Paper 7
TELUNA
Nasobraan ata ako sa inspiration kagabi. Alas dos na ako ng umaga natapos magsulat ng manuscript ko, kaya ngayon lantang gulay akong pumasok sa subject namin. Minalas pa dahil PE namin ngayon. Buti na nga lang darts ang lesson kaya walang takbuhan at gulungan na magaganap, pero malabo ang mata ko. Advance na sorry na lang siguro sa mga kasama ko sa grupo.
"'Yan, late night talks pa more," biglang sabi sa akin ni Sanderson o mas kilala sa tawag na Sander, isa sa mga barkada ni Thomas.
"Sana nga may ka late night talks," natatawa kong sagot. Ka late-night-talk ko lang naman 'yong mga co-writer ko sa Readme, wala ng iba. Minsan nga iniisip ko kung kailan ako icha-chat ni Thomas. Hindi niya naman din kailangan mahiya sa'kin. Ako lang 'to! Si Teluna. Si Teluna na umaasa.
"Sige, doon muna ako." Pagpapaalam niya saka lumipat sa kabilang dulo ng gym kung saan andoon din si Thomas at ang iba pa nilang mga kasama.
"Himala, ba't lumapit sa'yo 'yon?" tanong ni Richard na kararating lang mula sa dorm ni Alex. Doon kasi siya tumatambay tuwing lunch time kasama ang iba nilang mga kaklase. Hindi lang ata lunch time, nandoon sila sa tuwing vacant time, sila na nga ata ang real boarders doon.
"Wala, dumaan lang."
"Ganun ba. Oh? Kulang ka sa tulog, mamsh?" wika ni Alex nang makita ang matamlay kong mga mata.
"Oo, alam mo na. Kayod tayo," biro ko.
"Kayod ka, jan. Teka kumusta naman kayo ni Thomas?" mahinang tanong ni Richard.
My body unconsciously reacted to the question, as if a taboo word was mentioned, ay mabilis akong lumingon kay Richard.
"Umaasa ka pa rin ba? Okay lang 'yan mamsh, puwede ka namang umasa." Ito ang self-destructive na advice ni Alex, dati pa lang ay lagi na niya itong sinasabi sa akin. Sa crush man, sa skwela, o sa buhay . Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Sana all na lang talaga.
"Gaga, ang tamang advice sa ganitong usapan ay asa responsibly, ayaw ko naman ma-false alarm no," sagot ko. Asa responsibly. Ang advice na laging binabato sa akin ng rational self ko, ng matino kong sarili.
"Big word," tawang-tawa nilang sabi.
"Ikaw na talaga ang ultimate word maker, mamsh." Pinagsusuntok ko ang tiyan nila dahil sa inis. Hindi ata nila sineseryoso ang sinabi ko.
"Nana, okay lang 'yan. Sure kami na hindi 'yan false alarm, ramdam namin. Ramdam ng buong klase," siguradog sabi ni Richard.
"Tumpak, mamshie Nana."
Sa totoo lang ay wala akong tiwala sa gut feeling ng mga ito, pati na rin sa akin. Hindi nga kasi ako pilingera, ayaw ko rin umasa. Asa responsibly na nga lang talaga siguro ang puwede kong gawin para hindi masaktan. Ah. Ulit, mali. Asa responsibly na lang ang dapat kong gawin para hindi masyadong masaktan. Kasi masasaktan at masasaktan din naman talaga ako kahit pa alam ko na kung ano ang puwede na mangyari sa dulo. 50-50 nga kasi.
Sunod ay gumawa na ng pila ang apat na grupo na magkakalaban, we were grouped in advance para maging madali na ang laro namin ngayon.
"Oh yung magka-grupo pili na kayo ng leader niyo, magbunutan tayo sa mga makakalaban natin," a classmate announced.
Hindi ko maalala pangalan niya kaya tinatawag ko siyang Tutoy. Pandak kasi siya at medyo may kapayatan, malayo sa tamang pangangatawan ng isang college student. Alam ko, napaka-judger ko pero hindi ko naman sinasabi 'to sa iba, akin akin lang 'to.
"Richard, ikaw na bumunot." Itinulak namin ni Alex si Richard para umabante siya sa halos pantay naming pila. Halos lang, kasi pasaway ako. Nasa likod ko kasi si Thomas, as in likod ko lang, kinakabahan ako kaya hindi ako tumayo ng maayos sa pila at parang linta na nakayapos ako ngayon kay Alex.
"Ano ba Nana ang init-init oh," reklamo niya sabay mahina akong itinulak palayo. Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya para hindi ako makabitaw.
"Mamsh, please. Let me be," nagmamakaawa kong bulong sa kanya saka kunwari ay iiyak na ako sa sobrang kaba.
Tinitigan niya ako ng matagal bago binigkas ang kahuli-hulihan niyang subok na palayuin ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo, Nana." Ngumiti ako ata mas mahigpit pa siyang niyakap.
"Baka magselos jowa ko nito," sabi niya.
"Hindi 'yan, maghihiwalay din naman kayo," I jested.
"Huy, 'wag naman sana!" gulat niyang sagot sabay siko sa akin. Tinawanan ko lang siya ng malakas.
"Ang sarap manakot ng kaibigan." Pero kaagad din naman akong tumigil nang maalala na nasa likod ko nga lang pala si Thomas.
"Telz, para kang linta, " natatawang wika ni Thomas nang mapansin ang biglaang pagpipigil ko ng tawa.
"Bakit? Gusto mo ba na ma-experience ang madikitan ng lintang si Teluna?" I thought out loud.
"Walang hiya ka self." Siniko ulit ako ni Alex dahil sa sinabi ko.
"Charot." Mabilis kong bawi. "Ha-ha-ha. Galingan mo mamaya para highest tayo." I awkwardly stretched my fist to Thomas para makipag-fistbump sa kanya. Ngumiti muna siya ng pagka gwapo-gwapo bago mahinang ibinangga ang kanyang kamao sa akin.
"Goodness gracious, baka hindi ko na 'to hugasan ng isang linggo." Pagpapatawa ko sa sarili.
Maingay at masaya ang simula ng laro namin. Kahit walang takbohan o habulan o kaya naman bola na kasali sa larong darts ay nag-enjoy pa rin kami.
"Telz, ikaw na!" tawag sa akin ni Thomas. Nagpapahinga pa kasi ako sa bench, katabi ng mga bag naming lahat.
"Go go go Telz!" Pag-cheer niya sa akin.
Pakiramdam ko tuloy naging instant supportive boyfriend ko siya kahit hindi naman talaga. Malayo. Sobrang layo. Siguro nasa mood lang siya maging cheerleader ng lahat. Malakas kong inihagis ang dart na hawak ko, natusok naman ito sa loob ng ikalawang bilog ng kulay itim na linya sa numberong bente.
Bumalik din ako kaagad sa bench pagkatapos kong tumira.
"Sana all may cheerleader." Pangangantyaw ni Richard.
"Sana all naka bullseye," sagot ko.
"'Wag mong ibahin ang topic," dagdag ni Alex.
Lugi ako kapag nagsama na ang dalawang ito. Kahit kasi hindi ako natatawa ay natatawa na lang ako dahil pinipilit nila na gusto kong tumawa kahit hindi naman talaga. Does it make sense? Basta ganun. Sa madaling salita ay bully sila sa akin.
"Last round na! Last round!" anunsyo ulit sa amin ni Tutoy.
"Last na daw sabi ni Zaugustus." Paguulit ni Richard.
"Zaugustus pala pangalan niyan?"
"Oo, kasama ko siya sa sports committee. Dart player kaya siya head ngayon. Bakit ba, ano ba tawag mo sa kanya?"
Lumapit ako ng bahagya kay Richard at mabilis na binulong sa kanya ang isang salita at dalawang pantig na palayaw ko kay Zaugustus.
"Tutoy."
He instantly scoffed upon hearing the word.
"Gaga ka," natatawa niyang sabi sa akin.
I simply shrugged my shoulders. Mas madali kasing tandaan kaysa Zaugustus.
"Anong klaseng pangalan ba naman 'yang Zaugustus?" tanong ko kay Richard.
"E ano bang klaseng pangalan ang Teluna?" Like magnet, I automatically slapped him on the arm. Tawang-tawa siya habang hinihimas ang namumula niyang braso.
Matagal ko nang nasabi sa kanila kung paano nabuo ang pangalan ko. Te mula sa Teresita ni lola at Luna na galing sa Luna ni Lolo Juan Luna, kaya Teluna. Maganda daw pakinggan kung pinagsama kaya naisipan nilang ipangalan sa'kin. Ang galing.
"Go Alex! Go Alex! Go Alex!" everyone in our team cheered. Si Alex kasi ang panghuling titira sa board, at kung dumapo sa magandang numero ang dart niya ay maaari na manalo kami.
A loud thump echoed in the gym as we all went silent in anticipation. Bahala si Alex kung napre-pressure siya. Tumama ang dart ni Alex sa kulay berdeng bilog na nasa kaloob-looban na ng dart board. Napasigaw ang lahat dahil sa laki ng puntos na nakuha ni Alex. Twenty-five points din yun. Nagsitalunan ang iba sa tuwa, syempre kasali ako doon.
Sa oras na nalista na namin ang puntos ni Alex ay kagyat naming binigay ito kay Tutoy. "Hindi ko pa rin matandaan pangalan niya."
Naghalo ang saya at kaba habang naghihintay kami ng resulta. Saya dahil nga sa laki ng puntos ni Alex at kaba, halos kalahati rin kasi ng pinakamataas na grado ang makukuha namin sa oras na matalo kami. But honestly, I am unaffected. Hindi naman ako ganoon ka competitive sa PE. Nahawa lang ako sa kaba ng iba.
"Okay!" panimula ni Tutoy. Handa na ata ang resulta. "Ang tatawagin ko ay ang pangalan ng leader ng nanalong team."
Tahimik lang akong nakaupo sa bench nang biglang lumapit si Thomas para kumuha ng tubig sa bag niya. Nagkunwari ako na walang napansin, kahit sa totoo lang ay halos maging bato na 'ko sa paninigas sanhi ng kaba. Ang landi ko sa part na mas kinabahan ako sa paglapit ni Thomas kaysa grado ko sa PE.
"The winning group is," Tutoy paused, gusto niya ata ng suspense, drumroll na lang ang kulang. "The winning group is Richard's group!"
Siguro ay dala na rin ng pagkagulat ay napasigaw at napayakap ako sa katabi ko sa sobrang saya. Kasi nga 50-50 ang pag-asa ko na manalo kami. At nang humupa na ang sigawan ay doon ko pa lang namalayan, si Thomas pala itong kayakap ko.
"Great job to us, Telz!" bati niya sa akin and offered me a high five. Nakipag-apir na lang din ako sa sobrang gulat.
"Goodness, Teluna. Ba't wala kang hiya?"
Wala na akong nasabi, ramdam ko ang init ng mukha ko. Hindi na ako mag-aakala kung namumula na ako ngayon. Mabuti na lang at hindi ito napansin ni Thomas. Sana nga hindi niya napansin.
Kagyat naman akong nilapitan ng dalawa kong asungot na kaibigan at saka sabay na binulong ang, "Sana all."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top