Chapter 5: First day together


Iesen's POV:

Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ko ang ice pack na ngayon ay nakatutok sa bukol ko.

Ilang beses kong sinimpal ang mukha ko kanina. Namula na ang mukha ko pero hindi pa rin siya nawala. Hindi ako makapaniwala

"Sapphire" Tawag ko sa kanya na kasalukuyang nagpupulot ng mga kalat dito sa salas

Humarap siya sakin. Lahat ng iniisip kong magiging itsura ni Sapphire ay nasa kanya

"Paano ka nakapasok dito? Magnanakaw ka no? Talagang ginamit mo pa ang pangalan ni Sapphire. Umamin ka. Tangina ipapakulong kita"

Lumapit siya sakin at kinurot ako sa pisnge kaya napalayo ako

"Kahit babae ka hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka. Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Ma-awturidad kong sabi sa kanya

"Alam mo Sen, konti nalang babayagan na kita. Para kang tanga ah. Hindi ko alam kung nagbibiro ka ba o sadyang nagka-amnesia ka dahil sa pagkakauntog mo sa lamesa at pagkakasampal ko sayo ng pinto. Paulit-ulit ka ah. SAPPHIRE TREATISE. Girlfriend mo ng 2 years and 9 months. Ano ba!" Sagot niya

shit. Hindi ko talaga maintindihan.

"Saan ka galing?" Tanong ko

"Sa Tiyan ng nanay ko! Alam mo Sen konti nalang sasamahan na kita sa ospital" tumayo siya pumuntang ref.

Tumayo rin ako para hanapin yung libro. Nakakatakot ang babaeng to. Hindi ko alam kung sino siya. Pero malakas ang kutob ko na siya talaga si Sapphire.

Nakita ko yung libro sa may lapag. Nakasarado.

Dinampot ko to pati ang ballpen. Isa lang ang makakasagot ng tanong ko.

Bubuksan ko sana ang libro ng parang may pumipigil. Shit. Bakit parang ang hirap buksan?

Tinry ko ulit buksan. Parang pinagdikit ang mga pahina nito ng Mighty bond!

SHIT BAKIT AYAW MABUKAS NG LIBRO?!

"Sapphire!" Sigaw ko. Hindi kaya siya ang may kinalaman dito?

"Ayyy yehey! Naalala na ko ni Sen! Bakit Sen?" Tanong niya habang nakangiti

"Anong kinalaman mo sa librong to? Siguro pinagdikitdikit mo to para mapaniwala akong ikaw si Sapphire" kilatis ko sa kanya

"huh? Ano ba yan? Ngayon ko lang nakita yan! Itong usang to bintangero. Kanina ka pa talaga! Dyan ka na nga" aalis sana siya ng hawakan ko ang siko niya

"Hindi mo alam? Kung si Sapphire Treatise ka talaga dapat alam mong dito ka nanggaling sa libro!" Nakatingin lang siya sakin na nakakunot ang noo hanggang sa

"Hahahahahaha wait ahahahahaha" nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng parang baliw

Tinignan ko siya habang tumatawa. Wala na siyang mata.

Kagaya ng pagkakasulat ko kay Phire, kapag ngumingiti at tumatawa nawawalan ng mata. Eyesmile.

"Seryoso ba yan? Ako sa libro nanggaling? Anong sinisinghot mo Iesen Kedrick Klingberg? Impyernes benta yung joke mo hahahaha" alam niya din ang buo kong pangalan? Shit stalker ko ata to!

"Never mind. Maglinis ka nalang uli dun" talagang hindi niya alam na sa libro siya galing? well kung totoong nagsasabi siya na siya talaga si Sapphire.

"Wag ka na pala maglinis. Halika may pupuntahan tayo" kailangan ko si Tita Sorce ngayon. Kailangan ko ng sagot sa mga bumabagabag sa utak ko

"Matulog nalang muna tayo Babe. Ayokong lumabas ng ala-una ng umaga! Oo nga no. Bakit ba ko naglilinis ng bahay mo ng ala-una ng umaga? Pfft. Matulog na muna tayo. Bukas mo na ituloy lahat ng balak mo" mahabang litanya niya. Kaya napatingin ako sa relong suot ko. 1:04 am.

"Oyoyoy saan ka pupunta?" Pigil ko sa kanya ng nakita kong papunta siya sa kwarto ko

"Sa kwarto. Inaantok na ko Iesen tulog na tayo please. Kung gusto mong magdate tayo, bukas ay mamaya pala paggising nalang natin. Lakas ng trip mo at madaling araw pa nagyaya" napanganga ako sa sinabi niya. Tinuloy niya ang pagpasok niya sa kwarto ko.

pumasok na rin ako sa kwarto. Nakita kong nakahiga na siya doon at ready ng matulog. Anak naman ng suman.

"Umalis ka nga dito sa kwarto ko. Matutulog na ko" tapik ko sa kanya

"At saan ako matutulog?" Sagot niya sakin. Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Tatlo ang kwarto dito sa bahay ko. Yung isa ginawa kong library. Yung isa naman bakante lang. Walang kama. Itong kwarto ko lang ang pwedeng mahigaan

"Tss. O diba? Wag mo sabihing sa sofa mo ko papatulugin. Ang arte mo. Parang hindi tayo natutulog ng magkatabi ah. Dati nga halos may mangyari na satin. Tss. Matulog ka na nga Sen, mukang kulang ka lang sa tulog at kanina pa ako naweweirduhan sayo" sabi niya at pumikit na para matulog

kahit puno ng alin-alingan ay tumabi nalang ako sa kanya. Ang pangit naman na sa sofa ko siya patulugin. At ayoko namang ako ang matulog dun.

Bukas este mamaya, kapag nalaman ko kung totoo bang ang iniisip kong sa libro siya ng galing o magnanakaw/stalker ko lang pala. Kailangan ko ng tanungin si Tita Sorce.

Papikit na sana ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Isiniksik niya rin ang ulo niya sa may leeg ko

"A-a-ah Sapphire?" Sabi ko ng medyo naiilang. Shit. Bakit ba siya nakayakap?!

"Hmm? Sleep" sabi niya at mas humigpit ang yakap

Hinayaan ko nalang. Yung yakap niya kasi masyadong pamilyar. Ang kumportable sa pakiramdam. It feels like I'm in the very right place.

•~•

Nagising ako sa kalabog ng parang may nahulog. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko. 9:42 am. Napatingin ako sa bintana kong nakabukas ang kurtina. Bakit medyo madilim pa rin?

Wala na si Sapphire sa kama. Siya siguro ang may kagagawan ng ingay sa labas ng kwarto.

Bumangon na ako ng kama. Pinakiramdaman ko muna ang kabila ng pinto. Mahirap na baka mag triple hit ang bukol ko. Buti nalang gwapo pa rin ako.

Nang wala namang bumukas ng pintuan sa kabila, kusa na kong nagbukas nito. Safe ang bukol ko.

Pagbukas palang ng pintuan ay bumungad sakin ang amoy ng pagkain. Para akong naglaway dun ah

"Sapphire" tawag ko sa kanya.

Tinignan ko ang intsura niya. Long black hair. Kilay na medyo may kakapalan pero nakaayos. Matangos na ilong. Pinkish red lips. Yung mukha niya parang nahiya ang mga tagyawat sa kakinisan. Ang ganda ganda niya at ang puti puti niya pa. Suot niya ang puting V-neck shirt at short ko.

"Baka matunaw ako niyang Sen ah" Sabi niya at tumalikod uli para ilagay sa plato ang ulam na niluto niya.

"Ano yung maingay kanina?" Tanong ko

"Nagising ka ba dahil dun? Sorry, nahulog ko kasi yung takip ng kaldero"

"Bakit suot mo ang damit ko?" umupo na ako sa may lamesa. Maganda pala na nandito siya. May maghahanda ng breakfast ko

"Wala na pala.akong damit Babe. Kailangan ko na bumili" sabi niya at kasabay nito ang paglapag niya ng tocino sa lamesa

"Mamaya dadaan tayo sa bilihan"

"Tuloy parin yung date natin? May bagyo pa naman ngayon"

Napalingon ako ulit sa bintana. Shit kaya pala madilim kahit 9 na.
Shit ulit. HINDI AKO MAKAKAPUNTA KAY TITA SORCE?!

"BAKIT MAY BAGYO?!"

"WAHHH BABE HINDI KO ALAM!" nagulat ako sa sigaw niya

"Shit bakit ka sumisigaw?!"

"Ehh nakakagulat ka kasi. Bigla bigla ka nalang sumisigaw. Pati tuloy ako napapasigaw" sabi niya sabay pout "tsaka wala akong kinalaman sa bagyo! Ako pa sisisihin mo. Baliw ka talaga"

Shit. Hanggang kailan ako magtatanong kung sino ba talaga tong babaeng to?




TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top