Chapter 7: Difference

Sen's POV:

"Sen my loves saan na tayo pupunta?" Ngiting ngiting sabi ni Sapphire, yung tipong wala na siyang mata

"Uuwi na" sa dami ng nalaman ko na hindi kapanipaniwala, pakiramdam ko napagod ako ng sobra.

"ANO?!" bigla kong napatalon sa sigaw niya. Shit

"Okay ka lang ba?" Tinignan ko siya "Bakit ka ba sumisigaw?" Tinuloy nanamin ulit ang palalakad.

Bigla ulit siyang nagsalita

"Eh kasi akala ko magdidate tayo" tinapunan ko ulit siya ng tingin saglit, nakapout ang babae "pupunta lang pala tayo kay mama. Akala ko lalabas tayo" ang lungkot lungkot ng boses niya. Para tuloy akong nakosensya

Alas tres palang naman ng hapon. Pagbigyan na natin to. Bibili na rin ako ng damit niya. Papagalitan kasi talaga ako ng pinsan ko kapag pinasuot ko pa sa kanya ang mga damit niya sa bahay. Ang pangit kasi na damit ko ang suot niya. Bus ulit ang sinakyan namin

"Sige magmall tayo ngayon" gusto ko rin makita kung paano siya aakto sa harap ng maraming tao.

"Sapphire" tawag ko sa kanya. Para kasing nagtatampo pa rin siya. Gusto ko malaman kung alam niyang sa libro siya nanggaling

Sabi ni Tita Sorce kanina nung tinanong ko siya tungkol kay Lisa kung alam ba niya na sa libro siya ng galing, Oo daw.

yung unang beses na lumabas si Lisa sa libro hindi niya daw alam, sa paghigop sa kanya pabalik sa mundo ng libro at lumabas ulit, doon daw niya nalaman. Pinaliwanag rin ni Tita Sorce kay Lisa ang lahat.

Gusto kong malaman kung alam ba ni Sapphire na sa libro ba siya galing, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin. Sabi ni tita Sorce malabong alam niya na sa libro siya galing.

"Sapphire" tawag ko ulit sa kanya. Pero hindi siya sumasagot

"Sapphire" wala ulit siyang sagot. Kaya nilingon ko siya saglit. Hindu naman siya natutulog. Pero nakatingin siya ng deretso sa harap

"Sapphire ba-"

"You don't call me Phire anymore. Magtatatlong araw mo na akong tinatawag na Sapphire. Hindi ka nga rin komportable na tawagin akong Sapphire eh. Dati naman ang sweet mo. Sen, alam mo naman hirap akong sumabay sa pagbabago"

Pumara na ako. Inantay ko siyang makababa rin pero nilagpasan niya lang ako.

Ang lungkot lungkot pa rin ng itsura niya. Parang yung mga nasa kwento ko, yung itsurang nanggaling sa heartbreak

Nanuuna siya sa akin maglakad. Parang alam na alam niya kung saan siya pupunta. Syempre sa pagkakasulat ko ng kwento na tungkol sa kanya, madalas kami dito magdate. Doon sa kwento dito kami unang nagkita.

Alam kong ang hirap ng kalagayan namin pareho. Kung sa kanya ang relasyon namin matagal na, para sa akin para siyang kabuteng bigla lang tumubo sa buhay ko. Mahirap mag-adjust hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya. Hindi kasi kagaya ng mga dati kong girlfriend. iba siya

Ng makapasok na kami sa mall, hinawakan ko ang kamay niya. I intertwined our fingers. Hinila ko rin siya para mayakap ko siya

"I'm sorry Phire, wag ka na magtampo. Magdidate tayo pero ayaw mo mamansin. Wag naman ganun" kahit na bago lang to sakin, bago lang siya sakin, pakitamdam ko matagal ko na siyang nayakap. Parang napakasafe na yakap ko siya.

I kiss her forehead before breaking the hug. Alam kong parang tanga at magtatatlong araw ko pa lang siyang nakakasama, pero kagagawan ko to. Ako ang sumulat ng kwento sa ganitong paraan. Para sakin dalawang araw palang kami, pero para sa kanya ilang taon na kaming magkakilala. That's our difference. Alam niyang mahal ko siya dahil yun ang nasa kwento, pero magkaiba kami, alam kong sa sarili kong wala akong ibang nararamdaman na espesyal para sa kanya, sa ngayon.

Kailangan kong umaktong boyfriend sa harap niya, dahil sabi ni Tita Sorce nakaset sa utak ni Sapphire kung anong ang pagkakasulat ko sa kwento.

"Bati na ba tayo?" Nakangiting tanong ko

Ngumiti rin siya sakin sabay tango. Cute.




Nandito na kami sa bahay. Nakakatuwang makitang maayos ang bahay ko. Ang sarap talaga ng may nag-aalaga sayo.

"Senyy bakit nung isang araw parang dinaanan ng bagyo ang bahay mo? Ilang araw lang naman ako nawala pero mukha ng tambakan ng basura dito" Sabi ni Sapphire habang inaayos sa ref ang mga pinamili naming stock ng karne at iba pangpagkain

Gusto ko sana siyang sabihan ng 'kasi wala ka pa nun sa buhay at bahay ko' kaso mamaya magloading pa sa utak niya ang sasabihin ko haha

"Tapos para ka pang tangang nakahilata sa lapag nun! Akala ko nga nilooban ang bahay! Ang laki rin kasi ng bukol mo" dagdag niya pa habang busy sa pagaayos

Umupo ako sa isang upuan at pinanood lang siya. Parang kabisadong kabisado niya na ang bahay ko. Alam na alam niya na ang gagawin

"Masyado kasi akong nalungkot noong umalis ka. Kaya parang nasira buhay ko" pambobola ko sa kanya. Ang totoo naman kasi makalat lang talaga ko. Syempre lalaki ako, natural na samin yun.

Lumapit siya sakin at hinila ang dalawa kong pisnge "Nambola ka pa! Tamad ka lang talaga maglinis haha" bumalik na ulit siya sa ginagawa niya

"May tatawagan lang ako Phire. Doon lang ako sa sala"

"Sige. Alam ko namang ayaw mong tumulong" ngumiti nalang ako sa kanya

pumunta na akong sala at umupo sa sofa. Dinial ko ang number ni Jazz

"Tol punta ka dito sa bahay. May ipapakita ako sayo"

[Hello din sayo Iesen. Picturan mo nalang. Kakatamad]

"Kakagrocery ko lang"

[Ten minutes. Andyan na ko]

"Iba talaga basta usaping pag-kain. Bilisan mo para makita mo yung kasalanan mo sakin"

Pinatay ko na yung tawag at hindi na siya hinantay na makasagot. Para wala na siyang reklamo pa tss.

Wala pang sampong minuto may narinig ko na ang tunog ng doorbell ko. Ang bilis ng Gago. Nakita ko si Sapphire na papuntang pinto. Kaya pinigilan ko agad

"oh oh oh san ka pupunta?"

"Titignan kung sino yung nagdoorbell?" sagot niya na parang nawi-weirduhan sa ginawa ko

"Ako na. Ang gawin mo pumasok ka sa kwarto at ayusin yang binili nating damit. Tatawagin nalang kita mayamaya" Tinulak ko na siya papuntang kwarto bitbit yung mga damit "Wag ka lalabas dyan ng hindi ko sinasabi. Okay ba?"

"Bakit naman? May papatay ba sakin sa labas at kailangan mo ko itago? OMAYGAD SEN ITAWAG NA NATIN SA PULIS YAN!" napatakip nalang ako ng mukha sa sinabi niya. Hayy

"Walang papatay sayo. Basta ayusin mo yung mga damit natin dyan. kailangan mamaya ayos na yan" Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Pumunta na kong Gate. Kitang kita ko ang matangkad kong kaibigan sa labas ng bahay ko

"Ang tagal. Siguraduhin mo lang na papakainin mo ko" kaya siguro siya lumaki ng ganyan dahil sa kakakain niya

"bago kita pakainin, makinig ka sa sasabihin ko sayo" Binuksan ko na yung gate at pinapasok siya.

Pagdating namin sa loob ng bahay ay kinuha ko ang libro na pinanggalingan ni Sapphire

"Naalala mo pa to?" Tanong ko sa kanya habang nakatapat sa mukha niya ang libro

kinuha niya sa kamay ko yung libro "Syempre! Ito kaya ang dahilan sa pagpapauwi mo sakin nung isang araw ng hindi pa kumakain! ang OA mo pa nun tol! akala mo may lalabas na dragon sa librong to sa oras na maisara at mabuksan ulit eh" Mahabang litanya niya. tss. Hindi dragon, Tao, Si Sapphire

"Medyo malapit na yung hula mo. Pero mukang gago naman kung dragon ang lalabas dyan"

"Edi Unicorn hahahaha aray!" Sinapak ko siya sa tyan niya. Tanginang Imagination yan.

"Tao! Tao ang lumabas sa librong yan! At kasalan mo kung bakit hindi na siya maibabalik sa libro" Sagot ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Ilang saglit lang ay bigla siyang tumawa ng sorang lakas

"HAHAHAHAHAHA WRITER KA NGA SEN! ANG LAKAS MO MAKA IMBENTO HAHAHAHAHA" halos mawalan na siya ng hangin kakatawa.

Mahaba-habang storya to.




"Nasaan siya? Tangina hindi ko alam na pwede palang mangyari sa totoong buhay to. Hindi ako makapaniwala" Ilang minuto din ata kaming nagpaliwanagan bago siya naniwala.

alam kong sabi ni Tita Sorce na wag kong ipagsasabi sa iba, pero hindi iba sakin si Jazz. Pinakamatalik ko siyang kaibigan, kapatid na rin kasi ang turing ko sa kanya. Nangako kami dati na walang sikreto sikreto sa pagitan namin.

"Sandali tatawagin ko siya" tatayo na sana ako ng bigla niya kong hilain uli

"Wait lang brad. Kailangan kong magpapogi! Base sa pagkakabasa ko sa kwento mo, sobrang ganda ni Sapphire!" Sabi niya habang inaayos ang buhok niya at inayos rin ang polo niyang suot. Sinamaan ko siya ng tingin

"Gago. Isusumbong kita kay Van" Banta ko. May girlfriend na siya pero kung maka-asta akala mo wala

"Masama bang mag-ayos para presentable naman ako kahit papano sa harap ng iba? Kapg ba nagpapogi ibig sabihin taksil na agad? Mahal na mahal ko yung si Van at hinding hindi ko pagtataksilan yun. Grabe ka naman mangjudge tol" Bakit ba ang daldal at ang drama nito?

"tss. tatawagin ko lang si Sapphire. Ingay mo" Iniwan ko na siya sa sala. Napag-usapan naming dalawa na walang makakaalam kung saan talaga nanggaling Sapphire. Kahit sa girlfriend niya hindi niya sasabihin

"Sapphire" Kinatok ko na yung pintuan

"Sandali Sen ilalagay ko nalang tong damit mo sa aparador" Binuksan ko yung pintuan at nakita ko siyang naglalagay ng mga damit sa lagayan. Inantay ko lang siya matapos

"Sapphire may ipapakilala ako sayo" Siguro naman hindi niya kilala si Jazz kasi sa pagkakatanda ko hindi ko naman nabanggit yun sa libro

"Sino? Ex mo?" nagulat ako sa tanong niya kaya na patigil ako sa paglalakad "Hahahahaha Joke lang Senyyy hahaha"

Napailing nalang ako sa kanya at nauna akong maglakad

Nakita ko namang nakaready na si Jazz doon sa sofa

"Sapphire, si Jazz nga pala. Kung babae kami best friend ang tawag, pero dahil poging lalaki kami, Si Jazz Pare ko" ngumiti si Phire kay Jazz. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Jazz, Syempre ang ganda kaya ni Sapphire. Parang impossible talagang may kagaya niya sa mundong to

"Pareng Jazz, Si Sapphire nga pala, Girlfriend ko"


TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top