Chapter 25 - Taken

[Sapphire]

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam.

Para akong nasa loob ng sobrang laking kahon. Yun nga lang ang loob ng kahon parang nakapalibot na malaking TV.

Bawat side iba iba ang pinapalabas. Ang nakakapagtaka lahat ng makikita dito o mapapanood ko ay kaming dalawa lang ni Sen.

Mga memories. Kagaya ng unang beses kaming magkita at natapunan ko siya ng Kape. Yung panahong nanliligaw siya. Yung araw na sinagot ko siya. Iba't iba, parang nanonood ako ng movie marathon na kami ni Iesen ang bida.

Nang umulit na ang mga pangyayari, naisipan kong hanapin ang lagusan palabas. pero hindi ko mahanap.

Kinabahan ako. Sinubukan kong itulak ang isang pader pero walang nangyayari.

"IESEN!" Sinigaw ko ang pangalan ni Iesen pero sariling boses ko lang ang narinig ko pabalik. Nag-e-echo lahat ng sasabihin ko.

"IESEN NASAAN KA?! TULUNGAN MO KO!" Kahit anong sigaw ko wala namang nakakarinig sakin.

Umupo ako. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Nasaan ba ko? Nasaan si Iesen? Bakit ko nakikita ang mga nakaraan namin?

Bakit ako nandito sa lugar na to?






[Sorcery]

Kaaalis lang ni Sen pero hindi ako mapakali.

Iba ang pakiramdam ko sa mangyayari.

Kanina pa rin pumapasok si Hecate sa isip ko.

May kinalaman ba siya sa mangyayari ngayon?

Sinubukan kong uli tawagan si iesen pero hindi niya dinadampot ang telepono niya.

May mang yayari bang hindi tama? bakit ganito nalang akong hindi mapakali.

"Hecate!" Sigaw ko. Alam kong maririnig at maririnig niya ako.

"Hecate magpakita ka saakin!" isang malakas na hangin ang dumaan bago ko marinig ang boses mula sa likuran ko.

"Sorcery my Dear favorite Human, kailangan mo ng panibagong spells? madami akong bago! ikaw nalang ang inaantay nila sa kaharian ko" nakangiti siya sa harap ko.

"Hindi pa rin ako sasama sayo. Hecate kung may binabalak ka mang masama, please wag mo ng ituloy. Lalo na kung kay Sapphire" Pagmamakaawa ko sa harap niya.

"Si Sapphire na nasa loob na uli ng libro? Madami. Madami akong balak sa kanya"

Gustuhin ko man siyang labanan pero alam kong wala akong laban. Diyos siya at Tao lang ako.

"Masasaktan mo si iesen sa gagawin mo! Maaawa ka naman sa bata! Please bilang kaibigan mo, pagbigyan mo na ako" Hinawakan ko siya sa kamay.

"Oh My Dear Sorcery" Bumuga siya ng hangin "Wala akong paki sa Mortal na yon, kaya ko siyang patayin kung nanaisin ko.

Kaibigan? Kaibigan pa ba ang turing mo sa akin? Sorcery I offer you everything pero binaliwala mo lang iyon at mas pinili mong maging mortal. Kinalimutan mo ko. Tinuring mo kong isang bangungot ng buhay mo. Kaibigan? Ha" Nakita ko ang galit sa mga mata niya na minssan niya lang ipakita.

"I'm Sorry Hecate, pero hindi ko ginustong maging Immortal-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita uli.

"I already planned everything. Wala ka ng magagawa Sorcery"

With that, naglaho na siya siya sa paningin ko.




[Sen]

Dinampot ko ang libro ni Sapphire at marahang pinunasan ang luhang malapit ng tumulo mula sa mata ko.

Sa pagbukas ko nito, alam na ba niya?

Iiwan niya ba ko o mananatili siya sa tabi ko?

Binaba ko sa kama ang libro tsaka pumuntang kusina upang kumuha ng kutsilyo.

Kailangan kong mapatakan ng Dugo ang huling pahina ng libro.

Bumalik ako sa kwarto at muntik kong mahulog ang kutsilyo ng makitang kong may babaeng nakatayo sa may bintana.

"Sino ka?" Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko bago ko itutok sa dereksyon niya ang kutsilyong hawak ko.

"Ako ang may gawa kay Sapphire, Ako si Hecate"

Naramdaman ko ang pagnginig ng buong katawan ko bago ako tumakbo sa kama para kunin ang libro ni Sapphire. Shit. Si Hecate.

"A-anong ginagawa mo dito?"Tanong ko habang yakap yakap ang libro.

"Kukunin ko lang ang bagong apprentice ko." Ngumisi siya.

"Akin si Sapphire! Ako ang gumawa sa kanya. Ako ang sumulat at ako nagmamay-ari sa kanya" matigas na salita ko.

"Ikaw?" Ngumisi siya uli "Ako ang gumawa ng mahikang yan Hijo. Ako ang makapangyarihang si Hecate ang dahilan kung bakit may Sapphire Treatise ang biglang sumulpot sa mundong to. Ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya"

"Akin siya! Handa kong gawin ang lahat, hindi mo siya makukuha!" Matapang na sagot ko. Hinding hindi ko hahayaang makuha saakin ang librong to.

"Hijo baka nakakalimutan mo, Tao ka lang, Diyos ako. Kaya kitang patayin sa kahit anong paraan na gusto ko" Isangnakakatakot na tinggin ang binigay niya sa akin.

alam kong wala akong laban, pero si Sapphire ang nakataya dito. Gagawin ko ang lahat.

"Alam mo palang wala kang laban, ano pang pinagmamalaki mo? Ibigay mo na sa akin ang libro" Alam kong nabasa niya ang nasa isip ko. Pero hindi ako susuko.

"Magkakamatayan tayo bago mo to makuha" muli kong tinutok ang kutsilyo sa kanya.

"Ahahahahahahaha" Umalingasaw sa buong silid ang tawa niya "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Magkakamatayan? Masyado mo atang minamaliit ang isang Hecate"

Ramdam kong naiinis na siya.

Sapphire, Mahal kita kaya gagawin ko ang lahat.

"Sa pagbilang ko ng tatlo at hindi mo inabot sa akin ang libro, magpasensyahan nalang tayong dalawa. Pero wag ka mag-alala, hindi kita papatayin. Kukunin ko lang ang akin"

KInabahan akong muli. Ipinagdasal ko na sana dumating si Tita Sorce.

Pero mukang malabo dahil nagsimula ng magbilang si Hecate.

"Isa" kasabay nun ang malakas na pag-ihip ng hangin.

Tumakbo ako papuntang pintuan pero nagulat ako ng bigla itong sumara. Sinubukan kong pihitin pero ayaw mabukas. Shit!

"Dalawa! Hijo wala ka ng ibang magagawa kundi tanggaping akin si Sapphire"

Mas-ikinagulat ko ang biglang pagkamatay ng ilaw.

Isang matinding kadiliman.

"Tatlo" narinig kong may bumulong sa likod ko.

Muling bumukas ang ilaw.

Wala na si Hecate

...wala na rin ang librong kanina lang ay yakap yakap ko.

To be continued.

____________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top