Simula
"Your Highness, what took you so long?"
A deep voice made me open my eyes and interupted my thoughts. Kasalukuyang nakalubog ang aking katawan sa gatas habang ang ulo at binti ko lamang ang nakalitaw. Sa mga panahong wala akong ginagawa, inuubos ko ang aking oras sa pamamagitan ng pagbabad sa aking paliguan.
Pumasok ang isang lalaki sa loob ng silid paliguan kung nasaan ako, at nang makita ang kalagayan ko, kaagad siyang ngumisi. Bumuntong-hininga na lamang ako saka muling ipinikit ang mga mata.
"Ano't naparito ka?"
It was almost a whisper but because of his natural strong aural ability, he was able to pick it up. I heard him chuckled which made me roll my eyes even they're closed.
"A visitor is expecting you outside." Muli kong iminulat ang aking mga mata nang mabanggit ang katagang bisita.
Bumangon ako mula sa pagkakalublob kaya bumungad sa kaniya ang hubad kong katawan. Nakita ko kung paano ang kulay berde niyang mata ay maging pula nang makita ang katawan ko ngunit hindi ko na lamang pinansin.
"Ano daw ang kanilang pakay?"
Naglakad ako papalapit sa tuwalyang nakasampay habang hinihintay ang kaniyang sagot. Kahit na hindi ko siya tingnan ay ramdam na ramdam ko ang kaniyang titig.
Pinunasan ko ang katawan ko saka tumingin sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya 'yon dahil walang hiya niya pa ring tinititigan ang hubad kong katawan.
"Nagmula ang bisita sa kalapit nating kaharian. Mukhang nangangailangan sila ng tulong mula sa 'tin"
Kaagad kong isinuot ang aking roba habang nakatingin sa kaniya. Kaagad din namang naglaho ang pula niyang mata at bumalik sa dati nitong kulay.
Tumango lamang ako sa kaniya saka siya pinaalis. Kaagad din naman siyang nawala sa paningin ko kaya napahinga na lamang ako nang malalim. I picked up the glass with wine and sipped it before pouring the leftovers on the tub, making the white and red color mixed.
Kaagad akong lumabas ng paliguan kaya bumungad sa'kin ang malawak kong silid. Marahan akong naglakad palapit sa kabinet ko, naghahanap ng maaaring isuot.
Pula.
Kung hindi man lahat, karamihan sa gamit ko ay kulay pula. I really love this color. It is strong, strange and powerful. Treacherous.
I have no idea why I still adore this color despite the things that happened in the past. Things that brought me on where I am right now.
Pumili lang ako ng maayos na susuutin para naman hindi nakakahiya sa bisita. Ang buhok kong medyo kayumanggi ay hinayaan kong nakaladlad. I also just wore red heels to add my height, even though I am not small.
Nang matapos, kaagad akong lumabas ng silid ko at naglakad papunta sa tanggapan ng mga bisita. Malutong ang tunog na ginagawa ng takong ko sa marmol na sahig habang marahan ang paglakad ko.
Kaagad na nagbigay galang ang mga bantay nang dumaan ako sa harap nila pero nanatiling nakatungo ang mukha ko. Pinagbuksan ako ng pintuan ng mga kawal kaya agad akong dumeretso sa loob ng tanggapan.
Bumungad sa'kin ang mahabang lamesa na may lamang iba't ibang uri ng karne ng mga hayop, at mga babasaging baso na may lamang dugo.
Hindi ko tiningnan ang panauhin at kaagad na umupo sa pinakadulong upuan. Naramdaman ko ang pagtayo at bahagyang pagyuko, tanda ng paggalang nito.
"M-Magandang araw, kamahalan..."
Isinubo ko ang karneng nakatusok sa tinidor saka ko tiningnan ang nagsalita. Isa itong lalaki. Umangat ang aking kilay at bahagyang natawa dahil mukhang nagmamadali naman ata ang isang ito.
"Bakit hindi muna tayo kumain bago natin pag-usapan ang ipinunta niyo dito?" Muli kong ibinalik ang aking atensiyon sa pagkain.
"Kamahalan, hindi ko alam kung magagawa ko pa bang kumain. Unti-unti nang inuubos ng mga mangkukulam ang mga bampira sa kaharian namin."
Napatigil ako sa pagkain nang marinig ang pangalan ng mga angkan na matagal ko nang hindi naririnig. Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kaniya, habang siya naman ay nanatiling nakatayo.
Kababakasan ko ng kaba ang kaniyang presensiya. Hindi ko alam kung kaba dahil nagtama ang paningin namin, o kaba dahil unti-unti nang nasasakop ng mga mangkukulam ang kaharian nila.
"Hindi namin sila kayang kalabanin. Hindi sapat ang bilang naming mga bampira. Ang mga mangkukulam, unti-unti na silang nilalamon ng kasakiman. Ninanais nilang masakop ang mga kaharian, maging ang kaharian ng mga bampira, at inuuna nila ang amin."
Umupo ako nang tuwid saka seryosong tiningnan ang lalaki. "Anong gusto niyong mangyari?"
"Kailangan namin ng tulong. Kailangan ng mga kapwa niyo bampira ng tulong. Kung hindi, mauubos ang lahi natin."
"Ang away na 'yan ay sa pagitan lamang ng kaharian niyo at ng mga mangkukulam." Tumayo na ako dahil alam kong walang patutunguhan ang pag-uusap namin. "Hangga't hindi nila ginagalaw ang aming kaharian, hindi dapat maki-alam ang Castle Vania."
"Subalit---!"
"May mamamayan din kaming iniingatan. Hindi ko nanaising ipahamak ang sarili kong kaharian para lamang sa bagay na 'yan." Tumalikod na ako sa kaniya. "Sana ay malinaw sa in---,"
Hindi pa man ako nakaka-tatlong hakbang, kaagad akong napayuko nang maramdaman kong may dumaang bagay sa ulunan ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kakaibang init sa aking katawan patungo sa aking mga mata nang muli kong hinarap ang panauhin.
Sa isang kisap-mata, nakita ko na lamang ang sarili kong sinasakal ang lalaking kanina lamang kausap ko. Pumula ang mata nito habang nakatingin sa'kin. Hinawakan niya ang braso ko, sinusubukang makawala ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.
"Nasa teritoryo kita, bampira." Dumaloy ang malamig niyang dugo sa aking kamay nang bumaon ang aking kuko sa kaniyang leeg. Bumuka ang bibig niya, halatang nauubusan na ng hininga pero mas lalo lang akong natuwa do'n. "Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo."
Pabagsak ko siyang binitawan saka muling tumalikod. 'Yon na ang senyales sa mga guwardiya para lapitan siya at dakpin.
"Didn't turned out well, didn't it?"
Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang naglakad kasabay ko. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa bago siya bumulong. Alam niyang kapag gan'on ang hitsura ko, hindi ako makakausap nang maayos.
"May alam akong bagay na makapagkakalma sa'yo."
We both ended up naked inside my room. Nakadapa siya habang natatakpan ng pulang kumot ang katawan niya. He was sleeping while I'm just running my fingers on his hair.
Bumuntong-hininga ako saka itinigil ang ginagawa bago bumangon ako saka dumeretsong muli sa silid paliguan. Ang batong banyera ay may napuno ulit ng gatas kaya kaagad akong sumampa do'n at hinayaang lumubog sa maligamgam na likido.
Ipinikit kong muli ang mga mata at ipinahinga ang aking sarili.
Hindi nagtagal, naramdaman ko na lamang na para akong nahuhulog sa isang butas. Sa isang butas na walang katapusan. Walang boses na lumabas sa aking tinig at hinayaan lamang ang aking sarili na patuloy na mahulog sa walang katapusang patibong.
Hanggang sa unti-unting nagsilitawan ang mga piraso ng mga alaalang kahit kailan, hinding-hindi ko ibabaon sa limot. Mga alalang sa tingin ko, kahit kailan, hinding-hindi na mabubura sa aking isipan.
Mga paratang. Mga pagsigaw. Mga dugo. Mga pagtataksil.
The moment I opened my eyes again, I felt the familiar feeling of rage making my eyes burn. I wanted to get back to them all and show them how bad I can be. How I do something bad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top