Chapter 6: Mother's confirmation


Iesen's POV:

"Dalian mo. Mamaya may mangyari nanaman at hindi nanaman matuloy" dumaan ako kanina sa department store. Bumili ako ng isusuot niya. Ang pangit naman na damit ko yung susuotin niya.

"Yieeee ikaw talaga Iesen excited sa date natin masyado" nakangiti siya ng nakakaloko sa harap ko. May patusok tusok pa sa tagiliran ko "kiss mo muna ko!" Ngumusu siya sa harapan ko at pumikit na parang inaantay na hahalikan ko talaga siya

Pinitik ko siya sa noo, syempre mahina lang. Ang bilis panaman mamula ng balat ng babaeng yan. Kahapon kinurot ko ang pisnge niya dahil ang kulit kulit at gusto maligo sa ulan, Nagulat nalang ako na sobrang pula nun pagkatapos

"Ang daming kaartehan nito. Maligo ka na nga doon!" Nagpout lang siya. Tumalikod na siya sa akin, akala ko tutuloy na siya. Mabilis siyang tumalikod ulit paharap sakin at mabilis din akong hinalikan . . Sa labi

"Ang arte mo Sen! I love you" sabi niya sabay takbo sa loob ng banyo. Nakahawak lang ako sa labi ko. Pakiramdam ko first kiss ko yun

•~•

"Wag mong tatangagalin yang hood hanggat hindi ko sinasabi" inaayos ko ang jacket niya. Ipinasuot ko kasi sa kanya ang hoody ko "wag kang lalayo sakin"

Hinawakan niya yung kamay ko at inintertwined niya yung mga daliri namin "hinding hindi ako lalayo sayo Sen" sabay kindat niya sakin.

Tinawanan ko nalang siya. Ang lakas ng trip ng babaeng to. Kung sakaling hindi naman talaga siya totoong galing sa libro at nagpapanggap lang siya, gusto ko siya maging kaibigan

"Sen san ba tayo pupunta? Magdidate ba tayo? Bakit kasi bawal kong hubarin tong hood? pasalamat ka malamig ngayon, kung hindi" reklamo niya. Sumakay na kami sa kotse. Gusto ko sana magcommute kaso, baka may makakita sa kanya.

Ba't ko nga pala siya itatago? Haha

"Basta. Wag ka na nga matanong" inistart ko na yung sasakyan kaso ayaw. Inulit ko pero na badtrip na. Ayaw talaga

"Baba"

"Huh? Bakit mo naman amo pinapababa? Wahhh ayaw mo na ba tayo magdate? Ayaw mo na ko kasama? Huhuhu Sen pag-usapan natin to please"

"Sapphire shhh" tinapat ko ang daliri ko sa labi niya. Daldal. "Ayaw magstart ng kotse. Baba tayo kasi magcocommute nalang tayo. Okay ba?"

"Okay" masiglang sabi niya "akala ko talaga ayaw mo na sakin. Hindi pwede yun kasi para sakin ka lang! Ayieee kiligin ka Babe!" Napailing nalang ako sa kadaldalan at kakulitan niya. Siyang siya.

•~•

"Babe parang alam ko na kung saan tayo pupunta" nakasilip siya sa bintana. Magkatabi kaming dalawa ngayon sa bus. Sa bintana siya nakapwesto.

Tinaasan ko siya ng kilay "Saan?" Paano niya malalaman kung galing siya sa libro? Shit baka nga poser Sapphire lang to!

"Wahhh parang papuntang bahay Sen!" Bahay?

"Kaninong bahay naman?"

"Bahay ni Mama malamang! Ohh tignan mo nandito na tayo sa Happy Subdivision!" Mabilis siyang sumigaw ng para. At tinulak ako dahil ako yung nasa aisle.

"may nanay ka?!" Sinasabi ko na nga ba! Nagpapanggap lang to na siya si Sapphire!

"Malamang! Walang taong walang Nanay Sen! Baliw ka talaga. Dali miss ko na si Mama!" nadagdagan nanaman yung tanong ko. Shit ibigsabihin hindi siya galing sa libro? Ano ba ang gulo ah!

pagkadating namin sa may gate ng subdivision. Binati niya agad yung Guard ng goodmorning. Nagtaka pa nga yung Guard, pero dahil sa kacutan niya eh napangiti nalang yung Guard.

Hinawakan ko siya sa balikat. Para kasi siyang readying tumakbo anytime "Sige, dalhin mo ko sa Mama mo. Ngayon na" Hinawakan niya uli yung kamay ko sabay hila sakin. Para siyang batang tatalon talon habang naglalakad kami.

Umabot kami sa panglimang kanto. Ang Freen Street! Possible kayang-

"Wahhh nakikita ko na ang bahay Senyyy. Dalian mo!" Hinila niya ko ulit. Dinala niya ako sa tapat ng pinakamalaking bahay dito sa Freen st.

"Nanay mo si Sorcery Cruz?!" Shit. Baka ito yung regalo saakin ni Tita Sorce! Kailangan ko gumawa ng kwento pagkatapos kapag nasarado yung libro, ibibigay niya sakin ang magandang anak niya? Yun ba yun?! Argg nakakabobo

Nagdoorbell siya at binuksan kami ulit nung dating nagbukas sa akin ng gate

"Hello ate Lisa! Andyan ba si Mama?" Tanong niya sa babae. Tumango lang naman yung Lisa bilang sagot.

Binuksan niya ang pintuan at hinila ako sa loob. Nakita namin si Tita Sorce sa May hagdan, nakangiti

"Mama! I miss you po!" Tumakbo siya kay Tita Sorce at niyakap niya to.

Alam kong ang wierd ng itsura ko ngayon dahil sa kalituhan, pero alam ko ring gwapo pa rin ako.

"You better explain to me evertyhing"

•~•

Andito kami ulit sa library niya. Ako at si Tita Sorce lang. Si Sapphire (kung sapphire ba talaga ang pangalan niya) nasa baba. Hindi siya pinasama dito.

"So anak niyo siya? Bakit siya nasa bahay ko at nagpapanggap na Sapphire?" Panimulang tanong ko sa kanya

"Hayaan mo munang ako ang magtanong Hijo para magkaintindihan tayo. Nasaan ang libro at panulat?" Tanong niya. Kahit nakakainis dahil di naman niya sinagot ang tanong ko, nilabas ko mula sa backpack ko ang libro at ang panulat nito

"Ang librong to ay hindi lang basta libro. Nasabi ko na sayo yun dati diba?" Tumango ako "Sumulat ka ng kwento dito at ang bida dito ay magiging totoo" napakunot ako ng noo. Magtatanong sana ako, kaso tinaas niya ang kamay niya senyas na wag ako magsasalita

"Iniisip mo na sa libro nanggaling si ano uling pangalan niya?" Tss

"Sappire. Sapphire Treatise"

"Wow ang ganda ng pangalan!" Ngumiti siya ng malawak at tinuloy ang mga sinasabi niya "Oo tama ka ng iniisip, sa libro galing si Sapphire. Ikaw mismo ang gumawa sa kanya" hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya

"Sa oras na isarado mo ang librong ito, sa muling pagbukas mo ay lalabas ang Bida ng storya mo" paliwanag niya pa

"Ibig sabihin ako ang gumawa sa Taong yun? Ako mismo ang gumawa ng isang Sapphire Treatise? Ako mismo ang gumawa ng girlfriend ko?!" Gulat na tanong ko. Shit mukang pinagloloko ako ng matandang to ah!

"Oo Hijo. Ikaw mismo ang gumawa ng nobya mo" sabi niya ng nakangiti pa rin

"Pero bakit Mama ang tawag niya sayo? Ako ba pinagloloko niyo? Hindi magandang biro to ah!"

"Dahil wala ka namang sinulat tungkol sa kahit anong may kinalaman sa magulang niya. Dahil ako amg may gawa ng libro, ako ang tuturihin niyang magulang. Gusto mong mapatunayan na sa libro siya mismo galing?" Kahit puno ng lito, tumango ako. "Nasubukan mo na ba uling buksan ang libro?"

Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Naalala kong sinubukan kong buksan ang libro pero, ayaw bumukas nito "Ahh ayaw mabukas ng libro?"

"Ano?" Sinubukan niyang buksan ang libro pero kahit siya hindi niya mabukas "Impossible. Alam kong walang mali sa mahikang nilagay ko dito. Napaka-impossible! Hindi, dapat nabubukas ang libro!" Sinusubukan niyang buksan ang libro ulit, pero ayaw talaga.

Napa-isip ako. Hindi kaya may kinalaman ang pagkakasarado ng libro ng hindi pa tapos ang kwento?

"I don't know if this is necessary, but something little happened" Napatingin siya sa akin at inaantay ang sunod kong sasabihin "Isusulat ko na sana ang ending ng libro ng aksidenteng nasarado ang libro"

"ANO?!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Shit malaki ba ang kinalaman non?

"It's not my fault. Nung gabing pagkauwi ko galing trabaho, binasa yan ng kaibigan ko ng hindi ko alam at nakita ko nalang na sarado na. Wala akong balak buksan ang libro dahil gusto king ipaalam muna sa inyo ang nangyari. Sinubukan ko kayong tawagan, pero unattended ang cellphone niyo. Naisip ko na puntahan nalang kayo, kaya lang nadulas ako at tumama ang ulo ko sa kanto ng lamesa dahil dun nakatulog ako, yun ang dahilan ng pagbukas ng libro, tumalsik kasi yun nung nadulas ako. Nakita ko nalang pagkagising ko na may magandang babae sa bahay ko, nagpakilalang Sapphire Treatise na girlfriend ko daw. Hinanap ko ang libro. Pero nung bubuksan ko ulit sana, ayaw ng mabukas" mahabang paliwanag ko sa kanya

"Hindi ko alam" sagot niya

"Anong hindi niyo alam?"

"Hindi pa to nangyayari kahit kailan. Ito ang unang beses na nasarado ang libro ng hindi pa tapos ang kwento. Kahit noong gumagawa pa ako ng kwento hindi to nangyari sa kahit anong gawa ko" bumuntong hininga siya "ibig sabihin . . "

"Anong ibig sabihin?" Dapat na ba kong kabahan?

"Sandali" Lumabas siya ng pinto, iniwan ako dito sa loob ng library niya.

Maya maya lang ay bumalik na siya dito, kasama ang katulong niyang si Lisa.Sinarado niya ang pinto at Lumapit siya sa isang book shelf dito at parang may hinanap. Naiwang nakatayo si Lisa sa may bandang pintuan. Nasabi ko nabang may pagkaweird si Lisa?. Para kasing napakaseryoso niya at minsan ko lang siya nakitang may emosyon sa mukha, kagaya nung kinausap siya ni Sapphire kanina. At kahit kailan hindi ko pa rin siya narinig magsalita.

"Iesen lumapit ka dito" ginawa ko ang sinabi niya. May hawak siyang libro ngayon 'Lisa Monteros' yan ang nakasulat sa book cover ng libro. Hindi kaya

"Tama ka ng naiisip. Oo isinulat ko lang si Lisa. Gusto mo ng patunay na sa libro siya nanggaling? Tumabi ka saakin at manood" tumabi ako sa kanya kagaya rin ng utos niya

Binuksan niya ang libro. May roong matinding liwanag na nagmula doon ng buksan niya ito. Unti-unting hinigop ng liwanag si Lisa na nasa may pintuan, hanggang sa tuluyan na siyang nawal pati ang liwanang. Kusang sumarado ang libro sa kamay ni Tita Sorce. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko

"watch again" salita niya. Dahan dahan niyang binuksan ulit ang libro. Muling lumiwanag ang libro at unti-unti ring lumitaw si Lisa sa harap namin. Nang mawala ang liwanag ay muling sumarado ang libro. Kinurot ko at sarili ko baka sakaling nanaginip lang ako. Pero hindi. Talagang kinuha at binalik ng libro si Lisa, sa harap ko mismo!

"Salamat Lisa, pwede ka na lumabas" Umalis na si Lisa. Nanatili akong hindi makapagsalita.

Ilang segundo rin bago ako nakapag-isip ng sasabihin

"Ibig sabihin sa libro talaga galing si Sapphire?" Paninigurado ko

"Oo. At dahil hindi natin mabukas ang libro, hindi na natin maibabalik sa mundo ng libro si Sapphire"




TBC.
--

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa ♥

CAST:

Sapphire

Iesen


Sorcery


Jazz

Bawat madadagdag na character, ipopost ko nalang ang pic haha. (ini-enjoy ko lang ang new features ng wattpad hahaha)

Salamat ♥
사랑해 ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top