Chapter 21 - Bump with Cate


Sapphire's POV:

"Sen sasama ka pa ba sakin mamili sa loob?" Kakapark lang ng sasakyan niya. Andito kami sa isang grocery store para mamili. Parehas kasi kaming matakaw kaya ang bilis maubos ng pagkain sa bahay. Idagdag mo pa si Jazz na halos kainin lahat ng pagakain namin kapag nasa bahay siya.

"Syempre" Yun lang ang sagot niya tsaka bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Baka mainip ka lang. Dito ka nalang kaya sa sasakyan at matulog"

"Ayoko. Gusto ko sumama sayo Ma" With that, hinawakan na niya ako sa bewang at ginayak maglakad papasok sa loob ng Grocery store.

Kumuha siya ng malaking Cart at siya na rin ang nagtulak. Hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko.

"Sinuot mo ba yung contact lens na binili natin?"

"Oo sabi mo eh"

"Good. Mamaya kiligin ka nanaman at Magbago nanaman ang kulay ng mata mo. Mahirap na"

Magtatanong sana ko kaso nag-umpisa siyang kumanta ng mahina habang naglalakad kami.

"Baby baby blue eyes
Stay with me, by my side
Cause baby blue eyes~"

Napangiti naman ako. His favorite song for me.

Nag-umpisa na ko kumuha ng lahat ng kailangan namin. Si Iesen taga tulak ng cart at taga abot ng matataas na bagay.

Napansin kong may kulang sa mga prutas na nakuha ko kanina. Ayst anlayo pa naman ng fruit section dito.

"Dad walang lemon. Kukuha lang ako-"

"Ako na. Kunin mo nalang lahat ng kailangan mo dito. Babalik ako"

Humalik siya sa pisnge ko at mabilis na naglakad. Napailing nalang ako.

Isa isa ko ng hinahanap lahat ng kailangan ko ng may biglang bumunggo sakin .

"Oh sorry Miss"

"It's okay" I smiled. Hindi naman kasi ako nasaktan nagulat lang.

Matangkad, maganda at maputi ang babae. Maganda talaga siya! She looks so powerful.

"Have we met before Miss?" Tanong niya.

"Uhhm hindi ko matandaan. Pero I think, never?"

She smiled at me. "You're really pretty. Hindi pangkaraniwan ang ganyang ganda"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Aba ang ganda ko daw oh.

"hahaha I'll take that as a compliment"

"Yes it is. By the way you smell so good. Anong pabango yan?"

"Really? I don't use any perfume. Downy lang to." ang weird naman nito pfft.

"You really smell good. Smells like . ." nagpause siya saglit at parang sinuri ako ng maigi ng tingin niya "Magic"

I laughed again. Trying to throw those weird feelings away.

"Ahh is that a compliment again? Hahaha"

"Maybe yes. Maybe not. By the way I'm Cate" Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"I'm Sapphire. Sapphire Treatise" We shook hands

"Sapphire?" Narinig ko ang boses ni Sen na tumawag sa akin. Bumitaw na ko sa kamay ni Cate at Humarap kay Sen

"Sen dali halika dito" Lumapit siya samin "Sen, si Cate nga pala"

"Oh the creator is here" Napakunot ang noo namin ni Sen dahil sa sinabi niya "What I mean is Hello"

"Somehow, do you happen to know Sorcery Cruz?" Tanong ulit ni Cate.

"She's my mother bakit?"

"ah ikaw pala ang baby girl niya. Anyways, I'm one of Sorcery's friends"

Ah kaya siguro pamilyar ako sa kanya. Ba't ako di ko siya maalala?

"Sige na kailangan ko ng umalis. Baka makaabala rin ako sa oras niyo. Ang ikli pa naman ng panahon" She smiled again "Sabihin mo sa mama mo, I said Hi"

"Sige po" She waved good bye.

"Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo dito? Let's go"

Third person's POV:

Nakangiting lalabas ng Grocery store si Hecate. Finally, nakita at nakausap niya ang isa sa mga produkto ng mahika niya.

Sinong bang mag-aakala na makakagawa ang mahika ng totoong tao?

May liwanag na bumukas at pumasok doon si Hecate.

Bumalik siya sa totoong niyang anyo. Isa na uli siyang Dyosa.

Pumasok siya sa silid ng kanyang mga mahika.

Kakailanganin niya kasing gumawa na panibagong salamangka na makakapagpakuha ng loob ng mapipili niyang dalhin dito sa kaharian niya.

Lahat ng tulong na ibinigay niya kay Sorcery ay sisiguraduhin niyang may makukuha siyang kapalit. Dahil lahat ng meron si Sorcery ngayon ay dahil sa kanya.

"Sa larangan ng mahika ako ang bida, hindi ikaw ang makakapigil sakin Sorcery"

Kakailangin niya lang naman umisip ng paraan kung paano niya makukuha ang isa sa mga libro.

Bago yun, hahanapin niya muna lahat ng mga nilalang na ginawa ni Sorcery.


Iesen's POV

"Ang boring! laro tayo sen!"

"Kahit ano wag lang snake&Ladders" sagot ko. Hindi kasi maganda ang kinalabasan ng huli naming laro.

"Okay. Kanina kinalkal ko yung mga gamit mo. May nakita akong magandang laruin!" Tumayo sa pagkakaupo niya at pumasok umakyat papataas ng hagdan.

Ano nanaman kaya ang nakita ng isang yon?

Patakbo siyang bumaba ng hagdan. Aba- kapag ito nadapa, tatawanan ko to.

Mabilis siyang nag-indian seat sa lapag.

"Tadah!" Inilabas niya ang mga baraha ko "Dali! Unggoy-ungguyan tayo!"

Hinila niya ko mula sa pagkakahiga ko sa sofa kaya nahulog ako.
"Aray ko naman!"

"Hahaha upo na Dad dali! Matalo susundin lahat ng utos ng panalo!"

Nag-indian seat na rin ako sa harap niya "Ilang rounds?" Tanong ko

"Tatlo! Makascore ng dalawa panalo!" tumango na lang ako

Binalasa niya na yung baraha tsaka tinaob lahat sa harapan ko para makapili ako ng barahang itatago namin.

Inubos niya lahat ng baraha saamin dalawa tsaka kami nagsimulang ipares lahat.

Lima ang natira sa akin at apat sa kanya.

"bawal madaya ah!" Daldal niya. Kahit naman matalo ko wala kong pake. Pero parang masmaganda ata kung ako ang mananalo ngayon gabi.

"Hindi naman ako nangdaya. Baka ikaw"

"What ever. Dali!" Dahil mas madami akong barahang natira, ako ang unang bubunot sa mga hawak niya

nagpalitan lang kami hanggang sa dalawa nalang ang natira sakin at isa sa kanya.

Siya na ang kailangan pumili sa mga baraha ko.

7 spade at 9 hearts ang hawak ko.

Bumunot na siya at nahila niya ang 7 spade. Napangiti naman ako ng bumusangot ang mukha niya.

Hmm. 7 pala ang unggoy.

Bumunot na ako at kung sinuswerte ka nga naman, 9 clover.

"O right. First round victor tentenenen! Iesen"

"Huwag ka ngang pakampante! May two rounds pa no! Kabahan ka!"

"Ako ba dapat ang kabahan?" Ngumiti ako ng mapang-asar

"Bakit pakiramdam ko dadayain mo ko?" Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya tumawa ako ng malakas.

Hinampas niya ko sa braso "dalu na round 2 na. Ikaw magbalasa tutal ikaw naman panalo"

Buong round 2 ramdam kong kabado siya. Pfft ganon ba talaga siya katakot na mautusan ko? Hahahaha.

"YES!" Sigaw niya ng manalo siya

"Oh ibalasa mo na round two victor"

Mabilis ang naging proseso hanggang sa naging dalawa nalang uli ang hawak ko baraha at isa sa kanya

Dahil siya na ang bubunot ay ngumiti ako ng mapang-asar

"Aishh shet" bulong niya ng hindi kapareho ng hawak niyang cerd ang nabunot niya

Tinapat niya sa akin ang dalawa niyang baraha at nakapikit pa ng malapit na kong bumunot.

Okay. Queen hearts. Hindi nanaman kapareho ng 10 spade.

para naman siyang nakahinga ng maluwag dahil doon.

Tinaas ko na ang dalawa kong baraha at kunwaring sumimangot kahit na ang totoo queen naman ang nakuha niya.

"Takte naman! Dinadaya mo ko eh!" Reklamo niya tsaka itinago ang baraha sa likod niya.

"Grabe siya mangbintang oh!"

"Che! Bunot na!" Nahawakan ko na ang isang card ng bigla niya uling hilain patago sa likod niya "wait!"

"Aba ang daya naman non! Ikaw nga tong nangduduya eh!"

"Ikaw yun! Siguro nakita mo no?!"

"Aba namasa pa ng kadayaan! Bilis bubunot na ko"

Pumikit siya uli ng bubunot na ako.

"NO WAY! NANDAYA KA EH!" sigaw niya ng mabunot ko ang 10

"I won. Now follow my order slave"
I smiled like a real victor.



TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top