Chapter 19: Hecate
Sapphire's POV
Nagising ako na wala na si Sen sa tabi ko. Aba himala nauna siyang bumangon sakin ngayon.
Inayos ko ang sarili ko tsaka naghilamos at nagtoothbrush.
Pagbaba ko palang ng hagdan may na-amoy kaagad akong kakaiba. Ano yun?
Naabutan kong si Sen na parang batang hinahampas yung tubig sa batya sa lababo. Halatang inis yung mukha niya.
Nakita kong may pagkain sa lamesa. Wow nagluto siya.
"Good Morning Dad! Ang ganda ng araw ko nagluto kasi ang boyfriend ko" umupo agad ako sa tapat ng lamesa
"Don't eat that. Sasakitan ka lang ng tyan tss."
May corn beef sa harap ko, uhhm kung corn beef pa nga ang tawag dito. Sabihin nalang nating toasted Corn beef.
Meron ding sinangag na kanin. Ahh toasted rin siya.
"Wow Sen! Ang galing ahh, ngayon lang ako naka kita ng toasted corn beef! Astig"
"Sige mang-asar ka pa. Akin na nga yan" kukunin niya sana ang platong may cornbeef kaso naunahan ko siya "Ano ba. Akin na nga yan. Sasakitan ka lang ng tyan dyan. It's not edible to eat"
"No! Ano ka ba pinaghirapan kaya to ng Boyfriend kong lutuin! Wag ka ngang makialam"
Naglagay na ko ng toasted fried rice sa plato ko at pagkatapos corn beef na rin. Napansin kong may cup na kape sa lamesa.
"Aww anong nakain mo't nagluto ka at pinagtimplahan mo ko ng kape?"
"Wag mo nalang kainin at inumin yan"
Hindi ko nalang siya pinansin.
Lasang sunog. Masyado sigurong napabayaan itong bawang.
Yung kape masyadong matamis aba! Gusto niyang iparating na sweet siya?
Tapos yung fried rice hay ang alat.
Alam kong di kaaya-ayang kainin tong nagawa ni Sen. Pero bakit ganun?
Pakiramdam ko ito na ang pinakamasarap na almusal na nakain ko.
"Ang sarap ah! Turuan mo naman ako nitong toasted specialties mo Dad!" Sabi ko ng may laman pa ang bibig.
"Paano mo nakain yan? Ako nga masuka suka na eh" nakabusangot na salita niya
"Wala eh Masyado kitang mahal" sabi ko sabay kindat.
Iesen's POV
Nakatingin lang ako kay Sapphire habang naghuhugas siya ng plato.
Kagabi alam ko na sa sarili kong mahal ko si Sapphire. Nung hindi ko siya makita, kinabahan ako ng sobra. Hindi ko na ata kayang wala siya.
"Matunaw naman ako niyan Dad"
"Hindi yan"
"What are you thinking? Parang sobrang lalim niyan ah"
Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya. I feel so cheesy today. Dahil ba sa naamin ko sa sarili kong mahal ko siya?
"Ma huwag mo kong iiwan ah" pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
"Saan naman ako pupunta? Atsaka Dun ka nga Dad, naghuhugas ako ng plato oh"
"Ehh hayaan mo na ko" natapos siyang maghugas ng plato na para akong unggoy na nakayakap sa kanya. Ang sarap niyang yakapin.
Nagpunas na siya ng kamay at yumakap rin sakin. Ang saya lang.
"Ang harot mo ngayon" kinurot niya ng mahina yung tagiliran ko. "Maligo ka na nga dun. May pasok ka diba?"
"Kiss mo muna ako"
"Ang landi naman" natawa ako bigla. Ang sarap niya kasing landiin.
"Isa lang sige na"
Hinawakan niya ang dalawa kong tengga at mahinang hinila parehas.
"Muka kang unggoy dad" Dinikit niya yung noo niya sa noo ko. "I love you Iesen"
"I love you too Phire" I kiss her after telling her those words.
Nakasakay na ko ng kotse. Nakakainis man pero kailangan kong magtrabaho ngayong araw.
"Lumayas ka na nga Sen" Nakatayo lang si Phire sa gilid ng pintuan
"Ayokong pumasok Ma" Kanina ko pa sinasabi sa kanya yun pero ayaw niya kong magabsent sa trabaho.
"Huwag makulit. Magagalit ako"
I sighed bago iistart ang sasakyan.
Palabas na ko ng gate ng bigla siyang sumigaw
"Sen! I LOVE YOU! INGAT KA AHH! PAPAKASALAN MO PA KO"
Yung puso ko tangina.
Sorcery's POV:
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makita kong may taong nakatayo sa may bintana dito sa kwarto ko.
Kahit nakatalikod siya, kilalang kilala ko ang pigyura ng taong to
"Your house is nice"
Hindi na ko nagulat ng bigla siyang magsalita kahit na nakatalikod siya. God yan eh.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Masama bang dalawin ang kapatid ko?" Humarap siya sakin at ngumiti.
"Hecate" Lumapit siya sakin at yumakap
"I miss you Sorcery"
"Hindi mo ko kapatid Cate"
She smiled again "Look at you. Hindi bagay sayo ang ganyang mukha. You look so old"
Kinumpas niya ang kamay niya at nakaramdam ako ng kakaiba. Lumingon ako sa salamin at nakita kong bumalik ang itsura ko sa pagiging dalaga.
"Much better"
Si Hecate ang Goddess of magic. Siya ang nagbigay saakin ng mga spell.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagbabakasakaling mapapayag kang sumama na sa akin"
Isa lang akong mortal. Nakilala ko si Hecate noong sinusubukan kong gumawa ng spell. She tries to convince me na mali ang mga ginagawa kong spell that's why it's not working. Doon nagpakilala siya sa aking bilang totoong Hecate. The Goddess of witchcraft, sorcery and magic.
Madalas niya na kong isama kung saan. Naging kapatid ang turing niya saakin at ginusto niya akong magtrabaho sa lugar nila. Ginusto niya kong maging apprentice niya. Kapalit noon ang walang hanggang buhay at kapangyarihan pero iiwan ko ang lahat dito sa lupa.
Hindi ko ginusto yun kaya binalik niya ako dito.
"Hindi ako sasama sayo Cate"
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan.
"Smells like magic" nakapikit si Hecate.
Binuksan ko at nakita ko si Lisa. Kinausap ko siya saglit pero lumapit din si Hecate. Mabilis kong pinaalis si Lisa doon at sinarado ang pintuan.
"She's from the book right?"
Tumango lang ako bilang sagot
"She's not real. She's just an illusion"
"No they're not"
"Oh, 'They?' So madami na sila?" Para akong kinilabutan "I want to meet all of them. Tutal ayaw mo namang sumama sakin, why not take one of you creations"
"Hecate hin-"
"Sa akin mo natutunan ang lahat ng yan. Sa akin galing ang kapangyarihan mo. Lahat ng gawa mo ay dahil sa akin. May karapatan ako Sorcery"
Para akong pinanghinaan ng tuhod.
"Aalis na ako. Kung hindi ka sasama sa akin sa susunod, might as well bring one of your creation. Hanggang sa muli" may puting liwanag ang tumapat sa kanya. Nawala yun kasabay ng pagkawala niya.
Humarap ako sa salamin. Bumalik na uli ako sa dati kong itsura. Pero ang kaba na nararamdaman ko hindi nabawasan.
Isa lang ang nasa isip ko. Si Sapphire.
TBC.
__________________________________
A/N
i don't own the character of Hecate.
Si Hecate ay Greek mythology.
Tutal fantasy naman to, ilelevel ko na to the highest level hahaha.
So vomment and spread ❤ Thank you fo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top