Chapter 4

***

Nakakainis si 'Westbrook'. Oo tinatawagan ko siya sa last name dahil hindi manalang siya nagingtroduce sa akin kahapon.

Kapag nakita ko talaga siy-

"Earth to Rayna? Hello?" Nagising naman ako sa malakas na boses ni Layla sa tenga ko.

"Grabe ka naman makasigaw! Nakakabingi na nga boses mo tinapat mo pa sa tenga ko!"

Kunwari pa siyang nasaktan dibdib sa sinabi ko. Grabe galing mag-acting.

"Porket leader ka lang ah! Lakas makainsulto.." Binulong niya pa yung huli pero narinig ko naman.

"Pasensya na pero maiba ako"

"Kailan kayo papasok dito nina Mabel at Dallas?" Hindi sila pumasok kahapon dahil ienjoy ko DAW muna ang first day of school.

Tropa Chat

Mabel: Tingin ka sa likod

Nakakatakot naman tong message na ito pero siyempre kailangan ko sundin dahil baka papatayin ako nito.

"Suprise!" Naggroup hug naman kami. Hindi uso sakin free hugs katulad sa nagsasalitang isnowmen sa isang movie.

"H-HINDI NA AKO MAKAHINGA PUTEK! ANG BABAHO NIYO PA!"-Layla

"HUY NAHAHAWA KANA KAY RAY MAKAINSULTO! DALLAS PAHIRAM NG ANTI-DENGUE SPRAY PARA MAWALA!"-Mabel

"Baliw! Paano ako magdadala nun?!"-Dallas

At nagaway nanaman sina Mabel at Dallas dahil alam mo na opposites sila. Si Mabel ay baliw na bata at Si Dallas ay matinong nerd. Ang gandang ipagsama no?

Tinatanong niyo kung bakit Mabel ang pangalan no? Well, si Author kasi fan ng Gravity Falls at wala ng maisip na pangalan. (A/N: Grabe siya! Sadyang hindi lang talaga ako magaling magisip ng names)

Tumuloy nalang ako maglakad dahil malalate na kami sa kabaliwan nila. Pati si Layla nakikisigaw na din. Basta maingay, kasama siya.

"Una na ako ha? Baka parusahan nanaman ako sa first subject Prof. natin" ngumiti ako ng nakakaloko.

Ok lang sila maparusahan basta hindi ako :)

Nagunahan naman sila ng takbuhan pero mas mabilis naman ako. Pfft, ang galing ko talaga.

Sa sobrang bilis ng takbo ni Mabel may nabunggo tuloy niya yung lalake.

Mabel's PoV

"Pasensya na! Ahhh..." Tumingin ako sa taas at hindi ko akalain na makikita ko ulit siya.

Ngumisi naman siya pati kaibigan niya. Mga demonyo.

"Ang tanga na nga ng ex ni Jack pati kaibigan niya din nahawa pa. HAHAHA" nagtawanan silang tatlo habang si Jackson ay nakangiti lang.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante.

"Buwisit kang--Mabel Wag!" Pinatulan tuloy ako ni Ray T^T

Rayna's PoV

Sasampalin sana ni Mabel pero pingilan ko. Ayaw ko ng gulo pero naiirita na ako sa pinagsasabi nila sa kaibigan ko.

Kaya sinampal ko siya ng mas malakas pa. Muntik na siyang mahulog pero tinulungan naman siya ni Kim. Siya yung rason na nagkatuluyan kami ni Jack pero hindi na siya espesyal sa buhay ko.

"Sabihan mo yang kaibigan mo na tumahimik ang bibig niya kundi siya ang susunod sayo" binulong ko sa kanya bago umalis.

Eto ang pinakahihintay ko sa lahat, na sampalin siya sa harap ng maraming tao para sabihin na hindi ko na siya mahal.

***

Pinagchichismisan tuloy ako ng mga kaklase ko.

"Sino kaya yung ex ni Jack sa tingin niyo?"

"Siguro si Rayna. Nilandi niya nga si Aiden si Jack pa kaya?"

"Grabe hindi ba siya nahiya? Sinampal niya yung 2nd ranking"

Second ranking? Honor student ba ibig sabihin non?

Wala na akong kinibo pa at umupo nalang sa upuan ko. Siguro malalate nanaman si Westbrook. Mukha kasing bad boy ang itsura.

Tumahimik sila nung pumunta si Westbrook. NG MAAGA. WOW. BIGYAN NG REWARD YAN. MOST EARLY STUDENT OF WESTBROOK HIGH.

"Bakit mo siya sinampal?" Tinignan ko paligid ko at si Westbrook pala nagsalita.

Hindi ako kumibo dahil baka maiignore din naman niya ako.

Pero nagkamali ako takte.

***

Hinaharass ba naman ang kamay ko. Putek ang lakas niya makahawak sa braso ko. Saan ba kami pupunta at napakalayo naman? Sakit na ng kamay ko oh T^T

Nung feeling ko na nandito na kami sa pinupuntahan niya tinanggal ko naman yung pagkahawak niya.

"Ya! Saan mo ako hinila? Bakit walang tao?! Dont tell me holdapper ka!"

"SHUT THE FVCK UP AND ANSWER MY DAMN QUESTION RAY!" Nakakatakot boses niya. Kaya niya siguro ako pinapunta dito para walang makarinig.

To be honest ayoko talaga sagutin tanong niya. Pero sa boses niya baka mapatay ako nito kapag hindi ako nakasagot.

"Kasi, gusto ko! Gusto ko siyang makitang masaktan! Nababaliw na nga ako dati dahil sa kanya eh! Nasaktan pa ako mentally and physically dahil sa kakaiyak sa kanya!"

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang istorya ko sa kanya. Sa sobrang galit ko hindi ko na pala namalayan na inilabas ko ang feelings ko sa isang tao na classmate ko lang naman.

"Happy?!" Aalis na sana ako pero may binulong siya na hindi ko naimagine na ibubulong niya.

"Gusto mo pala siyang masaktan, ako naman ang gusto ko ay ikaw"

Ewan ko kung totoo ba ang binulong niya o sadyang inaantok lang talaga ako at nagfafantasize.

Pero parang kinilig ako na ewan.

***

Siyempre nalate ako. NALATE PA TALAGA AKO SA CLASS NI PROF. RONALD.

Habang breaktime kitang kita ang inis ng tatlo.

"Oh bakit kayo galit?" Makatingin sa akin parang hindi ako leader! Sapukin ko kaya kayo!

"Susundan ka sana namin, kaso nahuli kami ni Prof. Ronald na tumatakbo sa School Halls kaya pinaintroduce kami habang kami ay sumasayaw"-Layla

"Pfft HAHAHAHA. Nakalimutan ko pala na balaan kayo sa first subject teacher *kekekeke*" pero sinungaling ang sinabi ko. Bakit? Aba'y hindi kasi sila pumasok nung first day kaya sila din may kasalanan.

"Walangya ka Ray! Tinawag tuloy ako na dancing nerd! Huhuhu"-Dallas

"Ano kaba Dallas! Ang saya kaya! Pinurihan pa nga ako eh!"-Mabel

Si Mabel kasi galing sumayaw. Dahil lumalakad na kape siya araw-araw. Pinipilit niya nga akong turuan sumayaw pero hindi talaga ako marunong.

Kumakain kami in peace sa canteen. Pero nawala na ang heaven namin dahil biglang may nagjoin.

Tinabihan niya pa si Layla.

"Hello Layla!" Nagwave naman si Layla na bigla naman namin kinagulatan. Hindi siya friendly sa lalake dahil dati may nangyari sa kanya kaya ganon.

Ang kaibigan niya lang na mga lalake ay kalaro niya sa DOTA.

"Uy traydor, bakit di mo sinabi na may boyfriend ka na?"

"Baliw! Nahihirapan kasi ako sa Social Care kaya tinuruan niya ako! Makaisip wagas"

ObOb talaga tong babaeng to. Social Care lang hindi pa kinaya? Math kaya harapin mo! Nganga ka.

"Sasamahan ako ng mga kaibigan ako, if you don't mind Layla?"

Putek wag ka tumango. Wag ka tumango! Hindi ako friendly takte!

"Sige, saan ba mga kaibigan mo?" Biglang umupo sa harap namin si

Si Aiden?! May kaibigan din naman pala tong mokong na to.

"B-Bat ka nandito? Nagkamali ka ata ng upuan Westbrook" ngumisi siya sa akin.

"Im not at the wrong table, Kaibigan din ako ni Leo for your information,Blackwood"

"Teka! Teka! Tawagan ba dito last names? If that's so ako si Mabel Marinette Dremurr!"

"Nice to meet you Mabel! Ako si Levi!" Akala ko cloning is illegal pero nakakita na ako ng clone ni Mabel.

"Tss, ang dami mo namang kaibigan Leo!"-Dallas

"Make that one more, Dallas"

Paano niya nalaman ang pangalan ni Dallas? Ay oo nga pala classmate namin siya. Tanga mo naman Ray!

Ngumiti sa amin si Leo ng masama.

"Meet my friends, Girls"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top