Chapter 29 - New Employee
[Sen]
Days pass hanggang sa umabot ng isang buwan. I can say I managed to live but I'm still fighting to survive.
Maraming nangyari sa loob ng isang buwan. Tapos ko na ang mga kwento ko sa wattpad at hindi ko na muna uli yun binuksan. Hindi ko na kasi alam kung makakagawa pa ba ko ng storyang hindi tragic ang ending.
Paano ka nga ba susulat ng kwentong may happy ending kung ikaw mismo hindi mo naranasan yun?
"Pare nagbaba ng story si Ruper Trax. Sayo daw ieemail."
Kakatapos lang kasi ng mga binigay saaking trabaho kahapon.
Kararating ko lang sa publisher ko kaya dapat aakyat palang ako sa taas para humingi ng trabaho. Ayos trabaho agad.
"Maganda daw ba yung kwento? Kamusta yung ending?"
Hawak hawak ni Trick ang ballpen niyang kanina niya pa pinaglalaruan ang pindutan. Umikot siya paharap sa pwesto ko tsaka nagtaas baba ng mga kilay.
"Hindi ko na binasa. Ruper Trax yun kaya sure na Lit. Tsaka si Manager na nagbigay sayo kasi nabasa niya yung ending."
Yeah. Ruper Trax tingin palang nun sayo parang nagawan kana niya ng kwento.
"Ano daw ending?"
"Ano pa ba? Basta sayo binigay alam na. Tragic syempre. Mga kwentong walang forever. Mga trip mo Sen. Bahala ka na dyan."
I smiled. Ewan ko ba pero natutuwa ako. Masaya ako habang nagbabasa ng mga kwentong may taliwas sa ibang ending. Namatay yung isang bida. Iba nakatuluyan ng bida. Nagkalimutan yung bida. Namatay sila pareho. Ganung ending lang ang mga pinagkakabalahan ko. Kaya kahit manager namin alam kung ano yung dapat na mga project ko.
First chapter palang ang binabasa ko, masyado ng mabigat ang kwento. Halimaw talaga tong si Sir Ruper Trax. Isa nanamang obra. Bakit pa kaya kailangan ng proofread nitong kwento niya? Tuwing siya naman ang magpapublish ng book halos limitado yung mali. Sa tinagal tagal niya na sa pagsusulat matatypo pa ba yun?
Dumaan ang mga oras at tutok lang ako sa kwento. Second Hand Tragic ang title ng kwentong inaayos ko. Sulit kasi ang ganda.
"Iesen lunch na. Tara na sa baba. Sumasakit ang ulo ko sa binabasa ko eh. Kailangan ko ng pangrefresh ng utak."
"Sandali save ko lang muna to."
Inayos ko ang pagsisave mamaya mabura pa. Ang hirap kaya ng paulit ulit na gawain.
"Nung isang araw pa yang kwento sayo ah. Ilang week palugit?"
Naglalakad na kami papunta sa elevator.
"Two weeks nga lang eh pero maikli lang naman yung kwento. Nahihirapan lang ako kasi more on POV ng Babae. Tapos anak ng libro pa! Conyo yung bida eh kaya nahihirapan ako. Like how ko kaya ma-a-understand the story kung me is not masyadong nakakaread ng like that?"
Napatawa naman kami ng sabay sa paggaya niya. Buti nalang Ruper Trax yung sakin.
"Newbie ba yung writer? Sakit sa ulo nyan ah."
"Yun nga hindi eh. Si Star Maniego uli. Kung ano ano kasi mga idea sa utak nung babaeng yun tsk."
Sasara na sana yung elevator ng makita kong tumatakbo si Craix para mahabol kami. Hinarang ko agad yung paa ko at pinindot yung open button.
"Thank you Sen. Hassle naman ngayon."
"Mukha ka ngang stress na stress Craix. Problema ba sa itaas?"
Nagpaypay muna ng kaonti si Craix at nagpunas ng pawis bago sumagot sa tanong ni Trick.
"Kulang na kasi tayo ng mga employers diba? Kakatapos lang ng meeting at napagusapan na maghahiring tayo para maumpisahan agad yung training nila. Gusto pa nga ng mga tagataas yung may experience na sana."
Ahh kaya pala minamadali kami masyado sa mga deadlines. Andami kasing naendo last week.
"Mahirap humanap ngayon niyan ah. May training naman. Anong ipinaglalaban ng mga tagataas?"
Ang mga tagataas na tinutukoy nila ay ang mga boss namin.
"Yeah napaliwanag ko na yan kaya nga ako pinaginitan kanina eh. Ako tuloy naatasan sa hiring of new employees! Asar ako banas."
Bumukas na ang elevator kaya lumakad na rin kami.
"Tutulong nalang kami sayo kung kailangan mo." Sabi ko tsaka ngumiti.
Kinabukasan ganun pa rin ang galawan sa trabaho ko. Tutok sa pageedit at online employment.
Okay lang sana yung sa online kaso pagbaba ko sa First floor kanina ang daming nagaapply.
Nakalimutan ko nakakatapos nga lang pala ng graduation sa mga college schools.
"Asar si Boss eh." Sabi ni Trick at tumawa pa. "Puro kasi mga fresh grad yung mga nagaapply. Magtetraining pa mga yun eh. Madami pa namang project ngayon."
"May iba naman dyan na pro na kahit kakadratuate palang. May mga online writers na ngayon na kaya ng linisin yung trabaho nila ng sarili ang nila. Kumbaga marunong na yung iba dyan. Kahit siguro three days kaya na yan."
Nagkwetuhan pa kami ni Trick ng dumating si Craix na parang maslalong pumayat.
"Stress talaga tong hiring na to eh. Ikaw naman mag-assist dun kay manager sa baba Trick. Pasarap ka lang dito eh!"
"Anong ako? Ayaw ko. Ikaw kaya inutusan dyan! Bahala ka."
Nagsagutan lang silang dalawa doon na parang wala ako kaya tinuloy ko nalang yung iniedit ko.
Napansin kong umilaw yung cellphone ko kaya kinuha ko agad.
May text. Galing kay Tita Sorcery. Ha? Halos isang buwan na rin ng matigil ang koneksyon at pakikipagkita ko sa kanya.
'Sms from: Tita Sorcery
Iesen may balita na ba kay Sapphire? Nakita daw kasi ni Nathan si Sapphire sa mall kaya lang tumakbo daw. Siya kaya yun?
11:03 Am'
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nahulog ang cellphone ko dahilan para matigil sa paguusap si Trick at Craix.
Sht. Si Sapphire?
"Iesen pare okay ka lang?" Tumayo si Trick at inabot ang cellphone ko.
"Trick si Sapphire."
Kumunot ang noo niya tsaka binasa ang text sa cellphone ko.
"Sapphire?" Napatingin kami kay Craix nakataas ang isang kilay. Tumango kami. Hindi naman niya kilala si Sapphire. "Kanina pala may nagapply na Babae. Sa pagkakatanda ko Sapphire pangalan eh. Crush pa nga ata ni Manager kaya kinuha agad yung mga documents niya."
"Anong last name niya?"
Nag-isip siya. Could it be her?
"Medyo sosyal yun eh. Di ko maalala. Ahm Ti- Thrice? Basta letter T yun."
Nanlaki ang mata ko.
"Treatise? Sapphire Treatise?"
"Oo yun! Wait kakilala mo?"
Sht. Nandito siya?
--
Tbc.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top