Chapter 2: Sapphire Treatise
Iesen's POV:
Kasalukuyan akong nasa bus ngayon, pauwi galing sa bahay ni Tita Sorce.
Hawak ko sa kamay ko ang Libro na ka ipit naman ang Ballpen na kasama nito.
(Flashback)
"... But not just a simple Book & pen"
"Bakit ano naman po ang kakaiba dito-" ibubuklat ko sana ang libro ng pigilan niya ako
"Hijo, makinig ka sa lahat ng sasabihin ko" Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak uli ang libro at panulat "Gusto ko gumawa ka ng kwentong wala ka"
Kunot noong sumagot ako sa kanya "Ho? Kwentong wala ako? Oww hindi ko pa natatry ang horror!"
"Ako na nagsasabi na hindi mo gugustuhin na Horror ang isulat sa librong to" Ngumiti siya uli "Isulat mo ang bagay na wala ka, na magpapasaya sayo sa librong yan"
"Diretso sa librong to?" Tanong ko
"Oo hijo. Pero" Tumigil siya sa pagsasalita saglit "Bubuksan mo lang ang librong yan kapag alam mong handa mo ng isulat ang kwento mo. Tanging ang panulat na yan lamang ang pwede mong gamitin sa pagsulat sa libro" inabot niya uli sa akin ang libro
"Isa pa, ito ang huli at dapat mong tandaan, Huwag mong isasarado ang libro hanggat hindi mo natatapos ang kwento. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Bakit, ano bang meron sa librong to? Sa ballpen na to? May magic ba to? Pfft" Medyo nakakakilabot siya.
"It's more than magic. Makikita mo sa oras na matapos mo ang kwento sa librong ito" Sagot niya "Umuwi ka na Sen. Umpisahan at tapusin mo ang kwentong makakapagpasaya sayo. Kapag may problema, bukas ang mansyon ko sayo at sa librong bigay ko"
(End of flashback)
Meron ba talagang kakaiba sa librong to?
Bakit hindi ko pwedeng buksan hanggat hindi ko alam ang isusulat ko?
Bakit bawal isara sa hanggat hindi tapos ang kwento?
Ang dami kong tanong ko, pero isa lang ang pinakasagot sa tanong ko
Kailangan ko ng gumawa ng bagong kwento
•~•
Andito ako sa grocery ngayon. Kailangan ko ng stock sa bahay.
Una akong pumunta sa mga canned foods. Para kapag tinamad akong magluto.
Sinunod ko ang mga pagkain na pwede ng makain sa isang pakulo lang ng tubig.
gusto ko sanang bumili ng isda o baboy o manok, kaso mas fresh kapag sa palengke ka bumili. Maarte ako, ayoko ng frozen meat.
"Anak bakit mo ininom agad yan? Hindi pa natin nababayaran yan" napatingin ako sa magnanay. Gusto ko kasi ng Yakult, dutchmil, freshmilk at gatorade kaya ako nandito sa drinks section
"Mama uhaw na Jeo, sowi po" sagot nung batang lalaki sa nanay niya. Cute.
"Halika na, hinahanap na tayo ng Daddy mo" sinakay niya sa cart niya yung anak niya atsaka tinulak na paalis sa drinks section. Family Life.
Kinuha ko na lahat ng gusto kong inumin tsaka pumunta sa mga gulay at prutas.
•~•
Naglalakad ako papuntang kotse ko bitbit lahat ng pinamili ko.
Sa may parking lot, may lalaki at babaeng masayang nag-uusap
"Tangina mo! Hahahaha mukha kayang sapatos si Mike haha" sabi ng Babae
"Makalait ka kay Mike ah. Ang hirap talaga kapag gwapo lagi momg kasama, pangit na lahat" mayabang at iiling iling na sagot ng lalaki
"Ayy humangin na. Halika na nga bestfriend, baka tangayin ako sa kayabangan mo" Best friend. Tch.
Pumasok na ko sa kotse ko at nagdrive papunta sa isang kilalang fastfood. Kailangan ko ng maghapunan, tinatamad akong magluto.
Umorder na ko atsaka umupo sa bakanteng upuan. Nasa kabilang table ay maggirlfriend/boyfriend.
Pinakinggan ko ang usapan nila, kagaya ng nakagawian ko.
"Ehh 4 years na tayo. Wala ka pa bang balak magpakasal?" Tanong nung babae
"Hon, kailangan ko pang mag-ipon. Ayoko namang mamatay kayo sa gutom ng magiging anak natin. Baka tagain na talaga ko ng itak ng tatay mo, mahirap na" sagot nung lalaki
"Pero, buntis na ako diba?. Magagalit lalo si Papa kapag nalaman niya" cliché.
Dumating na ang order ko. Paalis na rin ang nasa kabilang table.
Kailangan ko ng magandang plot para sa magandang kwentong gagawin ko.
•~•
"The Mermaid"
"Ang dagat-"
Agad kong pinunit ang pang isangdaang papel ata ng scratch notebook ko.
Tangina! Seryoso? Mermaid? Anong nasa utak ko?.
Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Ano bang makakapagpasaya sakin?
ang sakit ng Likod ko. Sana may girlfriend ako na kayang hilutin ang likod ko. Siguro ang saya say- agad akong napabangon sa kama ko. May naisip na kong kwento!
Agad kong kinuha ang libro at ballpen na bigay sa akin ni Tita Sorce at sinimulan na ang kwento ko
"Life is simple for Iesen.
Everyday is like a same cycle that happens repeatedly.
He wakes up, eat breakfast, Work, eat, work, go home, sleep and wake up again the next day.
Everything is so simple, until one girl came to his life.
Sapphire Treatise change everything in his world"
•~•~•~•~•~•
MegNote:
Short. Ik.
Salamat sa votes keke.
Salamat kay Honey BaddestPiNKFemale sa magandang bagong book cover ('∀'●)♡
THANK YOU ULIT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top