Chapter 1- The Beginning and The Last

Rayna's PoV

Kanina ko pa hinihintay si Jackson umuwi sa Flight niya galing Korea. Hindi na ako makahintay pa nung narinig kong uuwi na siya ngayon.

Nagpaalam naman ako sa principal na may susunduin ako sa Airport. Kasama ko lang si kuya na nakikitext lang sa tropa niya. Si Mom at Dad kasi may trabaho sa kumpanya.

(Fast Forward)

"All flights from Korea are now landing"

"Kuya! Andiyan na si Jack!"Tinignan ko si kuya at natutulog pala -____-Paasa.

May nakita akong anino na alam na alam ko.



Pero

Hindi niya ako pinapansin at patuloy nalang sa paglalakad. Galing talaga magbiro ni Jack ^_^

Hinabol ko siya at kinalabit sadyang napatingin nalang sa akin ng walang emosyon.

"Huy! Pumunta ka lang ng Korea naging Isnobero ka na! Hindi mo ba ako nakilala?" Baka gumanda ako nung nagkadistance kami ni Jack.

Huminga nalang siya ng malalim at tumingin ng masama sa akin. Kinabahan tuloy ako.

"A-Anong problema mo? Bakit ka galit?"

"Ikaw ang problema ko" nung sinabi niya iyon naramdaman ko ang pagkalungkot. Hindi niya ba ako namimiss? Hindi ba siya masaya na nagkakita na kami?

"Hindi mo manlang ako tinatawagan, Same old excuses, Same old lies, Are you cheating on me?"

"Paano ako magsisinungaling sa iyo kung ikaw lang ang mahal ko! Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko!"

"Tss. Kung yan lang ang sasabihin mo...We're breaking up"

Wala akong sinabi at tumahimik lang. Ang athmosphere ngayon ay tahimik. Ang puso ko tumahimik.

"Ya! N-Nagbiro ka lang diba? Jackson sabihin mo nagbibiro ka lang!" Kahit biro man lang ang sasabihin niya hindi ko parin matanggap. Hindi ko alam kung bakit niya yun sinabi sa bibig niya at alam kong hinding hindi niya iyon sasabihin.

"Hindi ako nagbibiro Ray...This is The Last" nagtitinginan ang mga tao sa akin habang nagbubulungan. Wala na akong pakialam sa mga g*gong yan.

Lumuhod nalang ako at umiiyak habang pilit na hinahawakan ang kamay niya.

"What the fvck are you doing? Para kang tanga diyan..."

"Wala akong pake kung mukha akong tanga dito! Sabihin mo nalang sa akin kung anong pagkukulang ko at babaguhin ko! Just please Jack..." Hinawakan ko ang kamay niyang mahigpit. Mahigpit na sana hindi na siya umalis sa akin.

Inalis niya ang kamay ko.

"Tapos na ito at wala kanang kailangan baguhin pa, Ray!" tinanggal niya ang heart locket na binigay ko sa kanya at walang pakialam na nilapag sa sahig.

(Later...)

Wala na akong makita dahil sa tubig sa mata ko. Pumunta ako sa sasakyan ni Kuya at umiyak nalang na walang pake sa mundo.

Rick's PoV (Kuya ni Rayna)

Sinilip ko si Rayna na nakatingin nalang sa bintana. Umiiyak at parang may sariling mundo.

Hindi ko talaga mapapatawad yung g*gong Jackson na iyan na nagpaiyak sa Kapatid ko. P*tang Ina! Ginawa niyang tanga si Ray sa madaming tao.

Tinawag ko na nga sina Anthony para maturuan siya kung paano nasaktan kapatid ko.

"Kuya ihatid mo ako sa campus, please"

"Sigurado ka? Bunso baka may mangyari sa iyo" dahil sa kondisyon niya baka mawalan ng malay ito.

"Kuya, kailangan ko lang mapagisa please" sabay niya binuksan ang pinto at naglakad papuntang kampus.

Rayna's PoV

Nagsinungaling lang ako kay kuya na pupunta ako sa school. Pero ang totoo naman gusto ko lang pumunta sa park na palagi naman pinupuntahan ni Jack.

Ang daming alaala dito na itatapon lang pala. Naalala ko nung binigyan niya ako ng heart locket.

"Saan gift mo Jack?" Tinitingnan ko likod niya pero iwas iwas lang siya. Ang kulit >.<. First Monthsary namin ngayon kaya nagexchange gift kami ngayon dito sa park.

Bigla may sinuot siya sa akin na kung ano. Alam naman niya na ayaw ko ng alahas dahil nakakakati lang sa balat. Nagkaallergy pa nga ako dati eh.

"Heart Locket ^_^" ano daw? Heart Locket?

"Ano yun?" Binigyan niya ako ng salamin para tingnan. Huwaw *o* ang ganda naman!.

"Ibig sabihin, na kahit mawala man ako maalala mo ako dahil dito" pinakita niya sa akin ang binigay ko din sa kanya.

Posible bang pinadtadhana naman tong gifts namin sa isat isa?

Ang gulo mo talaga tadhana! Minsan wala! Minsan unexpected!

"At, hinding hindi ako mawawala sa puso mo"

(End of Flashback)

Sinungaling naman pala sinabi mo, Nawala ka nalang na parang hangin. Nawala ka nalang na parang bula. Babalik ka parin ba sa puso ko kahit ngayon?

Hindi ko namalayan na umuulan na pala at basang basa ako dito. Tiningnan ko ang binagay sakin ng manloloko dati.

Halos pumuti na ang kamay ko sa pagkakahigpit ng hawak sa kwintas.

'Umuwi na kaya ako, baka nagaalala na sina kuya sa akin'

Tutal malapit na naman bahay namin dito maglakad nalang ako
.
.
.
.
.
.
.

Ikaw ang problema ko




Same old excuses, Same old lies






This is the last




*BLAGGGG*





At wala na akong nakita pa kung hindi itim





"Mam! Mam! Naririnig niyo po ba ako?"




"Aiden..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top