Chapter 6 : She Is Back

Brooklyn's P.O.V

Hi ako nga pala si Brooklyn Jane Mariano! 16 years old na ako and i have a brother his name is Dane Alexander Mariano,sabi nila malayo daw ang personality naming dalawa.Siya cold and heartless samantalang ako ay happy (always) at lovable.Sa totoo naman eh mabait yun si Xander,kaso lang dahil kay Sophia? Nawasak siya.

Stupid Santiago! Pag nakita ko siya ulit talagang kakaladkarin ko siya papuntang c.r tapos ipapainom sa kaniya ang tubig ng inodoro.Ano kaya lasa at feeling noh? *evil laugh*.

Nandito pala kami ngayong tatlo sa bahay ni Ashley.Well joke lang,nandito ako ngayon sa park,guess what? Kasama ko si Nathalie,ang youngest sa family namin.

Nag-decide ako na umuwi ng maaga para maipasyal ko tong si Nathalie,she is 13 years old,and mature na rin siya mag-isip,minsan lang magiging childish kung makakakita ng cotton candy.

At wala rin kaming pasok dahil dun sa nangyari kay Mariela.Ano ba kasi yung pumasok sa isip niya at pinatay yung sarili niya? I mean,walang taong perpekto,at...siguro di niya na nakaya ang problema niya.Pero sana hindi siya namatay.

"Oh ate,bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo?"tanong sakin ni Nathalie.

"A-ah wala...wala...may naalala lang ako"sagot ko.

"Ano naman yun?"tanong niya.

"Gusto mong malaman?"tanong ko pabalik.tumango siya.

"Meron kasi akong classmate na sinaksak ang sarili niya sa kutsilyo kanina,dahil siguro sa family or life problems niya,nagsasawa na siguro siyang mabuhay"sabi ko at natawa.

"Pero dapat hindi niya ginawa yon,dahil pwede namang ayusin eh,lahat ng problema naayos,kasi hindi tayo bibigyan ni God ng problema ba hindi naayos,or di kaya pagsubok niya yun sa buhay,kaya dapat magaling ka sa pagtahak ng buhay mo"sabi niya.

"Alam mo tama ka...pero huli na eh,nandun na siya sa hospital bed,nakahiga habang pikit ang mata"sabi ko.

"Bakit parang ikaw yata ang namomroblema sa problema nila ate? Let them live their own life"sabi niya.

"Okay..okay..don't worry I'll let them be,and forget about it"sabi ko.Kaya dahilan naman yun sa pag-smile niya.

Nagpaalam sakin si Nathalie para bumili ng ice cream dun sa tapat,nandito kasi ako ngayon sa bench umuupo (alangan naman lumilipad).Tumingin ako dun si may churo na vendor,ng makita ko siya....

Pinikit ko ang mga mata ko at kinusot ko ito at tiningnan ko siya uli.Talagang siya yun...hindi ako nagkakamali...siya talaga yun,tandang-tanda ko pa ang itsura niya.....hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago...paano kaya ang ugali niya?......

Kuya must now that.......SHE IS BACK.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top