Chapter 10
Hi guys! sorry kung ngayon lang ako nakapag-update hehe. Gabi na po at alam kong alam niyo yun. Hindi po kase ako nakapag-update kanina kase may contest pa kami sa isang Marching Band. At 2nd placer kami. So....isa po ako sa mga Minorette's and sana po naging champion ulit kami kaso......cheater ang kalaban namin, ayun sila ang nag-first kahit na mas maganda pa naman performance namin. Pero sige lang p-nagbigyan nalang namin sila....kase palagi nalang kaming champion (totoo po.) Anyways moving on chapter 10 na po ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(Continuation of Chapter 9)
"Hindi ba pwede? bibig ko toh kambal!"- Aiden.
Kambal ang tawagan namin. Kaya ang ibang tao hindi alam ang pangalan namin..nakikitawag nalang sila ng 'kambal' sabi nga nila weird daw ng pangalan namin. Eh hindi naman talaga namin yun pangalan eh! ginaya niyo lang pangalan namin , so ano ngayon? kambal na namin lahat ng babae dito?? eww no yuck!
"Oh edi shing! bibig mo na kung bibig mo!" sigaw ko pabalik.
"Guys! wag na muna kayo magbangayan please, marami ng nakatingin sa inyo eh"sabi ni Brook.
Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid And she is right. Marami ng nakatingin samin. May lumapit naman na babae samin na nakangiti.
Ay ateng baliw lang ang peg? anong nginingitingiti mo diyan?
"Hi kambal!!" - girl.
See? nakikitawag na rin siya. Cheap este Ang ganda ganda ng mukha, pero di naman kita kakambal ah!. Mas maganda pa kaya toh! hayssss,.....kase good girl ako. Wala na akong palag kaya ngumiti nalang ako.
Para akong baliw, wala namang rason para ngumiti ah!
"Ako nga pala si Felisa! but you can call me lisa!"sabi niya samin.
"Ah Lisa......"panimula ni Aiden.
"Yes???"tanong niya kay Aiden.
Wow ha! parang bituin na ang mga mata mo ateng! masyadong nagniningning!
"Kailangan na namin umalis eh, sige bye!"sabi ni Aiden at hinila kaming dalawa ni Brook.
Ano naman ang problema ng lalaking toh at biglang nanghihila? helllloooo! may sarili kaming paa para maglakad. Anyways back tayo kay Felisa, maganda naman siya, may itsura ba kumbaga. Kaso, parang slut siya, hindi naman sa nanghuhusga, kaya nga 'parang' eh. Pero mukha palang niya, at ang pag papakilala samin ng walang halong kaba at, takot para bang sanay na siya makipag-usap ng hindi niya kilala . Well except siguro kay Aiden, sikat siya eh.
Para bang FC siya masyado samin. Hindi naman kami magkakilala eh, first name niya lang ang sinabi niya, walang last name surname. Pero ang nickname meron. Nakakapagtaka lang huh? Tse! kalimutan na nga muna natin siya! sumasakit ulo ko sa kaka- isip eh. Wait parang tumatakbo na kami ha.
"Tumakbo kana bess! maraming naghahabol satin!" sigaw sakin ni Brook.
Wait malayo na pala ang natakbo nila? Hala! kailan pa ako lutang?
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang hundreds of hundreds na fangirls ni Aiden. Tumakbo naman ako ng mabilis hanggang sa naabutan ko na silang dalawa. Ilang minuto rin nawala na sila. At nakapagtago na kami sa likod ng school.
Ako? hingal na hingal...wait..parang hindi na ako makahinga.
"A-aiden *hinga* h-hindi ako m-maka h-hinga!"sabi ko.
"Ha? Ano?!"tanong niya.
"A-aiden..B-brooklyn"yan ang huling nasabi ko and it all went black.
Narinig ko pa nga'ng sumigaw si Brooklyn ng.."Dalhin mo siya sa hospital Aiden!".
Bakit hindi ako makahinga? bakit bigla bigla akong nahimatay? Ito ba ang sanhi ng pagtakbo ko? parang hindi naman toh nangayayari sa iba ah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top