Chapter 3: Book Closed
Iesen's POV:
Tinignan ko yung orasan sa gilid ng lamesa ko. 2:32 am. Magmamadaling araw na, pero ito ako nagsusulat pa rin sa librong to gamit ang kakaibang ballpen na to.
'... huwag mong isasara ang libro hanggat hindi mo natatapos ang kwento'
Natetemp akong isara ang libro, kaso ayokong suwayin si Tita Sorce. Mamaya password pala yun na kapag sinarado ko ang libro ng hindi tapos ang storya, bigla akong sumabog!
Sayang naman ang kagwapuhan ko kung mamatay agad ako. Kailangan ko pang ipasa ang magandang lahi ko.
Nilapag ko ang libro sa lamesa, siniguradong hindi ito masasara kaya dinaganan ko to ng mabigat na bagay.
Isang linggo na simula ng matanggap ko ang libro at ballpen galing kay Tita Sorce. Isang linggo na rin simula ng umpisahan kong isulat ang kwento ni Sapphire Treatise.
'Sapphire Treatise'
Yan ang title na ilalagay ko sa harap ng libro. Madami nga kong naisip na title kagaya ng 'Iesen and her' 'She change everthing' 'The Girl she wanted' at madami pa kaso naisip ko na gusto ko kakaiba.
Pangalan ng character ang ginamit ko, para iba yung dating.
May dahilan kung bakit Sapphire Treatise ang ginamit kong pangalan.
Sapphire- Pangarap ni mama na magka-anak na babae noon at Sapphire ang ipapangalan, but unfortunately hindi ako nagkaroon ng kapatid. Kaya inisip ko na balang araw, isang babaeng may pangalan na Sapphire o kaya may kulay sapphire na mata ang pakakasalan ko, impossible pero wala namang masama sa gusto. Sa story na ginawa ko hindi lang Sapphire ang pangalan, pati mata niya kulay Sapphire.
Treatise- sa totoo lang wala akong maiisip na magandang last name. Treatise is a synonym of book. Tutal sa libro lang naman siya nabubuhay, bakit hindi natin siya bigyan ng panglibrong pangalan?
Napakahopeless ko.
Hanggang sa libro lang ba ang love storying pangarap ko?
•~•
"Wow naman pareng Sen. Busy ah!" Dada ni Trick sa kabilang cubicle. Magkatabi kasi kami ng pwesto dito sa office.
"Wag mo kong pansinin. Ayusin mo ang pagpuproofread ng storying na assign sayo Tss." ang epal kasi. Gumagawa ako ng pang-Update ng story ko sa wattpad. Dalawang araw na kasi simula noong huling update ko. Nagwewelga na ang ibang readers sa kakaantay. Masyado kasi akong nafocus sa paggawa ng Story ni Phire, nickname ko para kay Sapphire.
"tapos mo na ba yung sayo?" Tanong ni Trick
"Kanina pa. Naemail ko narin kay Boss. Bakit ba?"
"Update ka naman sa Dead Heart, miss ko na si Ange eh" kwento ko sa wattpad ang Dead Heart, Ange ang pangalan ng lead girl character.
"Sige mamaya, tatapusin ko muna itong update ko sa Reading Between the Line. Isusunod ko na ang kwento ni Ange" Dalawa ang on-going story ko ngayon sa wattpad. Teen fiction ang Dead Heart. Romance naman ang Reading Between the Line.
"Yes! Ang tamad mo kasi! Anong pinagkakabalahan mo at hindi ka man lang mag-a-update ng mga kwento mo? Tangina kasi yung sabi mong aaraw-arawin mo yung update mo, pero hindi pala. Talkshit tae" mahabang sabi niya.
Kinuha ko yung isang scratch paper sa desk, crinumpled at mabilis na binato sa kanya. Sakto sa ulo.
"Gago. Hindi sa wattpad umiikot ang mundo. Hindi mo masyadong iniintindi ang mga Authors note ko. Ang sabi ko kapag hindi ako busy, aaraw-arawin ko ang update. Tangina busy ako ngayon" binalik ko ang tingin ko sa screen ng computer ko
"Talaga? Saan ka naman busy pre, sa Babae? Hahaha" tumawa pa ang loko
"Oo sa babae. Gumagawa ako ng kwento ngayon tungkol sa Babae. Babaeng pangarap ko" nakaramdan ko na may tumama sa ulo ko. Pagkatingin ko kung ano yun, crumpled paper pala
"Tangina corny mo. Mag-update ka na ngalang dyan" Binalik na rin niya ang tingin niya sa screen ng computer niya
"Nanahimik ka rin sa wakas"
•~•
"Basta wag kang mangingialam ng kahit ano dyan. Tangina mo. Pupunta ka dyan ng walang pasabi" kausap ko sa cellphone si Jazz, tropa ko.
[Don't worry Bro, pagkain lang pakiki-alaman ko dito]
"Siguraduhin mo. Hugasan mo naman yung mga pinagkainan mo. Ang baboy mo pa naman"
[gago brad eh yung bahay mo para ngang dinaanan ng bagyo. Pagpalinis ka na ng bahay. Nakakahiya sa malinis na ako]
"Wow. Lakas makalinis. Di ka nga naliligo. Gago baho mo"
[Pakyu. Ang bango ko kaya. Dalawang beses nga ko naliligo sa isang araw. Tira ka pa sa kili-kili ko!]
"Basta wag ka mangingialam dyan. Sulitin mo na tubig dyan, hindi naman ako madamot sa sabon at shampoo, libre ko lang ibibigay sayo. Bye"
[Gago ka talaga Sen. Dala ka hapunan ahh! Bye]
*call ended*
kailangan ko na atang umuwi mahirap na.
30 minutes nalang malapit na mag 7:00 pm. Makakauwi na rin ako.
Nakitang kong nag-email na ang boss. Okay na daw at bukas niya bibigyan ng bagong kwentong ipoproofread. Sana naman wag na tungkol sa gangster.
Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ilang minuto nalang uuwi na ko.
Ready na kong umalis, inaantay ko nalang ang time. Makapagwattpad na nga lang muna.
Sa cellphone na ko nagwattpad para hindi hassle. Gusto ko magbasa ng comments.
Una kong binuksan ang mga Personal message.
'salamat sa Update author-sen. Kiss kita mwa'
'Wahh bitin kuya Sen. Update na sa ulit RBTL huhuhu'
'Author Sen bakit naman ganun si Ange! Ang sungit niya na! Salamat sa update kuya Sen :)'
'Salamat kuya Sen sa Update. Ang pogi mo talaga! Love you <3'
'Omg ang gwapo mo!'
Oh diba. Lumalaki ang ego ko kakabasa ng ganitong mga message hahaha.
Dumiretso ako sa wall ko. Flood nanaman hahaha
'Hi kuya poging Sen'
'Kuya Sen pakasal na tayo!'
'Kuya bakit di ko mabasa yung RBTL? Paano po?'
'Mr. Author y po wala na yung the magic in you? Wala kong oera pambili ng libro. Pahingi naman po ng softcopy, please po. Salamat'
'Author notice me hehehe. Ang gwapo mo talaga!'
'Pafollow back po author Sen'
'Kung my time po kayo sana po basahin niyo mga stories ko'
at marami pa. Samantalang dati walang post tung wall ko hahaha.
Sinimulan ko ng magtype ng ipopost ko
'Hello. Pasensya na kayo kung hindi ako nagrereply sa kahit anong message niyo. Pero wag kayo mag-alala binabasa ko naman lahat. Nakakataba ng puso! Maraming salamat. Sorry sa matagal na update, busy ako sa trabaho. And I'm currently working on a new story. So yeah, Thank you ulit :) Love you guys!'
[✔] Notify my followers
Pinost ko na Atsaka pinindot ang Home. Kasi ako rin gusto ko na Mag-home.
Gusto ko ng isulat ang ending ng Sapphire Treatise. Tutal last chapter at epilogue nalang ang kulang. Tatapusin ko na, para malaman ko na din kung ano bang mangyayari kapag nasara ko ang libro.
•~•
"Nasan ang pagkain Brad?" Salubong sakin ni Jazz
"Patay gutom. Kapag nakita kong wala nakong pagkain sa ref o kaya sa cabinet, lumayas ka na ng bahay ko at wag magpapakita kahit kailan man"sabi ko at dumiretso sa kusina para ihain na ang binili kong pagkain. Gusto ko ng maghapunan. Inaantok na ko. Gusto ko na magpahinga.
"Naglinis ka man lang ba?" Tanong ko. Malay mo sinipag siya at nilinis ang bahay ko
"Ano ko katulong? Nagbasa lang ako ng kwento mo" sagot niya na parang tamad na tamad
"Oh talaga? Anong kwento ko naman ang binasa mo dyan? Binalik mo ba sa lalagyan? Tangina yun nalang ata yung maayos sa bahay ko, baka ginulo mo pa" sabi ko ng hindi siya tinitignan
"Hindi naman yung mga publish book mo brad. Yung sulat kamay mo lang na libro. Yung kulay brown dun sa kwarto mo. Tangina brad ang ganda ng kwentong yun ah. Kaso bakit pangalan mo ginami-"
Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis akong napalingon sa kanya "Huwag mong sabihing binasa mo yung Sapphire Treatise?"
"Yun nga Brad! Ang gand-"
"Shit!" Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto ko
Halos mapaluhod ako sa nakita ko
Ang libro sa ibabaw ng kama ko,
nakasarado
Tbc.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top