Chapter 17: Blue Light


Sen's POV:

Dinampot ko agad ang cellphone ko at sinagot ng may tumawag. Si Sapphire.

"Hello? May problema ba? Ba't ka tumawag?"

[Iesen nakalimutan kong sabihin, wala na tayong stock dito. Wala kong maluto huhuhu Wala tayong ulam mamayang gabi]

Natawa naman ako. May pagkaisip bata talaga to kahit kailan.

"Ngayong tanghalian may makakain ka pa ba?"

[Oo yung cupnoodles dito. Pero mamayang Dinner wala! Bawal ba talaga kong lumabas? Mamalengke lang ako]

"Wag ka na lumabas. Pagtyagaan mo muna yung Cupnoodles. Mamayang gabi sa labas nalang tayo kakain. Dadaanan nalang kita dyan. Bukas nalang tayo mamali. Wala naman akong pasok bukas"

[Okay~ Ingat ka dyan tapos I Love you mwahh]

"Sige" napangiti nalang ako bago ko patayin ang tawag.

Hay Sapphire, Ano bang ginagawa mo sakin?

Sabay kaming kumain ng lunch ni Trick. At ang lalaki si Sapphire pa rin ang bukang bibig.

"Grabe pare san mo nakilala si Sapphire? Ang ganda talaga niya! May kapatid ba yun? Shet ireto mo naman Pare"

Pfft. Magulang nga wala yun eh, kapatid pa kaya.

Pero si Tita Sorce daw nanay niya diba. Sa pagkakaalam ko may lalaking anak si Tita Sorcery. Ibig sabihin may kapatid si Sapphire.

"Meron. Lalaki. Reto kita? Sabihin mo lang kung nababakla ka na para malayuan na kita"

"Oy hindi ah. Sayang naman. Di bale wala namang forever. Mabebreak din kayo ni Sapphire tapos ako dadamay sa kanya. Maiinlove siya sakin at boom! Pakakasalan ko siya"

"utot mo. Di yun magiging iyo" dahil pagbaliktarin man ang mundo, parang machine si Sapphire na nakaprogram na ako lang ang mamahalin niya.

"Wow siguradong sigurado ka ah"

"Ganon talaga kapag gwapo. Tsaka ikaw magtigil ka nga. Akala ko ba kay Euji ka na? Suko ka na?"

Nakita ko namang napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan niya. Kahit gaano ka masayahin ang isang tao may bagay talaga na makakapagpatanggal ng ngiti nila sa mukha. Kagaya ni Trick. Si Euji talaga ang kahinaan ng isang to.

"Alam mo ba pre. May boyfriend na siya"

"Let me rephrase it for you pre, 'may boyfriend nanaman siya'" Tumingin siya sakin at ngumiti "Sabi mo nga walang forever diba? Hanggat hindi siya kinakasal wag kang mawalan ng pag-asa"

"Salamat pare. Pero may tanong ako. Gusto ko sagutin mo ng seryoso ah"

"Ano?"

"Gwapo ba ko?"

Halos mabuga ko yung kinakain ko sa kanya. Tanginang tanong yan! Akala ko seryoso.

"Anong tanong yan?"

"Sagutin mo nalang"

Aba mukang seryoso nga ang gago.

"Yung totoo, Oo. Tapos sabi pa ng ibang nagtatrabaho dito ang lakas ng appeal mo. Baka hindi lang talaga mahulog sa charms mo si Euji"

"Hayy. Gayumahin ko kaya yun"

"Oy Gago. Itigil mo nga yang iniisip mo"

"Joke lang di ka mabiro. Pero paano kaya?"

"Wag mong itutuloy yan"

Tumawa nalang siya bago namin ituloy ang pagkain namin.



Nagdadrive na ko papuntang bahay para sunduin si Sapphire.

Ang ganda ng buwan. Full moon tapos ang dami pang star. Sayang ang sarap magnight picnic sa grass field ngayon.

Di kasi ko nakapaghanda. Kung hindi pa nga siguro sinabi ni Sapphire na walang stock sa bahay siguro hindi kami makakalabas ngayon.

Bumusina ako ng tatlong beses bago lumabas ng kotse dahil hindi naman lumabas ng bahay si Sapphire.

"Sapphire?" Tawag ko ng makapasok ako sa loob

"Sapphire nasaan ka?"

Papasok sana ako sa kwarto namin ng mapansin kong parang may kakaiba sa book shelf ko.

Lumapit ako dun at may napansin akong liwanag.

Halos matumba ako sa pwesto ko ng makita kong nanggagaling sa libro na pinagmulan ni Sapphire yung libro.

Shit yung nakasulat sa book cover na 'Sapphire Treatise' mismo ang umiilaw. Kulay blue.

Napansin kong nanggagaling mula sa buwan ang ilaw.

Hindi ako makagalaw. Shit si Sapphire?! Nasaan siya?!

"SAPPHIRE!" sigaw ko ng may pagkabagabag dahil hindi ko naman mabuksan ang libro.

"SHIT SAPPH-

"Yes Iesen makasigaw tayo?" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Ang bilis ng tibok ng puso. Akala ko wala na siya. Akala ko iniwan niya na ko

"Saan ka ba nanggaling?! Kanina pa kita hinahanap"

"Sorry. Kasi napagod ako sa paglilinis eh. Naligo ako pagkagising ko hehe"

Hawak ko pa rin ang libro. Hindi na to umiilaw kagaya ng kanina. Siguro dahil hindi na to nasisinagan ng buwan.

"Aalis pa ba tayo? Nagugutom nako eh"

"Sandali lang antayin mo ko dito. Wag ka munang lalabas. Sandali lang to"

Dala ang libro, pumasok ako sa loob ng kwarto.

Nilock ko ang pinto para makasiguradong hindi makasunod si Sapphire.

Kinuha ko mula sa ilalim ng mga damit ko yung kahon na pinaglalagyan ko ng mga importanteng bagay simula nung bata ako.

Kumuha rin ako ng maliit na tela para ibalot sa libro. Kailangan walang makakakuha ng librong. Kahit si Sapphire.

Alam ko sa sarili kong iba na ag nararamdaman ko kay Sapphire. Alam ko ring may kinalaman yun sa mga sinulat ko sa libro.

Sa ngayon, hindi ko pa matatanggap kung mawawala agad si Sapphire sa tabi ko.

Napabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang katok sa pintuan.

"Oyy Sen naman! Nagugutom na ko! Ano ba yan? Mamaya na yan pag-uwi"

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at tinago sa pinakailalim ng aparador ko.

"Oo andyan na"

Lumabas na ko ng kwarto at naabutan ang mukha ni Sapphire na nakabusangot.

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya.

"Ano ba?! Nababaliw nanaman to!"
Reklamo niya

"Tara na nga"

Nauna na siya sa labas dahil sinigurado ko munang maayos ang bahay.

Ng masigurado kong okay na ang lahat ay lumabas na rin ako.

Isinarado ko na ang pinto at nilock ng maayos para safe.

Hinanap ng mata ko si Sapphire.

Kaso nagulat ako sa eksenang nakikita ng dalawang mata ko.

Nahulog mula sa kamay ko lahat ng hawak ko.

Si Sapphire.

Kagaya ng libro kanina.

Si Sapphire umiilaw.

Si Sapphire nasisinagan ng ilaw mula sa buwan.

Shit. Anong ginawa ko?


TBC.
________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top