Chapter 3
(3 years ago)
3 years na nung nakarecover ako sa car crash
At 3 years na din ako nakamove-on kay Jackson
May salamin na ako ngayon dahil noon wala akong makita. Akala ko nga katapusan ko na.
OA ko no? Pero totoo talaga
(Flashback)
"Hindi ka na ba talaga gigising Miss?" Narinig ko ang pamilyar na boses na bumulong sa akin
Siya ba iyon? Siya ba iyong nagligtas sa akin?
"I-Ikaw?" Pero nung dinilat ko mata ko wala na akong makita. Lahat itim walang ilaw.
Nakapatay ba ang ilaw? O sadyang nananaginip lang ako?
*BLAG*
Tinignan ko ang direksyon ng tunog pero wala parin akong makita.
"Ray? Gising ka na?" Si kuya iyon ah. Bakit hindi ko parin siya makita?.
At doon ko narealize na wala na talaga akong makita
"K-Kuya wala akong makita, asan ka? I-IPALIWANAG MO SA AKIN KUNG BAKIT HINDI AKO MAKAKITA HA?!" Umiiyak nanaman ako. Ito ang nakakainis sa akin eh.
Nung nagbreak kami ni Jackson wala akong nagawa kung hindi umiyak. Hindi dapat ako ganito eh.
Narinig kong umiyak si kuya which made me cry even harder. Hindi iyakin si kuya, madalas matapang pa siya kesa sakin.
"The patient is awake? Good, Her blindness is still in her eyes but there is one solution to that"
May nilagay sa akin ng kung ano yung doktor. Akala ko makikita ko si kuya pero nakita ko na isang mukha na hindi ko alam.
Nasa heaven na ba ako at nakakita ako ng mala-anghel na mukha?
Pero bigla ko nalang nakita sina Mama at Kuya which made me smile.
(Fastforward to one year)
Nagcelebration naman kami nina mama at kuya since nakarecover na ako sa pagkawheelchair ko. Mahirap pero sinoportahan ako ng kaibigan ko.
Madaming kaibigan ang pumunta dito. Pati mga kapitbahay namin nakisalo narin.
Sinabi ng mga doktor na paminsan-minsan mapipilay ako kapag tumatakbo palagi. Wala din namang nagbago -.-. Ganun din naman ako kapag P.E.
Nabully ako sa previous school ko pero..hindi ko sinasabi kay mama dahil kulang na ang pera namin.
Nawalan din ng trabaho si kuya dahil sa pagkadami ng absents niya kakabantay sa akin.
Hindi ko talaga deserve na ganto pamilya ko. Yung gagawin nila lahat para sa akin. Pero wala naman ako ginagawa in return.
Yung dating papa ko nagpapadala naman ng pera. Atleast, naalala parin nila kami kahit iniwan niya na kami para samahan ang bago niyang pamilya.
(End of Flashback)
Nagtransfer ako sa Westbrook High. Isang school na elegante at para sa mga mayaman. Ewan ko ba kung bakit ako naaccept dito porket may disability lang ako.
First day of school kaya kinakabahan ako. Takte, palagi naman akong kinakabahan kapag bagong lipat ako.
Tinignan ko yung bulletin board na sobrang linis na kita na ang kagandahan ko.
Wala akong makita na pangalan ko hanggang sa huling class:
Class R
--------------------------------------------
22. Rayna Everly Blackwood
--------------------------------------------
Ganda ng pangalan ko no? Charot. Pfft. Yan yung last name daw ni Papa.
"Classmate pala natin yung bulag na yan?"
"Hays! Tukoy tuloy satin ng kabilang class 'kaibigan ng pilay'"
Nasanay na ako sa comments na ito. Wala naman akong magawa dahil ayaw ko maggawa ng gulo.
Pagkatalikod ko sinamaan ko na lang lahat sila ng tingin kaya natahimik na yung malalandi nilang dila.
***
"Class, we have a new student here, please stand up Ms..." Tumayo ako at hindi nalang tinitingin ang intimidating nilang mga mata.
"Blackwood, Rayna Everly Blackwood but you can call me Ray for short" umupo agad ako para iwasan ang tanong pa ni Prof. Ronald
Ayoko talaga Magintroduce-yourself kahiya >.<
"Ok class our lesson today is...*BLAG*" tumingin kami lahat sa bumagsak na pinto.
"MR. WESTBROOK ANONG GINAGAWA MO DITO SA KLASE KO NA LATE?"
Grabe para namang nanay to si Prof. Ronald kay 'Westbrook'. Alam kong ganyan palagi ang teacher pero parang may 'nanay' vibe siya sa lahat. Kahit lalaki.
"Just talked to my dad. None of your business"
Lahat naman ng babae dito sa class nagaayos ng buhok, Mukha etc.
"Tss, Fine. Take your seat next to Ms. Blackwood"
Nagkatama naman kami ng tingin. Ang awkward tuloy ng athmosphere.
Kumaway nalang ako sa kanya at ngumiti. Takte, bat ganito ako? Hindi naman ako yung kumakaway nalang at ngumingiti ng bahagya sa strangers.
***
Buong klase nagtake ako ng notes. Syempre kailangan mataas ang grades ko. Nakikinig naman ako.
I was about to write again pero bigla nalang hinawakan ni Westbrook ang kamay ko.
Bigla nalang may electricity. Ano to? Bakit parang naground ako? At bakit ang init init?. Oo nga pala, walang snow sa pilipinas.
Tinanggal ko naman kamay niya bigla dahil ayaw ko magpahawak. Aba'y baka marape agad ako nito.
"Makinig ka, mas nakakatalino iyon kesa magsulat"
Actions speak louder than words
Pero hindi naman ako makikinig sa lalaking to. Magsusulat nalang ako and pretend to not listen to this dumbass -__-
"Gusto mo bang iexpelled ka dito?"
"Is that a threat?"
"Tss, Alam mo ba kung bakit hinayaan ng Prof. ng ganun ganun na lang?"
Pinakita niya sakin yung pagkabongga niyang credit card na nakatitled na Westbrook
"Oh bakit mo pa pinapakita yang card mo? Putcha, Porket mayaman ka lang hindi mo na kailangan ipagyabang yan dahil alam ko"
"Miss Blackwood, Mr. Westbrook may i ask why you are talking IN MY class?" Shit. Nahuli kami.
Buwiset kasi tong Mr. Mayabang pinapakita pa ang credit card
Nagbubulungan naman ang mga tao. Waw, hindi na ba sila nakakita ng pinapagalitan at hangang-hanga sila? Siguro walang pinapagalitan dito dahil puro mayaman naman.
"Si Aiden? Nakikipagusap sa babae? Pfft imposible" narinig ko namang ngumisi yung kaharap namin.
"You two, follow me"
(Outside)
"Itaas niyo mga kamay niyo for 30 minutes. Mahuli ko kayong ibaba iyan masasapok ko kayo"
**
"Bakit tayo pinarusahan eh private to?"
l(-_-)l
"Pfft sungit"
"Tss, wala naman talagang parusa dito. Sadyang si Prof. Ronald lang ang nagpaparusa dahil masyado siyang strict"
Wait, Main Prof. ba namin si Prof. Ronald
"Hindi natin Main Prof. Si Sr. Ronald dahil ayaw ng dad ko na may Istrict na class"
"Dad mo?"
Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Aba'y putcha anong balak nito?
"My dad is the principal. Principal Westbrook"
***
A/N: Yung visual ni Rayna diyan ay si Rayna kapag walang salamin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top