang mga kaibigang sila Toniboy, Ayah at Ivy.

"Sige po, Sister Nads, bibisita na lang po kame ule sa bakasyon ni Amanda." nakangiting paalam ni Aling Delia sa kasamahan ni Sister Lucy sa ampunan. "Mag-graduate na rin po kasi si Amay ngayong taon. Triple po ang kayod muna namin ni Enrico para sa kolehiyo nya."

"Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak. Mag-iingat kayo sa byahe nyo. Pagpasensyahan nyo na si Sister Lucy." pagpapaumanhin ni Sister Nads sa kanila sa labas ng ampunan. "Ganon talaga pag tumatanda. Sinusumpong na ng sakit sa katawan." mahinang halakhak ng madre.

Hindi maiwasang matawa ng mag-anak na Catalin.

Nag-abot ng kaunting pera si Mang Enrico kay Sister Nads na syang pinagpasalamat nito.

"Alis na po kami, Sister. Baka ho abutin po kame ng ulan sa daan." muling sambit ng ina ni Amanda.

Nagsilbing hudyat iyon para yakapin ang madre sa harap nito.

Napamahal na ang dalaga sa mga madre sa ampunan kaya hindi sya sanay na matatagalan pa bago sya makadalaw ulet sa mga ito.

"See you soon, Sister. " Ngumiti si Amanda at binigyan ng halik sa pisnge si Sister Nads. Ganon din ang ginawa niya kay Sister Adel na katabi nito.

Kumaway ang mag-anak bago sumakay sa kanilang lumang owner jeep at umalis sa lugar.

Sa hindi kalayuan, siya namang dating nila Mr. Park So Min, ang kumupkop kay Parker, na syang matagal ng gustong makita muli ni Amanda. Kasama ni Mr. Park ay ang kanyang asawang si Park Emilia. Lulan sila ng isang puting civic. Nakaupo sa harapan katabi ang kanilang butler ang ama ng tahanan samantalang magkatabi sa likod sila Emilia at Parker.

Agad na ipinark ni Joseph, ang butler, ang sasakyan at naglabas ng payong para kay Mr. Park.

Sya namang dating ng isang sasakyan pa sa likod nila kung nasaan ang tatlo pang bodyguards nito. Ganon din ang ginawa nila para sa mag-ina.

Nakangiting binati nila Sister Nads ang pamilya dumating.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top