Chapter 15: Mr. & Mrs. Klingberg
_____
Sapphire's POV:
Kasalukuyan akong nanonood ng Tv. Kakatapos ko lang kasing maglinis at maglaba. Si Sen na ang bahala mag Plantsa ng damit niya. Kakapagod huhu.
Mamaya onti magluluto na ako ng tanghalian. Dinadamihan ko na nga eh para abot hanggang mamayang gabi.
Ay nako magluluto nalang talaga ako. Medyo corny yung palabas eh.
Nilagang baka ang naisip kong lutuin. Kaya inaantay ko pang lumambot yung Karne.
*ding dong*
Oh may tao?
Baka si James! Yung Gay naming neighbor.
Pwede ring si Van! namiss ko agad yun ah.
O baka si Sen kasi may babalikan? Pero hindi na yun nagdodoor bell eh. Busina ginagawa nun.
Iniwan ko muna ang niluluto ko at lumabas ng bahay.
Wala kong makitang ulo nung sumilip ako. Baka si Van!
Mabilis akong tumakbo sa gate. Nakangiti ako ng sobra ng buksan ko ang gate.
Pero hindi si Van ang nakita ko.
Isang Babaeng maganda. Alam kong matanda na siya pero maganda pa rin siya at her age. Parang si Mama Sorce lang.
"Uhhm Hello po. Sinong pong hanap niyo?"
"Sino ka?" Tanong niya. Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya "Bakit ka nandito sa pamamahay ng anak ko? Sa pagkakaalam ko bahay ito ni Iesen Klingberg diba?"
Nagtango lang ako ng ulo bilang sagot. Oh My God. Mama to ni Sen?
Anong gagawin ko?!
"Ano ka niya? Bakit ka dinadala ng anak ko dito? May relasyon ba kayo?" Kalmadong tanong niya pero sunod sunod. Gusto kong biglang magtago!
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Good Afternoon po Mrs. Klingberg, Ako po si Sapphire Treatise. Girlfriend po ni Iesen"
"Girlfriend ni Iesen? I'm sorry I didn't catch your name. Pardon please"
Kahit kinakabahan na ko ay ngumiti pa rin ako na parang normal "Sapphire po. Sapphire Treatise"
"Sapphire? As in S-A-P-P-H-I-R-E?" kung kanina parang kinakabahan ako ngayon medyo nabawasan na onti lang. Gusto ko kasing matawa sa sinabi niya eh.
"Opo"
"O My God! -" / "*beep*"
May sasabihin pa sana siya ng biglang bumusina ang kotseng nasa likod niya kaya lumapit siya doon. May sinenyas yung nasa loob bago siya bumalik sa harap ko.
"Hija pwede bang sa loob na tayo mag-usap, naiinip na kasi ang asawa ko"
"Sige po" Pumasok ako sa loob para pindutin ang automatic button ng gate.
Unti-unting bumalik lahat sa utak ko ang nangyari. Hala! Nandito ang parents ni Iesen! Anong gagawin ko?!
Nasa kusina ako ngayon para ituloy muna ang niluluto ko. Inexcuse ko naman na yung sarili ko sa kanila.
Kakain rin kaya sila dito?
Malamang naman Sapphire no!
"Anong niluluto mo?"
Muntik naman akong mapatalon ng may biglang nagsalita sa likod ko. O God!
"Oh I'm sorry, nagulat ata kita" she smiled sweetly. Kamukha niya si Iesen "Anong niluluto mo Hija, Sapphire?"
"Nilagang Baka po"
"Wow, Mukang magaling kang magluto ah. No wonder nagustuhan ka ng anak ko. Nung huling beses akong pumunta dito mukang dinaanan ng bagyo dito. Ngayon ang linis ng bahay" napangiti naman ako sa sinabi niya. Shet pinupuri na ata ako ni future mother-in-law.
Pinahinaan ko na muna yung niluluto ko. Humila si Err Mrs. Klingberg ng upuan at sinenyasan ako na umupo sa tabi niya.
"Hindi papala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Mrs. Ayen Klingberg, Ang Mommy ni Iesen. Just call me Tita Ayen"
"Sapphire po ulit" niyakap naman niya ko imbis na shake hands lang. Napakawarm ng yakap niya.
"Hindi talaga ako makapaniwala. I don't know if this is only pure coincidence, pero Hija alam mo ba pangarap ko magkaroon ng anak na babae at papangalanan ng Sapphire? Too bad hindi na ko nabiyayaan ng isa pang anghel. Sabi ko nga kay Iesen dapat magkakaroon siya ng Sapphire sa buhay niya, and look, andyan ka na. Expected ko papangalan lang niya ng Sapphire anak niya. Asawa pala gusto niyang may Sapphire na pangalan" naramdaman kong namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Asawa agad?
"Talaga po? I'm actually speech less" nahihiyang sabi ko.
Mahina siyang tumawa, yung tawang may class. "Nasabi ko na bang, ang Ganda mo? Kung hindi pa, Hija ang Ganda ganda mo. Ang galing pumili ng anak ko"
"Ibig sabihin tanggap niyo po ako para sa anak niyo?" Bago ko pa mapag-isipan, nasabi ko na agad. O my God.
"Sinong aayaw sa isang kagaya mo? maganda, marunong magluto, malinis at mukang mabait" ngumiti uli siya. I feel like I'm really floating!
Sabay sabay kaming tatlo kumain.
Habang nasa kainan kami, doon ko natignan ng maayos ang Daddy ni Iesen. Hindi siya mukang asian, Mukha siyang foreigner.
Oo nga pala, hindi naman mukang pang asian ang Klingberg eh. Anong bansa ba yun? Antagal tagal ko ng boyfriend si Iesen pero di ko alam ang lahi niya. Tsk.
Natapos kaming kumain na halos lumaki ang ulo ko sa puri nila sa niluto ko. Pasado na talaga ko bilang daughter-in-law ehehehe.
"Uhm Mr. Klingberg-"
"Oh my bad. I didn't introduce myself yet. My name is Ivo Konstantin Klingberg, but you can call me Tito Ivo. It's nice meeting you Sapphire. Du bist so schön"
Kung gwapo si Iesen, syempre may pinagmanahan. Ang gwapo ng tatay niya. Sa kanya nakuha ni Iesen yung mga mata, they sparkles.
"Hello po Tito Ivo. Nice meeting you too and Danke" I smiled as I held my future father-in-law's hand.
"You can understand German?" Tanong ni Tita Ayen.
"Yung mga basic lang po. Madalas din po kasi akong gamitan ni Iesen"
"Mein Sohn ist dein" this time hindi ko na naintindihan ang sinabi niya. Yung kanina sabi niya I'm so beautiful. Pero ngayon di ko na alam.
Nakunot lang ang noo na naging dahilan para sabay silang tumawa. May nakakatawa ba? Hala baka may dumi mukha ko! O kaya may paminta ngipin ko? pero nagtoothbrush naman ako ah! Nakita ko pa ma mukha ko sa salamin kanina. Anong nakakatawa?
"Any guess kung ano ang sinabi ni Ivo?" Nakangiting tanong ni Tita Ayen
"sorry po, pero di ko po talaga naintindihan" ngumiti nalang din ako. Shems baka dahil dun di na nila ako magustuhan!
"I said, My son is yours"
Ilang segundo rin siguro bago napasok yun sa utak ko.
Oh My God. Iesen nasaan ka na ba?
Pinapatay na ko sa kilig ng magulang mo!
TBC.
---
A/N:
Si Iesen lang ang may kakayahang mag-pa-asul ng mata ni Sapphire. Kahit pakiligin man siya ng kung sino man, normal lang ang magiging reaction niya. kay iesen lang siya magbu-blue eyes.
Wag na malito okae?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top