Iesen's POV:
"BAKIT MO PINAKIALAMAN?!" sigaw ko kay Jazz
"Woo Brad binasa ko lang naman. May masama ba dun?" Tangina. Sinarado niya yung libro!
"BAKIT NO SINARADO YUNG LIBRO ?!" sigaw ko ulit
"The Fck brad. Syempre tapos ko na basahin! anong tanong yan? at Bakit ka ba nakasigaw? Kalma brad" napapikit ako tsaka huminahon.
Lumapit ako sa kama ko at kinuha ang nakasaradong libro
"Tangina Jazz hindi mo alam kung anong ginawa mo"
"Ano bang ginawa ko?" Takang tanong niya
"Sinarado mo yung libro!"
"edi ibuklat uli-" muntik niya ng kunin sa akin ang libro, pero niyakap ko ng maiigi
"Huwag mong subukang hawakan ang librong to. Tandaan mo, ang laki ng kasalanan mo sakin" Hawak ko ang libro, wala kong balak buksan dahil malakas ang kutob kong may kakaiba sa librong to
"Para kang paranoid Sen. Parang libro lang! Makas-" pinutol ko na ang kadaldalan niya
"hindi lang basta libro to. Kapag may nangyaring masama, sasapakin talaga kitang kapre ka." Banta ko sa kanya
"Tss. Kain na tayo-"
"Hindi. Umuwi ka na sa inyo. May gagawin ako" sabi ko sabay lapit sa drawer.
Shit. Nasaan na ba yung Ballpen?!
"Wow Sen, dahil sa libro di mo ko papakainin? Grabe ka naman huhuhu" nakita ko yung laruan kong maliit na kotse. Dinampot ko yun at mabilis na binato sa mukha niya. Bulls eye.
"Ang drama mo. Kumuha ka ng pagkain sa lamesa ko. Mag-uwi ka nalang. Basta kailangan mo ng umalis, kung ayaw mong basagin ko ang mukha mo dahil sa kasalanan mo sakin. Lumayas ka na" Nakita ko na yung Ballpen. Shit. Kinakabahan talaga ako.
•~•
Paikot-ikot ako dito sa kwarto ko.
Para akong pusang di mapaanak. Anong gagawin ko?!
Hawak ko ng mahigpit ang libro at ballpen sa kamay ko. Natatakot ako na baka mabukas.
AHA!
Mabilis akong tumakbo sa aparador ko. Nilapag ko muna ang libro at ballpen sa study table, siniguradong hindi mabubukas.
NASAAN NA BA YUNG CALLING NI SORCERY CRUZ?!
Siguro dapat ko na tong sabihin sa kanya. Siya lang ang nakaka-alam nito!
nasan na ba?
Bakit ba kasi ang gulo ng bahay ko?!
Halos naikot ko na ang buong bahay. Hindi ko pa rin makita ang calling card. Shit. Isip!
Nanlulumo akong sumalampak sa kama ko. Anong gagawin ko?
Inisip kong maiigi kung saan ko siya maaring nilagay.
Saan ko ba huling ginami-
AHHH! bakit di ko naisip yun?
Mabilis kong dinukot ang wallet ko sa bulsa ko. Sabi na nga ba! Andito lang pala to!
Hinanap ko kung saan ko inilapag ang cellphone. Tangina naman. Lahat ba ng kailangan ko hahanapin ko pa?!
Dinial ko agad ang number ni Tita Sorce ng makita ko ang cellphone ko sa may drawer ng study table ko. Teka pano to napunta dito?
Ang hirap mag-isip. Basta nakita ko na
Nagriring lang siya, hanggang sa may nagsalita sa kabilang linya
[The number you have dialed is now unattended. Please try your call later]
TANGINA!
Tinry ko ulit.Nagbabakasakali na mali ako ng narinig
Kaso talagang nakakabadtrip ng gabi.
[The number you have dialed is now unattended. Please try your call later]
"ARGHHHHHH!"
Malakas akong sumigaw atsaka sinapak ang kama ko. Buti nalang malambot to.
Bakit ngayon pa?! Bakit ngayong kailangan ko siya?! Madam Sorcery!
Tumayo ako sa kama ko atsaka pumuntang cabinet ko uli.
Kung ayaw macontact, ako mismo ang pupunta sa kanya.
Mabilis akong nagbihis. Pantalon at Hoody lang. Nagsapatos na rin ako.
Medyo nagugutom na ko, pero nawawalan ako ng gana tuwing naalala ko ang libro.
Dinampot ko na yung libro at ballpen. Kailangan ko ng umalis.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko atsaka lumabas ng may pagmamadali.
Kaso mukang minamalas ako ngayong araw.
Naramdaman kong may natapakan akong malambot at madulas na bagay.
Nadulas ako at naramdaman ko ang sakit ng pagtama ng ulo ko sa kanto ng lamesa.
Unti-unting nagdidilim ang paligid ko.
Pero bago akong tuluyang nakatulog
Nakita ko ang libro na mukang tumalsik sa pagkakadulas ko kanina
Nasa may harapan ko, nakabukas at kita kong may kung anong umilaw sa libro
At tuluyan ng nagdilim ang paligid ko
•~•
Nagising ako na parang may kumikirot sa ulo ko.
Kinapa ko ang ulo ko sa may bandang kumikirot. SHIT! ang sakit!
May bukol ako?! ang sakit talaga!
tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama?
sa pagkakatanda ko nadulas ako sa salas kanina dahil sa natapakan kong tela. Paano ako napunta sa kwarto?
Inalala ko ulit lahat ng nangyari. SHIT YUNG LIBRO NABUKAS NGA PALA!
Naalala kong umilaw yung libro kanina. Bakit umilaw yun? Sa pagkakaalala ko nung binuksan ko siya dati wala namang ilaw yun ah! Nababakla ako sa mga nangyayari. Dapat talaga hindi ko na kinuha yung libro. Kinakabahan ako.
Mabilis akong tumayo sa mula sa kama.
Nasa pintuan na ko ng bigla itong bumakas at tinamaan ako. Ramdam ko ang pwersa ng taong tumulak nito sa kabila. Sobrang sakit ng pagkakasampal ng pintuan sakin, tinamaan pa ang bukol ko. Naramdaman ko ang pagikot ng mundo. Nakita ko rin na parang may lumpilipad na stars sa taas ng ulo ko
Sa pangalawang pagkakataon, Nagdilim nanaman ang paningin ko.
•~•
Nagising ako dahil sa naramdaman kong may sumusuklay sa buhok ko gamit ang kamay niya.
Ang sarap sa pakiramda-
mag-isa lang akong nakatira dito sa bahay!
Agad kong minulat ang mata ko. Isang babae ang nasa kama ko!
"What the fuck! Sino ka?! Paano ka nakapasok sa bahay ko?! Mag-nanakaw!" Agad akong napatayo sa kama at lumayo sa kanya. Multo ba to? ang puti niya!
"The hell Babe?! Sa ganda kong to, tatawagin mo kong magnanakaw? Anong sino ka? Nakakasakit ka na ah. I hate you Babe"
Kita sa mukha niya ang lungkot. Sino ba tong magandang babaeng to?
"Tell me, anong pangalan mo?" Nasa harap ko ang kamay ko. Senyas na wag siyang lalapit sakin
Tinignan niya ko ng parang gulat na gulat
"Ako to! Si Sapphire Treatise! As in SAPPHIRE TREATISE ang GIRLFRIEND MO!
bukas bibig akong nagulat. Tangina.
Totoo siya?!
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top