Chapter 27 - Not Hecate
[Sen]
Kalalabas lang ni Nathan dito sa library ni Tita Sorce. Nasa baba na kasi si Tita at siya na daw ang bahala sumalubong dito.
Kanina pa rin ako nagdadasal na sana kaya ni Tita makapunta sa lugar ni Hecate. Pinagdadasal ko na mabalik pa sakin ang libro, si Sapphire.
"Hijo" Nakita kong nakatayo si Sorcery sa harap ko. Wala si Nathan, siguro alam niyang kailangan namin magusap ni Tita ng kaming dalawa lang.
"Tita Sorce" Yun lang ang sinabi ko.
Nakita ko ang lungkot sa mata niya. Alam na siguro niya ang nangyari.
Binuka niya ang mga braso niya. Parang sinasabi niya na nandito lang siya at handa akong damayan.
Nakita ko nalang ang sarili kong tumayo mula sa pagkakaupo at yumakap sa kanya. Naramdaman kong may lumabas na luha mula sa mga mata ko.
"Hijo pasensya ka na at ikaw pa ang nakakaranas ng mga bagay na ito. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang mga pangyayari. Ang alam ko dapat maging masaya ka lang." Ani ni Sorcery.
Nakaupo na uli kami. Hinayaan niya lang akong umiyak kanina.
Alam kong parang bakla dahil naiyak ako, pero tao lang ako. Nasasaktan rin.
"Siguro nakatadhana lang po na mangyari ang mga ganoong bagay. Kagaya nalang ng pagpili sa akin ng libro." Sagot ko.
"Tama ka. Lahat ng bagay may dahilan. You can get through this Iesen." Ngumit si Tita. Tama pagsubok lang to.
"Tita paano po ako pinili ng libro ni Sapphire?" Gusto kong malaman kung bakit sa dinami daming tao sa mundo, ako pa.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ng libro. Pero kung mababasa mo ang panulat na kasama ng libro, nakasulat doon ang buo mong pangalan." Sabi niya.
May nakasulat sa ballpen? Bakit hindi ko alam yun? Masyado ata akong nakapokus sa libro at hindi ko binigyang pansin ang Ballpen na yun.
"May nakasulat po doon? Hindi ko matandaan." Sinubukan kong alalahin pero sa pagkakatanda ko, wala talaga akong pakialam sa panulat na yun.
Tumayo si Tita at lumapit sa mga libro ng kagaya ng pinagmulan ni Sapphire. Bumalik siya sa tapat ko at kinuha mula sa blangkong libro ang ballpen na kasama noon.
"Sen sa bandang to makikita mo ang pangalan mo kagaya nito." Itinapat niya ang ballpen sa mukha ko at nakita ko ang pangalang nakasulat doon. Venus Aliniar yun ang pangalang nakasulat doon.
"Venus Aliniar?" Basa ko sa nakasulat sa ballpen.
"Oo Hijo. Sa kanya nakatadhan ang librong to. Sa ngayon ikaw muna ang poproblemahin ko bago ko hanapin ang taong to. Iesen na sayo pa ba ang ballpen?"
Bigla kong naalala yun. Kasama kong pinasok yun sa kahon kasabay ng libro. Hindi ko naman naalalang may ballpen sa tabi ng libro ng makita ko yun sa lapag. Posibleng nasa bahay pa yun!
"Sigurado akong nasa bahay ko pa yun Tita Sorce. Hindi yun nakuha ni Hecate." Sigurado ako. Dahil libro lang naman ang habol ni Hecate. Wala na siyang paki sa Ballpen na yun.
"Magaling. Kagaya na inutos ko sayo tungkol sa libro dati, Patakan mo rin yun ng dugo mo upang habang buhay ng maging sayo yun." Tumango ako bilang sagot. Mamaya pag-uwi ko yun agad ang gagawin ko.
"Tita gusto ko pong mabawi si Sapphire. Ang paraan lang na alam ko para makuha ko ulit ang libro ay ang pumunta sa lugar ni Hecate. Pero hindi ko alam kung paano ako makakapunta doon."
Nakita kong napakunot si Tita sa mga sinabi ko at parang nalungkot.
"Tita hindi niyo ba alam kung paano makakapunta doon?" Malungkot rin na tanong ko. Wala na ba talagang pag-asa?
"Hijo may paraan ako para makapunta doon, pero ikaw wala." Malungkot na sagot niya. "Noon madalas akong isama doon ni Hecarte sa kaharian niya kaya para malaya akong makabalik at makaalis doon ay ibinigay niya sa akin to." ipinakita niya sa akin ang kwintas na suot niya. "Ako lang ang may kakayahang gumamit nito. Ginawa niya ito para sa akin. Kung babalik man ako sa lugar niya, ako lang at hindi kita masasama."
Napasandal ako sa upuan sa sagot niya. May parang kung may anong sumakit sa puso ko. HIndi ako makakagawsa ng paraan? Gusto kong tumulong sa pagbawi kay Sapphire at kausapin si Hecate. Gusto ko ako mismo.
"Tita wala na bang ibang paraan? Hindi ba pwedeng siya na lang ang papuntahin mo dito?"
"Hindi ganoon kadali tumawag ng Diyos. At sa lagay mo mas mahihirapan tayong dalawa. Si Hecate ang kumuha ng libro, sa malamang nagtatago ang isang yun ngayon sa lugar niya dahil alam niyang hindi mo siya mahahanap. Patawad Iesen pero ako lang ang makakapunta sa ngayon."
Bumuntong hininga ako at naglakas loob tumango.
"Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo Tita. Babalik po ako dito at kukunin ko lang ang panulat sa bahay. Sana po pagdating ko dito, nandito na rin kayo kasama si Sapphire."
"Gagawin ko lahat ng makakaya ko Iesen, Pangako ko sayo. Kukunin natin ang girlfriend mo."
Tumango akong muli bago pumihit palabas ng lugar niya.
Sa ngayon ay magdadasal nalang muna ako para sa kapakanan ni Sapphire.
Malalim ang isip ko habang naglalakad pabalik sa bahay ko ng may nabunggong babae sa harap ko.
"Ouch!" Napaupo ang babae sa sobrang lakas ng pagtama ko sa kanya.
Mabilis akong kumilos para matulungan siyang maitayo.
"Sorry Miss. May iniisip kasi ako hindi kita nakita."
"Halata naman eh. Oks lang kahit masakit. Tingin tingin nalang sa paligid baka sa susunod di na tao makabungguan mo." Ngumiti siya bago tinap ang balikat ko atsaka umalis.
Bumuntong hininga na lang ako at aalis na sana, kaso may nakita akong maliit na name plate.
'Hi!
I'm Venus'
Yun ang nakasulat. Kaya sumigaw ako.
"Venus!"
Tama ang hinala ko! Yung babaeng nakabunggo ko ang may ari. Lumingon kasi sa pwesto ko at parang takang taka.
Itinaas ko ang name plate at agad nanlaki ang mata niya sabay tingin sa damit niya.
"Akin yan!"
Lumapit siya sa akin at nilahad ang kanyang kamay.
"Ako si Venus akin yan"
Venus. Saan ko ba narinig ang Venus?
Teka! Naalala ko na!
"Venus . . Aliniar?" Nilagay ko na sa palad niya yung name plate.
"Yeah? Paano mo nalaman surname ko?" Takang tanong niya.
"Heard it from someone I know." I smiled.
"Oh? Naks naman Famous na talaga ako!" Tawa niya.
"Sige na medyo nagmamadali ako Miss Venus. Ako nga pala si Sen. Nice to meet you" Naglahad ako ng kamay.
"Nice to meet you too Sen!"
Nagsmile nalang uli ako tsaka kumaway.
Sooner. Lahat ng nararanasan ko ngayon, mararanasan rin niya. The pain of being chosen by the book.
Pagkarating ko sa bahay mabilis kong hinanap ang ballpen.
Muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang nasa kahon pa iyon.
Mabilis akong tumakbong kusina at kumuha ng kutsilyo.
Sinugatan ko agad ang daliri ko para patakan ng dugo sarili kong dugo ang panulat. Ito man lang mapanghawakan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pageemote ko sa may lamesa ng umalingawngaw sa buong bahay ang ringtone ko.
Sinagot ko agad dahil si Tita Sorce iyon. Nakabalik na siya!
"Tita si Sapphire? Ang libro?" Walang padaloy daloy kong sabi.
"Iesen . ." narinig ko rin ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "May malaki tayong problema."
"Tita, Si Sapphire?"
"Si Sapphire, wala kay Hecate."
"Po?"
"Hindi si Hecate ang kumuha sa libro at kay Sapphire. Hindi siya."
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top