Chapter 5 (R18)
(Warning.. R18-Intimate Scene-)
Authors Note!!
Sabi nila kapag may warning mas exciting. Pero kung bata ka pa, matakot ka kasi baka magarute ka lang ng nanay mo!!
Sa mga makakabasa naman i hope na magustuhan nyo. Haha, Di talaga ako magaling gumawa ng mga BS tulad ng mga fav. Authors natin. kaso kailangan talaga to sa Scene eh. Haha..
Happy Reading.. I LOVE YOU!! ❤
**********************
FAST FORWARD...
higit isang taon na rin simula ng magkakilala kaming dalawa ni Ash.
Nakilala ko na rin sya ng lubusan.
Nakakasama ko na rin sya sa gimikan.
Sa tuwing hindi sya busy sa work nya ay pumumunta sya sa bahay namin, As usual naglalaro pa rin kami ng ML kung saan kami unang nagkakilala.
Minsan nga ay napagkakamalan na kaming couple dahil sa madalas naming pag sasama.
Minsan aaminin ko na kinikilig na rin ako sa mga banat nya.
Maraming nagsasabi na Label na lang daw ang kulang sa aming dalawa.
Tinatawanan ko na lang minsan.
Pero minsan talaga hindi ko maiwasang isipin na What if mangyari nga iyon?
Minsan kasi kahit ako ay iniisip ng may gusto sya sa akin, pero ayaw ko namang mag assume dahil sa huli masasaktan lang din ako.
Sabado ngayong araw at naisipan kong tawagan si Ash.
"Busy ka??" Paunang tanong ko.
"Nope."
"Tara Hiking tayo?" Nakangiting anyaya ko sa kanya.
"Hiking ??"
"Oo, Akyat tayo ng bundok. Masaya yon!" Wala pa man ay naeexcite na ako.
"Uhmm.. O–Kay!"
Matapos kong ibaba ang linya ay nagmamadali na akong umakyat sa kwarto ko para kuhanin lahat ng dadalhin ko.
Noong isang linggo ko pa sana sya balak yayain ang kaso nga lang ay busy sya sa trabaho.
Natapos na ako sa pagiimpaki ng marinig ko na ang tunog ng sasakyan nya sa labas.
"Ashh.." Excited akong lumapit sa kanya dala dala ang mga gamit ko.
"Too excited, huh?" Nakangiting aniya.
"Syempre!"
"Ashton, ingatan mo 'yang anak ko isauli mo sya ng buo sa amin, maliwanag?" Mula naman sa likuran ay nag salita si mama.
"Yes, Tita!"
"Oh, sya lumakad na kayo. Mag iingat kayo.— Anak, yung bilin ko sayo!"
Ayan na naman si mama sa mga bilin na yan eh!
"Opo na, Ma. Alis na po kami."
Nang makapag paalam ay tuluyan na kaming umalis.
"Bakit naman hiking ang naisipan mo ngayon?"
Nasa gitna na kami ng byahe ng magsalita sya.
"Gusto ko lang mag unwind. Ayaw mo ba?" Binalingan ko sya ng tingin habang sa daan naman naka focus ang mga mata nya.
"Tss.."
"Nakita ko kasi sa Newsfeed ko yung Kawa falls sa may Coronadal? Sabi nila maganda daw ang lugar na iyon." Pagkukuwento ko.
"Ang layo no'n ah?"
"Ayaw mo ba?"
"Tsk!"
"Sige na minsan mo lang ako masamahan eh. Lagi ka na lang busy!"
Para akong bata na nagmumukmuk sa isang bagay na hindi ko makuha.
"Yeah! Fine. Fine! Here we go Kawa falls!"
Kunwari pa syang naeexcite pero nahihimigan ko naman yung pagkapilit sa boses nya.
Halos abutin na kami ng hapon ng marating namin ang coronadal.
Kinuha namin ang lahat ng dala namin sa likod ng kotse nya. Matapos iyon ay nag umpisa na kaming mag lakad kasama ang tatlong mag tu-tour guide sa amin.
Natutuwa ako sa part na hinahawakan nya ang mga kamay ko upang alalayan ako na huwag madulas sa dinaraanan namin.
Napaka ganda ng lugar na ito, Ang naglalakihang puno, Mga iba't ibang uri ng bulaklak. At ang huni ng mga ibon na para bang umaawit ng isang masayang awitin.
Ala sais na nang gabi ng marating namin ang tinatawag nilang Kawa falls.
Kaagad akong namangha sa ganda nito,
Wala pa man ako sa tubig ay para bang gusto ko ng maligo roon.
Excited akong nagbaba ng mga gamit, Hindi ko na nga namalayan na ganon na lang ang titig sa akin ni Ashton.
Bahagya akong nahiya kaya naman nilapitan ko sya.
"Napaka Ganda di'ba?" Inilibot nya ang paningin sa paligid at saka iyon tumigil sa mga mata ko.
"Hm.. Napaka ganda talaga." Napalunok na lang ako ng bigla syang ngumiti sa akin.
Nag umpisa na kaming magtayo ng tent naming dalawa at mabilis naman naming natapos iyon.
Si ashton ang unang natapos kaya naman nag set din sya ng Bonfire di kalayuan sa tent namin.
Napakalamig din sa lugar na ito kaya naman naisipan kong kunin ang cardigan na dinala ko.
"Wanna drink?" Inabot nya sa akin ang isang bote ng beer. Kaagad ko naman iyong tinanggap.
"Thanks, Ash"
"Napagod ka ba?"
"Slight. Ikaw?"
"Nah.."
"Bukas maligo tayo sa falls, Ash!" Magiliw na wika ko.
Wala pa man ay gusto ko ng lumipas ang buong gabi.
Nasa harapan kami ng bonfire na ginawa nya. Masayang nagkukwentohan, Tumatawa sa mga birong binibitawan ng isa't isa.
Naisipan naming mag laro ng spin the bottle, Aaminin kong nag eenjoy talaga akong kasama ko sya. Kontento ako sa kung ano mang meron sa aming dalawa.
Ngunit ang kaninang tawanan ay nauwi sa isang masinsinang usapan.
Kung kanina ay naglalaro lamang kami, ngayon namin ay pareho na kaming nakatitig sa isa't isa.
Ang tama ng alak ay nararamdaman ko na rin sa buong katawan ko. Nakikipag laban ako ng titigan sa kanya, Hinuhulaan kung ano ang sasabihin nya.
"Do you see me as your Boyfriend, Athenna?" Nang walang ano ano'y Tanong niya. Ang beer na hawak ko ay wala sa sariling tinungga ko.
"Huh??" Kahit pa malinaw kong narinig iyon, ay pinili ko pa ring mag bingibingihan.
"Tsk.. I'm asking you, Do you see me as your Boyfriend, Athenna." Pag uulit nito ng mas malapit na sa akin ang mukha.
Bahagya akong lumayo ngunit hinawakan nya ang kamay ko at saka iyon inilapat sa dibsib nya, Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nya.
"So..." Naghihintay sya ng isasagot ko.
"Hmm... Yes" Naka tungong sagot ko. Narinig ko ang pagngisi nya.
"Ikaw, Do you see me as your Girlfriend?" Pagbabalik tanong ko sa kanya.
Mabilis nya iyong sinagot.
"Nope" Nasaktan ako sa isinagot nya, para bang gusto ko na lang lumubog ngayon din sa pwesto ko. Nag sisisi ako na nagtanong pa ako. "‘Cause I see you as my Beautiful wife. Ziah." Hindi ko inaasahang idurugtong nya ang mga salitang iyon.
Gusto kong maluha. Hindi dahil malungkot ako kundi dahil masaya ako.
"Ash.."
"Do you miss me when you can't see me?" Muli na naman syang nagtanong.
"Oo— Ikaw?"
"Nope, because even though I'm always with you, I still miss you."
"Tss. Lasing ka lang, Ash." Pagtatapos ko ng usapan. Tumayo na rin ako at pumasok sa loob ng tent ko. "Gusto mong maligo sa Falls? Tara?" Sigaw ko sa kanya, Nagbibihis na rin kasi ako ng damit panligo dito sa loob.
Nang lumabas ako ay kitang kita ko kung paano nilamon ng gulat ang mukha nya. Maging ang biglaang paglunok niya ay malinaw na nakita ng mga mata ko.
"Ngayon ka lang nagkita ng babaeng naka Swim suit?" Sarkastikong tanong ko. Dahan dahan akong lumakad palapit sa kanya.
"Damn!" bulong nito na akala nya siguro ay hindi ko maririnig.
"Tara maligo tayo, sayang naman kung hindi natin susulitin di ba?"
Hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil basta ko na lamang syang hinila. May dala pa rin syang dalawang beer sa kanang kamay nya ng lumublob na kami sa tubig.
Iniabot nya sa akin ang isa at kaagad ko naman iyong binuksan.
Ang liwanag nang buwan ang syang nag silbing ilaw namin.
Magkatabi kaming dalawa sa isang malaking bato habang ang mga paa namin ay parehong nakalublob sa malamig na tubig ng Talon.
"Athenna.." Namamaos na sambit nya sa pangalan ko.
"Mm?" Tugon ko ng hindi sa kanya nakatingin.
"Will you be mad if I kiss you?" Pakiramdam ko ay nag init ang buong mukha ko, Ano ang isasagot ko?
Pareho na kaming dalawa na nakainom.
Aaminin kong may tama na rin ako.
"Gusto mo ba akong halikan?" Pagbabalik tanong ko. Sinasabayan ang gusto nya.
"Kung alam mo lang.." Seryosong sagot nya.
"Do what you want, Ash."
"Huh.? "
"You want to kiss me, right?" Tumango lamang sya. "Kiss me the way you want, Ash. And I will kiss you the way I want too."
Hindi na sya nagsalita sa halip ay hinaplos nya ang magkabilang pisngi ko, Pinagdikit nya ang mga noo naming dalawa, Kung pakikipaglaban lang ang makipag titigan sa kanya siguro ay nanalo na sya dahil hindi ko iyon matagalan.
Nakita ko kung paano nya dahan dahang ipikit ang mga mata nya kasabay non ang paglapat ng labi nya sa labi ko.
Tila libo libong boltahe ng koryente ang nararadaman ko sa pagkakataong nagtagpo ang parehong mga labi naming dalawa.
Nalalasahan ko sa mga labi nya ang alak na pareho naming iniinom kanina.
Sa umpisa ay mabagal ang pamamaraan ng paghalik na ginagawa nya hanggang sa unti unti na iyong lumalalim at para bang mas nakalalasing pa ang ginagawa nya kumpara sa pag inom ko ng alak kanina.
Ganito pala ang pakiramdaman ng mahalikan. Para akong nakalutang sa ere at ayaw ko ng bumaba pa.
Naramdaman ko na lang na bumababa na ang magkabilang kamay nya sa mga braso ko at unti unti pa iyong bumaba na para bang may hinahanap ito. Hanggang sa huminto iyon sa bewang ko, Pareho ng nakalubog ang kalahati ng katawan namin sa tubig,
Ang kaninang mabagal na paghalik nya ngayon naman ay unti unti ng naging mapusok, halos hindi na ako makahinga.
Dahil sa tama ng alak ay nag paubaya na ako at aaminin kong nagugustuhan ko rin ang ginagawa nya.
Naiyakap ko na lamang ang magkabilang kamay ko sa leeg nya at saka nag umpisang gumanti ng halik sa napakalambot na labi nya.
Muli nya akong hinaplos sa magkabilang pisngi at saka niya bahagyang itinabingi ang ulo ko, nagulat na lamang ako ng maging ang dila ko ay kanyang inangkin.
Nagdulot iyon ng kakaibang init sa katawan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ng may lumabas na ungol sa bibig ko.
Saglit nyang itinigil ang ginagawa..
"Fuck!" Muling bulong nito.
Napakaliwanag ng buwan ngunit napaka dilim naman ng mga mata niya.
Muli nyang itinuloy ang ginagawa. Ganon na lang ang pag iwas ko ng maramdaman ang pag pisil na ginagawa nya sa bewang ko.
Pinipigil kong matawa dahil sa kiliting nadudulot non. Ayaw kong masira ang moment na ito dahil lamang sa nakikiliti ako.
Ganon ba sya manggigil sa mga labi ko, gayong kulang na lamang ay kagatin nya ito?
Labi ko lamang ang hinahalikan nya ngunit buong katawan ko ang apektado lalo na ng mas ilapat nya ako sa katawan nya.
Mas ikinagulat ko pa ng maramdaman ang Bagay na iyon sa pagitan ng mga hita nya.
Naiilang ako.
Ako na ang ang unang tumigil dahil natatakot ako sa posible pang mangyari.
"Why?" Nagtatakang tanong nya. Humakbang ako ng dalawa patalikod sa kanya upang bigyan space ang pagitan namin.
"Y-yung ano mo..." hindi ko masabi ang nasa utak ko tumingin na lamang ako sa babang parte ng katawan nya upang malaman nya kung ano ang ibig kong sabihin.
"Ginising mo, eh.." Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin.
Tinalikuran ko na sya at bumalik sa Tent ko. Kinuha ko ang robang nasa loob at saka iyon isinuot.
Naka upo na ako sa telang inilatag ko sa damuhan ng lumapit si Ash sa akin dala ang gitara nya.
Iniisip ko pa rin ang nangyare kanina.
"Hey.." Usal nito.
"Ash.."
"Hm??"
"Pwede mo bang linawin kung ano ba talaga ako sayo?— I mean, Kung gusto mo ba ako. Kailangan ko lang talaga ng sagot. Please. Ash"
Sa halip na sumagot sya, Inawitan nya na naman ako ng isang kanta.
Oh, I'm obsessed
With the way your head is layin' on my chest
How you love the things I hate about myself
That no one knows, but with you, I see hope again
Sa twing kumakanta sya ay para bang nababasa ko lahat ng laman ng utak nya.
Oh, I'm a mess
When I overthink the little things in my head
You seem to always help me catch my breath
But then I lose it again
When I look at you, that's the end
Ang lalaking ito, Sa tuwing di nya masabi ang nararamdaman nya palagi nya na lang idinadaan sa awitin ang lahat.
And why do I get so nervous when I look into your eyes?
Butterflies can't stop me fallin' for you
Hindi nya inaalis ang mga mata nya sa pagkakatitig sa akin, Lihim akong nangiti dahil sa lirikong iyon.
And darlin', this is more than anything I felt before
You're everything that I want, but I didn't think I'd find
Someone who is worth the wait of all the years of my heartbreak
But I know now I found the one I love
Ngayon pa lang ay gusto ko na muli syang halikan, haha Ewan !
Tinapos nya ang kanta, kasabay non ay ang muli nyang paglapit sa akin.
Nagkamali ako ng isiping hahalikan nya ako, dahil tatlong salita lamang ang kanyang binitawan ngunit nakapag payanig naman sa buong katauhan ko.
"I LOVE YOU"
Maging ang lakas ng tibok ng puso ko ay naririnig na ng mga tenga ko.
Natulala ako at hindi alam ang tamang itutugon.
Sya lang ang lalaking nakagawa sa akin ng ganito.
Nagkamali rin ako ng akalaing tapos na ang sasabihin nya dahil muli na naman syang nag salita.
"Please, tell me you Love me too, Athenna." Tila ba nagmamakaawa ang boses nya ng isatinig iyon.
At aaminin kong nahuhulog na rin ako sa kanya.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na mapusok na hinahalikan ang lalaking ngayo'y nagtapat na ng tunay nyang nararamdaman sa akin.
Napaka saya ko at iyon ang totoo.
"Salamat, Ash." Iyon lamang ang nasambit ko ng maghiwalay ang prehong mga labi namin.
"Hindi iyan ang inaasahan kong sasabihin mo, Ziah." Seryosong anito. Hinahaplos pa rin ang pisngi ko.
"Hahalikan ba kita kung hindi tayo pareho ng nararamdaman?"
"Damn.. Just say it, Athenna. I want to hear you saying that you love me too."
Napaka cute nya sa tuwing nabubugnot sya, Para syang isang bata na hindi magawang makuha ang anumang gusto nya.
"Tss.."
"I'm fucking waiting, Hon."
Tila ba nag init na naman ang pisngi ko ng marinig ang itinawag nya sa akin.
"Napaka mainipin naman ng future boyfriend ko.." Pagbibiro ko.
"Just say it..."
Natawa na lamang ako ng makita ang nakakunot nya ng kilay.
"Ayoko!"
"Say it,"
"No..."
"Hon.."
"Mukha mo, Ash!"
"Damn!" Pagkasabi nun ay bigla na lamang syang tumalikod at nag lakad palayo sa akin..
"MAHAL RIN KITA, ALLEN ASHTON!!" Pagsigaw ko kaagad nya naman iyong narinig.
Hindi nakawala sa mga mata ko ang pag ngiti nya..
"AT WALA NA RIN AKONG BALAK KONTRAHIN PA YUNG NARARAMDAMAN NG PUSO KO!" Pagpapatuloy ko.
Unti unti na rin syang naglakad palapit sa akin sinalubong ko na rin sya.
"I love you, Atenna.. —I love you too, Ash!"
************
A/N
Akala nyo may chuchakan no?? Haha! Ayokong mareport ang account kong ito mga kamote! Hahaha.
BTW KUMAKAWAY NA SI MR. EPILOGUE...
Yun lang thankyou!
I LOVE YOU❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top